Sampu

TUTOR
Please Subscribe to read the full chapter


Nakatulala ako ngayon dito sa cafe, malalim ang iniisip.

Totoo ba na mahal din ako ni Jimin? Di naman ako nanaginip diba?

Pagkatapos kasi non wala pa kami ulit interaction... di ko naman mamessage kasi ano diba nakakahiya... Di ko alam sasabihin ko..

Gusto ko magpaalam muna kay tita Elena na aakyat ako ng ligaw sa anak niya, pero kinakabahan ako.
napahilamos ako ng mukha sa kawalan... at huminga ng malalim.

 

Marahan naman akong dinanggil ni Minju

"Ano iniisip mo? ang lalim ata ng problema mo kita ko sa eyebags mo dinadala lahat ang problema sa lovelife mo" sabi nitong mapang-asar

Tumingin lang naman ako rito at di na pinansin pa.
Pagkaganito na-iistress ako kung paano ako magpapaalam kay tita Elena eh. Sapakin ko kaya si Minju kahit isa lang.

 

Tita Elena pwedeng manligaw kay Jimin?
Tita Elena liligawan ko po si Jimin sa ayaw mo, liligawin ko pa rin anak mo. 

Ano ba yannn! ang panget naman ng gantong scenario!
Parang ang pormal lang naman nung isa kong sinabi sa isip ko.... lahh! ewan dami rin bumabagabag sa dibdib ko...

 

Handa na ba ako na pumasok sa isang relasyon?

 

Magiging mabuti kaya akong partner?

 

Bumuntong hininga ako

"Hoy tungkol ba yan kay Karina? mag-usap kaya kayo para kang tanga dyan! ligawan mo halata naman may gusto sayo si Karina, sinasamaan ako ng tingin! gagi ka! parang papatayin ako kapag lumalapat lagi kamay ko sayong braso! nakakashokot aclaa!" sabi ni Minju

Tinignan ko lang naman to

Dapat ba mag first move na ako?

Di ko kasi alam kung ano gagawin ko...

 

"Magfocus ka muna sa trabaho gagsti ka talaga Winter" sabi naman ni Yujin

"Biglang dami customer dito sa cafe, hinahanap ka nung iba, gusto ka ata makita. Pusta ako maraming pagseselosan si Karina andaming nahingi number mo" sabi naman ni Minju

"Matinik sa babae si Retniw retsam" sabi naman ni Yujin 

Bakit kasi ganito mga nakuha ni tita Luna mga abnormal din eh

"Dyan na kayo mga acla may mga order na ulit" sabi ni Yujin at bumalik na sa pagtratrabaho.

Tumingin naman ako kay Minju

"Pano naging kayo ni chaewon?" tanong ko

"Acla ang random mo, about to kay Karina I know na" hampas sakin ni Minju

 

Nagtatanong lang naman eh, kanina pa nya kaya ako dinadaldalan kaya sya naman ang tatanungin ko. Nawala lang si Yujin eh tatanungin ko rin dapat yun kung bakit pa sya inire ng nanay nya.

"Pano nga? ginayuma mo no? kaya naging kayo" sabi ko

naniningkit pa ang mata ko

Pinanlakihan naman nya ko ng mata at dinuro ako nito.

"Hoy! FYI Winter niligawan ako ng pinsan mo! sa ganda kong to, no need na ng gayuma" sagot naman nito

Tumango na lang ako

"San kaya nauntog si chaewon at niligawan ka?" tanong ko

Hinampas naman ako ni Minju at umalis na para kunin yung mga order ng mga dumadating na customer.

Hapon na rin naman at tapos na rin ang trabaho ng iba, kaya narami na ulit ang mga customer.

"1 tall chocolate smoothie and 1 tall strawberry smoothie" ulit na sabi ni Minju

Tumango naman ako at ginawa na agad yung order. 

"Miss sya po ba yung kumanta?" tanong nung customer

"Yes po Ma'am sya po" ngiting sabi naman ni Minju

"Totoo po pala sabi nila na mas pogi syang tignan kapag malapitan at nakapuyod" sabi nung customer

Tinuloy ko na lang ang paggagawa ng smoothie na inorder nila

Narinig ko naman yung pekeng tawa ni minju

"Ma'am totoo po kaso masungit po yan" sabi naman ni Minju

Nilagay ko na sa tray yung order nila.

Binasa ko pa yung order nila nilagay ko rin yung cookies at oreo cheesecake.

Tinawag naman ni Minju yung umorder... 

"Thank you Ma'am" sabi nito

 

 

 

Medyo boring nang matapos ako sa ginagawa ko, tinignan ko ang cellphone ko kung may message ang aking mga aports na abnormal. At para tignan din kung may message si Jimin sa akin. At kung wala man lang message si Jimin ako na lang magmemessage.

Tsaka ko lang naalala na lowbat nga pala cellphone ko. Nang makita ko na ang cellphone kong wala na buhay. 

"Minju may charger ka?" tanong ko

"Oo andoon sa drawer ko sa may bag kunin mo na lang" sabi nito

Tumango naman ako

"ge salamat" sabi ko

"Ay! mukhang wala sa loob ang pagpapasalamat ha" asar pa nito

Di ko na pinansin si Minju at deretso na agad sa paghahanap sa bag nya ng charger.

Chinarge ko muna ang cellphone ko mismo sa loob kung san kami lang pede pumasok mga employee ni Tita Luna, kaya safe naman at di mawawala ang gamit namin dito sa staff room.

 


Pakalabas ko 

"Hoy Winter andami naghahanap sayo" sabi ni Minju

Kunot noo naman ako tumingin dito

"Bakit? may pinatago ba sila sakin?" tanong ko

Tumawa naman si Minju

"Shunga ka" sabi nito

"Gusto kuhanin number mo, may gusto ata sayo" malakas na tawa ni Minju

Siraulo talaga to

"Binigay mo number ko?" tanong kong mataray

Huwag ka lang magkakamali Minju, babanatan ko kayo ni chaewon

"Syempre hindi may magagalit sakin bukod sayo" sabi naman ni Minju

"ha? sino?" tanong ko

"Ayun oh" nguso ni Minju

"di ko alam na nakakatakot pala magalit ang isang Karina ems, nilapitan nya yung isang customer kanina nung tinanong kung single ka sabi ng bebe mo you're not available raw, inangkin ka bakla" bulong ni Minju na kinikilig

 

Lumingon naman agad ako para hanapin si Jimin, kita ko yung pagtaas ng kilay nito na para bang nagtatanong kung ano pinag-uusapan namin ni Minju.

 

Napalunok naman ako, putek na yan nakakaba naman, wala naman akong ginawang masama?

Si Minju may gawa kung bat nagtatanong mga yun kasi pinapansin nya?

Di ko napansin na nakalapit na pala sa amin si Jimin.

Tumingin lang ako kay Jimin

"Dyan muna kayo hehe mukhang LQ kayo" sabi ni Minju at iniwan na ako kay Jimin

Buti talaga at sakto na tapos na lahat yung umorder kanina. 

"Bakit di ka nagrereply sa message ko at tawag ko?" tanong kaagad ni Jimin

"H-ha?" kabado kong tanong

"Minjeong" tawag ni Jimin

May diin ang pagbigkas nito

"A-ano sorry naman a-ano nalowbat ako nakalimutan ko icharge" sabi ko

Inirapan naman ako nito

"Akala ko kung ano nangyari sayo" sabi ni Jimin

Tinignan ko naman ito, kita ko yung pag-aalala nya

"Sorry" tanging nasabi ko 

 

Kamot batok naman ang ginawa ko, kasi nakalimutan ko na icharge muna, na late na ako ng gising kasi bukod sa naglaro ako ng ml, di talaga ako makatulog kaagad, sino ba makakatulog agad kapag sinabihan ka ng Iloveyoutoo ni Jimin diba? Di ako kaagad nakatulog dahil parang kinukuryente ak

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ColdnaMalamigpa
Sorry ulit, ngayon lang ulit ako nakapagsulat... nawalan nanggana magsulat... pero syempre kailangan ko pa rin ipagpatuloy ang sinimulan ko... binabase ko lang talaga sya sa mga panginip, kaya nakakapagsulat ako.
Salamat din sa mga naghihintay at sa mga nagcocomment. binabasa ko mga comments nyo

Comments

You must be logged in to comment
IamMeel530
#1
otornim when ka ulit magpaparamdam? 😂
EzraSeige
#2
Time to relapse eme 😣😝😍💙❄
bbiiWinkim #3
Chapter 13: 💙💙💙

mag kkiss na sana eh!! 😂😂
maxiclaine #4
Chapter 13: hays. she's soo protective kay jimin talaga. huhuhu. thank you sa update ssob!😭
Topkangseul
#5
Chapter 13: Grabe ang sweet and protective naman ni Win
yeppeungom
#6
Chapter 13: yes may upd ulit.
kwinminjeong
#7
Chapter 8: hay buti naman nagka ayos na ang mag ate huhu tiff be better na vebs ha :((( magmahalan nalang kayo pls sana maging okay na bebe wintor ko
kwinminjeong
#8
Chapter 7: masakit ha huhuhuhu tangina winter mahal kita beh bakit ginaganyan k nila 🥹 sakit !!
kwinminjeong
#9
Chapter 6: huy ang cute aaaa heisnwksnhs kinilig ako dun may pa flashback pa lab et ayun pala ang reason ihh
kwinminjeong
#10
Chapter 5: hayy grabe lang :((