Pito

TUTOR
Please Subscribe to read the full chapter

 

Ilang linggo na ako sa cafe nina Yuna para turuan ako sa mga dapat gawin, mga tamang timpla ng kape, tea, smoothie, frappe at kung ano-ano pa may notes ako para matandaan ko ang lahat, kahit na ang nagtuturo sakin ay isang abnoy din, buti na lang at mababait ang empleyado ni Tita maliban kay Minju.

 Minsan dahil kulang sa tao, ako na ang nagmomop ng sahig, natataranta pa nga ang iba kapag nakikita nila ako na nagmomop eh, sabi ko naman na ako na lang kasi ayoko ng walang ginagawa pati kita ko silang busy lalo na kapag maraming tao, at etong si Minju mang-aasar pa, kaya lalong natatakot ang iba na baka pagalitan sila ni Tita Luna, kapag nalaman ang ginagawa kong pagmomop minsan, ayun naman talaga ang gawain ng isang empleyado, kapag nakita mong busy ng lahat kikilos ka para tulungan sila di yung tutunga-nga lamang.

At ilang linggo rin akong tulala dahil kay Karina, nakakastress, lagi sya pumapasok bigla-bigla sa isip ko dahil sa nangyari noong gabi,  yun yung nag-usap kami. 

 

Ngayon lang naman ako pinagrest day ni Tita halata na raw ang pagod ko, napagalitan pa ako na bakit hindi ako nagrerest day. Wala masipag ang kanyang paborito eh, pati inaaral ko yung mga binigay sakin ni Tito about sa business.


Kahit na ayoko mag rest day talaga, mas gusto ko may ginagawa ako nawawala yung mga naiisip ko na kung ano-ano lalo na kay Karina. Napapaisip talaga ako sa sinabi nya na di pa kami tapos? saan kaya yun? di pa kami tapos mag-away? ganon? palaisipan talaga yung sinabi ni karina.

 

Pumupunta minsan yung tatlo sa cafe at aasarin ako lalo na kapag pinapasuot sakin ni Tita yung uniform at sila naman tatlong kaibigan ko gagawin akong utusan kung wala lang talaga ako sa work baka nabatukan ko na yung tatlo, kita ko rin ang pang-aasar nila kapag ngumingiti ako, alam nilang di ako palangiti mga hunghang! 

Napuri rin ako ni Tita at yung nagtuturo sakin na magaling daw ako makasaulo ng mga recipe na sinasabi nila, syempre masaya ako at napapangiti, ganon pala sa pakiramdam kapag nasasabihan kang "good job", "you worked hard today Win" nakakataba sa puso lalo na kapag si Tita, minsan napapagalitan din ako syempre di pwedeng puro puri lang, tinatandaan ko yung mga mali ko na sinasabi ni Manager at ni Tita.

 

Dahil nga pahinga ko ngayon nakita ko sa Kalendaryo na malapit na pala mag MAY isang linggo na lang, magtuturo na pala ako sa anak ni Ma'am Elena, napabuntong hininga ako "naka 3 weeks na pala ako kina Tita sa cafe" sabi ko sa sarili ko.

 


Nakita ko si Amara na umaakyat nanaman sa bintana, bakit kasi ang likot-likot ng  batang to? 
"Ma, kanino ba nagmana si Amara? napakakulit eh" inis kong tanong 
"Isang taon pa lang yan, malamang malikot talaga yan may nakita ka bang isang taon na nagwawalis at natulong naagad sa gawaing bahay?" sabat ni mama sakin

Aba talaga nga naman mga sagot ni mama 

"edi wow" hahampasin sana ako ni mama mabuti na lang eh dumating si papa 

"Neng tawag ka ng kaibigan mo andito" sabi ni papa kay mama 

"Sino don?" tanong naman nito 

"Si Elena teacher dati nyan ni Winter" nguso sa akin ni papa.

Bakit kaya andito si Ma'am ano kaya mga chika nila?

"Patuluyin mo dito sa bahay, matagal na rin di kami nakakapag-usap ni Elena" sabi naman ni mama

"magchichismisan lang naman kayo ni Ma'am eh" sabi ko kay mama

pinanlakihan ako nito ng mata 

"ikaw manahimik ka dyan bantayan mo si Amara" napanguso na lang ako.

Maya-maya andyan na nga si Ma'am kasama ang anak nya na si Karina at yung isa pa di ko alam ang pangalan pero maganda rin naman ito at pamilyar din ang mukha, ngumiti naman sila bilang pagbati syempre wala naman ako magagawa kundi tanguan sila at ngumiti na rin.

Pero syempre di mawawala pagkataranta ko, andyan kasi si Karina yung tingin kasi sakin parang papatayin ako eh.

Nilalaro ko na si Amara habang pinapaupo na ni mama ang mga bisita nya

"Winter bantayan mo muna at kausapin si Ma'am Elena mo, ipaghahanda ko lang ng meryenda ang bisita natin" 

tumango naman ako.

Kita ko pa rin ang mapagmasid na mata ni Karina, Bat ba ganyan yan makatingin?

"g-ge ma" sagot kong utal

Nagtungo na si mama sa kusina. 

"Winter kamusta ka na?" tanong ni Ma'am

Napatingin naman ako dito, nagkibit balikat naman ako 

"eto Ma'am buhay pa naman po kinakaya ang hamon ng buhay" sagot ko

tumawa na lang ng bahagya si Ma'am at nakita ko sa mata nito ang pag-aalala, napabuntong hininga naman ako, pansin ko sa mga mukha ang pagkakuryosidad ng kanyang dalwang anak para bang naghahanap sila ng sagot lalo na dito kay Karina.

"Ayos lang po ako Ma'am medyo nag-iingat lang sa mga kinakain at iniinom" sagot kong matino

"Mabuti kung ganon wag mo lagi kakalimutan mga gamot mo na inumin ha" bilin nito sa akin daig pa talaga ni Ma'am si mama eh... 

Kung si Mama yan ratrat na ko sa boses pa lang nya talaga naman maririndi ka, nainom naman ako ng gamot 

"May sakit ba sya mommy?" tanong nung isang anak ni Ma'am 

"Irene sya yung isinugod natin dati sa hospital kasi nagkableeding sya sa ilong, ayaw tumigil ang pagtulo ng dugo at puro pasa na sya noon, kaya hindi tayo nakauwi sa bahay agad, kasi iniintay natin si Tita Stella nyo" paliwanag ni Ma'am

"Ahh, sya pala yun,  kaya pala pamilyar mukha mo ate, hindi ko nakita mukha niya noon Ma'am" sabi ko

tumango lang si Ate Irene at nginitian ako.

Nakikita ko na nakatingin si karina dito sa akin, nagtatanong siguro to bakit hindi nya alam tong sakit ko? Syempre di ko to pinansin, hinayaan ko na muna sya kasi ramdam ko talaga yung galit nya sa mata, mapapadasal ako kaagad nito jusko. 

Inihahanda na ni mama yung mga pagkain na binili ni papa para sa meryenda sa bisita, sana ol laging may pa meryenda para happy happy lahat ems lang.

Bago magsimula ang usapan nina mama at Ma'am Elena may kalokohan nanaman pumasok sa isip ko 

"Ma'am Elena" tawag ko dito tumingin si ma'am 

"Yes?" tanong nito

"alam ko kung bakit ka po andito" sabi ko naman
nagpipigil ako ng tawa at kita ko ang tatlong pares na mga mata na nakatingin lang sakin 

"bakit?" tanong naman ni Ma'am

"Syempre for the chismis" nagpeace sign ako kay Ma'am kita ko ang dalwang anak ni ma'am na nagpipigil ng tawa at si ma'am naman ay natawa na. 

Si mama naman ay ready na ako bugbugin.
Nahagip ako ng palo ni mama

"Aray! biro lang naman eh!" sabi ko

Doon na natawa ng malakas ang mga anak ni Ma'am Elena, Mukha ba kaming clown ni mama? makatawa tong mga to, ansakit kaya mamalo ni mama.

"pagpasensyahan mo na yan Elena kinulang sa buwan nung inanak ko yan" tumawa naman si Karina, tinignan ko to na nakataas ang kilay.

"Nako Stella okay lang sanay na ako sa kalokohan ni Winter simula noong naging student ko yan" Sabi ni Ma'am

"Tamo ma buti pa si Ma'am Elena di pikon" sabi ko
tumawa naman sila bukod kay mama na pinagsabihan pa ako 

"Winter Tita Elena na lang tawag mo sakin, magkaibigan naman kami ng mama mo" sabi ni Ma'am

napanguso ako

"pero ma'am" pinutol ni ma'am ang sasabihin ko

"walang pero pero Win" tumango na lang ako. 

"Win?" takang tanong ni Karina na nakatingin kay Ma- Tita Elena

"Win nickname ni Winter, ang tawag mo kasi sa kanya Winwin or Minjeong nagagalit ka pa kapag may natawag na Minjeong kay Winter, ayaw mo rin ba kami tumawag ng Win sa kanya?" tanong ni ma'am na may halong pagbibiro sa tono

Pag-uusapan ba nila kami ni karina kahit andito kami?

"Mom!" namumulang sabi ni Karina,
nakangisi ako nung tumingin si Karina sakin umirap naman to sakin, sino nga ba makakalimot sa isang Jimin na lagi kong kaaway noon, kaaway ko nga ba?

Napailing na lang ako

"Dyan na muna po kayo dalhin ko lang si Amara kay ate ma" paalam ko sa kanila
tumango naman si mama at ngumiti si Ma'am, lumingon ako kay Karina para asarin, ngumisi ako at kita ko ang pagkainis nya sakin at pabulong na sinabi na "What?"

napangiti ako 

"Dyan ka muna Jimin" kinawayan ko ito at namula naman sya. Hahaha ang cute mainis.

Nakita ko ang ngiti ni Ma'am siguro alam nya na di ako makakalimutin kahit na magkaaway kami dati ng anak niya. Sa madaling salita aso't pusa talaga kami ni Karina.

 

Iniwan ko na sina Mama at si ma- ay si Tita Elena jusko nakakapanibago mas sanay akong ma'am ang tinatawag sa kanya... Ayun nga iniwan ko sila para makapag-usap, at ako naman ay umakyat na sa taas para patulugin si Amara, nap time nya kasi paghapon. Nang napatulog ko na si Amara ibinigay ko na kay ate at dahan-dahan ko syang inihiga at tinapik-tapik ang hita nito para humimbing ang tulog at tsaka iniwan, di kami nag-iimikan di ko alam kung galit ba sya sakin o ano, kita ko naman ang pagsulyap-sulyap na tingin sakin, lumabas na ko ng kwarto para makahinga naman ng maluwag, hirap huminga sa loob, parang kapag huminga ka mayayari ka, hahaha.

 

 


"Kamusta naman ang panganay mo?" tanong ni ma'am

napabuntong hininga si mama

"mukhang malabo na silang magkabalikan mag-asawa, hindi ko maintindihan kung bakit naghahanap pa ng iba itong asawa niya buti nga ang anak ko walang bisyo at di nambabae" sagot naman ni mama.

Napatingin sila sa akin na tila ba nag-i

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ColdnaMalamigpa
Sorry ulit, ngayon lang ulit ako nakapagsulat... nawalan nanggana magsulat... pero syempre kailangan ko pa rin ipagpatuloy ang sinimulan ko... binabase ko lang talaga sya sa mga panginip, kaya nakakapagsulat ako.
Salamat din sa mga naghihintay at sa mga nagcocomment. binabasa ko mga comments nyo

Comments

You must be logged in to comment
IamMeel530
#1
otornim when ka ulit magpaparamdam? 😂
EzraSeige
#2
Time to relapse eme 😣😝😍💙❄
bbiiWinkim #3
Chapter 13: 💙💙💙

mag kkiss na sana eh!! 😂😂
maxiclaine #4
Chapter 13: hays. she's soo protective kay jimin talaga. huhuhu. thank you sa update ssob!😭
Topkangseul
#5
Chapter 13: Grabe ang sweet and protective naman ni Win
yeppeungom
#6
Chapter 13: yes may upd ulit.
kwinminjeong
#7
Chapter 8: hay buti naman nagka ayos na ang mag ate huhu tiff be better na vebs ha :((( magmahalan nalang kayo pls sana maging okay na bebe wintor ko
kwinminjeong
#8
Chapter 7: masakit ha huhuhuhu tangina winter mahal kita beh bakit ginaganyan k nila 🥹 sakit !!
kwinminjeong
#9
Chapter 6: huy ang cute aaaa heisnwksnhs kinilig ako dun may pa flashback pa lab et ayun pala ang reason ihh
kwinminjeong
#10
Chapter 5: hayy grabe lang :((