— 06.

Hanap
Please log in to read the full chapter

(Note: POV pa rin ni Maya; morning ng —04.)

 

 

Halos dalawang linggo na pala ang nakakalipas nang mapadpad ako rito't napagpasyahang manirahan pansamantala. Sa magda-dalawang linggo na 'yan, pakiramdam ko ang dami nang nangyari.

 

Sa araw-araw, mas nakilala ko pa 'yung mga taong lagi kong nakakasalamuha dito. Nakakatawa lang maalala na noong unang araw ko dito ay panay ang asar nina Hana at Fita sa'ming dalawa ni Hansel. Hanggang ngayon naman, basta may pagkakataon sila. Nasanay naman na ako't sinasakyan pa nga sila. Wala ring araw na hindi boring dahil sa kanila.

 

Sa loob ng magda-dalawang linggo na 'yan, habang tumatagal ay dumadalas ang paglabas-labas naming tatlo nina Hana at Hansel. Minsan naman ay nasa karinderya kami, minsan nandito lang sa bahay. Tatambay, manunuod ng movies o drama. May pagkakataon din na tinutulungan ko si Fita sa homeworks niya at kung ano pang may kinalaman sa pag-aaral niya.

 

Nai-kwento ko na rin sa kanila 'yung ibang bagay na tungkol sa'kin. Kung taga-saan talaga ako, bakit at paano ako napadpad dito, tungkol sa family ko, at kung ano-ano pa.

 

Bukod kay Willow. Sa babaeng nasa litrato na pinakita ko sa kanila noong araw na magpunta kami ng playground. Hindi naman nila ako kinukulit tungkol sa bagay na iyon, bagay na pinagpapa-salamatan ko. Malalaman din naman nila't masasabi ko rin iyon, pero hindi muna sa ngayon.

 

Paminsan-minsan ay tumatawag ako kanila Mommy at Daddy, pati na rin sa bestfriend kong si Demi. Updated naman sila tungkol sa mga pinag-gagagawa ko rito at lagay ko.

 

Miss ko na sila kahit papaano, pero ayaw ko pang umuwi at naiintindihan naman daw nila 'yon.

 

Hay.

 

Kasalukuyan akong nakahiga dahil halos kakagising ko lang din. Anong oras na ba?

 

Kumapa ako sa ilalim ng unan ko at saka hinablot ang cellphone ko.

 

Alas otso palang ng umaga. Medyo maaga pa.

 

Agad na rin akong bumangon at inayos ang pinag-higaan ko. Nang matapos ay nagpunta naman ako sa C.R. para maghilamos, mag-mumog, at kung ano pa.

 

Hindi rin naman ako nagtagal at lumabas na rin ako ng kwarto. Naramdaman kong kumulo na ang tiyan ko.

 

Nagugutom na ako.

 

Bago pa man ako tuluyang maka-baba ng hagdan ay may naamoy na akong kung ano na niluluto. Si Hansel siguro 'yun.

 

Magmula manirahan ako rito sa kanila, ganito ang araw-araw na eksena kada magigising ako. Sa kahit anong oras na magising ako, sa tuwing bababa ako ng hagdan na ito ay nasa baba siya at madadatnan ko. Nagluluto, nagkakape, o kaya naman nanunuod ng T.V.

 

Nang makumpirma kong siya nga ang nagluluto, ilang saglit din akong napahinto.

 

Ito nanaman 'yung kabog ng dibdib ko sa tuwing makikita siya. Kahit likod niya lang ang nakikita ko ngayon, may epekto talaga. Hindi naman ito 'yung unang beses na maramdaman ko 'to. Aaminin kong sa halos dalawang lingo na nandito ako, ilang beses ko 'yun naramdaman basta makikita siya. Ni kahit marinig ko lang siya, para na akong kinakabahan.

 

"Good morning!" Bati ko sa kaniya.

 

Agad naman siyang lumingon sa kinaroroonan ko at sinundan pa ako ng tingin dahil kasalukuyan akong papunta kung nasaan ang ref. Hindi man ako direktang nakatingin sa kaniya ay alam ko kapag nasa akin ang atensyon niya. Or assuming lang ako minsan?

 

"Good morning din, Maya. Gutom ka na? 'Di pa ko tapos eh. Hehe. Makakapag-hintay ka ba?" Saad niya at saka itinuon na ulit ang atensyon niya sa pagluluto.

 

"Oo naman 'no, ba

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet