Siyam

TUTOR
Please Subscribe to read the full chapter

 

Simula nung nagkaayos na ulit kami ni ate, masaya ako sa mga ginagawa ko, lagi na ulit kami nag-uusap, lagi na rin nya ako pinagsasabihan lalo na tungkol sa trabaho, at sinasabi nya lagi na wag ako magpapagod at pinapaalala ang gamot ko.

Nakakapanibago hanggang ngayon pero magaan sa pakiramdam.

 

Nung nalaman ng mga kaibigan ko na ayos na kami ni ate, sabay-sabay  silang pumunta dito sa bahay at mga naka-uniform pa sila sa trabaho, dali-dali naman nila akong niyakap. Masaya sila para sakin kasi magkaayos na kami ng ate ko.

 

 

"Kayo ba ni Karina simula noon,  wala ba talagang kayo?" tanong ni ate

"Wala nga ate ang kulit ng lahi mo" sabi ko

piningot naman nito ang tenga ko di naman kasakitan

"nagtatanong lang ako, kasi nakita ko kayong dalwa noon sa school nyo na dapat bibisitahin kita at kakamustahin grade mo, kaso nakita ko nasa may hagdanan ka noon, at kasama mo si Karina na nakikipaglandian ka, may pagyakap ka pa nga" sabi ni ate

 

Tangina naman parang gusto ko pumasok ngayon sa cafe, kasi naman si Tita Luna wag daw muna ako pumasok at sulitin ko raw bonding namin ni ate eh, para raw sa pagsisimula ulit ng relasyon ng magkapatid. Bukas talaga papasok na ako.

 

"Iba yung kalandian mo at hindi si Karina yung kayapos mo?" tanong ulit nito

Nanlaki naman ang mata ko

"S-si ano nga si Karina yun! mali yung akala mo! ano lang yun ate" taranta kong sabi

"ano lang harot?" tanong ni ate

 

Di naman kasi! ayun yung time na may tagos si Karina eh tapos nilagay ko na lang jacket ko dun... kapag minamalas ka nga naman... kasi andon kami sa tabi nung hagdan may nakabangga kay Karina saktong hinigit ko papalapit si Karina at baka mahulog edi ang ending magkayap kami.

Namula ako sa naalala ko

"Oo" taranta kong sagot

Tumawa naman si ate

"so maharot ka talaga" sabi ni ate

Pinanlakihan ko to ng mata at umiiling

"Hindi kasi ate! ibaaaa kasi yun! nilalagay ko yung ano kasi yung jacket non! kasi may tagos si Karina! Tandaan mo ate! hindi ako marunong humarot" sabi ko dito na nakabusangot
tumatawa naman si ate

"Kung makikita ka ngayon ni Karina makyukyutan sya sa bunso namin" sabi ni ate

pinipigilan ko wag ngumiti, ngayon lang nya ko tinawag na bunso ulit.

"Ate naman eh parang ewan to!" sigaw ko

"Di ka maharot pero pagdating kay Karina maharot ka" sabi ni ate

"Ate kasi" sabi ko

ngumiti naman si ate sakin

"namiss kita bunso" sabi nito at niyakap akong mahigpit

Ate naman eh nagpapaiyak nanaman eh
ako na ang pumutol sa yakapan namin

"Ate naman!" sigaw ko

Tumingin sakin si ate ulit

"Wala ka ba talaga nararamdaman kay Karina? " tanong ulit ni ate

Umiwas ako ng tingin

"M-Meron" sabi kong mahina

Humalakhak sa tuwa si ate

"dalaga ka na bunso" sabi nito

"ate alam mo kapag narinig tayo dito ni mama

parang ewan naman to eh" sabi ko

"gusto mo nga si Karina" sabi ni ate

Umiling ako

"Hindi ko gusto si Karina, ang totoo ate ano.." napakamot ako sa batok ko

nagtatakang tumingin lang sakin si ate, nag-iintay sa susunod kong sasabihin.

"I-I love her... ate" sabi ko


Tahimik


Tinignan ko si ate na nakangisi na sakin

Parang tanga tong kapatid ko, namula naman ako, nginangyan dalwa na sila nakakaalam, nakakakaba yung isa si Ma'am Elena pa! jusko!

"Pa-parang ewan naman to si ate! para kang demonyong sinasapian" sabi ko dito

Ayun nakatanggap ako ng kurot sa tagiliran.

"Aray! Ma si ate nangungurot!" daing ko

 

"Kapag di kayo tumigil dyang dalwa! kayo ang mapapalo ko! masunog yang niluluto nyo!" sigaw naman ni mama

 

Sa huli eh tinotoo nga ni mama yung palo.

 

 

 

 

Maaga akong nagising dahil ngayong araw ko tuturuan ang kapatid ni Karina. May halong kaba yung nararamdaman ko, una dahil ngayon lang ako magtuturo ng bata bukod sa pamangkin ko, pangalawa kinakabahan ako gawa kay Tita Elena, kasi naman alam nya yung nararamdaman ko kay Karina. 


Huminga ako ng malalim bago magdoorbell...
Pagbukas ng gate nanlaki pa mata ko na si Karina ang nagbukas. 

"Si Ma'am Elena nasaan?" tanong ko

"Umalis lang saglit, iniintay ka na ni Luan" sabi ni Karina

Tumango lang ako at pinapasok na ko ni Karina sa loob ng bahay nila. Sinundan ko lang naman si Karina papuntang salas nila.

Nakita ko na si Luan na nakaupo.

"Hi Luan" bati ko

Tinignan lang ako nito
natatawa naman si Karina

"May pinagmanahan naman pala" sabi ko

nakatanggap naman ako ng hampas

"Aray!" 

Inirapan lang naman ako nito.

 

 

Di rin nagtagal pumunta na kami sa kwarto ni Luan para roon ko siya turuan.

 

Kinuha kaagad niya yung Math book at ibinigay sakin. Tinignan ko naman ito, mukhang bili ni Tita Elena to sa isang bookstore.

Tumingin ako kay Luan na nakaabang lang sakin.

"Luan addition at Substraction muna tayo okay lang ba sayo?" tanong ko

"Yes po" tango nito sakin

Ngumiti naman ako dito at pinat ang ulo

Nagsimula na kami ni Luan mukhang excited sya gawa sa mga drawing na binibilang nya kung ilan lahat ang nasa box. Mabilis lang naman syang turuan kaso madaldal pala rin to.

"Can I call you ate Win?" tanong nya, habang naggagawa ng activities na pinapagawa ko

"Oo naman" pagsang-ayon ko rito

Tinignan ako nito na nakangiti ng malawak.

Nginitian ko rin ito at ginulo ang buhok.

Bumalik na ulit sya sa ginagawa niya, habang ako naman ay tinitignan kung tama ba ang ginagawa nya.

 

Nasa Addition at Substraction pa rin kami, kita ko naman yung pagkalito nya sa sign nung dalawa kaya ineexplain ko ng maayos kay Luan yung pinagkaiba nung dalawa.


Ilang oras na rin kami at mabilis naman nyang napipick up yung tinuturo ko sa kanya. 


"Break time muna" sabi ko kay Luan

Tumingin ito sakin na nakangiti

"Can we play games ate Win?" tanong sakin ni Luan

Nakatingin ito sa cellphone ko.

"Hindi ka ba naiihi? o iinom ng tubig?" tanong kong pabalik

Umiling lang naman ito

"Wala naman akong laro sa cellphone ko kundi yung mobile legends lang" sabi ko rito

"Can you teach me how to play that?" tanong ulit nya

Hindi talaga sya papaawat ano?

"sige sige tuturuan kita, basta kapag tapos na tayo sa tinuturo ko sayo" sabi ko

Kita ko naman sa mukha ni Luan yung saya.

"Thank you ate Win"

Yumapos bigla sakin si Luan

"Mukhang nakakaabala kami" 

Tinignan ko si Tita Elena at katabi niya si Karina

"Ah ano Ti-Tita Elena pinagbreak ko muna si Luan mauubusan na po ng dugo" biro ko

Tumawa naman si tita Elena

"Kumain muna kayo ng prutas na hinanda namin" sabi ni tita Elena

Pinatong naman ni Karina sa may study table ni Luan ang dala nya.

"Salamat po" sabi ko

"Luan kumain ka muna, bitawan mo ate Winter mo hindi naman aalis kaagad yan" sabi ni tita Elena 

Nakatingin lang naman samin si Karina

Umiling naman si Luan

"I don't want mommy aagawin siya sakin ni ate Karina" sabi ni Luan 

Gulat kong tinignan si Luan

"Ha?" sabi ko

Natawa naman si tita Elena

"Mukhang nagustuhan ka ni Luan, Winter" sabi ni tita Elena

"May karibal pa yata si Karina" dagdag ni Tita Elena na umalis na

"Mom!" sigaw naman ni Karina 

Bumaling sya samin

"Di ko aagawin yang ate Win mo" sabi naman ni Karina 

sabay irap naman nito sakin.

Bakit ba to nagtataray ngayon?

Iniwan na kami nina tita at Karina para mabilis kami matapos. 

Laging nagtatanong si Luan kung pwede raw kung ako na lang magturo sa school nyang pinapasukan, natawa naman ako at pinaliwanag sa kanya na iba ang magtuturo sa school na pinapasukan niya, at hindi ako yun.

"Kapag pasukan mo na at may itinuro sayo na hindi mo pa rin maintindihan yung tinuturo sayo, pwede ka naman magtanong kay teacher mo" sabi ko 

Nakatingin sakin si Luan

"Ate Win, okay lang po magtanong sayo kapag hindi ko alam?" tanong niya

Tumango naman ako

"Oo naman basta ikaw" sabi ko rito

Nakangiti naman sya habang inabot na nya sakin yung ginawa nya sa Math.

 

Nang natapos na kami sabay kaming bumaba ni Luan, nakahawak pa to sa kamay ko at higit-higit ako sa may salas nila.

"Dito ka na kumain ng tanghalian Winter" sabi ni tita Elena

tatanggi na sana ako, para makapagpahinga man lang muna sa amin kaso...

"Ate Win lalaro pa tayo" sabi ni Luan

Napatingin naman ako kay Luan, at tumango

"Baka malate ka sa trabaho mo Winter" nag-aalalang sabi ni tita Elena

"Hindi po 2:30pm pa naman po pasok ko" sabi ko kay tita

napakamot naman ko sa di makating batok ko

"pumayag din po ako na maglaro kami" dagdag ko

Ngumiti si Tita Elena

"Intayin mo na niluluto namin ni Karina, dyan muna kayo maglaro sa salas" 

Tumango ako kay tita habang nakangiti.

Higit-higit ako ni Luan at nangungulit na turuan ko syang maglaro. Inupo ko sya may lap ko para turuan. 

Bahala na kung makita kami ng mommy nito at ni Karina.

Naglalaro kami ng classic lang naman sa ml syempre sya yung napindot tapos tinuturuan ko.

Di ko namalayan na nasa likod pala namin si Karina.

"Ahy!" gulat kong sabi

Tinaasan lang naman ako nito ng kilay.

"Bakit?" tanong ko

"ML pala tinuturo mong laro kay Luan" sabi ni Karina

"Ayan lang kasi laro ko" sabat ko naman

Lumingon naman samin si Luan

"Ate Win is mine" sabi ni Luan sa ate nya

Nakita ko naman yung masamang tingin ni Karina kay Luan.

Di na pinansin ni Luan si Karina at nagfocus na ito sa nilalaro nya. Kahit di nya alam eh basta nasugod siya sa kalaban at natutuwa na sya. Yare na yung sa win rate ko. 

 

Tinapik naman ako ni Karina.

Paglingon ko nanigas naman ako ang lapit kasi nya.

 

Napatingin ako sa labi nya at dun sa taling sa baba ng labi niya. Umiwas ako ng tingin ng nakatingin pala sya sakin. Napalunok naman ako jusko naman!

 

"After ng game ni Luan, enough na yun. Baka hindi ka na paalisin ni Luan" bulong niya sakin

Tumango na lang ako.

"Karina, Winter mamaya nyo na yan ituloy may bata kayong kasama! at kakain na tayo ng tanghalian" sabi ni tita Elena

Huh? alin yung mamaya itutuloy?

Napatingin naman ako kay Karina na namumula

"Ano sinasabi ni tita?" takang tanong ko

Inirapan ako ni Karina at nauna na pumunta sa kusina nila.

"tama na ang laro, kakain na muna Luan" sabi ko

Sumimangot naman si Luan

"Next time maglalaro tayo, pero di sa cellphone yung mga toys mo na lang" sabi ko

tuwang-tuwa naman si Luan na yumakap pa sakin.

 

Kumakain na kami, kita ko yung ngiti ni tita Elena, ewan ang weird ni tita ngayon pero bumabalik talaga yung kaba ko, tuwing napapatingin ako kay tita Elena kasi alam nya na mahal ko yung anak nya.

 

"Deretso ka na ba sa trabaho mo Winter after nito?" tanong ni tita

Tumango naman ako

"Ah o-opo Tita Elena" 

"Hindi na tayo makakapagplay ate Win?" simangot na tanong ni Luan

Tumingin ako kay Luan

"Next time na pagtuturo ko magplay tayo ulit" sabi ko

"Promise ate Win?" 

"Promise" sagot kong nakangiti

Yumakap naman sya sakin

"Tama nga ako na ikaw pinili ko malapit ang loob ng mga bata sayo Winter" sabi ni tita na nakangiti

ngumiti naman ako.

Kita ko yung ngiti sa mukha ni Karina, kahit na itago nya kita pa rin naman yung mga ngiti nya.

 

 

 

Pagkarating ko sa cafe sinalubong kaagad ako ni minju.

"hoy bakla! may problema buti andito ka na" salubong sakin ni minju

"ano?" tanong ko

"Yung kakanta ngayon hindi raw makakarating pero andito na yung mga kasamahan niya" sabi ni minju

"Ano gusto mo gawin ko?" tanong ko ulit

"Diba nung college, kasali ka sa banda ikaw yung nakanta" sabi niya

Anak ng pating bat ako? daming-dami naman dyan eh, alam ko na pinupunto nito.

"edi ako ang gusto mo kumanta?" tanong ko

"matalino ka pala Winter, oo kasi wala naman maganda boses samin kaya ikaw naisip ko acla" sabi ni minju

"may magagawa ba ko? alam kong ayan din sasabihin ni tita Luna" sabi ko

"wala ka na magagawa kasi ikaw yung gusto namin" sabi ni minju

"ahh gusto mo ko?" biro ko rito

"oo, gustong kumanta, hindi yung gusto na gusto acla ka!" sabi ni minju

Tumawa naman ako

"sumbong kita kay chae-"

tinampal kaagad ni minju bibig ko

"don't say bad words" sabi ni minju

"Aray!"

Iniwan na ko ni minju, kingina kasi bakit ako pa napili eh.

 

Tumulong muna ako kasi mamaya pa naman yung kantahan, pauso kasi tong si minju eh dapat every frida

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ColdnaMalamigpa
Sorry ulit, ngayon lang ulit ako nakapagsulat... nawalan nanggana magsulat... pero syempre kailangan ko pa rin ipagpatuloy ang sinimulan ko... binabase ko lang talaga sya sa mga panginip, kaya nakakapagsulat ako.
Salamat din sa mga naghihintay at sa mga nagcocomment. binabasa ko mga comments nyo

Comments

You must be logged in to comment
IamMeel530
#1
otornim when ka ulit magpaparamdam? 😂
EzraSeige
#2
Time to relapse eme 😣😝😍💙❄
bbiiWinkim #3
Chapter 13: 💙💙💙

mag kkiss na sana eh!! 😂😂
maxiclaine #4
Chapter 13: hays. she's soo protective kay jimin talaga. huhuhu. thank you sa update ssob!😭
Topkangseul
#5
Chapter 13: Grabe ang sweet and protective naman ni Win
yeppeungom
#6
Chapter 13: yes may upd ulit.
kwinminjeong
#7
Chapter 8: hay buti naman nagka ayos na ang mag ate huhu tiff be better na vebs ha :((( magmahalan nalang kayo pls sana maging okay na bebe wintor ko
kwinminjeong
#8
Chapter 7: masakit ha huhuhuhu tangina winter mahal kita beh bakit ginaganyan k nila 🥹 sakit !!
kwinminjeong
#9
Chapter 6: huy ang cute aaaa heisnwksnhs kinilig ako dun may pa flashback pa lab et ayun pala ang reason ihh
kwinminjeong
#10
Chapter 5: hayy grabe lang :((