08.

Between the Lines
Please Subscribe to read the full chapter

"Until when am I gonna wait huh?" 

"Can you shut the up? Puro ka reklamo wala akong ibang pinapagawa sayo kung hindi ayusin mo pangangampanya mo!" 

"Can't you see?! I am losing!"

"That's your fault for not doing your job right!" 

"Why don't you just kill him? Like our original plan, kaya nga ako pumayag makipagkampihan sayo diba? you want to get even with him?" 

"Kill him? just like that? after everything that he did to me? you're kidding." 

"What? ano pa bang gusto mong gawin? patayin lang naman siya diba? inagaw niya girlfriend mo sayo edi patayin mo siya para tapos ka na at tapos na rin ang problema ko." 

"Naging miserable ang buhay ko dahil sa kanya and you want me to just simple end his life? just like that?" 

"What may iba ka pang plano?" 

"I promised myself I'm gonna make him suffer, slowly. I'm gonna torture him so badly until he remembers who I am." 

"Pucha naman, Calix." 

"Don't worry, bago pa mag-election may headline na agad about him."

"Siguraduhin mo lang." 

 

 

 

 

 

 

 

"Good morning." napatingin ako kay Karina nang sumalubong siya sa akin sa may kitchen, nakasuot pa siya ng apron at may hawak na whisk. Hindi ko alam na nagba-bake pala siya? but when Karina noticed na nakatitig ako sa kanya bigla niya na lang binitawan yung whisk at hinubad yung apron. 

 

 

"It's not what you think. I don't bake." bakit naman ganon reaction niya? hindi ko naman siya jinajudge like she looks cute kaya with that pink apron. 

 

"Defensive, nakakatanggal angas ba?" pang-aasar ko sa kanya, bigla naman lumabas si Ning mula sa restroom. 

 

"Ate, tapos mo na ba yung cupcake na ginagawa mo for Ate Winter?" hindi ata ako napansin ni Ningning.

 

"What are you saying?" siniko niya ang kapatid niya. 

 

"Ay, hi Ate Winter! Good morning." ngiting bati niya sa akin. "Nag-bake ako ng cupcakes for Ate Gigi and ginawan ko na rin sila Ate Ryujin." 

 

"How about me?" I pretended like nagtatampo kasi she didn't mention me. 

 

"Sabi ni Ate siya na raw gagawa--" 

 

"Kasi marami na siyang ginagawa kaya tumulong na ako so ako na gumawa ng sayo." napaka defensive ni Karina sarap tuktukan ng ulo. 

 

"Masarap ba yan?" tiningnan ko yung cupcake na nasa tabi niya, may designs na tapos gumagawa pa siya ulit ng whipped cream. Nabalik ang tingin ko sa mga cupcake na may design na meron siyang design na paw ng puppy tapos meron ding star atsaka heart. Hindi ko mapigilan hindi mapangiti kasi isipin mo yon angas angas ng pormahan ni Karina tapos makikita ko siyang nagbabake. 

 

"Tikman mo na lang, pero mamaya na." inilayo yung cupcake sa akin atsaka ito tinabi. "Bakit pala gising ka na? Anong oras ka na nakapagpahinga kagabi ah?" so true lang ang dami kong ginawa sa office parang nagsisisi na nga me chos. 

 

"Makasabi ka na bakit ang aga ko nagising e mas maaga ka nga nagising tapos sabay lang naman tayo nagpahinga kagabi." naglakad si Karina papunta sa fridge para kumuha ng fresh milk at inilagay ito sa baso. 

 

"Of course, nag-promise ako kay Ningning na tulungan ko siya mag-bake ngayon." iniabot niya sa akin yung baso na may gatas. 

 

"Sabi sayo, Ate. Palaging tinutupad ni Ate Karina mga promise niya." ngiting sambit ni Ningning habang nagpapa-pack nung ibang cupcakes.

 

Pinapanood ko lang silang dalawa sa pagpapa-pack na ginagawa nila nang biglang mag-ring yung phone ko. Tumatawag si Tita Taeyeon, agad ko naman itong sinagot walang good morning good morning, kailangan daw ako sa office dahil may investors na dadating at wala si Ate Taeyeon to face them dahil nag-overlap yung schedules niya so I have to be there as her proxy. 

 

"We need to go na?" tanong ni Karina pagkababa ko ng phone. 

"Hmm. Di pa nga ko nagbebreakfast." pagrereklamo ko pero kailangan ko na maligo at mag-ayos. 

"Kumilos ka na." utos sa akin ni Karina minsan talaga di ko alam kung ako ba amo niya o siya yung amo ko e kung makapag-utos sa akin akala mo naman talaga! 

"Oo na, eto na!" 

 

Tumakbo na ako papunta sa kwarto ko para maligo, mabilis lang naman ako maligo kasi ang bango bango ko na char. Kaya ko naman magmadali pag kailangan talaga like kung pwede lang wag na maligo para diretso office na ginawa ko na kaso may few minutes pa naman ako so gora na. Pagkatapos ko maligo ay nagsuot na ako ng pinaka formal kong damit, I put some light make up and lipstick tapos hinayaan ko lang nakalugay ang buhok ko after ko siya patuyuin. I checked the time sa watch ko and I still have half an hour bago yung meeting though I'm worried ma-stuck sa traffic na naman so naisip ko what if mag-motor na lang kami. 

 

Pagbaba ko ay naabutan ko si Karina na nakabihis na rin. 

 

"Umalis na si Ning?" tanong ko sa kanya.

"Nagshoshower, aalis na ba tayo?" tanong niya sa akin habang nag-aayos ng mga cupcake sa loob ng tupperware.

"Oo, tara na. Kaso inisip ko baka di ako umabot so mag-motor na lang tayo." napatingin naman sa akin si Karina dahil sa sinabi ko pero para niya akong jinajudge.

"Ang iksi ng suot mo tapos magmomotor tayo?" 

"Anong maiksi? above the knees naman ah!" reklamo ko sa kanya. 

"Whatever, patungan mo na lang ng nitong jacket ko." iniabot niya sa akin yung jacket bago niya kunin ang susi at lumabas ng bahay. 

 

 

 

And it was a right decision talaga ang magmotor dahil ang lala ng traffic! but of course nagmagic tricks na naman si Karina para mapabilis biyahe naman para siyang google map na alam lahat ng daan e. It didn't take long nang makarating kami sa office so may time pa ako mag-retouch. Ipinark lang ni Karina yung motor niya at dumiretso na rin kami sa loob. 

 

"Para kanino ba yang cupcake na dala mo? kung para kay tita well wala siya dito ngayon." 

"Sinabi ko bang para sa kanya?" 

"Eh kanino nga?" 

"Doon sa cute na receptionist." napataas ang kilay ko sa sinabi niya. 

"Wow ha. Iniwan mo cupcake ko tapos magdadala ka para sa receptionist?" tanggalin ko sa trabaho yan e. 

"Malay ko ba kung gusto mo kumain non? Baka sabihin mo pa may lason."

"Malamang gusto ko! ewan ko sayo bahala ka nga diyan." nauna akong sumakay ng elevator at sinadya ko talagang saraduhan siya kairita. 

 

Dumiretso ako sa office agad akong nilapitan ng isa sa mga manager doon para sabihin sa akin na parating na yung mga investors na kakausapin ko raw. Confident naman ako basic lang to sa akin. Nag-retouch lang ako saglit at nag-apply ulit ng make-up plan ko sana mauna sa conference room dahil ayaw ko naman sila pa maghintay sa akin. 

 

Pagbukas ko ng pinto ng office ko ay bumungad sa akin si Karina. She looks so attractive with that white shirt what the ? "Muntik pa akong mapalabas dahil wala raw akong ID." 

 

"Ginawa mo?" 

"Sinabi nung cute na receptionist na bodyguard mo ako." 

"Puro ka cute na receptionist may pangalan naman yon!" nakakairita na talaga. 

"Anyway, may ilang minuto ka pa naman." iniabot niya sa akin yung paper bag na hawak niya kanina. 

"O? di trip ni 'CUTE receptionist?" 

"I was just kidding kanina, para naman talaga sayo yan since hindi ka pa nagbebreakfast." bago niya isara ulit ang pinto ay may kinuha siya sa bulsa niya, sticky note tapos bigla niya na lang nilagay sa noo ko. "Eat well, tawagin kita kapag hinahanap ka na." 

 

Tiningnan ko yung paperbag na inabot niya sa akin, may dalawang tupperware sa loob. Yung isa may cupcakes yung isa naman fried rice na may bacon at itlog. Hindi ko napigilan ang sarili ko ngumiti kasi she definitely cooked this dahil hindi naman ito yung breakfast na nakita ko sa table kanina. 

 

"This is crazy, ngumingiti ako sa bacon at itlog what the ." may kasama pa pala siyang water sa loob na nasa cute na tumbler. 

 

 

 

Pagkatapos ng isang succesful meeting ay agad ko itong agad ibalita kay Ate Taeyeon tatawagan ko sana siya kaso paglabas ko ng meeting room ay naabutan ko na siya na kausap si Karina at nagtatawanan pa silang dalawa. Wow close na yarn? 

 

"Hi, Winter." bati sa akin ni Tita nang makita niya ako. "Congrats, balita ko walang tanong tanong yung mga investors with your performance." 

"Ang bilis naman ng balita?" 

"I'm so proud of you." 

"Kinabahan ako ng slight kanina kasi mukhang masungit yung kausap ko, baka sungitan ko rin siya." 

"Baliw ka talaga, anyway since I pulled you all of a sudden if you want you can rest na muna since you worked until late at night yesterday so, you deserve na magpahinga naman muna." 

"I mean yes? Medyo inaantok pa ako." 

 

"Wag ka na matulog." napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Ryujin. 

"Langhiya ginagawa mo dito?" 

"Ganyan ka ba makipagusap sa isa sa mga executives?" tanong niya sa akin.

"Tuktukan ko pa ulo mo!" 

"Joke lang! Nandito rin si Minju e, wag ka na matulog mag-coffee na lang tayo sa may lounge." pag-aaya niya sa akin since sabi niya nandoon na raw si Minju.

 

Nagpaalaam na ako kay Tita pagkatapos ay dumiretso na kami sa may rooftop lounge like ano ba yan out of all places na meron around the area sa rooftop lounge talaga? Pero sabagay nabanggit ni Ryujin na may meeting si Minju mamaya dito kaya much better din kung dito na lang kami mag-stay. 

 

"Hi, Karina and Winter!" bati ni Minju nang makita niya kami grabe nauna pa batiin si Karina kaysa sa akin? 

"Karina, pwede mo ba ako ibili ng croissant sa starbucks ayun lang naman katapat nito." utos ko sa kanya para lang mawala siya saglit kasi I have to tell this na to my friends and I don't want her around pag sinabi ko sa kanila.

"Sure, you'll be okay here?" 

"Oo, saglit ka lang naman mawawala so please?" 

"Alright, kayo guys? May gusto ba kayo?" 

"Wala naman, thank you sa offer karina." sagot ni Ryujin at ganon din si Minju.

 

Pag-alis ni Karina ay agad ko silang hinila para maupo. "Ayos ka lang ba?" tanong ni Minju sa akin. 

 

"Alam niyo pakiramdam ko.." napabuntong hininga ako. "pakiramdam ko gusto ko si Karina." I did not expect their reaction. 

 

"Ahhh." 

"Okay?" 

 

"Bakit naman ganyan reaction niyo?!" I thought they were like magugulat at all or whatsoever! 

 

"Eh kasi alam naman na namin? since you're so obvious." sagot ni Ryujin sa akin. 

"True so now ni-confirm mo edi..? so what?" pang-aasar ni Minju sa akin. 

"Parang tanga naman tong mga to." 

"Ikaw yung parang tanga, sungit sungit ka pa kay karina tapos ngayon gusto mo na asus." 

"Para din kasi siyang tanga! napakapa-fall." 

"Ay sinisi pa si Karina oh? tingin mo may chance na gusto ka rin niya?" 

"Oo naman, ganda ganda ko tsaka ako na to oh duh!" 

"Paano kung may something pala sila ni Yeji?" tanong ni Ryujin sa akin. 

"Malabo yon tanga." 

"Plot twist ng taon no? HAHAHAHAHA" parang tanga naman si Ryujin i-overthink ko pa tuloy yan. 

"Aamin ka ba kay Karina?" 

"Hindi, mukha bang gawain ko yon?" 

"Paano kung di ka niya trip?" 

"Kawalan niya naman.." sagot ko. "Char! tangina niya naman kung ganon." 

 

Pero napaisip ako sa sinabi nila baka dapat hindi ako basta basta nagpapadala sa mga ginagawa ni Karina kasi baka nakakalimutan ko rin na she was just doing her job though at the same time, everything felt so genuine e. 

 

"Grabe na-inlove na ulit yung  tropa natin biruin mo yon." sinamaan ko ng tingin si Ryujin bi-bingo na sa akin talaga ito. 

"Palibhasa kasi wala kang ma-seryoso!" 

"Uy may happy crush ako ah!"

"Sino? Yeji?" 

"Oo, sabihin mo nga sa kanya ako na lang kasi." 

"Inutusan pa ako ng gagang to." 

 

But seriously, I'm gonna keep quiet na lang muna kasi I wanna be sure about what I feel kay Karina baka mamaya kasi nafifeel ko to kasi palagi niya akong pinoprotektahan which is technically her job. So..ayon ayaw ko magpadalos dalos sinabi ko lang sa kanila kasi wala share ko lang tsaka ayaw ko rin masaktan, so I have to be sure muna before I do anything stupid tapos ako rin masasaktan sa dulo.

 

 

 

 

 

 

 

 

Ilang araw na akong walang tulog, I badly want to rest my eyes but somebody messed up sa company so I have to find what happened and kung sino ang may accountability sa mess na ginawa nila. Hindi ko na rin nasasagot tawag ng mga kaibigan ko, I got a message from Minju kanina na they'll be heading sa company nila Winter so maybe I could join them for like a quick cofffe, If I can just leave the office right gagawin ko talaga but I can't. 

 

"Lee, where are the reports I'm asking?" tanong ko sa isa sa mga managers. 

"Boss G. Ire-revise pa lang po ulit." 

"Revise? Kahapon ko pa pinapaayos yan ah?" galit na ako pero wala na akong energy para makipag-away pa. 

"I'm sorry po, nagkaproblema po kasi sa system kaya nahirapan kami nagretrieve ng mga data." 

"You should have told me, so we can get that fixed kaagad. Please, finish this before lunch." 

"Yes po." 

 

Napasandal ako sa upuan ko dahil umaatake na naman ang sakit ng ulo ko, kagabi ko pa to nararamdaman at nakaka-ilang gamot na rin ako. Papikit sana ako nang may kumatok na naman sa office ko. 

 

"Come in." halos walang energy kong sabi pero napabalikwas ako nang makita ko kung sino yung pumasok. 

"Hi, Mommy." bati ko sa kanya. "Ano pong ginagawa niyo dito?" 

"What happened to you?" tanong niya sa akin. 

"Kulang lang sa tulog. Gusto niyo po ng coffee?" tumanggi siya sa alok ko. 

"I won't take long, dumaan lang ako to see you and someone wanted  to see you." bigla na lang lumawak ang ngiti niya. 

"Who?" 

"Me."  I did not expect to see her. 

"I'll leave you two okay so you can catch up." 

"I don't think it's the best time to--" bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay nakaalis na si Mommy. 

 

Napatingin ako sa babaeng nasa harapan ko. It's been how many years and she haven't changed at all. 

 

"I don't think this is the perfect time para mag-catch up and I also don't have any reasons to do that." 

"It's been years yan agad sasabihin mo sa akin?" she acted as if na-hurt yung feelings niya dahil sa sinabi ko. 

"Somi, please. Not now and don't act like nothing happened okay?" 

"You still mad at me?" 

"You ing cheated on me." 

"I was just drunk that time?" 

"So? Justifiable ba yung ginawa mo? You ed one of my friends." hindi na siya nakapagsalita dahil sa sinabi ko, God. I really don't want to talk about it ever again but who knows na bigla bigla na lang siya magpapakita sa akin ngayon? 

 

"I know it's not justifiable and I already said sorry diba?" 

"So yun na yon? Sorry tapos patatawarin na kita? Gaano katagal ba ako nagpa-sensya sayo? That was not the first time I caught you." 

"Giselle." 

"Shut up and just leave me alone okay? May trabaho pa ako." tumayo ako para buksan ang pinto para sa kanya ng makaalis na siya dahil di ko na talaga kaya makipag-deal pa sa ibang bagay ngayon. 

"Please just hear me out?" bigla na lang siyang lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko, God I really don't have any energy right now can you just please tell her to go home? 

 

"Not now, Somi please just lea--" nagulat ako ng bigla niya na lang akong halikan.

 

"Ate Gigi--" napaatras ako ng marinig ko ang boses ni Ningning, she saw us because she accidentally dropped the paperbag she was holding.

"Ning." 

"S-sorry hindi ko alam na--" hindi siya makatingin sa akin. 

"Oh God, don't you know how to knock? and who the are you? naka-uniform ka pa?" iritang tanong ni Somi sa kanya.

"Uhm, sorry po." agad niyang dinampot yung paper bag na may mga lamang cupcake pala atsaka siya naglakad palayo. 

"Ning!" hahabulin ko sana siya pero pinigilan ako ni Somi. 

"Where are you going?" 

"Pwede bang umalis ka na?!" hindi ko na napigilan ang sarili ko na sigawan siya pagkatapos non ay hinabol ko si Ningning na sakto naman nakasakay na ng elevator, pipigilan ko sana ang pagsara ng elevator but it was too late and hindi ko sigurado kung umiiyak ba siya ng makita ko siya sa loob. 

 

Agad akong sumakay sa sunod na elevator, I just hope maabutan ko pa siya. Pagdating ko sa ground floor ay agad ko siyang hinanap pero hindi ko na siya nakita. I even asked some security kung nakita nila si Ningning dahil I gave them her picture and told them na she can come in anytime to see me but they said na hindi raw nila napansin. 

 

I can't leave the office right now, damn it. 

 

I'm gonna call her. 

<
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
coffeefrappucino
tapos na siya! thank you everyone ☝️

Comments

You must be logged in to comment
lilili_oli 0 points #1
Chapter 23: Thank you, author for sharing this nice story of yours. I enjoyed reading it. It’s been a while since I’ve read something like this, y’know action stories, last read ko pang action ay jenlisa lmao. So it’s really good, felt like it brought me back to 2018. It’s really good and beautifully written. Looking forward for more!
LacusClyne1124 #2
Chapter 24: Salamat tooor
howdoyouknowmee
538 streak #3
Chapter 24: Sobrnag cutie talaga netooo
emotaeyeon #4
Chapter 23: ang ganda po nitong story! thank you sa pag write at share 👏🏻😩
yuji954 #5
Chapter 23: grabe kinilig ako dun kahit na rollercoaster malala tong story na to ☝🏻😩
snowychacco
#6
Chapter 12: calix huang 😃 di na ko magtataka if pinadala niya si chaehyun para madistract niya si karina from her job 😃 ohhhh when i catch u both i swear!
Young_DP
#7
Chapter 2: Ang maldita ni winter hahaha. May aff ka po pala author ngayon lang ako na inform
bigboy123
138 streak #8
📖📖👀👀
yjimin0411
#9
Chapter 14: NEED PA TALAGA MAY MUNTIK MAMATAY HUHUHU
yjimin0411
#10
Chapter 12: BUTI NALANG TALAGA