Day 6 (not the band)

Train Tracks, Jeepney Rides
Please Subscribe to read the full chapter

Magkasabay ulit kami sa MRT ni Karina.

 

Sa tingin ko kailangan ko nang masanay na makita siya kada umaga. Hindi ko naman sinasabi na bawal siyang sumakay ng MRT habang nakasakay ako, hindi ko rin naman gine-gatekeep itong transpo na ito. Ang akin lang naman, sobrang weird lang ng circumstances namin. Who would have thought na yung mere stranger na nakasabay ko one day on the way to school ay bestfriend ng kaibigan ko? The world shouldn’t be this small, no?

 

Nakita ko na kaagad siya, hindi pa man tumitigil ang tren. Siya ang nasa pinaka-unahan ng pila. Same spot siya naghihintay at sa same car kami nakasakay – the section before the PWD and senior citizen’s area. Hindi namin siya napag-usapan. It’s so crazy to think that maybe we have this understanding already.

 

Masyado bang mabilis?

 

Masyado ba akong nagmamadali?

 

Bakit ako nag-aalala?

 

What is there to worry about?

 

Ano ba dapat kong ipag-alala?

 

Hindi ko aaminin kahit kanino at mamamatay muna ako bago ito lumabas sa bibig ko mismo, pero I will not deny how comforted I am seeing Karina everyday on this train. No particular reason to justify it. It is what it is sabi nga ng mga pilosopo.

 

Nakita ko kung paano ako hinanap ng mga mata ni Karina. Her eyes roamed the entire car, eyebrows scrunched, meeting together, forehead creased, nakasimangot na rin. But only when her eyes found mine did she relax.

 

Nakita ko rin kung paano lumawak ang ngiti sa labi niya. Sobrang comical, parang naka-slow-mo pa nga. Hindi ko rin napigilan ang sarili kong ngumiti pero agad ko itong binawi. Syempre, I have an image to keep up.

 

“Good morning Winter,” bati niya sa akin. Her arm snakes behind my head to reach the handle above me. Kinikiliti nanaman ako ng perfume niya – sweet and fresh.

“May iba sayo today.” Pansin ko na kaagad ang na iba ang aura niya today. Hindi ko lang sure kung ano ang iba.

 

“Something bad?” sagot niya, may ngiti pa rin sa mukha niya. “Akala ko wala ka today, hindi kita agad nakita.”

 

Napangisi ako, “oo nga eh, nakita ko kung paano mo ako hinanap. Mukha kang tanga.”

 

“You were watching me?”

 

Akala niya mauutakan niya ako sa mga remarks niya na ‘yan! “Ang dami kong sinabi ‘yan lang nakuha mo?” Umirap ako, “way to come out as a narcissist.”

 

Hindi na siya sumagot. Tumawa na lang si Karina at umiling.

 

Palihim ko siyang sinilip. Malayo agad ang tingin niya sa labas. May iba sa kanya ngayong araw. Hindi ko lang ma-pinpoint kung ano. Nasa dulo siguro ng dila ko. Kung kailan kami dumating ng Shaw Boulevard station, saka lang nag-sink in sa akin – hindi ako inaasar ni stranger!...or Karina na ba?

 

Mas lumapit sa akin si Karina, her arm snaking behind me to reach the steel bar and steady herself. Naamoy ko ulit ang pabango niya. Ang bango talaga, pero hindi ko sasabihin sa kanya ‘yon!

 

“Bango ba?” Tiningnan ko siya at may smirk na agad sa pisngi niya. Sarap sampalin eh para matanggal. Pinakita ko sa kanya ang pag-ikot ng mga mata ko, kunwari hindi ako natutuwa. Siguro kung mahina-hina lang ako, nasabi ko nang ‘Oo, napakabango mo talaga, Mama Mary!’

 

Nagsara na muli ang pinto at umandar na. Katulad noong mga nakaraang araw, hindi gaano karami ang pasahero ngayon. Pasalamat na lang, ayaw ko talagang makipagsisikan nang malala. Nagkakaamuyan na.

 

Pero ano ‘to?

 

Okay, well…


 

Well…


 

Amen!

 

“Pupunta pala ako ng UST mamaya,” my ears perk up at Karina’s words. Tiningnan ko pa nga siya kung seryoso talaga. Pero ngiti lang niya ang sumalubong sa akin. At yung dimple niya na rin.

 

Anyway, what if magkita kami sa campus? Anong gagawin niya sa school ko? Ay, inangkin.

 

“Ano?” ulit ko. Magsasalita na sana siya pero inunahan ko kaagad, “Anong pake ko?”

 

Narinig ko ang pag-snort niya. Halatang nagpipigil ng tawa. Hindi na ba effective ang pagsusungit ko?

 

“Birthday kasi ng paboritong instructor ko noong senior high school. We’re all meeting up for him.”

 

“Hindi ko tinanong.”

 

“I hope I see you around.” Ngumiti lang si stranger at hindi na nagsalita ulit.

 

Bakit hindi siya nagsasalita? Bakit hindi niya ako inaasar? Nakakapanibago. Kahit naman ilang araw pa lang kaming magkakilala ni Karina parang nasanay na rin ako sa naging dynamic naming asaran. Lumagpas kami ng ilang stations nang hindi nag-uusap. Ayos lang kaya siya? Pansin ko rin na parang wala siya sa sarili niya.

 

Hala, tapos sinusungit-sungitan ko pa. Nagi-guilty tuloy ako.

 

“Ayos ka lang ba?” nilakasan ko na ang loob ko para itanong. Nasa Santolan station na kami. Hindi siguro ako matatahimik kung hindi ko sa kanya itanong ito.

 

Parang nabigla si Karina tanong ko. Ako rin.

 

“Oo naman. I’m fine.” Binigyan niya ako ng ngiti na tulad lang ng mga nakaraan. Hindi mapang-asar, labas dimple. I would call it sweet but…sige na nga, matamis na ngiti ang pinakita niya sa akin. “Concerned ka ha, I’m touched.”

 

“So, hindi ka nga okay?” Tiningnan ko siya sa mata. Trying to get through to her. Pero bakit ba ako invested? Ano naman kung hindi niya ako inaasar ngayong araw? Hindi ba dapat matuwa ako kasi peace, finally! Ewan ko na lang!

 

Instead of answering my question, she deflected. “Dinner tayo mamaya after your class?”

 

Umandar na ulit ang tren paalis ng station. Malapit na ako bumaba.

 

“Are you free after 5pm?” Dagdag pa niya.

 

Dismissal ko na ng 4pm. Surely, if I wanted to have dinner with her, I would say yes naman, ‘no?

 

Napatagal siguro ang pag-iisip ko dahil paparating na kami ng Cubao station. Bababa na ako. Hindi ko man lang nabigyan ng sagot si Karina. Napatingin ako sa kanya. She seemed so hopeful just a second ago. Nakangiti lang siya sa akin ngayon. Pero katulad din ng vibe ngayong araw, parang may iba.

 

The doors open.

 

“It’s okay if you don’t want to.” Sabi niya before I got carried by the swarm of passengers exiting the train.

 

Naiwan akong nakatayo sa platform. Kahit pumasok na rin ang mga naghihintay na pasahero. Kahit nagsara na ang mga pinto ng tren. I stayed there.

 

Hindi ko mahagilap si Karina.




 

Papuntang LRT 2, hindi mawala sa isip ko si Karina.

 

And I don’t mean this in a creepy obsessed way. It’s just…I’m pretty sure there was something wrong today. But from Karina’s perspective naman, it’s obviously none of my business. Wala lang. I guess whatever’s going on with her must be affecting her so badly for me to notice the change in her demeanor. And I can tell she was trying so hard to cover it up.

 

Hindi ko naman sinasabing magaling ako makapansin ng changes sa tao, or that I can read them well. Maybe we don’t really have to look to pay attention or something like that. Maybe we need to just see it. Hindi ko rin gets. Basta. Something philosophical na kineme!

 

Kaka-tap ko lang ng card ng marinig kong may tumawag ng pangalan ko. Agad akong napalingon kung saan galing ang boses at nakita si Ryujin na kaka-tap lang din ng card. Binilisan niya maglakad papalapit sa akin na naghihintay na sa escalator paakyat ng platform.

 

“Bakit naman buong pangalan ko sinigaw mo? Kulang na lang sabihin mong taga-Makati ako eh.” Ang lakas lakas ba naman ng boses ni Ryujin kung gugustuhin niya talaga.

 

“Sorry na. Kanina pa kasi kita tinatawag, doon pa lang sa may bandang uniqlo tinatawag na kita eh.” Sumakay na kami sa escalator. Nasa likod ko siya. “Parang distracted ka yata eh. May distraction na sa buhay mo?”

 

Tiningnan ko lang si Ryujin. Halatang inaasar niya ako sa ngiti niya. Tinutusok-tusok pa nga ang tagiliran ko. “Anong pinagsasabi mo dyan? Mukha mo distraction.”

 

Ngumuso siya. Parang bata lang! “Ganda kaya ng mukha kong ‘to.”

 

“Sige,” sagot ko na lang. Feeling ko trick statement ‘yon eh. Tapos hinuhuli lang ako ng kaibigan ko.

 

“Agree ka?” Naglakad kami sa pinakahuling banda ng platform. Minsan kasi hindi punuan ang car ng train dito. Hindi ko sinagot si Ryujin. Tanging irap lang natanggap niya sa akin. “Silence means yes 'yan ha”

 

Ang kulit!

 

“Importante ba opinyon ko sa mukha mo?”

 

“Sa akin hindi. Kay Heejin, oo.” Napakunot ang kilay ko sa sinabi niya. Ano namang kinalaman ni Heejin? “Naghihintay sa akin si Heejin sa Legarda, inform lang kita. Sabay kami papasok eh.” Tumango na lang ako sa sinabi niya. Anong connect ng information na ‘yon sa previous topic namin?

 

“Kumusta na nga pala kayo nung jowa-jowaan mo sa UP?” Napatingin ako sa kanya. Nag-sink in sa akin na nagko-commute ngayon si Ryujin. “Aha! Galing ka sa kanya ‘no?”

 

Hinawakan ni Ryujin ang balikat ko, “Hinaan mo nga boses mo?” Napatingin siya sa paligid namin. May iilan na napagawi sa direksyon namin.

 

“Alam mo na feeling?” Napabuntong hininga na lang siya. Parang nalungkot din itsura niya. Anong meron?

 

“Hindi na kami nag-uusap.”

 

Napataas ang kilay ko. “Ay, sorry. Hindi ko alam.”

 

“It’s alright. Matagal-tagal na rin.”

 

“Gusto mo i-kwento?”

 

“Wala namang ike-kwento eh. Umamin lang ako na na-attach na ako. At first she said it was fine, but then a couple of days later, sinabi niyang hindi pala niya kaya ma-maintain being friends with me. Kaya ayon, hindi na kami nag-uusap.” Hinawi ni Ryujin ang buhok niya palikod, mas nakita ko tuloy ang dismayado niyang mukha. “In my defense, I told her that I have no ulterior motives. I just woke up one day feeling that way. And I decided to tell her, because ganon ako mag-cope eh. But to be fair to her, I did say that my attachment will grow into something more. I guess ayaw niya lang ng connections with somebody carrying that kind of pressure.”

 

Buti na lang pala tinanong ko siya tungkol dito. Akala ko walang kwento, pero ang haba ng sinabi niya. Nakakalungkot lang isipin kung kinailangang kimkimin ito ni Ryujin. I would have been sadder if I were in her position.

 

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaibigan ko. Ano ba sinasabi sa mga ganito? Kung si ate Taeyeon, marami na siyang nasabi. Depende na lang din sa kausap niya kung anong masasabi niya. Ano kayang masasabi ni ate sa sitwasyon ni Ryujin?

 

All I could do was give my friend a pat on her shoulder. Surely, it’ll get better for her right?

 

“Kumusta ka ngayon?” tanong ko. Tama bang tinanong ko ‘yon?

 

Nagkibit-balikat

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
illu99
Hello! I am here! Anyway, just in case you're wondering, hindi every day ang ipapakitang chapters. Just any day within the 60 days :) And again, thanks for reading!

Comments

You must be logged in to comment
aligathuff #1
tao po....
u_ujiman #2
Chapter 1: Scrolling through my bookmarks :D
weejmj #3
kababasa ko lang ng other stories mo otor and I really love them. thinking of reading this already pero baka mabitin ako so baka hintayin kk pa na matapos...
winter6arden
#4
Chapter 6: MYGOD KINIKILIG AKO
jowlyanaa #5
Chapter 6: i miss them t_t
turtlerabbitpeach #6
Chapter 6: I missed them too 😩
Enterusername_here
#7
Chapter 6: Isa din to sa mga trope na gusto ko. Accxkkk ang cute magsungit ni wintot
petrichor09j
#8
Chapter 6: Thank you for writing and sharing this. I’m a er for cute meets and train meets. Now everytime nababanas ako sa mrt and lrt kasi ang tagal o grabe yung siksikan, I’ll think of this story para medyo mabawasan yung bad vibes lol. Excited for the next update!
tres_onse #9
Chapter 6: mga paraan mo talaga winter para lang makasilay kay crush..haha..next time wag na magdeny ha lalo ka nahahalata eh
Prenglesz_
#10
Chapter 6: winter crush mo si karina huwag ka na mag isip final na yan crush mo siya hahahaha