03.

Between the Lines
Please Subscribe to read the full chapter

It's been a week since I started working here I must say na it's easier nga compared sa pakikipaglaban sa underground. I just have to protect this brat and that's it so far wala pa namang sumusubok na saktan siya aside doon sa nangyari sa bar. Pero kahit na ganon ay nami-miss ko na rin ang pakikipaglaban pakiramdam ko hindi kumpleto ang linggo ko ng walang pinapatumba sa octagon, I also miss my sister though everyday naman niya ako ina-update. 

 

I bought her a new cellphone kaya ayun tuwang tuwa luma na kasi yung cellphone na gamit niya madalas nagla-lag kapag may online classes siya pero right now more on face to face na sila. Isang linggo na rin simula ng huli kong makasama ang kapatid ko pero tinitingnan tingnan naman siya ni Kuya Johnny. Bakit ba kasi walang day-off ang pagiging bodyguard e, pero bakit pa ba ako magrereklamo malaki naman kinikita ko rito. 

 

Speaking of that brat, ang hirap makipag-deal sa ugali niya dahil short tempered lang din ako but I swear to God I am trying to be patient with her. Ilang beses niya akong pinagtripan kung ano anong nilalagay niya sa pagkain ko as if doing that can make me quit this job. I think napipikon na nga siya kasi nagawa kong magtagal ng isang linggo.

 

Kung ako sa kanya? susuko na lang ako. 

 

"Hi, good evening." napatingin ako sa tatlong babaeng pinapasok ng mga maid sa loob ng bahay nandito kasi ako ngayon sa may living area dahil nasa kwarto lang naman si Winter hindi naman pwedeng hanggang kwarto niya e susundan ko siya. 

 

"Good evening, Miss Giselle." bati ng maid doon sa babaeng nagsalita. They must be her friends. 

"Uy ikaw ba si Karina?" nilapitan ako nung isang nakawolf cut. 

"Omg! ikaw yung bodyguard ni Winter? ang pretty mo naman para maging bodyguard!" singit naman nung isa na color pink ang buhok. 

"Kalmahan niyo naman baka ma-warschock sa inyo si Karina." awat nung Giselle sa kanilang dalawa. 

"Hi, I'm Giselle, and that's Ryujin and Minju." iniabot niya ang kamay niya sa akin at nagpakilala. 

"Nice to meet you." sabi ko naman bago makipag-shakehands sa kanya.

"Nice to meet you, Karina!" ang taas ng energy nung Minju nilapitan niya ako at instead na makipaghandshake ay bigla niya akong niyakap na ikinagulat ko naman. 

"Pasensya ka, normal sa kanya yan." paghingi ng pasensya ni Giselle sa akin, I just smiled at them kasi they look nice naman. How come naging kaibigan sila ni Winter? 

"Nice to meet you, Karina. Single ka ba?" tanong sa akin ni Ryujin.

"Hoy! ikaw lahat na lang ng bodyguard dito titirahin mo ba ha?" asar sa kanya ni Minju. 

"La pagasa kay bebe yeji e baka kay karina meron." she smiled sheepishly. 

 

"Ingay naman." napatingin kaming lahat sa may hagdan ng marinig namin ang boses ni Winter. 

"Oh? akala ko ba magsiswimming tayo at mag-iinom bakit naka pantulog ka?" tanong ni Ryujin sa kanya mukha nga kasing kagigising niya lang din talaga.

"Inom na inom te? Di pwede mag dinner muna tayo?" 

"Uso ba yon?" 

"Sama na natin si Karina sa dinner!" pag-aaya ni Minju pero halata naman na tumaas agad ang kilay ni Winter dahil sa sinabi nito.

"No, baka mawalan lang ako ng gana." napailing na lang ako sa sinabi niya.

"Don't worry about me busog pa naman ako, you guys enjoy your food maliban sa isa dyan." tiningnan ko si Winter ng nakakaasar akala niya ba hindi ko siya papatulan sige paiksian tayo ng pasensya dito. 

"Napakapapansin mong epal ka!" 

 

Pinapakalma na siya ng mga kaibigan niya nang magpunta sila sa dining area ay napag-isipan ko munang lumabas sa may garden para magpahangin, tanaw ko pa rin naman sila mula sa labas kaya magandang pwesto na rin yon just in case may mangyari. Naupo muna ako atsaka ko inilabas sa bulsa ko ang pocketknife ko, napanalunan ko ito sa isang laban ko sa Octagon they said mahal daw to kaya ingat na ingat ako at so far hindi ko pa naman siya nagagamit. 

 

Tiningnan ko lang ito atsaka nilinis ng bahagya minsan nga di ko alam kung gugustuhin ko bang gamitin to o hindi e. Nagulat ako ng biglang mag-ring ang phone ko napangiti ako ng makita ko ang pangalan ng kapatid ko sa caller name. 

 

"Ateee!" nailayo ko bigla ang phone sa tenga dahil sa lakas ng boses niya.

"Kumalma ka nga, Ning. Anyway, napatawag ka? Magkausap lang tayo kanina ah?" 

"Ate kasi gusto ko lang i-share sayo na na-approve isa ko pang scholarship!" 

"Talaga? ayos ah ang galing talaga ng kapatid ko manang mana sa ate." I proudly said. 

 

Sobrang proud talaga ako sa kanya sa lahat lahat ng ginagawa niya kaya pinangako ko sarili ko na gagawin ko lahat para masuportahan siya na makapagtapos para din maabot niya yung pangarap niya. I don't have anyone else aside from Ningning. She means the world to me kaya gagawin ko ang lahat para sa kanya. 

 

"Well, baka Ningning to!"

"I'm proud of you, Ning." 

"Thank you, Ate! Namimiss na rin kita hindi ba talaga uso day-off dyan sa work mo?"

"Hindi e. But I'll check baka makapagpaalam ako."

"What if ako na lang pumunta dyan? pwede ba yon?"

"Itatanong ko then i-update kita." 

"Okaay! matutulog na rin ako ate chinika ko lang talaga sayo yon." 

"Alright, magpahinga na. Goodnight, Ning. Mag-ingat ka palagi." 

"Ikaw din ate!" 

 

"Ngayon lang kita nakitang nakangiti ng ganyan ah." napatingin ako sa babaeng nagsalita. "Uy Benchmade 533 Mini Bugout ba yan?" napatingin siya sa kutsilyo na nasa may table. 

 

"Yeah." simpleng sagot ko sa kanya, hindi ko pa masyado ka-vibes si Yeji maybe because hindi naman kami nag-uusap at minsan lang kami magkita dito sa bahay dahil nga palagi siyang kasama ni Mr.Kim. 

 

"I also have a pocketknife here. SOG Ultra XR." 

 

"Nice, ganda." hindi ko alam paano mag-keep ng conversations tsaka bakit niya rin ba ako kinakausap ngayon? ang random lang dahil most of the time naman nagtatanguan lang kami. 

 

"Nandito pala mga kaibigan ni Miss Kim." napatingin din siya sa loob kung saan kumakain at nagkekwentuhan sila Winter. Napansin ko na parang nag-iba ang mga tingin ni Yeji, yung mga mata niya parang puno ng pag-aalala. 

 

"Ayos ka lang?" hindi ko na napigilan itanong dahil parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi, tiningnan niya ako atsaka ngumiti. 

 

"Alam mo ba may natanggap na death threat si Mr. Kim kanina." she sighed. "I'm worried about Winter too." dagdag niya. 

"Death threat? Anong sabi?" tanong ko dahil na-curious na ako.

"About his candidacy sa mga poll kasi ngayon lamang na lamang si Mr.Kim gusto nilang i-atras ni Mr.Kim yung candidacy niya." 

"Hindi mo naman kailangan mag-alala kay Winter." kinuha ko ang pocketknife ko at itinago ito sa bulsa ko. "It's my job to protect her. You have nothing to worry about." dagdag ko pa. 

"I know, I trust you na hindi mo siya pababayaan but you can't stop me from worrying about her, I just really hope hindi nila idadamay si Winter sa mga threat nila." 

"Mabuting tao si Mr.Kim I don't think may iba pang may galit sa kanya bukod sa mga kalaban niya sa politics ngayon." 

"We don't know people, Karina." napatingin ulit si Yeji sa loob. "tapos na ata silang kumain." 

"I'll go na." paalam ko sa kanya. 

"Nice talking to you, Karina." 

 

After that ay pumasok na rin ako sa loob umakyat si Winter sa kwarto niya kasama ang mga kaibigan niya kaya nag-stay ako sa may living area pero after few minutes lang ay bumaba na rin sila pero this time mga naka-pang swimming na outfit na sila though si Giselle hindi pala siya nakabihis hindi ata siya magsi-swimming, si Ryujin naman naka sando at shorts lang, si Minju at Winter ay parehong naka robe.

 

"Inuman na!" excited na sigaw ni Ryujin.

"Uy Karina do you drink ba? You should join us!" pag-aaya ni Minju sa akin. 

"I can't baka hindi ko mabantayan ng maayos si Winter." sagot ko naman.

"May point nga naman." sagot ni Giselle.

"Edi makipagbonding ka na lang sa amin tara na!" hinila ako ni Ryujin papunta sa may pool area si Winter naman ay hindi nagsasalita pero obviously nakataas na ang kilay niya. 

 

Malaki laki rin yung pool area nila, may tables and chairs and may jacuzzi pa. Iba talaga ang mga Kim. Tumayo lang ako sa may gilid kung saan matatanaw ko pa rin si Winter. "You really don't have to guard me here naman? Matulog ka na kaya." utos sa akin ni Winter. 

 

"Hindi pwede." simpleng sagot ko. 

"Whatever." agad nagbukas si Winter ng isang bote ng alak atsaka niya binigyan ng drinks isa isa ang mga kaibigan niya. 

"Gusto ko ng mag-swimming!" tinanggal na ni Minju yung robe niya I didn't expect na she's wearing a swimsuit kaya napaiwas ako ng tingin bago siya tumalon sa pool. "Huy ryujin ano na?" pag-aya nito sa kaibigan niya. 

"Tinatamad ako lumangoy te!" 

"Epal naman!" umupo si Ryujin sa may edge ng pool atsaka isinawsaw ang mga paa niya sa tubig. "Dito lang ako chill lang sa gedli." 

"Karina!" nagulat ako ng tawagin ako ni Minju. "Sure bang goods ka lang dyan? pwede ka naman maupo dito." 

"Oo nga, umupo ka na lang marami namang vacant na chairs oh." dagdag pa ni Ryujin.

"Here dito sa tabi ko." tawag ni Giselle sa akin.

"Bilisan mo na dyan para kang ewan na nakatayo dyan." pagsusungit ni Winter kaya naman agad akong umupo sa tabi ni Giselle.

"Thank you." 

"No problem, juice gusto mo? or maybe softdrinks?" 

"Goods lang ako, salamat." 

 

I sat there quietly habang pinapakinggan lang ang mga kwentuhan nila, random things na of course hindi ako makakarelate dahil hindi ko naman kilala kung sino ang mga pinag-uusapan nila but mostly lalaki na mukhang lahat related kay Winter. "Winter di ka ba magsis-swimming?" tanong ni Minju sa kanya. 

 

"Sandali naman." inilapag ni Winter ang iniinom niya sa may table atsaka tumayo. I was surprised ng tanggalin niya ang robe niya she was also wearing a swimsuit, matchy color with Minju. "OMG ANG PRETTY!" sigaw ni Minju sa kanya. 

 

"I know duh." agad namang tumalon si Winter sa pool. 

"Baka matunaw yan." bumalik lang ako sa sarili ko ng magsalita si Giselle, that was embarassing. 

"Sorry, I was..uh nagulat lang." 

"It's fine, hindi kita aasarin hahahaha." Giselle is the type na madali kong makakasundo, magaan lang siya sa pakiramdam kausap. 

 

I looked around to check the surroundings nakasanayan ko lang kaya palagi kong ginagawa. Everything seems so peaceful naman I don't think someone will barge in para manggulo also lalo na nandito lahat ng security personnel ni Mr.Kim. 

 

"I hope she's not giving you a hard time." napatingin ako kay Giselle, she's trying to initiate a conversation with me habang busy yung tatlo sa paglalaro sa may pool. 

"Well let's just say na nasabayan ko mga trip niyang gawin." 

"Nakahanap na talaga si Winter ng katapat niya." with that I realized na talagang di biro mga pinagdaanan nung mga former bodyguards ni Winter sa kanya. 

"I just hope na you don't give up on Winter." napatingin ako kay Giselle dahil sa sinabi niya. "She looks so tough outside but trust me, Karina. She's a weak one." 

"I know, there's something about her na kailangan mo talaga siyang kilalanin para malaman mo kung ano yon." Giselle smiled at me. "Tito really found a perfect person for her. I'm glad they found you." 

 

Giselle and I continued talking about random stuff habang sila naman ay patuloy na nag-iinom walang pakialam yung tatlo inom lang sila ng inom samantalang si Giselle ay halatang tinatantya niya ang iniinom niya. After few hours lang ay halatang tinatamaan na sila, they started dancing randomly na kinagulat ko. 

 

"This is gonna be a mess." bulong ni Giselle ng makita niya kung gaano na kakalat ang mga kaibigan niya. 

"Mukhang mga magsusuka na mga yan mamaya ah." 

"I just hope makatakbo pa sila sa cr?" Giselle ang I laughed because of that. 

 

"Ang daya naman kayo lang nagtatawanan dyan!" nang mapansin kami nila Minju ay nagsiupo din sila sa tabi namin. Napatingin ako kay Winter dahil paahon pa lang siya sa pool and seems like nags-struggle na siya sa paglalakad, I was about to stand na sana para alalayan siya but she signalled right away na kaya niya ang sarili niya kaya naman nanatili ako sa upuan ko.

 

"Guys, enough na sa drinks ha." awat ni Giselle sa kanila.

"KJ namaan di pa nga natin nauubos yung bote oh." sagot ni Winter, hinahanap niya yung robe niya inilipat pala ni Giselle yon sa tabi ko kaya ako na nag-abot sa kanya. 

"Pangatlong bote na yan gaga." 

"Giselle's right, tama na." inirapan niya ako ulit but this time irap lang walang kasamang 'epal ka?' 

 

Napasandal si Winter sa balikat ni Giselle. "Oh pak tumba siya." pang-aasar ni Ryujin though she's obviously tipsy na rin. "Guys I guess we need to rest na, maaga pa ko sa business meeting ni Mommy bukas." 

 

"Nubayan mga busy people." Ryujin whined.

"Che! palibhasa kasi chill chill ka lang dyan!" 

"Bunso  things pasensya naman." 

"Kaya mo pa ba maglakad papunta sa loob, Ryujin?" tanong ni Giselle sa kanya. 

"Oo naman asus." 

 

Napatingin ako kay Minju na mukhang knock out na. "Ako na bahala kay Minju, help Winter na lang siguro. Mayabang lang yan pero di na kaya maglakad niyan." 

 

"Shut up, Gi." 

 

Ryujin, Giselle and Minju walked inside na, I want to help Giselle na nga sana but medyo ayos pa naman si Ryujin kaya naman nagfocus na lang ako kay Winter. "Hindi ka pa ba papasok?" tanong ko sa kanya dahil nakaupo pa rin siya until now and sa totoo lang medyo inaantok na rin ako dahil anong oras na rin. 

 

"Ssh." I sighed but after few minutes ay tumayo na rin siya, nagpababa lang ata ng tama. 

"Kaya mo ba?"

"Kaya ko duh." 

 

Winter walked inside pero pagewang gewang na siya kaya I made sure na nakaalalay ako sa likod niya, humawak siya ng mabuti sa hagdan at naglakad but ilang steps pa lang ay muntik na siya malaglag I'm glad na mabilis ko siyang nasalo. "Kaya ko sabi ano ba." bulong ni Winter atsaka sinubukan ulit tumayo mag-isa. 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
coffeefrappucino
tapos na siya! thank you everyone ☝️

Comments

You must be logged in to comment
lilili_oli 0 points #1
Chapter 23: Thank you, author for sharing this nice story of yours. I enjoyed reading it. It’s been a while since I’ve read something like this, y’know action stories, last read ko pang action ay jenlisa lmao. So it’s really good, felt like it brought me back to 2018. It’s really good and beautifully written. Looking forward for more!
LacusClyne1124 #2
Chapter 24: Salamat tooor
howdoyouknowmee
538 streak #3
Chapter 24: Sobrnag cutie talaga netooo
emotaeyeon #4
Chapter 23: ang ganda po nitong story! thank you sa pag write at share 👏🏻😩
yuji954 #5
Chapter 23: grabe kinilig ako dun kahit na rollercoaster malala tong story na to ☝🏻😩
snowychacco
#6
Chapter 12: calix huang 😃 di na ko magtataka if pinadala niya si chaehyun para madistract niya si karina from her job 😃 ohhhh when i catch u both i swear!
Young_DP
#7
Chapter 2: Ang maldita ni winter hahaha. May aff ka po pala author ngayon lang ako na inform
bigboy123
138 streak #8
📖📖👀👀
yjimin0411
#9
Chapter 14: NEED PA TALAGA MAY MUNTIK MAMATAY HUHUHU
yjimin0411
#10
Chapter 12: BUTI NALANG TALAGA