— 02.

Hanap
Please log in to read the full chapter

"Okay guys!!!" Sigaw ng bestfriend ko habang nakapalakpak.

Nandito kami ngayon sa sala at oo, pinasama ni Mama si Hana para daw may katulong ako dito sa pag-aasikaso sa napulot niya. Hehe napulot. Natatawa tuloy ako sa isip-isip ko.

"Umpisahan na natin ayusin 'yung kwarto ni Maya— beh Fita umalis ka diyan sa gitna ni Maya at ng ate mo. Bigyan natin sila ng kaunting moment bago tayo mag-start dito."

Sinamaan ko ng tingin si Hana pagkatapos niyang sabihin 'yon sa kapatid ko. Sinunuod naman ni Fita 'yung sinasabi nung ulupong. Ano nanaman bang trip nito?!

"Pero ate Hana, hindi naman ako sasali sa paglilinis niyo dito eh." Naka-ngusong sabi ng kapatid ko habang nakatingin sa bestfriend ko.

"Eh bakit ka nandito?"

"Nakichismis lang ako kasi may bago kayong kasama. Nakita ko rin kasi 'yung tweet mo kanina, ate Hana. Tapos—" tumingin si Fita sa ngayong katabi ko na si Maya. "Teh ang ganda mo naman. Sabi ni ate Hana jowa mo raw 'tong ate ko. Sabi ko na nga ba! Sobrang lapitin talaga ng magaganda 'tong ate ko kahit sobrang sungi—"

Hindi ko na pinatapos pa sa pagsasalita si Fita at binusalan ko na siya sa bunganga gamit ang palad ko. Nakakainis! Ano ba 'tong mga tao sa paligid ko!

Agad naman kumalas sa'kin si Fita at kitang kita ko kung paano sila tumawa ni Hana ng pagkalakas-lakas. Kabilang na roon si Maya. Ano ba?!

"Hindi ko siya jowa. Haha.." pagsasalita ni Maya pero natatawa pa rin. "Thanks sa compliment. Maganda ka rin, at saka itong ate mo."

Enebe?

Agad na nagtilian naman 'yung dalawa. Si Hana napaka-OA gumulong gulong pa sa sahig at naglulu-luhod. Parang tanga eh.

"Bes napaka-OA mo! Tumigil ka na nga diyan?! Naiinis na ako, sinasabi ko sa inyo. Sasamain na talaga kayo ni Fita sa'kin, nakakailan na kayo ha." Pagsusungit ko pero ang totoo niyan, natatawa ako sa loob-loob ko.

Napatingin ako sa katabi ko pero hindi ko pinahalata na nagulat ako. Nakatingin kasi siya sa'kin habang pangiti-ngiti. Inirapan ko nga. Nakita ko na nawala 'yung ngiti niya. Haha.

"Okay serious na tayo, guys." Umayos na ng pagkakatayo si Hana at saka nagsalita ulit, "Ikaw Fita, lumayas ka na dito. Tama na pakikipag-chismis mo, hindi ka naman pala tutulong. Alis! Wala kang bilang dito." Pagtataboy niya sa kapatid ko. Ganiyan talaga 'yan magsalita, parang gago lang.

Dumampot ng maliit na unan sa sofa si Fita at saka binato 'yung bestfriend ko. "Oo na lalayas na! Marami pa akong gagawin, umuwi lang naman ako kasi mamaya pa ulit next class ko. Diyan na kayo, babush!"

"Oo tama 'yan, mag-aral ka ng maigi. Hindi 'yung pagchi-chismis tungkol sa love life ng ate mo inaatupag mo. Ako nang bahala dito sa ate mo. Magiging sila din niyan ni lodicakes Maya. Shooo!" Aba talaga naman, Hana?!

Nilapitan ko 'yung bestfriend ko at saka kinurot siya sa tagiliran. 'Yung baon na baon.

"Aray ko, Hansel! Joke lang naman eh!" Sigaw niya habang hinihimas 'yung pinag-kurutan ko sakaniya.

"Deserve!"

 



 

Pasado alas singko na ng hapon nang matapos kami ni Hana mag-ayos ng gagamiting kwarto ni Maya. Sa sobrang tagal ba namang na-tengga nung kwarto, grabe ang alikabok at dumi sa loob. Mabuti nalang talaga't nandiyan ang bestfriend ko para tulungan ako dahil kung wala, hindi pa ako nag-uumpisa ay puro na ako reklamo at ang magiging ending no'n, kagagalitan nanaman ako ni Mama.

Kung tatanungin kung bakit may bakanteng kwarto sa'min, ako talaga ang nagmamay-ari no'n. Hindi kasi ako sanay na mag-isang matulog kaya ang nangyari, magkasama kami ni Fita sa iisang kwarto. Naalala ko pa, hindi naman ganito noon ang bahay namin. Dahil sa sipag at tiyaga ni Mama sa karinderya niya kaya namin i

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet