— 04.

Hanap
Please log in to read the full chapter

Why do birds suddenly appear
Every time you are near?
Just like me, they long to be
Close to you

 

Nakatambay kami ngayon ni Hana sa karinderya ni Mama. Halos kakauwi lang namin galing mall kasama si Fita dahil namili kami ng kailangan niya sa school at saktong itong si Hana, bibili raw ng medyo kalakihan na speaker na de bluetooth kaya isinabay na kami sa kotse niya.

 

Pero ang gago, kaya pala namili ng speaker kasi ilalagay niya raw dito sa karinderya ni Mama. Para raw ganahan lalo 'yung mga kumakain, kabilang na siya ro'n. Mayroon naman na daw siyang hinandang flash drive na naglalaman ng libong kanta, para raw hindi boring dito o kaya naman i-connect lang daw ni Mama sa bluetooth ng cellphone niya at mag soundtrip daw ng paborito niyang Aegis.

 

Why do birds suddenly appear
Every time you are near?
Just like me, they long to be
Close to you

 

Ayaw pa nga sana tanggapin ni Mama at nakakahiya nga raw. Magkano rin kasi 'yung speaker pero sabi ni bes, libre kain nalang daw siya rito. Ganito lang din talaga kamahal ni Hana si Mama, napaka-galante kung minsan. At dahil madali namang kausap si Mama pagdating kay Hana, kaya eto, inaayos niya 'yung binili niya.

 

Kanina pa nga ako naiinis dito, paano ba naman kasi? Kanina pa paulit-ulit sa 'Why do birds chuchu' 'yung kanta. Sino hindi maririndi, 'di ba?

 

Why do birds suddenly appear
Every time you are near?
Just like me, they long to be
Close to you

 

Sinamaan ko ng tingin si Hana dahil umulit nanaman 'yung kanta sa umpisa. Hindi na natapos tapos, paos na 'yung kumakanta.

 

"Ano ba 'yan, bes?! Hindi na natapos si ate sa kinakanta niya, ako na kaya aayos d'yan?" Sigaw ko habang hinihilot 'yung kanang tainga ko na kunwari nasasaktan na.

 

Tinawanan lang ako nung gunggong, "Relax ka lang kasi d'yan! Ang dami-dami mong reklamo, kanina nga pinahawak ko na sa'yo hindi mo nga maayos! Tingnan mo si Tita, kahit paulit-ulit, todo sabay pa rin sa song. Tsss. Wala 'to guys." Sagot niya na may pailing-iling pa.

 

"Bilisan mo na d'yan. Kapag 'yan umulit nanaman sinasabi ko sa'yo, wala nang kalalagyan 'yan dito." Maangas kong sabi sa bestfriend ko.

 

Itinuloy niya lang 'yung pagkalikot sa speaker nang makita ko si Maya na naglalakad papunta yata sa gawi namin ni Hana. Nagkatinginan pa kami habang papalapit siya.

 

Why do stars fall down from the sky
Every time you walk by?
Just like me, they long to be
Close to you

 

Hmm? Ba't iba na 'yung lyrics?

 

"Oh panis. Dumating lang si Ibon, nagka-himala na. Tita! Ayos na 'yung speaker mo oh. Ang galing ko naman talaga." Proud na pagbibida ng bestfriend ko kay Mama. "Tita, baka naman? Pwede ba akong makahirit d'yan ng tosilog? Nagutom ako eh. Hehe."

 

"Ikaw talagang bata ka, aba'y syempre! Halika rito at ikaw na'ng bahala sumandok ng gusto mo. Kumain ka nang kumain!"

 

Napangiti nalang ako kanila Mama at Hana. Ang cute lang kasi talaga nila minsan.

 

"Hi?"

 

Napatingin ako sa nagsalita. Nandito nga pala si Maya at 'di ko na namalayang nasa tabi ko na siya.

 

Mag-dadalawang linggo na noong napadpad siya rito sa'min. Habang tumatagal, mas nagiging close kami. Habang patagal nang patagal, nakikilala ko siya lalo. Mula sa mga hilig at ayaw niyang pagkain, mga hobby niya, tungkol sa family niya, kung sino 'yung mga malalapit niyang kaibigan, at kung ano-ano pa. Puwera doon sa babaeng nasa litrato na

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet