Day 3

Train Tracks, Jeepney Rides
Please Subscribe to read the full chapter

May nabasa ako noon. Isang tanong. 

 

How many times can something happen before it’s no longer a coincidence?

 

Yan ang question of the day ko ngayong umaga. 

 

I’m pretty sure that if something happens for the first time, it’s purely a coincidence. Something we wouldn’t even mind at all, or even give a second thought. 

 

If it happens twice, pwede pa rin siyang ma-consider na coincidence. You can still give it the benefit of the doubt. Because most likely, it still is a coincidence. 

 

I wish I was just being inquisitive today or curious kaya ako may tanong na ganon. Unfortunately, no. It’s not like that at all. 

 

Because standing across from me inside the train right now, no more than 5 meters away, is the very same stranger I met yesterday. 

 

Yes, yung babaeng umawat sa amin nang nakaaway ko. 

 

Yung stranger.

 

Yung stalker-ish.

 

Yung magand—

 

Ay, ano ba! Basta siya. 

 

Hindi ko alam kung nakita na niya ako or namukhaan man lang from yesterday. Pero namukhaan ko kasi siya, hindi pa man bumubukas ang pinto ng tren nang tumigil ito sa Guadalupe, alam kong siya na yun. 

 

Nabanggit ba niya pangalan niya? Hindi ata ‘no? Basta tinawag ko na lang siyang stranger at inakusahan na stalker kasi alam niya kung saan ako bababa. 

 

Mag-sorry ba ako? 

 

I should. Nakaka-offend yung sinabi ko, kahit papaano rin naman, nagmagandang loob siya sa akin kahapon. Plus, she isn’t even creepy. 

 

From where I stand, mas natitingnan ko siya nang maayos.



Ang tangkad niya pala from afar. 

 

But her beauty is on another level. It demands to be acknowledged. Mukha siyang model. Even with the simplest standard UP Maroon shirt, denim shorts at white canvas sneakers. Feeling ko siya ang pinakamagandang babae ngayon sa buong tren na to.

 

The beauty mark below her lips looks like it has been carefully and perfectly placed there. The slope of her nose—

 

“Ikaw ha”

 

Holy . 

 

Si stranger. Nasa harap ko na. Like right in front of me.

 

When did she get here?

 

“Ano na naman?” I tried to cough in hopes to conceal my prior thoughts. Nararamdaman ko na ring nag-iinit ang pisngi ko. 

 

“You were checking me out.” That annoying smirk on her face! “Pangalawang beses pa lang natin nagkikita, pero crush mo na ako.” 

 

“Please wag na natin gawing tatlo.” Umirap ako. Nakalimutan ko, ang kapal nga pala ng mukha niya. Hindi na ako magso-sorry sa kanya. Asar lang!

 

Mas lumawak ngiti niya. “Wala ka atang kaaway today?” 

 

“Ikaw aawayin kita, wag mo ako simulan.” 

 

Sasagot pa sana ulit si stranger nang biglang nabulabog ang buong section ng tren namin. 

 

May umiiyak na bata, hindi ata makahinga nang maayos. Pinilit ng mga kasama kong pasahero na bigyan ng space for breathing room ang bata. Baka nao-overwhelm din kasi sa sobrang dami ng tao. Mukhang wala pa ngang 10 years old eh.

 

“Patulong po kami,” tawag nung nanay ata ng bata.”May nurse po ba rito?” 

 

Hindi ko alam kung anong binulong ng universe sa mga tao today, para lahat sila napatingin sa akin. 

 

Nakita ko pa kung paano umikot mga ulo nila, at tumigil sa kinatatayuan ko.

 

“Miss, patulong naman please?” Tunog nagmamakaawa na yung nanay. Hala! Paano ba ‘to?

 

“Ay, sorry po, ma’am.” I regretfully said, “hindi po kasi ako nu–”

 

Hindi ko na naituloy ang gusto ko pang sabihin dahil biglang sumingit si stranger. 

 

Lagi na lang siyang sumisingit, ano?

 

“Ito po, ma’am.” Mabilis na hinablot ni stranger ang isang small folded brown paper bag sa satchel niya. Inabot niya ito kay mother. “Dito niyo po siya ipag-inhale at exhale. Slow, deep breaths lang po.” 

 

Tumango si mother saka kinuha ang paper bag. Lumapit siya sa anak niya at ni-relay ang sinabi ni stranger. Si stranger naman nakamasid lang sa kanila, pero halatang concerned din.

 

Tahimik lang ang saglit buong section ng tren namin.

 

Shaw Boulevard. 

 

Inabutan sila ni stranger ng katinko. Todo pasalamat din si mother sa kanya. But the stranger turned it down, saying it was no problem. Kung meron lang din daw nakakaalam sa iba pang pasahero kung anong gagawin, for sure daw, tutulong naman sila. 

 

Nagpasalamat ulit ang mag-ina bago sila nagmadaling lumabas ng tren. 

 

Bumalik na si stranger sa dati niyang pwesto–sa tabi ko. 

 

“Wow nurse.” Biro ko. Honestly, ano ba pwede kong sabihin after that? Umiling si stranger. 

 

“Nagkataon lang din. Ako rin kasi hinihika.” Pinasilip niya sa akin ang loob ng satchel niya na may maliit na box ng inhaler. 

 

Napatikom ako ng bibig. Unable to come up with something smart as a clap back. Hindi naman kasi dapat clap back ang sagot sa ganon. 

 

“Hindi ka ba natrigger ng nangyari?” 

 

Umiling siya. “I’m fine. Thank God kasi matangkad ako.”

 

“That was so cool, by the way.” Nauna pang lumabas sa bibig ko ang mga salita na yon bago pa talaga mapigilan ng utak ko. Napatingin sa akin si stranger, nagtataka. “What you did earlier…that was so cool.” 

 

Napangiti siya.

 

But this smile was different from the other smiles that she had shown me. 

 

This one looks a little bit sincere?

 

“Thank you, if you think that. It’s a bit funny though, kasi ikaw yung napagkamalang nurse.”

 

Automatic na umikot ang mga mata ko at her remark. Hirap naman niya i-compliment laging may kapalit na atake sa akin. “Shut up nga.” 

 

Ewan ko ba school ko. Totoong mukha akong nurse sa uniform ko. 

 

At hindi lang kaming mga taga-College of Science. Kahit mga taga-Education, mukha ring nurse!

 

“Joke lang naman.” Humawak siya steel bar kung saan din ako nakakapit. “What’s your program? Kung okay lang malaman.”

 

Pinanliitan ko siya ng mata. Trying to see right through her. Wala naman mawawala sakin pag nag program reveal ako, no?

 

“Med bio.”

 

“Gusto mo mag-doktor?” 

 

Natigilan ako sa tanong niya. 

 

I don’t remember getting asked that question before as far as I can remember. Ang natatandaan ko lang na reactions tuwing sinasabi ko ang program ko, especially from my relatives, ay magiging magaling na doktor din daw ako katulad ng parents ko. 

 

My father especially, dahil siya yung sa surgeon sa kanilang dalawa ni mommy. Sought out neurosurgeon si Daddy, habang si Mommy naman isa sa mga top pediatricians in the country.

 

Santolan station. 

 

Nasagi ako ni ate girl palabas ng train. Nag-sorry siya. Sabi ko okay lang. 

 

“Uy, hindi niya inaway.” Hinampas ko ulit si stranger. “Sadista mo naman.” Hinimas himas niya ang kanyang braso.

 

Umirap nanaman ako. 

 

Grabe, ilang irap kaya nagagawa ko kapag kaharap ko si stranger? Hindi pa rin ako nahihilo.

 

“Hindi lahat aawayin ko, no? Hindi naman ako iskandalosa.”

 

Tumango-tango si stranger, na parang hindi naniniwala sa sinabi ko. 

 

“Totoo nga sinabi ko.” 

 

Napatawa siya. 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
illu99
Hello! I am here! Anyway, just in case you're wondering, hindi every day ang ipapakitang chapters. Just any day within the 60 days :) And again, thanks for reading!

Comments

You must be logged in to comment
aligathuff #1
tao po....
u_ujiman #2
Chapter 1: Scrolling through my bookmarks :D
weejmj #3
kababasa ko lang ng other stories mo otor and I really love them. thinking of reading this already pero baka mabitin ako so baka hintayin kk pa na matapos...
winter6arden
#4
Chapter 6: MYGOD KINIKILIG AKO
jowlyanaa #5
Chapter 6: i miss them t_t
turtlerabbitpeach #6
Chapter 6: I missed them too 😩
Enterusername_here
#7
Chapter 6: Isa din to sa mga trope na gusto ko. Accxkkk ang cute magsungit ni wintot
petrichor09j
#8
Chapter 6: Thank you for writing and sharing this. I’m a er for cute meets and train meets. Now everytime nababanas ako sa mrt and lrt kasi ang tagal o grabe yung siksikan, I’ll think of this story para medyo mabawasan yung bad vibes lol. Excited for the next update!
tres_onse #9
Chapter 6: mga paraan mo talaga winter para lang makasilay kay crush..haha..next time wag na magdeny ha lalo ka nahahalata eh
Prenglesz_
#10
Chapter 6: winter crush mo si karina huwag ka na mag isip final na yan crush mo siya hahahaha