— 05.

Hanap
Please log in to read the full chapter

Maya's POV

 

 

"Hija, nawawala ka ba?" Tanong ng isang babae sa'kin pagkalapit na pagkalapit niya sa'kin.

 

Base sa itsura niya, siguro mga nasa forties siya. Tiningnan ko lang ang ale dahil hindi ko malaman ang isasagot ko't alam ko namang hindi talaga ako nawawala.

 

Nanatili lang akong tahimik nang tumikhim siya at magsalita ulit.

 

"Kailangan mo ba ng matutuluyan? Kanina pa kasi kita napapansin na parang may hinahanap ka. May maleta ka pang dala. Mukhang hapong hapo ka rin, heto tubig. Malinis iyan at kakabili ko lang naman, inumin mo na."

 

Tinanggap ko naman agad ang inabot niya sa'king bote ng mineral at saka nilagok 'yon hanggang maubos ang laman.

 

Nginitian ko siya at saka nagsalita, "Salamat po sa tubig, Nay. At opo, naghahanap po kasi ako ng pwedeng matutuluyan talaga ilang araw na. Ang kaso lang ho, puro wala nang bakante na rooms 'yung mga napuntahan kong hotels sa mga pinanggalingan ko pati rito sa bayan." Napakamot ako sa ulo ko dahil kanina pa talaga ako stress dahil do'n.

 

Mag-dadalawang linggo na magmula nang umalis ako sa bahay. Nagpaalam naman ako sa mga magulang ko at alam nila ang dahilan ng pag-alis ko. Nag-suggest pa nga silang dalhin ko ang kotse ko pero tumanggi ako at tya-tyagain ko kako ang paghahanap sa pakay ko.

 

Ngayon, sising sisi ako. Sana dinala ko nalang pala. Pero hayaan na't tapos na.

 

Sa paghahanap ko, nanggaling na ako sa kung saan-saan. At heto, hanggang sa napadpad ako sa isang bayan dito sa Cavite.

 

"Tamang tama at may bakante kaming kwarto sa bahay. Gusto mo bang sa amin ka muna manatili? Huwag kang mag-alala at ligtas doon. Aapat lang naman kami sa bahay at abala naman ako sa karinderya ko. Ang asawa ko'y madalas wala roon dahil sekyu 'yon."

 

Bigla akong nagkaroon ng ideya sa sinabi ni Nanay. Napag-isip isip ko rin kasing magpahinga muna sa paghahanap. Hindi ko sigurado kung ilang araw, linggo, o buwan ang aabutin ko. Pero dahil hindi pa ako handa sa huling karoroonan ko, baka maiging dito muna ako.

 

"Wala namang problema sa akin, Nay, basta may matutuluyan ako, ayos na. Hindi ko lang po sigurado kung hanggang kailan ako sa inyo kaya heto po-" dinukot ko ang pitaka ko sa likod na bahagi na bulsa ng pantalon ko at saka bumunot ng iilang libo at iniabot sa matanda. "Nay, kung may sobra man d'yan, itago niyo nalang po."

 

Nagulat naman ang matanda sa iniabot kong pera sa kaniya. Ayaw niya pa sanang tanggapin dahil libre niya naman daw akong papatirahin doon sa kanila pero tumanggi ako. Nakakahiya na hindi niya ako kilala pero gusto niyang patuluyin ako. Nakakatuwa lang na napakabuti ni Nanay.

 

Sinabi ko nalang na isipin niyang rerentahan ko 'yung kwarto na tinutukoy niya. At ayon, pumayag naman siya dahil wala rin siyang magawa't makulit daw ako.

 

"Halika na, hija. Ako na'ng bahala riyan sa bagahe mo. Isipin mo nalang na kasama ito sa naibigay mo dahil sobra-sobra talaga iyon. Medyo malapit lang naman at maglalakad lang tayo." Tumango na lamang ako kay Nanay dahil alam kong hindi rin siya magpapatalo sa'kin.

 

May iilan siyang bitbit pero tingin ko'

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet