— 01.

Hanap
Please log in to read the full chapter

"Hansel extra rice pa nga! Pahingi na rin ng sabaw!"

Agad akong nagsandok ng kanin pati na rin ng sabaw na hinihingi ng isang customer ko. Halos hindi ako magkanda-ugaga sa dami ng tao ngayon dito sa kainan umagang umaga. Nasaan na ba si Mama?! Iniwan niya nanaman ako dito, alam niya naman na lunes at mabenta ang karinderya namin kapag ganitong araw.

Naglakad na ako papunta sa kinaroroonan ng customer ko at saka inilapag 'yung kanin at sabaw na hiningi niya, "Oh, ayan na 'yung kanin at sabaw mo. Bayad! Akin na 'yung bayad at baka utangin mo nanaman!"

"Ikaw ang aga-aga, ang sungit mo. Babayaran talaga kita, hindi kita tatakasan! Parang tanga eh." Reklamo niya. Paano, last week pa 'yan panay ang kain dito pero ayaw magbayad. Mayaman naman siya! Dahilan niya, wala siyang barya kaya utang daw muna.

"Sinasabi ko sa'yo, Hana! Kapag hindi ka nanaman nagbayad tamo konyat ka na sa'kin. Sa'yo na talaga kami malulugi, ang lakas lakas mo pa man din lumamon. Pangatlong kanin mo na nga 'yan." Bwelta ko sa bestfriend ko sabay irap. Natawa nalang siya at saka ipinag-patuloy na ang pag-kain. Alam niya naman kasi na biro ko lang 'yon.

"Nasaan pala si tita at mag-isa ka ngayon dito? Ang dami pa man ding tao, kaya siguro ang sungit mo rin. Halika nga rito, susubuan nalang kita para mawala 'yang badtrip mo. Aaahh ka aahhh." Hindi naman na ako tumanggi sa pag-subo niya ng pagkain sa'kin. Ganito kami ka-close ng bestfriend ko. Sa ilang taon naming magkakilala na, hmm 5 years? Kulang nalang magkapalit na kami ng mukha.

Paano kami nag-kakilala? Dito din sa karinderya ni Mama noong nasa highschool pa kami. Isa siya sa mga suki raw talaga ni mama. Ewan bakit at paano pero noong araw na 'yon, isinama ako dito ni Mama at pinagbantay. Dumating 'yung grupo nila at dito kumain tapos ayon, kung matatandaan ko eh siya 'yung pinaka-maingay sakanila kaya nasungitan ko kasi hindi lang naman siya 'yung tao no'n sa kainan. Hanggang sa ayon na, hindi niya na tinantanan 'yung pang-bubwisit sa'kin.

"May pinuntahan lang daw saglit pero hanggang ngayon wala pa rin. Hayaan na. Sige na, diyan ka na muna, bes. Kapag matapos ka na, pwede paki-tingnan muna saglit? Maghuhugas lang ako ng mga pinagkainan sa loob kasi tambak na agad. Hays."

"Ayan ganyan mabait ka lang sa'kin kapag kailangan mo ng tulong ko. Sino ba ako para tumanggi? Sige na lumayas ka na't baka samain ka pa sa'kin, magbago pa isip ko."

Agad kong hinila 'yung ilang hibla ng buhok niya, "Tangina mo ang dami mong sinasabi. Diyan ka na nga! Hindi pa rin 'yan libre ha, bayaran mo 'yang mga kinain mo sinasabi ko sa'yo." Lumakad na ako papasok ng kusina pero narinig ko pa rin 'yung pag-ngawngaw niya.

"Ouch ha! Ikaw Hansel kung hindi lang talaga kita kaibigan inamo blah blah blah blah—" natawa nalang ako at saka inumpisahan nang maghugas ng mga plato.

May dalawang buwan na kaming graduate ni Hana pero napagpasyahan kong magpahinga na muna't tulungan nalang muna dito si Mama sa karinderya niya. Malakas naman ang kita namin dito at si Papa, nagtatrabaho bilang guwardiya sa isang factory. Wala ring problema sa pagpapa-aral sa nakababata kong kapatid na si Fita dahil iskolar siya. Sobrang sipag ng batang 'yon sa pag-aaral, wala akong masabi. At si Hana, tulad ko jobless era niya. Pahinga lang din daw muna siya, dahilan niya eh gin

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet