Day 9

Train Tracks, Jeepney Rides
Please Subscribe to read the full chapter

Today, I woke up feeling a little off.

 

Hindi ko sure kung dahil ba ito sa napanaginipan ko, hindi ko rin naman na maalala ano ‘yung panaginip. Basta parang may hindi maganda ngayong araw.

 

Dagdag pa dyan, ilang araw na kaming hindi nagkikita ni stranger sa MRT. Hindi naman required na magkita kami at hindi ko rin sinasabing gusto ko siya makita. Syempre nasanay lang ako na kasama siya kaya ramdam ko ‘yung absence niya. Actually, gawa ko rin kaya hindi kami nagkikita. The day after I was with Karina hinatid ako ni Ate papuntang school. Dalawang araw niya akong hinatid sundo.

 

Noong una ang sabi niya bored lang daw siya at gusto niyang magmane-maneho pero syempre in the end, inamin niya rin kung bakit niya ako gustong ihatid. Tutuloy na kasi siya sa plano niyang pag-abort sa baby niya. May friend siya sa Canada who will help her through it. Aalis na siya agad sa weekend. Kahit naman babalik lang din siya agad sabi niya mamimiss pa rin daw niya ako. Aba dapat lang kasi ako lang naman ang kapatid niya!

 

Jokes aside though, medyo kabado ako para sa kapatid ko. Feeling ko kasi at one point in her life gusto niya talaga maging nanay, pamilyadong tao ganon. And the moment she learns she’s going to be one, in a totally different apex of her life pa. But I can’t blame her if she wants to prioritize her career right now.

 

Katulad ng mga nakaraang araw, wala si Karina today.

 

Hindi siya sumakay ng tren. Mali ba ang nasakyan kong oras ng tren? Or baka nasa ibang car si Karina? Or baka magka-ibang tren ang nasakyan naming dalawa?

 

Pagdating ng Santolan station, nag-contemplate ako kung bababa ba ako ng Cubao agad or ng Quezon avenue para lang makita ko si Karina. Dumating na sa Cubao ang tren pero hindi pa rin ako nakakapag-desisyon. Kung kailan lang tumunog na magsasara ang pinto did I decide na bumaba ng Quezon avenue. Syempre loka-loka ako eh.

 

Ayun lang, wala si Karina pagbaba ng Centris.

 

Alam ko may terminal ng jeep dito sa Centris papuntang Diliman. Hindi ko rin alam kung bakit ko rin kino-consider pumunta pa ng UP ngayon para lang makita siya, sino ba siya?! May recit pa ako sa first subject at ito ako nagsasayang ng oras kakahabol sa babae. Hindi ko naman sinisisi si Karina sa katangahan ko…pero wow, nakikita ko ang sarili ko na nagpa-participate sa what are you willing to do challenge.

 

Naglakad na lang ako papunta sa footbridge para makatawid sa kabilang kalsada. Doon na lang ako sasakay papuntang UST. First time ko dumaan dito aside doon sa time na sabay kami ni Karina umuwi. Iba pala ang aura ng lugar kapag maliwanag. Init!

 

Hindi naman ako nahirapan sumakay papuntang school, pero nabaliw lang ako sa byahe. Ngayon ko lang namalayan na mahaba nga pala talaga ang Quezon Avenue at hindi biro ang traffic! Kung alam ko lang sana sumakay na lang ako ng UV! Grabe ang init at usok. Hindi pa ako natutuwa sa katabi ko kanina. Kulang na lang pumindot siya sa phone ko sa sobrang halata niyang nakikisilip sa screen!

 

I only had 20 minutes left before first period started kaya madali akong tumakbo ng main building. Pagdating ko tuloy ng classroom, haggard na haggard na rin pati ang pakiramdam ko. Inabot sa akin ni Giselle ang tumbler niya. “Saan ka naman sumakay ngayon?”

 

“Quezon ave.” Hinihingal kong sagot.

 

“Tatanungin ko kung kumusta but your face says it all.” Umiling na lang ako. Kung alam mo lang Gi!


 

Stressed na stressed rin ako sa pa-graded recitation ng prof ko. Nag-aral naman ako kagabi! Syempre I tried my best to focus at the moment. Okay naman, successful ganon. Pero as soon as he dismissed the class, dumapo nanaman sa isip ko si Karina.

 

Bakit kaya wala siya today?

 

Naputol ang pag-iisip ko nang biglang nag-announce si Ryujin sa buong class.

 

“Free cut na guys sabi ni Heejin!” Tumawa lang kami dahil nagki-kick in nanaman ang kakulitan ng dalawa.

 

“Seryoso guys, free cut na.” Vouch ni Heejin, “Walang prof”

 

Paunahan lang makalabas ang iba kong mga kaklase. Giselle and I took our time. “Sama ka. Aalis kami ni Ning.”

 

Sumama ba ako? Alas kwatro na, baka pauwi na si Karina. Maybe this time maabutan ko siya sa MRT.

 

“Pass muna ako, Gi.”

 

Halatang nagulat ang kaibigan ko sa naging sagot ko. “Who are you?”

 

Napatawa na lang ako. Oo nga naman, hindi rin ako sanay tumanggi kapag inaaya ako ni Giselle. Ako ang kaladkarin ng buhay niya.

 

“Grabe naman. Next time sasama naman ako.”

 

“I’m kidding. I’ll drop you off sa MRT na lang.” Pumayag naman ako. Hinintay na lang namin makalabas ng building si Ning. Pagkalabas niya agad naman niya kaming nginitian ni Ning. Hinintay kasi namin siya dito sa tapat ng building nila.

 

“Uy, sasama si Winter!” Masigla niyang bati. Umiling lang ako. “Makikisakay lang.”

 

“Kawawa naman siya kung maghihintay siya ng masasakyan baka bukas pa makauwi.” Natawa na lang ang dalawa sa sinabi ni Giselle. Ako naman napasalubong lang ang kilay. Umakbay sa akin si Ning. Biro-biro lang daw.

 

“Bakit hindi ka sasama?” We’re walking towards Giselle's car sa carpark.

 

“Gusto ko lang talaga umuwi.” Kahit din ako hindi rin convinced, paano pa kaya si Ning na very inquisitive.

 

“Okay, well, for your information pupunta kaming Maginhawa ni Giselle. Doon sa Lemon Dews, kung saan nagwo-work ang friend ko.”

 

My ears perked.

 

Hindi ba doon ang cafe ni Karina? I mean, doon siya nagwo-work. ‘Yung tinutukoy nga ni Ning. What if sumama ako sa kanila doon pero si Karina pala ay pauwi na at kasalukuyan nang nasa MRT as we speak?

 

Pero what if shift niya ngayon at maabutan namin siya?

 

Pansin ni Ning ang contemplation ko. Tiningnan ko siya, trying to see through her. Ano kaya alam niya?

 

“Mukhang sasama ka na sa amin ah” ngisi niya.

 

Napabuntong-hininga na lang ako. Sobrang halata ko ba?



 

“What made you change your mind?” tanong ni Giselle sa kalagitnaan ng traffic. Ning snorted behind. Ako kasi ang nakaupo sa passenger seat.

 

I should have known better than to think na makakalampas kay Giselle ang sudden decision ko. But in my defense, it’s not a big deal. Of course, my friend surely means no harm with her question. But certainly they don’t need to know.

 

“Alam ko kung ano…” pang-aasar ni Ning. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Nagulat naman siya nang biglang nagtama ang tingin namin. “Joke lang, hindi ko pala alam.” Pero may ngiti pa rin sa labi niya.

 

“Pwede mo pa rin naman ako ibaba sa EDSA kung ayaw mo akong kasama.” Sagot ko na lang kay Gi.

 

“No way.”



 

Lemon Dews was different today compared to the last time I was here. Which was not too long ago. Kumpara noong nakaraan na halos walang customer, ngayon naman, halos wala nang maupuan. Ang dami lang na customer dahil siguro uwian na and all.

 

Pagpasok namin bumungad agad ang ngiti ni Karina na masayang kinukuha ang order ng isang customer. She seems so hospitable towards them nga eh. Pati customer sumasabay sa energy niya.

 

Saludo talaga ako sa mga ganitong klase ng work. ‘Yung kailangan mong magpakabait sa mga customer kahit anong mangyari. Ako kasi, sure akong hindi ko magagawa ‘yan successfully. Kaya ko naman maging extroverted, approachable and welcoming. Ang problema lang, mabilis ma-drain ang energy ko. At kapag pagod, kailangan ko talagang mag-pahinga, if not hibernate. One time, I had to isolate myself for two weeks dahil lang sa sunod-sunod na social gatherings na pinuntahan ko. As in not talking to anyone. Kahit si Giselle hindi ko nire-replyan. No hard feelings naman.

 

Naupo kami sa bakanteng table on the far end of the cafe. It’s a nice spot, medyo secluded from the rest of the place kaya parang may privacy dito. Nang maupo si Ning, she did not bother getting up once again to give her order. Sinabi na lang niya kay Giselle kung ano ang kanya. Uupo na rin sana ako pagkalapag ko ng bag ko pero kinaladkad ako ni Gi papunta sa pila sa counter.

 

Sumilip ako, si Karina pa rin ang nagte-take ng order. Mukhang understaffed sila today dahil aside sa kanya na nagma-manage ng cashier, isa lang ang nag-aasikaso ng mga orders. Which leads me to another dilemma: makikilala na ni Karina and Giselle ang isa’t isa. The idea makes me want to gouge my eyes out. I’m not dreading the moment that they have to interact or that Giselle will witness me interact with Karina. It’s the fact that merong mandatory best friend interrogation mamaya. That, I am not ready for. Ano namang isasagot ko kay Giselle, eh ako nga litong-lito na!

 

Parang ang bilis lang umusad ng pila dahil before I knew it, I was in front of Karina after so long (days only).

 

“Fancy seeing you here.” Karina smiled knowingly. Umirap ako dahil alam kong nang-aasar lang siya. I think she realized na kaibigan ko si Giselle na nakatayo lang sa likod ko. Who can hear what we’re talking about by the way! “Ang tagal nating hindi nagkita ah?”

 

“Hindi ko pansin.” Nakatingala lang ako sa menu nila overhead. Not bothering to glance at Karina even once.

 

“Totoo ba?” her tone sounded appalled, not believing me. “Hindi ka ba nandito kasi namimiss mo ako?”

 

Kumunot ang noo ko at tiningnan siya. Sana hindi ko na lang ginawa ‘yon dahil nagtama ang mga mata namin at lahat ng pang-rebat ko sa kanya ay nawala sa isip ko. MAY PANG-COMEBACK AKO EH!

 

Napansin siguro ni Karina that she rendered me speechless dahil mas lumalawak nanaman ang ngiti niya. Ano ba! Mas naiinis ako! Pero to be honest, and I will not say this to her face, and to anyone, parang na-miss ko nga siya. Kasi bakit ko ba siya hinahanap nitong umaga? At noong mga nakaraang araw na hindi kami sabay sa tren?

 

“I’m here because my friend invited me.” I said, regaining my composure. Hindi pwedeng malamangan niya ako, ‘no!

 

“They invited you to see me?” I scoffed. Ang kapal naman ng mukha nito. Hindi niya malalaman na parang ganon na nga ang dating ng salestalk ni Ning sa kanya kanina! “We should get each other’s numbers. I missed you on the train the past few days.”

 

Biglang may umubo sa likod ko, reminding me that Giselle can hear our conversation. Nginitian na lang siya ni Karina.

 

“Should I get you the same one as last time?” Tanong ni Karina. Parang titirik ang mata ko sa nangyayari this moment. Hindi pa nakatulong na may pahabol pa si Giselle sa likod ko, “Last time huh?”

 

“No.” I said firmly. “I’ll get the egg drop sandwich and the strawberry milkshake.”

 

Hindi ko alam bakit parang kailangan kong i-deny pa na magkakilala kami ni stranger. When it’s already so obvious. Tsaka hindi ba pinakilala ko siya bilang kaibigan ko kay Heejin?

 

Karina took my order as well as the payment. Nauna na akong umalis para dumiretso sa table. Pero nagsitaasan ang balahibo ko nang bigla kong marinig si Giselle when it was

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
illu99
Hello! I am here! Anyway, just in case you're wondering, hindi every day ang ipapakitang chapters. Just any day within the 60 days :) And again, thanks for reading!

Comments

You must be logged in to comment
aligathuff #1
tao po....
u_ujiman #2
Chapter 1: Scrolling through my bookmarks :D
weejmj #3
kababasa ko lang ng other stories mo otor and I really love them. thinking of reading this already pero baka mabitin ako so baka hintayin kk pa na matapos...
winter6arden
#4
Chapter 6: MYGOD KINIKILIG AKO
jowlyanaa #5
Chapter 6: i miss them t_t
turtlerabbitpeach #6
Chapter 6: I missed them too 😩
Enterusername_here
#7
Chapter 6: Isa din to sa mga trope na gusto ko. Accxkkk ang cute magsungit ni wintot
petrichor09j
#8
Chapter 6: Thank you for writing and sharing this. I’m a er for cute meets and train meets. Now everytime nababanas ako sa mrt and lrt kasi ang tagal o grabe yung siksikan, I’ll think of this story para medyo mabawasan yung bad vibes lol. Excited for the next update!
tres_onse #9
Chapter 6: mga paraan mo talaga winter para lang makasilay kay crush..haha..next time wag na magdeny ha lalo ka nahahalata eh
Prenglesz_
#10
Chapter 6: winter crush mo si karina huwag ka na mag isip final na yan crush mo siya hahahaha