DAY 2

Train Tracks, Jeepney Rides
Please Subscribe to read the full chapter

Pause.

 

Kung na-enjoy ko ang first day of commute to school, pwes, ang second day ko ay malayong-malayo dun.

 

Alam kong sinabi ko before that I fully understand what to do kapag nagko-commute. Totoo naman. Kung meron ngang commuting etiquette na nai-papel, memorized ko yun at naisa-puso pa. I try my best naman, I swear. Always! Kaya hindi ko maintindihan bakit yung iba ay parang wala na lang pake or very inconsiderate.

 

Katulad na lang nitong ate na nasa harap ko. Parang tanga lang!

 

Paano ba naman natapon lang naman yung iced coffee niya sa puti kong uniform! Hindi ko alam kung bakit pinayagan siya ng security na makapasok sa platform na may dala-dalang liquid sa tubigan. Mind you, puno pa yung tumbler niyang yun. Punong-puno ng yelo at kape!

 

As usual kasi pagdating ng train sa Guadalupe station, maraming pasahero ang sumakay. Mas marami kaysa kahapon. Kaya pagdating ng Boni station kung saan kasing dami rin ng pasaherong bumaba ang sumakay, malamang sa malamang ay siksikan talaga.

 

Nakahawak lang ako sa overhead handles kaya medyo unsteady ang tayo ko. Si ateng may iced coffee, hindi ko alam kung anong ginagawa niya sa buhay niya, pero kitang-kita ko siya pumasok at lumapit sa kinatatayuan ko NA NAGMAMADALI.

 

Bakit siya nagmamadali papasok? Kung nasa unahan naman siya ng pila? Kaya ayun, bumangga siya sa akin, at ang kanyang poorly capped na tumbler na puno ng iced coffee ay natapon sa akin.

 

I’m not even kidding, siguro kung may salamin lang, feeling ko kalahati ng uniform ko ay may brown stain!

 

Buti na lang nasa blouse ko lang at wala sa palda dahil hindi ko alam kung paano yun tatakpan kung sakali. Maglalakad pa naman ako sa kahabaan ng Farmer’s at Gateway. Ngayon pa lang nai-imagine ko na ang walk of shame ko!



To be frank, hindi naman big deal talaga, kahit pa nga, I have the right to get angry. Ayoko sana. I wanted to be the bigger person–smile, and just say Ay, okay lang po. Malayo sa bituka. I would have walked out of this train with no remorse and moved on with my day. Ganon lang sana. Madali lang naman.

 

Pero itong ate na to, may ibang plano pala?

 

Nag-taray pa nga!

 

“Bakit ka kasi nakaharang sa daan?!” sabi niya kanina. Nag-pantig ang tenga ko! Aba lang ha. Kaya nag-kick in na rin ang pagka-maldita ko.

 

Naghahanap ka ng katapat mo teh, o ito na!

 

Kaya ito kami ngayong dalawa nagsasagutan sa loob ng tren.

 

Mommy did not raise me like this, pero mas naririnig ko ang ate Taeyeon ko na nagsasabing: “Wag kang magpapa-api Winter Kim!”

 

Sasagot na sana ulit ako nang makaramdam ako ng pagdampi sa braso ko.

 

Napaangat ako ng tingin sa taong humawak sa akin–babae (duh!), matangkad, hair tied in a ponytail, at may beauty mark sa gilid ng labi.

 

“Tigil mo na yan ate,” sabi niya. Kaloka husky voice pa nga! Kahit si ate na nakasagutan ko ay halatang nawindang. Kasi ba naman saan ba to galing na babaeng to? “Excuse me and my friend.” Sabi niya lang ulit bago ako pinilit dalhin sa pinakalikod ng carriage.

 

Gustuhin ko man pumiglas at sungitan din siya pero sobrang bilis lang ng pangyayari, hindi ko alam kung saan ako unang magre-react–sa pag-interrupt niya ng showdown namin, sa paghila niya sa akin sa gitna ng siksikang mga pasahero, o sa ganda niya?

 

TINAWAG PA NGA AKONG FRIEND?

 

Sino ba ‘to?

 

Shaw Boulevard.

 

Maramig ang nagsibabaang pasahero, kasama na si ate na masungit. Hindi na rin gaano karami ang sumakay.

 

 

Napatingin ako kay ate na nanghila sa akin. Pareho kaming nakahawak sa steel bar. Napatagal yata ang pagtitig ko dahil napagawi rin ang tingin niya sa akin.

 

Ngumiti siya.

 

“Aray!” reklamo niya, halatang nagpipigil sa naging reaksyon. “Bat mo ako hinampas?”

 

“Ewan ko, bakit mo ako hinila-hila dito?”

 

“Para matigil na kayo nung ate.” Hinimas-himas niya ang braso niya kung saan ko siya pinalo. “Ang ingay niyo kaya”

 

“Siya naman nagpa-simuno eh. Siya na nga nakabuhos sa akin, ako pa may kasalanan?”

 

“Talaga ba?”

 

Tumango ako. “Bakit daw ako nakaharang sa daan? Napaka-kapal ng mukha talaga.”

 

Napailing siya at biglang napansin ang stain sa uniform ko.

 

Ay, . Nakalimutan ko ang pinakamalaking problema ko.

 

Ortigas station.

 

Napasiksik ako kay ate dahil nasa may bungad kami ng pinto nakatayo. My arm touched her torso, nagkatinginan kami. Nakangisi siya.

 

“Anong nginingiti mo dyan?” pag-irap ko sa kanya.

 

“Wala naman.”

 

“Wag mo akong hihipuan,” madiin kong sabi. Narinig ko ang mahina niyang tawa.

 

“Do you even hear yourself?” tanong niya. Hindi ko siya sinagot, but I made sure she saw me roll my eyes at her.

 

I distanced myself from her a bit as soon as the doors closed. At kahit may espasyo na sa gitna naming dalawa, amoy na amoy ko ang perfume niya.

 

In fairness, mabango.

 

Hindi ako mahilig sa perfumes dahil mabilis kumati ang ilong ko lalo na kung sobrang tapang ng amoy. Kaya kapit ako ng body lotion eh. Pero yung kay ate na ito, hindi masakit sa ilong. Medyo fresh nga actually. Mukhang approved ng aking sense of smell!

 

 

Nararamdaman kong nagsi-seep through ang coffee stain. Saglit kong pinagmasdan ito. Nakakairita talaga! Panira ng araw.

 

“Gusto mo ng jacket?” alok ni ate sa tabi ko. “I can lend you mine.”



Tumanggi ako. “Pass, baka kung anong tranquilizer meron yan.”

 

“Sungit” rinig kong bulong ni ate. Talaga!

 

Nung akala kong tahimik na ang buhay ko kahit saglit lang, biglang nagsalita si stranger nang papalapit na ang tren ng Santolan station.

 

“Takpan mo na nga yang stain sa uniform mo. Pangit tignan.”

 

Nag-pantig ang tenga ko dun ah, “Oh, diba? Nag-reklamo ka rin, gets mo na yung init ng ulo ko dun kay ate kanina?”

 

Tapos siya pa may gana ilayo ako kay ate na parang ako yung nagsimula ng eksena? Hello????

 

“Takpan mo na,” pagpupumilit niya. Umirap ako.

 

“Whatever.”

 

Tinanggal ko ang suot-suot kong backpack at inabot sa kanya. Walang angal naman niya itong hinawakan kahit medyo naguguluhan siya sa sudden action ko. Binuksan ko ang zipper, saka kinuha ang paborito kong windbreaker.

 

Pagkasuot ko, I zipped the bag close and took it from the hands of the stranger, saka binalik sa likod ko.

 

“Oh ayan hindi na ba masakit sa mata mo stranger?”

 

“Daming sinabi.” Umiling si ate. Pero hindi nakalampas sa akin ang slight smirk niya.

 

Aba?

 

Santolan station.

 

Mas lumuwag na ang loob ng tren dahil konti na lang din ang sumakay. Mas malamig na rin ang buga ng aircon, at may mga vacant seats na rin. Pero kami ni stranger nanatiling nakatayo.

 

“Upo ka na dun.” Turo niya sa bakanteng upuan malapit sa gitna.

 

Umiling ako, “pass, ikaw na lang.”

 

“Samahan na lang kita dito.” Nakatingin siya sa akin na may malawak na ngiti. Napairap ako.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
illu99
Hello! I am here! Anyway, just in case you're wondering, hindi every day ang ipapakitang chapters. Just any day within the 60 days :) And again, thanks for reading!

Comments

You must be logged in to comment
aligathuff #1
tao po....
u_ujiman #2
Chapter 1: Scrolling through my bookmarks :D
weejmj #3
kababasa ko lang ng other stories mo otor and I really love them. thinking of reading this already pero baka mabitin ako so baka hintayin kk pa na matapos...
winter6arden
#4
Chapter 6: MYGOD KINIKILIG AKO
jowlyanaa #5
Chapter 6: i miss them t_t
turtlerabbitpeach #6
Chapter 6: I missed them too 😩
Enterusername_here
#7
Chapter 6: Isa din to sa mga trope na gusto ko. Accxkkk ang cute magsungit ni wintot
petrichor09j
#8
Chapter 6: Thank you for writing and sharing this. I’m a er for cute meets and train meets. Now everytime nababanas ako sa mrt and lrt kasi ang tagal o grabe yung siksikan, I’ll think of this story para medyo mabawasan yung bad vibes lol. Excited for the next update!
tres_onse #9
Chapter 6: mga paraan mo talaga winter para lang makasilay kay crush..haha..next time wag na magdeny ha lalo ka nahahalata eh
Prenglesz_
#10
Chapter 6: winter crush mo si karina huwag ka na mag isip final na yan crush mo siya hahahaha