Take #4

Kwatro Cansejos
Please Subscribe to read the full chapter

 

TAEYEON. 

 

 

 

 

 

 

“Paki-ayos yung ilaw sa labas!” 

 

“Asan na ba si ano!”  

 

“Okay! Standby na!” 

 

“Nandito Ulit, Take number 7!” 

 

“Action!” 

 

 

So ayun na nga, samut-saring ingay ang maririnig sa set kanina, as usual. Laging may nakatutok na camera sa mukha mo. Camera dito, camera diyan. Medyo matagal na rin ako sa ganitong industriya, pero minsan naiisip ko na baka hindi talaga pag aartista ang dapat na tinahak ko. 

 

Grabe, hindi ko kinakaya ang lamig ng Baguio, para akong lalagnatin everytime na sa outdoor ang taping namin. Mag hohold ka talaga ng pantog sa sobrang lamig, jusko! Tiis pantog ang peg. 

 

Miss ko na mga bebegurls ko — ang tatlo kong mga munting alagad. Huling message ko sa kanila ay two days ago pa nung nakarating na kami sa Baguio, si Mommy lang ang na uupdate ko dahil sa email siya nag memessage. 

 

Ay oo nga pala, nandito ako ngayon sa van at nagpapahinga, kakatapos lang ng taping namin at inabot na kami ng madaling araw, siguro ay alas-tres na. Hindi pa kami umuuwi dahil may need pa asikasuhin yung isang manager ko. Dalawa ang dala kong manager ngayon, yung isa ay ka-close ko na dahil siya na ang manager ko ever since na nagsimula ako maging artista, siya yung kinuha ng management ko. I have a new manager na kakasimula palang magtrabaho last month. 



 

Close kami nung matagal ko ng manager, siya yung driver ko ngayon while yung bago kong manager na kasama ko ngayon sa loob ng van, natutulog siya doon sa shotgun seat at mukhang pagod sa daming inuutos ni Direk kanina sa kanya, hindi niya naman trabaho iyon pero ginagawa niya pa rin. 

 

Bumukas yung pintuan sa driver seat at sumilip si Sooyoung sa backseat kung nasaan ako ngayon. 

 

“Gusto mo na ba umuwi?" obvious na tanong niya.

 

“Oo naman.” sagot ko agad. 

 

“Sana naman ay tapos na dito mag taping, sobrang hirap idaan yung van sa bundok.” pagrereklamo ni Sooyoung.

 

Tuluyan na siyang pumasok sa loob ng driver’s seat at sinarado ang pinto para walang makakarinig ng pang babackstab niya ngayon. 

 

“Pinag-uusapan ka kanina nung mga taga production staff…medyo stiff ka raw.” 

 

Lumaki ang butas sa ilong ko saka napasinghal.

 

“Paano hindi magiging stiff eh sa akin nakatutok yung fan.” hindi ko na kaya pigilan tawa ko. 

 

Naalala ko yung pag clench ng pwet ko dahil sobrang lamig ng hangin habang sinasabi ko yung line ko.

 

Tumawa nang medyo malakas si Sooyoung kaya natawa na rin ako pero agad kaming napatigil nang gumalaw yung kasama namin. 

 

“Nagising ka ba namin, Steph?” mahinhin na tanong ni Sooyoung. 

 

Nakikita ko lang na gumagalaw si manager na hindi ko close sa shotgun seat, nakaramdam ako ng hiya dahil nakalimutan ko na may kasama pa pala kami. 

 

“Huh…no, it’s okay lang, Soo.” 

 

Soo? 

 

Close na sila… 

 

“Oh.” 

 

“Oh!” 

 

Narinig ko yung malakas na kaluskos sa shotgun seat tapos bigla naman sumulpot ang ulo ni manager Steph sa likod ng upuan, nagtama ang tingin namin, kita ko sa mukha niya ang pagkagulat.

 

“Hala! Sorry nakatulog ako during working hours…” biglang humina ang boses niya. 

 

Ngumiti naman agad ako. 

 

“It’s alright, tapos na naman ang taping.” 

 

“Pero hindi ko po kayo na brief sa schedule niyo bukas,” bigla naman bumaba ang tingin niya sa katawan ko, “Tapos hindi ko kayo nabigyan man lang ng kumot.” 

 

Tinapik siya ni Sooyoung, “Girl, ayos lang. Ako naman nag-asikaso sa kanya after nung taping, saka hindi ka naman matatanggal agad sa trabaho dahil doon.” 

 

Tumango lang ako para sumang-ayon kay Sooyoung. Nagawa niya na naman ang trabaho niya kanina and hindi naman masasabi na she’s slacking off, she work very hard kanina para i-assist ako during the whole taping. 

 

“Pwede mo naman akong i-brief pagkauwi natin sa hotel.” dagdag ko. 

 

Hindi na naman kami nagtagal masyado sa set at umalis na rin kami kasama yung ibang staffs na convoy namin. Hindi na ako makatulog simula nung nagising ako kanina, parang gusto ko munang tumambay mamaya sa Burnham Park. 

 

Bahala na….





 

Online meeting via Meet mamayang 5. 

 

Taping will resume bukas. 

 

Na brief na ako kanina ni Manager Steph sa schedule ko ngayon, free day ko at susulitin ko na. Nandito pa ako sa kwarto at hinihintay na matapos maligo si Sooyoung para makagala na kami sa Burnham Park. Si Winter lang na message ko para mag update at hindi ko na nagawang mag message sa group chat namin dahil hindi ako makakatulog agad kapag dumaldal pa ako sa mga kapatid ko. 

 

Iniwan ni Sooyoung na nag pplay ang dala-dala niyang mini radio device na tumutugtog ngayon ng How Deep Is Your Love. 

 

Keep me warm in your love! Then you softly leave..

 

 Nakisabay na ako sa pagkanta. 

 

Sinabayan ko pa ng pag tap sa lamesa with matching pagpikit ng mata habang humuhuni, singer yata talaga ako at hindi artista, chaz! 

 

“Feel na feel ang kanta ah.” 

 

Nilingon ko si Sooyoung na kinukuskos ang buhok gamit ang towel niya, nakasuot na agad siya ng damit, may mga bahid na ng moisturizer ang mukha niya. 

 

“Sasama pala sa atin si Steph at tinatanong niya kung pwede ba raw siya pumunta saglit sa souvenir shop.” pagpapaalam ni Sooyoung. 

 

“Sige lang, hindi niya naman need magpaalam dahil free day naman ngayon.” 

 

“Ay ako rin pala ay bibili ng souvenir para kay bebeloves.” singit naman ni Sooyoung. 

 

Hanga talaga ako kay Sooyoung dahil ang healthy ng relationship niya sa kanyang boyfriend na soon-to-be husband niya (hindi pa sure, sana raw). Sobrang busy ng schedule ko kapag may project na ganito at kadalasan ay umaalis pa kami sa Manila or overseas pa minsan. 


Na mamanage nilang dalawa nang maayos yung relasyon nila kahit sobrang busy nilang dalawa. Wala naman ako masyadong alam tungkol sa boyfriend ng manager ko bukod sa pagiging high school teacher ng boyfriend niya. Hindi naman pala kwento si Sooyoung sa lovelife niya. 

 

Lumabas na kami ng kwarto at kinatok ang kwarto nila Manager Steph na nakabihis na agad. Pareho kaming tatlo na may suot na jacket, sa akin ay windbreaker at beanie na kulay purple. Pagkalabas namin ay hindi na ganon kalamig kaya dire-diretso kami na naglakad lang papuntang Burnham Park. 

 

Hindi na kami sumakay ng van para ma enjoy ang ganda ng Baguio. Ganda talaga. 

 

Narating na namin ang Burnham Park na medyo kakaunti palang mga tao. Agad naman na nag pipicture ng kung ano-ano itong mga kasama ko, hinayaan ko lang silang dalawa na maglibot, at ako, ito naglalakad lang at tumitingin ng mga saradong stalls. 

 

Huminto ako sa likod ni Manager Steph na busy mag selfie sa malaking statue ng elepante sa likod niya as her background

 

“Taeyeon! Halika picture ka dito!” 

 

Wala naman akong magagawa kaya lumapit na lang ako sa kanya at nag pose sa camera katabi yung elepante. 

 

“Isa pa.” 

 

Ibang pose naman ginawa ko, hinawakan ko yung trunk nung estatwa. 

 

“Smile ka naman kahit konti.” pinakita pa ni Manager Steph kung paano dapat ako mag smile. 

 

Nilagay ko sa loob ng pocket ng jacket ko yung kamay ko para maayos ang pose ko at ginaya ko yung ngiti ni Manager. Nang makita ko na satisfied na siya sa picture na nakuha niya umalis na ako sa harap ng estatwa. 

 

Medyo nakalayo na ako kay Manager Steph kung nasaan siya ngayon pero tanaw ko pa rin siya, nakatayo pa rin siya sa tapat ng estatwa at may tinitignan sa phone niya. 

 

Nag stay lang yung mata ko sa direksyon niya at tahimik ko lang siyang pinapanood sa kung ano man ang ginagawa niya. 

 

Ngayon ko lang nakita ang buong mukha niya, i mean ngayon ko lang siya natitigan ng matagal. 

 

“Strawberry…” 

 

Naalis ang tingin ko kay Manager Steph dahil sa maliit na bata na tumigil sa harapan ko, yumuko ako nang konti para makita yung bata na papunta sa kaliwang direksyon. Hindi naman siya ganon kalayo sa akin pero hindi rin siya ganon kalapit. 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
sulatin
Hi everyone! It’s been a while..

Comments

You must be logged in to comment
winrina__09 #1
uy uy uy
Eybrelros #2
Yuhooo padaan mangangamusta lang👨‍🦯
EzraSeige
#3
Chapter 7: 😣😤😍😍😍💙❄
Eybrelros #4
Chapter 7: Kulay ng buhok ang usapan winons hindi yung glossy pink lips at nunal sa may baba HAHAHAHA Ang layo ng tingin mo😆
Eybrelros #5
Chapter 6: Kuya Pedro or San Pedro na yan? Awit ha 😆
swinder
#6
Chapter 6: Deds na ba si kuya pedro?
juuzouxiii #7
Chapter 6: hahahahahaha kuya pedro anong binatak mo adik ampochi
juhyuneeeee
98 streak #8
Chapter 6: hala oy anong ganap ni kuya pedro baket parang ang creepy naman 😭😭😭