— 03.

Hanap
Please log in to read the full chapter

Isang linggo na ang nakakaraan noong kumain kami sa labas nina Hana at Maya. Sobrang late na nga rin kami nakauwi noong araw na 'yon dahil itong si Hana, humirit pa na tumambay sa playground at makikipag-kwentuhan daw kami kay Maya.

 



 

"Naglayas ka ba, 'bon?" Diretsuhang tanong ng kaibigan ko kay Maya.

 

Nandito kami ngayon ni Hana nakaupo sa may swing habang si Maya ay nakaupo lang sa gilid na bench at nanunuod lang sa amin.

 

Nakita ko kung paano siya huminga ng malalim bago nagsalita, "Totoo niyan is may hinahanap kasi ako.."

 

"Ngi? Ano ba 'yung hinahanap mo? Tao, bagay, hayop, o ano ba?"

 

Itong si bes parang tanga rin minsan magtanong eh. Ay, hindi minsan, palagi pala. Pero naitanong ko rin sa sarili ko, ano nga kaya?

 

"Hmm teka-" May dinukot siya na kung ano sa bulsa ng pantalon niya at saka iniabot niya kay Hana. Litrato. "Siya. And umalis ako ng bahay ng may paalam, hindi naman lumayas."

 

Lumapit ako kay Hana para makita kung sino o ano ba 'yung tinutukoy niya.

 

Babae. At ang ganda niya.

 

Napatingin ako kay Maya at nakita kong nilalaro niya 'yung mga daliri niya. Kinakabahan ba siya na ewan? Parang lumungkot din 'yung awra niya.

 

Tumayo ako at saka tinabihan siya. Hindi ko alam kung anong trip ng kamay ko at biglang gumalaw saka hinawakan ang mga kamay niya.

 

"Uy, ayos ka lang ba? Kalma ka."

 

Tumango lang siya at saka nagsalita, "Ayos naman ako. Salamat."

 

"Nawawala ba siya? Pwede naman natin siya ipa-KMJS, oh kaya naman tumawag tayo kay Dj Chacha, oh kaya kay Papa Jack." Pagsabat ni Hana.

 

Oo nga. Kung nawawala naman pala, ngayon din pwede kaming humingi ng panawagan agad.

 

"Hindi. Hindi 'yun basta gano'n. Basta. Hehe."

 

"Jowa mo ba 'yan, 'bon? Ang ganda eh. Kung ako ikaw, syempre hahanapin ko rin 'yung ganiyan kaganda kahit mapadpad pa ako kung saan. Siguro internet love mo 'yan na ghinost ka, 'no? Tapos hinahanap mo kasi mahal mo siya ganito ganiyan." Walang preno talaga kadaldalan nito ni Hana.

 

Nilapitan ko nga't kinotongan. "Sira ka talaga. Ang dami-dami mong sinasabi mamaya hindi na pala komportable si Maya sa mga pinag-tatatanong mo!"

 

"Hindi, ayos lang 'yon, H-hansel." Uutal-utal na sagot ni Maya.

 

Ito 'yung unang beses niya akong tinawag sa pangalan ko. Kaya ba siya nauutal? Nahihiya yarn? Chariz.

 

"Malalaman niyo rin 'yon kung bakit. Pero hindi pa ngayon. Sorry."

 

Tumayo si Hana at saka tumabi kay Maya, "Ano ka ba, hindi mo naman kailangan mag-sorry tungkol diyan at hindi mo obligasyong ipaalam sa'min 'yan lalo kung ayaw mo talaga. Pasensya ka na minsan sa bunganga ko, ha? Ganito lang talaga ako pero mabait naman ako. 'Di ba, Hansel?"

 

"Oo na, oo na. Tigil mo na 'yan at baka mamaya hindi lang ako ang susuntok sa'yo, kundi pati si Maya na." Sagot ko habang naka-pamaywang. Tumawa naman 'yung loko-loko.

 

Natawa na rin si Maya.



 




 

 

"Good morning!" Masayang bati sa'kin ni Maya pagkakita na pagkakita sa'kin nito sa kusina.

 

Medyo maaga akong nagising, siguro mga alas sais. Nagkape lang ako at tumambay dito. Naabutan ko pa nga sila Mama at Papa na kumakain dito kanina bago sila nagkanya-kanya gawa nang may duty si Papa, at si Mama maagang magluluto sa karinderya niya.

 

Tiningnan ko 'yung wall clock namin at saka tumingin kay Maya, "Ang aga mo ha, half past six palang talaga."

 

"Nanaginip kasi ako then nagising ako bigla. Hindi na ako makabalik pa sa sleep.." sagot niya habang humihikab hikab pa.

 

Sa isang linggo na namin siyang kasama rito sa bahay, nasanay na rin kami. Nagkakausap din kami tuwing nandito ako sa ba

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet