| Clark

Heavy Blue
Please Subscribe to read the full chapter

“Blade, ano nga kasing pangalan nung kasama mo kagabi?” Pag-uusyoso ni Wonho.

 

Simula kaninang umaga, ginugulo niya na ako at dinadaldal. Kanina niya pa rin hinihingi ang pangalan ni Karina na hindi ko syempre binibigay sa kanya. Hindi naman sa ayaw kong malaman niya. Wala lang ako sa lugar para ibigay ‘yon sa kanya.

 

Nakatambay lang kami dito sa tindahan ni aling Joan sa tapat ng pound. Gustuhin ko man manatili sa loob ng pound, pinagbabawalan din ako ni Lopez dahil baka raw matukso ako mag training.

 

Hindi naman mahigpit sa’kin dati ‘yan sila lopez. Mukhang may sinuhol si Karina sa kanya kaya napapayag ‘tong kaibigan ko.

 

3:32 pm

 

“Isang tanong mo pa, Wonho.” Pagbabanta ko sa lalaking nasa tabi ko. Ang ibang mga lalaki talaga, hindi makatanggap ng ‘hindi’ eh. Men and their fragile ego nga naman.

 

“Tsk! Ang damot mo naman.” Inis na sagot niya bago uminom sa RC na naka-plastik. “Bakit ba ayaw mo ibigay? Kayo ba?” 

 

Kunot noong tiningnan ko lang siya bago sinuntok sa braso niya. “Ang tanda mo na. Manahimik ka na dyan.” Maikling sambit ko. 

 

“Aray, gago! Ang sakit mo kaya manuntok!” Pilit na tumawa lang naman si Wonho at hinimas-himas ang braso niyang tinamaan. Sana naman ay hindi niya na ako kulitin tungkol kay Karina dahil naiirita na ako. Baka hindi lang suntok ang abutin niya sa’kin pag nagkataon.

 

Sakto naman ay may dumaan na grupo ng mga kababaihan sa harap namin. Tatlo sila at hindi ako pamilyar sa kahit sino sa kanila.

 

Mabuti na lang at wala ngayon ang mga masahol na tambay dito sa lugar namin. Bagong mga mukha kasi ‘tong mga ‘to at may mga itsura rin. Mukhang wala akong sasaktan na manyak ngayon.

 

“Oh, anak. Umuwi ka yata?” Bati ni aling Joan sa isa sa mga babaeng tumigil sa tapat ng bahay nila. Dali-daling lumabas din siya sa tindahan at hinagkan ang anak.

 

Base sa suot nitong uniform, mukhang doon siya sa sikat na unibersidad sa main city nag-aaral. 

 

Hindi mayaman sila aling Joan kaya sigurado akong matalino ang anak niya at nakakuha ng scholarship para makapasok sa ganong klaseng paaralan. O baka naman may ibang nagpapaaral sa kanya?

 

Sa pagkakaalam ko rin, si Eunchae lang ang anak ni aling Joan. May isa pa pala?

 

“Aba’y paano kayo nakarating dito?” Sambit ni aling Joan matapos bitawan ang anak. 

 

“Nagpahatid po kami sa driver nitong kasama ko.” Sagot ng anak ni aling Joan. “Ma, si Kazuha at Sakura po pala.” 

 

“Kagagandang mga bata naman. Halikayo’t pumasok dito sa maliit naming bahay.” 

 

Bago pa man maka-hakbang ang mga babae ay biglang nagsalita itong katabi ko.

 

“Aling Joan, ipakilala mo naman kami ni Blade sa mga girls.” Pagpapapansin ni Wonho. Aba’t umakbay pa sa’kin. Mabilis na inalis ko naman ang braso niya. 

 

“Hay nako. Ikaw talaga, Wonho. Aber, ito ang anak ko. Si Yunjin. Ito raw ang mga kaibigan niya na sila Kazuha at Sakura.” Pagpapakilala ni aling Joan sa mga babae na kasalukuyang nasa harap namin.

 

“Bakit hindi mo kamukha?” Nagtatakang tanong niya kay aling Joan.

 

May itsura si aling Joan ngunit ibang-iba talaga ang itsura ng anak niya sa kanya.

 

“Bastos kang bata ka!” Tumawa ang tatlong babae dahil sa naging reaksyon ng nanay ni Yunjin. Yunjin? Tama ba? “Nakamukha ito ng tatay niyang kano kaya ganyan.”

 

Ah, may lahi pala. Siguro ay magkaiba sila ng tatay ni Eunchae. Hindi ako sigurado pero parang ganun na nga.

 

“Hello, mga binibini.” Ngumingising bati ni Wonho at nag bow pa sa kanila.

 

Masamang tiningnan ko lang siya ulit. “Pasensya na kayo. Huwag niyo siyang pansinin.” Paghingi ko ng paumanhin sa kanila. “Pasok na kayo.” 

 

Tumango lang naman sila at sumama na kay aling Joan papasok sa kanilang bahay. Hindi naman nakalampas sa paningin ko ang maliliit na tulakan at kurutan nila sa tagiliran matapos kong magsalita.

 

May mali ba akong sinabi?

 

“Ate Yunjin!” Rinig na rinig mula sa tapat ng tindahan nila ang malakas na sigaw ni Eunchae. Madalas na kinukulit ako ng bata na ‘yan sa tuwing napapadaan ako dito sa tindahan nila kaya pamilyar na sa akin ang tono ng boses niya. 

 

Nakita kong nag bulungan silang dalawa kaya nilayo ko na lang ang atensyon ko sa kanila. Baka sabihin pa ay chismosa ako.

 

Nakakapanibago ang katahimikan dito sa lugar namin. Hindi dumadaan ang mga usual na siraulo.

 

Unang araw pa lang naman mula nung lumabas ako sa ospital kaya hindi ko na lang gaanong paka-iisipin.

 

Ang boring naman ngayon. Masyadong tahimik. Nakakapanibago pero mas pabor ako sa ganito.

 

Kinuha ko na lang ang cellphone ko sa bulsa at nagsimulang mag check ng mga messages.

 

Syempre unang-una at nasa pinaka taas ay si Anying. 

 

Kagabi pa siya message nang message sa akin. Nagpapaalala ng mga dapat kong gawin at nagbabanta na hahalikan niya ako kapag hindi ako sumunod.

 

Wala na ba siyang maisip na ibang panakot?

 

Effective naman dahil nagrereply na lang ako para manahimik na siya.

 

Karina anying [1:23 pm]: Good afternoon. Don’t forget to drink your meds. 

Karina anying [1:56 pm]: Sabi ko you need to reply eh -_-

Karina anying [2:21 pm]: I’m done with classes. Anw, I hate my prof so much. He’s really out there dumping us with lab work and written works.

Karina anying [3:10 pm]: REPLY! 

Karina anying [3:35 pm]: You’re not gonna reply? Get ready ‘cause ikikiss kita bukas 😈

 

Masyado naman ‘tong nagmamadali mareplyan. Sobrang bored niya siguro sa buhay kaya ganyan. Eh bakit niya ako dinadamay?

 

At anong kiss? Ang hilig umamba pero hindi naman ginagawa. 

 

Huwag naman sana.

 

Ayoko rin ng physical touch kaya i-kiss niya ang pader kung gusto niya.

 

Blade [3:46 pm]: Kiss mo mukha mo. 

 

“Ate Blade!” 

 

Nagmamadaling lumapit sa akin si Eunchae, at hindi lang ‘yon, hila-hila niya ang ate niya habang ang mga kaibigan naman nito ay tumatawa habang nakasunod sa kanila.

 

Halos madapa na sila sa katatakbo papunta dito sa labas. Masyado naman silang excited.

 

“Oh?” 

 

Nginitian lang naman ako ni Eunchae nang makarating sa harap ko. “Papakilala ko sa’yo si ate. Okay lang?” 

 

Nakatakip ang kamay ng ate niya sa mukha at para bang nahihiya kaya pinagaan ko na lang ang atmosphere.

 

“Sige lang.” 

 

“OWEMJII.” Ipit na sigaw ni Eunchae bago lumapit sa akin. “Ate Yunjin, this is ate Blade. Ate Blade this is ate Yunjin Clark. My half ate na half half din ang lahi. Half pinoy, half American, at half yours.” 

 

Malakas na naghiyawan ang kasama niya at sumabay pa itong si Wonho na nasa tabi ko. Malakas na tinulak tulak niya pa ang likod ko.

 

Tumigil lang siya nang ambahan ko siya ng suntok. “Joke lang naman Blade my bossing.” 

 

Hindi ko alam ang gagawin ko dahil mukhang inaasar si Yunjin ng mga kaibigan nito. “Kamayan mo naman, Yunjin!” Sigaw nung maliit na kasama niya.

 

“U-Uhm, hi Blade.” Inabot niya ang kamay niya sa’kin. 

 

Nagdalawang isip pa ako kung kakamayan ko siya dahil ayoko nga ng physical contact pero nakakahiya namang umayaw. Hindi ko rin gustong ipahiya siya sa harap ng mga kaibigan niya. Mukha rin namang mabait ‘tong si Yunjin.

 

“Hello, Yunjin.” Kinamayan ko siya saglit at tipid na ngumiti. Unti-unting nawala ang pagka-tense sa itsura niya at napalitan ito ng isang malawak na ngiti.

 

Nagbitaw lang kami nang biglang lumabas si aling Joan. “Eunchae! Ano na naman ‘yang pinapagawa mo sa ate mo!” 

 

“Aynako, pasensya ka na, Blade. Itong batang ‘to talaga.” 

 

Mukhang nag-aalala si aling Joan sa magiging reaksyon ko. Kilala ako dito sa amin bilang isang underground fighter kaya hindi mawawala sa kanila ang takot na makipag-usap sa akin.

 

Hindi naman sila dapat matakot pero salamat na lang din siguro dahil hindi ako pinapakialaman ng mga tao. 

 

 “Can Yunjin get your number daw.” Malakas na pagsali nung matangkad na kaibigan ni Yunjin sa usapan. Si Kazuha? Oo. 

 

“Ayieeeeeee!” Sabay na asaran ni Sakura at Eunchae at nagtutulakan pa. Pinanlakihan sila ni Yunjin ng mata at marahan na itinulak.

 

“Don’t mind them.” Nahihiyang sambit ni Yunjin. 

 

Tumango lang ako at hindi na sila pinansin. Inutusan na rin naman sila ni aling Joan na pumasok sa loob kaya nawala na rin sila agad sa harapan ko.

 

Hindi bago sa’kin ang mga babaeng tinutukso sa akin. Sa katotohanan nga eh kahit mga lalaki ay nagtatangka na kausapin ako. Hindi ko makita ang dahilan kung bakit sila nagkakagusto sa’kin dahil wala lang naman ako para sa sarili ko.

 

Walang magulang, walang matinong tirahan, walang maayos na trabaho, at higit sa lahat ay walang pakialam sa kahit kanino. 

 

Kung anong nagustuhan nila sa akin? Hindi ko rin alam. 

 

Isa lamang ang naging ex ko at noong senior high school pa ‘yon. Hindi ko babanggitin ang pangalan niya dahil para sa akin ay matagal na siyang patay.

 

Simula noong panahong iniwan niya ako.

 

Nasa lowest point ako ng buhay ko, tatlong taon ang nakalipas. Pinatay ang mga magulang ko. Wala akong kilalang kamag-anak. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin. 

 

Anong ginawa niya? 

 

Ayon. Umalis na lang bigla nang walang paalam. 

 

Noong mga panahong akala ko siya ang makakapitan ko, tyaka naman siya nawala. Siguro narealize niya na hindi niya gustong makipagrelasyon sa kagaya kong ulila at walang patutunguhan sa buhay. 

 

May parte sa’kin na iniisip na hindi ko naman siya masisisi. Sino nga naman ba ang gugustuhin na manatili sa buhay ko? 

 

Huling balita ko sa kanya ay doon na raw sila naninirahan sa Amerika pero nito lang ay nakauwi na siya dito sa pinas. 

 

I don’t really care.

 

“Blade! May putaragis na nanggugulo dito!” Si Lopez. Mukhang may adik na naman na umeepal sa pound.

 

“Sino na naman ‘yang hayop na ‘yan. Tara nga.” Aya sa’kin ni Wonho.

 

“Kasama ka ba? Blade raw diba.” 

 

“Ouch. You make my heart crack.” Madramang humawak pa siya sa dibdib n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
nikijeong
hello! sorry po sa super late ud. katatapos lang ng finals week ng yellow skul. anw, sabi sa inyo eh! malakas guardian angel sa likod ni blade. and congrats sa mga nakahula kung sino si big boss! galing niyo.

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
534 streak #1
Chapter 13: Hello pooo
fanficethusiast #2
Chapter 13: balik ka na po
AshtridSy #3
Chapter 13: Miss you, balik ka na please.
yhielswift013
#4
Chapter 1: comeback na po 🥹
howdoyouknowmee
534 streak #5
Chapter 13: Miss youuu Blade
aesyeppi
#6
Chapter 13: asan ka na blade? mish u
_wintuhhh
#7
miss u blade,,,, inde q na kaya 💔
SonMyoui_Mina #8
Chapter 13: life update: miss na si blade :(((
soyiesows #9
Chapter 13: otor UPDATE PLEASE