14.

Between the Lines
Please Subscribe to read the full chapter

Kanina ko pa pilit na tinatanggal ang pagkakatali sa kamay ko pero masyadong masikip ang pagkakabuhol dito, wala naman akong ibang makita na pwedeng magamit sa loob ng kwarto na ito. Napabuntong hininga ako ng makaramdam ako ng pagod, hindi pwedeng wala kaming gawin para makaalis dito. Napatingin ako sa paligid ko dinala nila kami sa isang malaking kwarto na may dalawang poste kung saan kami nakatali ni Giselle, mayroon isang maliit na bintana 

 

 

Giselle. 

 

 

Wala pa rin siyang malay until now. Giselle fought back sa mga dumukot sa amin kanina kaya naman nasaktan siya at kitang kita iyon sa sugat na nakuha niya sa braso niya. Hindi ko alam bakit kailangan mangyari to, we were just so happy kanina when I said yes to her bilang girlfriend niya. Nag-worry pa nga siya kasi baka magulat si Ate Karina but I told her ako na ang bahala kay Ate. 

 

 

In a snap, 

 

 

Parang binawi lahat ng saya namin. 

 

 

"Giselle.." tawag ko sa kanya dahil nag-aalala na ako kung bakit hindi pa siya gumigising, hindi ko mapigilan maiyak dahil wala akong magawa para makaalis kami rito. 

 

"Oh? ayaw niyo kumain?" halos mandilim ang paningin ko ng makita ko si Calix Huang na nakatayo sa harapan ko. I know malaki ang utang na loob namin ni Ate sa kanya for helping us but hindi niya pwedeng gawin sa amin ito. "Hindi mo ba gusto Ningning? I can order something else for you." he smiled at me, tanginang dukutin ko mata neto e.

 

Bigla naman bumuntong hininga si Calix habang nakatingin kay Giselle. "Hmm, I don't think she's breathing pa." lumapit si Calix kay Giselle at akma niya sana itong hahawakan pero pinigilan ko siya. 

 

"Don't touch her!" sigaw ko sa kanya. 

 

"Hmm, just like your ate. brave huh?" 

 

"Let her go, ako lang naman kailangan mo diba?" nadamay lang naman talaga si Giselle, ako lang naman kailangan ni Calix para hawakan sa leeg si Ate Karina.

 

"Well, ikaw lang naman talaga but ano pang magagawa ko e nandito na siya?" Calix chuckled. "Ayaw mo ba siya kasama?" 

 

"Let her go." I said firmly, hindi ko hahayaan na mapahamak si Giselle. I just can't lose her.

 

"You'll have your freedom once na sa akin na si Winter."

 

"You're lying." gusto kong sumabog dahil hindi ko kayang makita ang pagmumukha niya, punong puno ako ng galit sa kanya at ang gusto ko lang gawin ngayon ay sakalin siya hanggang sa mamatay siya. "You're not gonna let us out here." 

 

"I'm a man of my words, Ningning." 

 

"Wag na wag mong sasaktan si Ate." 

 

"I don't plan on hurting her, Ning. Wag niya lang akong pipilitin." 

 

"Demonyo ka talaga!" bigla na lang siyang lumapit sa akin at tinutukan ako ng baril sa ulo. 

 

"Lahat tayo demonyo." he smirked "You just don't have any idea kung anong nararamdaman ko kaya hindi mo ko maiintindihan." 

 

"Hindi maju-justify ng nararamdaman mo yung mga pinagagagawa mo!" punyetang to wala naman akong pake sa nararamdaman niya. 

 

"Gusto mo ko maintindihan?" 

 

"Hinding hindi kita kayang intindihin, Mr.Huang." hindi ko inalis ang tingin ko sa mga mata niya, I want him to feel na hindi ako takot sa kanya. 

 

"Really? Maybe.." bigla na lang niyang itinutok ang baril niya kay Giselle. "You'll understand when she's gone." 

 

"N-no.." nanlaki ang mga mata ko ng bigla na lang niyang paputukin ang baril niya but hindi niya tinamaan si Giselle. 

 

"I'm not gonna miss next time." tumayo na siya atsaka tumingin sa mga tauhan niya. "Tanggalin niyo yung tali paano kakain mga yan?" tiningnan niya ulit ako. "I'm not that bad naman Ning so I'm gonna untie you para naman mayakap mo yung girlfriend mo because who knows? this might be the last time." pagkatapos niyang sabihin yon ay lumabas na siya ng kwarto, tinanggal naman ng mga tauhan niya ang pagkakatali sa amin bago sila lumabas pero narinig ko rin ang pagkakalock ng pinto. Agad akong tumakbo papunta kay Giselle, hindi pa rin tumitigil ang pagdudugo ng braso niya. I'm so worried na baka na-infection na ito. 

 

"Gi.." I gently tapped her cheek, "Wake up, please.." 

 

"Ning.." para akong nabunutan ng tinik sa dibdib ng dumilat siya. "A-are you okay..?" niyakap ko siya ng mahigpit. 

 

"I'm sorry..I'm..I'm really sorry.." her mom will kill me for sure kapag nalaman nila na muntik na mamamatay ang anak nila dahil sa akin. 

 

 

I'm not gonna let Ate Karina choose, I need to save myself too. Ate did so much thing for me and I guess oras naman na para ako yung tumulong sa kanya. We're gonna get out of here, I'll do whatever it takes. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Kanina pa ako palakad lakad hindi ko alam ang gagawin ko, I thought of calling Ji because she might help me with this but I also know na she acts so reckless and I can't risk that because she might end up getting hurt as well. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko, I'm not gonna bring Winter to Mr.Huang dahil alam ko ang pwede niyang gawin sa kanya. 

 

"This is.." napaupo ako sa couch, I feel like crying but mas nangingibabaw ang galit ko kay Mr.Huang. 

 

 

"Karina.." napatayo ako ng makita ko si Winter na lumabas ng kwarto ko. "Ayos ka lang..?" she can't know about Ningning ang Giselle right now dahil baka mag-volunteer pa siya pag nalaman niya. 

 

 

"Y-yeah.." I lied. "Namiss ko lang bigla parents ko." nilapitan niya naman ako atsaka niyakap. 

 

 

"You're such a baby." Winter never failed to make me feel calm, her embrace feels like home. "But for sure, miss na miss ka na rin nila." dagdag ni Winter habang nakayakap pa rin sa akin. We stayed in that position for few minutes hanggang sa marinig ko ang paghikbi niya. 

 

 

"Umiiyak ka ba?" tanong ko sa kanya, humiwalay ng pagkakayakap sa akin si Winter at saka pinunasan ang luha niya. "Ayos ka lang ba?" puno ng pag-aalala kong tanong dahil bigla na lang siyang umiyak. 

 

 

"Hmm, tears of joy. I'm just so happy to be with you." naglakad si Winter papunta sa kusina para uminom ng tubig. "Karina, naisip ko lang.." sinundan ko naman siya. 

 

 

"Why don't we stay here for one more night?" Winter looked at me, smiling. "Like..since you miss your parents why don't we stay here muna for one more night?" 

 

 

"We can't, nag..naghihintay sa'yo ang daddy mo." 

 

 

"I can call him naman." 

 

 

"Winter, hindi pwede." 

 

 

"Why not?" napaiwas ako ng tingin kay Winter, hindi ko alam ang isasagot sa kanya. "Come on, it's not gonna hurt to stay here for one more night maiintindihan naman nila daddy tsaka nakakatamad pa kaya bumyahe." 

 

 

"I'm gonna call Ji--" 

 

 

"I'll do it! don't worry." Winter smiled at me bago siya tumakbo pabalik sa kwarto ko upang kunin ang cellphone niya. 

 

 

 

Anong meron at bakit gusto niya pa mag-stay dito..? 

 

 

 

After few minutes ay lumabas na siya ng kwarto pero this time suot suot niya ang isa kong hoodie na nakatambak lang sa closet ko. "Bakit mo sinuot yan? hindi ba maalikabok?" tanong ko sa kanya. 

 

 

"Hindi naman and I'll be needing this since malamig sa labas."

 

 

"Ha? anong gagawin natin sa labas?" napatingin ako sa relo ko. "It's 4 am in the morning." 

 

 

"I don't know? gusto ko ng mcdo. may nadaanan tayong mcdo kanina on our way here, malapit lang so let's walk there." 

 

 

"Winter it's danger---" 

 

 

"Karina please?" Winter stared at me, begging as if nakadepende ang buhay niya rito. "I know it's dangerous but please don't make me feel na i'm really running away, I don't want to be scared anymore." 

 

 

"Can't I just live normally? even for a day?" tanong niya ulit sa akin. 

 

 

"Alright, we'll have breakfast sa mcdo." 

 

 

 

Winter and I walked together papunta doon sa mcdo na malapit sa amin, hawak hawak ni Winter ang kamay ko habang  tahimik na naglalakad. There's something weird about her simula kanina pa paggising niya. 

 

 

"Ayos ka lang ba?" hindi ko na napigilan magtanong. 

"Hm?" tiningnan niya lang ako atsaka ngumiti "Oo, bakit?" 

"Nothing." 

"Ikaw? ayos ka lang ba? parang ang lalim ng iniisip mo kanina pa." naramdaman ko ang paghaplos ni Winter sa thumb ko. 

"Iniisip ko lang kung kailan matatapos to." 

"Matatapos din to soon." 

 

 

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan ng sabihin niya yon bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko, at nagumpisa na naman maghalo halo lahat ng iniisip ko. 

 

 

"Yay we're here!" excited na pumasok si Winter sa loob ng mcdo agad kaming dumiretso sa kiosk mabuti na lang ay wala masyadong tao. "Anong order mo?" tanong niya sa akin. "I'll have coffee lang, hindi naman ako gutom." 

 

 

"Tsk corny mo naman." 

 

 

"Gusto ko ng twister fries and pancake tapos yung cheesy eggdesal kaso baka hindi ko naman maubos haaaay." Winter took her time thinking kung ano lang ang oorderin niya. Naging favorite niya na siguro pagbebreakfast sa mcdo kasi palagi silang nag-oorder ni Ningning or di naman kaya e mag-aaya sila lumabas ng dis oras ng gabi. 

 

 

Ningning..God I wonder anong kalagayan niya ngayon.

 

 

"Sige na orderin mo na yon, I'll help you pag di mo maubos." 

 

 

"Really?!" I smiled at her pagkatapos niya mag-order ay dumiretso ako sa counter para magbayad. We waited few minutes lang bago namin nakuha ang order namin dahil nga konti lang ang tao. 

 

 

Humanap na kami ng pwesto para makakain na siya pagkaupo pa lang namin ay nilantakan niya na agad yung twister fries, kinuha ko naman yung pancake para ilagay yung butter at syrup. Winter has this habit of putting two pancakes together tapos tsaka niya ilalagay yung butter and syrup sa ibabaw para siyang double deck na pancake, pagkatapos ay sslice niya yon na parang pizza kaya ayun din ginawa ko sa pancake na binili niya ngayon. 

 

 

"Cute na-remember mo kung ano ginagawa ko sa pancake?" she chuckled. 

 

 

"Paanong hindi? hindi mo kinain ung pancake nung hindi magkapatong." inirapan niya lang ako ng sabihin ko yon kasi totoo naman na nasayang kasi ayaw niya talaga kainin yung pancake noon just because hindi magkapatong. 

 

 

"Eh ikaw kasi." I sliced her pancake atsaka siya sinubuan. 

 

 

"Kumain ka na lang." pinagpatuloy ko lang ang pagsubo ng pancake sa kanya, siya naman ay pinipilit din akong kumain ayaw ko naman magsimangot siya kaya kinakain ko na lang yung mga binibigay niya. I don't think hindi niya mauubos to lahat kasi naman sa liit ng katawan niya merong nakatagong dragon yan sa loob ng tyan. 

 

 

Inilapag ko ang tinidor na hawak ko ng bigla mag-vibrate ang phone ko, I got a notification from Mr.Huang. He sent me a photo of Ningning with Giselle. Oh God, he took Giselle as well kaya pala hindi sila pareho sumasagot ng tawag. 

 

 

Mr.Huang.

                I'll wait until 6 pm if you still want to see them alive.

 

 

Halos madurog ko na ang phone sa kamay ko sa sobrang galit nang makita ko ang kapatid at kaibigan ko. Hindi ako pwede magbreakdown not in front of Winter, I need to be strong. I need to think properly. 

 

 

"Huy? Anyare na sayo?" Winter snapped her fingers. "Sino yun?" sunod na tanong niya. 

 

"Wala si Ningning lang nangagamusta." 

 

"Hay, miss ko na si Ningning!" I forced a smile. "Miss ka na rin non for sure." 

 

 

Pagkatapos namin kumain ay naglakad na rin kami ulit pabalik sa bahay may nakita pa nga si Winter na nagtitinda ng kakanin kaya naman bumili pa siya grabe hindi ba siya nabusog sa kinain niya kanina? Pero hinayaan ko na rin siya dahil ang saya saya niya talaga kapag kumakain. Pagkarating na pagkarating namin sa bahay ay agad niyang kinain ung mga kakanin na binili niya. 

 

 

"Huy ang sarap nung biko sana pala bumili pa ako!" 

 

"Dahan dahan baka naman mabilaukan ka." 

 

"Edi mouth to mouth mo me." 

 

"Anong mouth to mouth?" 

 

"Wala gusto ko lang ng kiss." napailing ako sa sinabi niya. "Damot kiss lang e!" pagmamaktol ni Winter. 

 

"Mamaya pagkatapos mo dyan." paupo na sana ako sa couch ng biglang mag-ring ang phone ko, tumatawag si Kuya Johnny. "Winter, sagutin ko lang. Si Kuya Johnny tumatawag." paalam ko sa kanya, nag-nod lang si Winter sa akin pagkatapos ay lumabas na rin ako ng bahay. 

 

 

 

"Hello kuya." 

"Karina, nasaan ka?" 

"Bakit po?" 

"Narinig ko yung isang fighter sa underground kanina e, pinag-uusapan si Ningning." 

"Ano pong sabi?" 

"Nakita niya raw na nilabas dito si Ningning kagabi kasama isang babae e sabi ko naman baka nagkamali lang sila kasi kasama mo si Ningning diba?" 

"Kuya.." hindi ko na mapigilan ang sarili ko at tuluyan ng bumagsak ang luha ko. 

"Karina..huy umiiyak ka ba?" ramdam ko ang pag-aalala ni Kuya Johnny sa boses niya. 

"Kuya..kuya hindi ko alam ang gagawin ko." 

"Ano bang nangyayari, Karina?" 

"Si Ningning, d-dinukot siya ni Mr.Huang." 

"Huh?! T-teka bakit? Anong ginawa mo?!" 

"Mahabang kwento kuya pero..he'll kill her kapag hindi ko dinala si.." napatingin ako sa may bintana kung saan tanaw ko si Winter na kumakain. 

"Sino?" 

"Kapag hindi ko dinala si Winter sa kanya.." 

"Wait, don't tell me.. si Mr. Huang yung nagt-threat sa amo mo? what the ..?" hindi makapaniwala si Kuya Johnny sa sinabi ko. "Bakit hindi mo na lang dalhin? Mapapahamak si Ningning nyan e alam mo naman na mahirap kalaban si Mr.Huang." 

"Kuya hindi pwede.." 

"Anong hindi pwede? Karina kapatid mo yon--" 

"Kuya, girlfriend ko si Winter." natigilan si Kuya dahil sa sinabi ko. "At kahit hindi ko siya girlfriend, kahit bodyguard niya lang ako hinding hindi ko ipapahamak ang buhay niya, Kuya." 

"A-anong gagawin mo ngayon?" 

"Kuya kailangan ko malaman saan dinala ni Mr.Huang si Ningning, pwede mo ba akong tulungan?" 

"Susubukan ko, alam mong hindi na kayo iba sa akin. Tatawagan kita ulit, okay?" 

"Salamat Kuya.." 

 

 

Pagkatapos namin mag-usap ay inayos ko ang sarili ko dahil ayokong mag-alala si Winter pag nakita niya na bagong iyak na naman ako. I took few minutes outside bago pumasok sa loob dahil napansin ko na wala na sa kusina si Winter.

 

"Winter?" 

"Nandito akooo!" sigaw ni Win

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
coffeefrappucino
tapos na siya! thank you everyone ☝️

Comments

You must be logged in to comment
lilili_oli 0 points #1
Chapter 23: Thank you, author for sharing this nice story of yours. I enjoyed reading it. It’s been a while since I’ve read something like this, y’know action stories, last read ko pang action ay jenlisa lmao. So it’s really good, felt like it brought me back to 2018. It’s really good and beautifully written. Looking forward for more!
LacusClyne1124 #2
Chapter 24: Salamat tooor
howdoyouknowmee
538 streak #3
Chapter 24: Sobrnag cutie talaga netooo
emotaeyeon #4
Chapter 23: ang ganda po nitong story! thank you sa pag write at share 👏🏻😩
yuji954 #5
Chapter 23: grabe kinilig ako dun kahit na rollercoaster malala tong story na to ☝🏻😩
snowychacco
#6
Chapter 12: calix huang 😃 di na ko magtataka if pinadala niya si chaehyun para madistract niya si karina from her job 😃 ohhhh when i catch u both i swear!
Young_DP
#7
Chapter 2: Ang maldita ni winter hahaha. May aff ka po pala author ngayon lang ako na inform
bigboy123
138 streak #8
📖📖👀👀
yjimin0411
#9
Chapter 14: NEED PA TALAGA MAY MUNTIK MAMATAY HUHUHU
yjimin0411
#10
Chapter 12: BUTI NALANG TALAGA