Less Than 12 Hours Before / Day 1

Train Tracks, Jeepney Rides
Please Subscribe to read the full chapter

“Gi! Hindi ko alam paano magko-commute papuntang school!” 

 

Iyak ko sa best friend kong si Giselle pagkasagot niya ng tawag. 

 

“Winter, what?” bakas sa mukha niya ang pagkalito. Kita sa camera na bumangon siya. I’m assuming lumipat siya sa desk niya. “Anong nangyari? You sound so distressed”

 

“That’s because I am!” Pasigaw kong sabi. Naiiyak nanaman ako.

 

After dinner, kinatok ako ni Daddy sa kwarto. Hindi siya unusual, lagi naman ganon ginagawa ng tatay lalo na kapag may time siya off work. Kinakamusta niya araw ko. Pero kanina, sa dinner pa lang, iba yung vibes na niraradiate ni daddy. Hindi siya chatty man lang o ano. Ang lakas tuloy ng tensyon kanina sa hapagkainan.

 

Nang pagbuksan ko siya ng pinto at narinig ang malalim at authorative na ‘Winter’ mula sa kanya. Nagsitaasan ang balahibo ko. Kabado akong pinapasok siya sa kwarto at naupo sa dulo ng kama, habang siya naman nakatayo pa rin malapit sa doorway, arms crossed across his chest, still in his office wear. 

 

Nalaman ni Daddy na may bagsak akong grade last semester. Sikreto ko lang yun. Si ate at si Giselle lang pinagsabihan ko, pero gulat ako nung malaman kong alam niya.

 

Alam na niya. 

 

Ang plano ko sana ite-take ko na lang sa summer yung class. Sabi naman ni ate Taeyeon willing siyang sumagot ng tuition ko for special term, kung hindi ko raw kayang isabay sa regular semester next academic year.

 

Pero wala. Sira ang plano. 

 

Nabisto na ako ng tatay ko, at yun, grounded ako for two months. 

 

Pwede pa rin naman akong lumalabas ng bahay. What my dad meant by ‘grounded’ ay bawal kong gamitin ang sasakyan ko for two months which is just as worse as not being allowed to go out.

 

Actually, yun nga dapat ang punishment ko–bawal lumabas ng bahay. Pero napag-usapan daw nila ito ni mommy and concluded that considering that I’m in college already, sobrang unproductive daw ng punishment na yun and might hinder my studies. (Alam ko na bakit si mommy talaga paborito kong magulang.)

 

So, of course, the second best option is to strip me off my wheels. 

 

Kaya ngayon, meron akong malaking problema–hindi ko alam paano ako magko-commute papuntang school.

 

Binanggit ko ito kay Giselle. Kaya ito siya tinutulungan akong maghanap ng mga commuting routes.

 

“Ito,” panimula ni Giselle. “You take the MRT to Cubao and then from there, LRT 2 to Leg–” Teka, ano raw??

 

“Cubao?” Nanlaki ang mata ko. 

 

Tumango si Giselle on the other side of the screen, “Oo, baba ka Legarda and then trike to España.” 

 

“Ang layo nyan, teh! Wala bang mas ilalayo pa?” 

 

“MRT to SM North, tapos mag UV ka, ganon din, España daan mo.” 

 

Bakit ang lalayo ng mga ruta? Alam ko may dinadaanan kami ni ate Taeyeon dati na dadaan ng La Salle, sa LRT 1 naman ata yun.

 

“Eh, paano yung sa LRT 1 na daan?” 

 

Kitang-kita ko kung pano natigilan si Giselle at pinanlakihan ako ng mata. May nasabi ba akong mali?

 

“No, Winter. Wag ka sasakay sa LRT 1, please lang parang awa mo na.” May sense of urgency ang boses niya. Mukhang seryoso nga ang kaibigan ko. 

 

“Bakit naman? Kung mas malapit yun–” Umirap si Giselle kaya napatigil ako magsalita. 

 

Ay, ano kaya yon?

 

“Have you forgotten?” Hinawi niya ang kanyang buhok. “Nanakawan ako sa LRT 1 diba?”

 

Ah, oo nga pala. 

 

Nung junior high kami, nag-take kami ng senior high entrance exam sa San Beda. Kakababa lang namin ng Doroteo Jose station nun nang makita ni Giselle nakabukas na yung bag niya. Buti na lang nasa tagong compartment ng bag niya ang kanyang phone at wallet kaya wala namang nawala. Pero sobrang bad trip si Giselle before we took the exam. Nang magkita kami afterwards, sinabi niya sakin na nawawala raw yung coin purse niya. Kung nasaan ang house keys and all. Napansin niya lang daw kanina after niya mag-exam when she finally had the time. 

 

Nalaman ng parents niya na nanakawan siya at napagalitan kaming dalawa dahil nagpumilit kaming mag-commute kung pwedeng-pwede naman daw kaming maihatid. Ever since nun, hinahatid na kaming dalawa ni Giselle ng school hanggang senior high. 

 

But even then, nagko-commute pa rin si Giselle from time to time. Ewan ko ba, eh sa aming dalawa siya ang pinaka-impatient at pinaka-maarte. Pero okay na rin kasi siya lang talaga makakatulong sa akin kung paano magko-commute papuntang school. Magkapitbahay lang din kasi kami ever since we were kids.

 

“You can ride from Boni, yung stop and shop na jeep. Pero multiple rides pa yun, siguro mapapadalawang jeep ka pa to UST. Pero ang baba mo naman is yung UST hospital.” Sabi niya. I considered this option. 

 

Pero jeep? Eh 1pm ang 1st subject namin, ibig sabihin babyahe ako na tirik ang araw?

 

“Pass.” 

 

“Eh, ano Winter? Ito lang alam kong options, and you’re gonna have to choose a route din naman.”

 

Nagkaroon ako ng bright idea. Narinig ko pa yung Ting! na sound effect.

 

“Gi…” dahan-dahan kong sabi, “What if pasikreto mo na lang kaya akong isabay papasok?” 

 

Kumunot ang noo ng kaibigan ko saka umiling. Alam ko na sasabihin nito.

 

“Are you crazy?”

 

Sabi na nga ba.

 

“Winter, ayokong mapaglitan ng daddy mo if he ever finds out, ‘no!” Iling pa niya lalo and crossed her arms. “I love you, but no.” 

 

Bumagsak ang balikat ko.

 

Hindi ko naman masisisi si Giselle na takot siya kay Daddy. Na-witness niya rin first hand kung paano nito pagalitan si ate Taeyeon noong nag-aaral pa siya. 

 

Mabait naman si Daddy sa mga friends ko lalo na kay Giselle, but he can be really intimidating if he chooses to be. Kahit ako naiilang minsan sa sarili kong tatay.

 

Ibang kwento naman si Mommy. Kung gaano kasungit ang tatay ko, yun naman ang ikinalambot ng nanay ko. 

 

Mommy loves to spoil me and my sister especially when we were kids. Pareho kaming laking mommy’s girls ni ate. At nung naging teenager na si ate Taeyeon, nakita ko kung paano sila mas naging close. Dati naiinggit ako sa naging relationship nilang dalawa dahil parang naging magkaibigan din sila eh. Ang tingin ko pa noon, may favoritism si Mommy kaya inis na inis ako kay ate. Little did I know that I would have that same relationship as well. And what’s better, I also have an older sister pa na parang kaibigan ko lang din.

 

Disciplinarian pa rin naman si Mommy, but unlike Dad, she isn’t as strict. She makes us reflect on what we did wrong compared to Dad who points it out explicitly. 

 

But between me and ate Taeyeon, nagkakasundo kami ni Daddy most of the time. Nagba-bond rin kami from time to time by playing on the console. Simula kasi nang tumuntong ng college si ate Taeyeon naging malabo na ang relationship nila ni Dad. 

 

Hindi ko actually sure, pero sabi ni ate Taeyeon sakin noon, it’s just a phase–her rebellion. But time passed at mainit pa rin ang dugo nila sa isa’t isa. It’s impossible not to notice that it’s not just teenage angst and normal family misunderstandings. Hindi rin nakatulong na bumukod agad si ate Taeyeon once she graduated. 

 

I haven’t figured it out yet, kung bakit hindi sila magkaayos at ano bang problema. At mukhang hindi rin naman nila sasabihin sa akin. But they keep up a facade, especially on important family matters like reunions. Pumupunta si ate Taeyeon, but they don’t acknowledge each other.

 

“Gaano ka katagal walang car?” Tanong ni Giselle on the other line, she’s busy cutting her nails if the sound of clipping was any indication. 

 

“2 months”

 

“60 days?” 

 

“Siguro,” I shrugged. “Oo?”

 

It’s February this month. Kung 2 months, more or less second week ng April matatapos ito.

 

Napabuntong-hininga ako. Nakaka-stress isipin kung anong pwedeng mangyari sa akin tomorrow. 

 

Hindi naman ako nahihirapan sa pag-commute. Noong junior high, nagko-commute lang din naman kami ni Giselle papuntang school. Maayos din ang sense of direction ko kaya walang problema sa akin.

 

But until that fateful day during our entrance exam, pinatigil na kami mag-commute ng parents namin. I got a car na rin after high school graduation and have been driving to school ever since freshman year in college. 

 

Kaya nanghihina akong isipin na magko-commute ulit ako kung kailan sobrang--mas lalong--inconvenient na ng public transportation sa Metro. 

 

“You know,” sambit ni Giselle. Napatingin ako sa digital clock sa study table ko, halos 11pm na rin pala. “On urgent matters, I won’t hesitate to give you a ride.”

 

“Thanks.” Nanlulumo kong sagot. Kailangan ko na rin siguro mag-isip ng mga ‘emergency excuses’ just in case. ‘Palusot’ lang tawag ko dun dati, pero sabi ni ate Taeyeon wag raw ako tutulad sa kanya kaya gumawa siya ng bagong term. Ewan ko lang kung effective.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
illu99
Hello! I am here! Anyway, just in case you're wondering, hindi every day ang ipapakitang chapters. Just any day within the 60 days :) And again, thanks for reading!

Comments

You must be logged in to comment
aligathuff #1
tao po....
u_ujiman #2
Chapter 1: Scrolling through my bookmarks :D
weejmj #3
kababasa ko lang ng other stories mo otor and I really love them. thinking of reading this already pero baka mabitin ako so baka hintayin kk pa na matapos...
winter6arden
#4
Chapter 6: MYGOD KINIKILIG AKO
jowlyanaa #5
Chapter 6: i miss them t_t
turtlerabbitpeach #6
Chapter 6: I missed them too 😩
Enterusername_here
#7
Chapter 6: Isa din to sa mga trope na gusto ko. Accxkkk ang cute magsungit ni wintot
petrichor09j
#8
Chapter 6: Thank you for writing and sharing this. I’m a er for cute meets and train meets. Now everytime nababanas ako sa mrt and lrt kasi ang tagal o grabe yung siksikan, I’ll think of this story para medyo mabawasan yung bad vibes lol. Excited for the next update!
tres_onse #9
Chapter 6: mga paraan mo talaga winter para lang makasilay kay crush..haha..next time wag na magdeny ha lalo ka nahahalata eh
Prenglesz_
#10
Chapter 6: winter crush mo si karina huwag ka na mag isip final na yan crush mo siya hahahaha