Labing Isa

TUTOR
Please Subscribe to read the full chapter

 

Biyernes na ulit  at makikita ko na ulit ang kapatid ni Jimin, matalinong bata si Luan, pangatlong araw ko na syang tinuturuan ngayon, Nang makita nyang paalis na ang ate nya para magwork,  yayapos ng mahigpit sakin si Luan na para bang ayaw ako palapitin kay Jimin. 


Natatawa naman ito sa kinikilos ng kanyang kapatid at minsan sinasamaan pa ng tingin si Luan, parang ewan tong magkapatid na to, katulad ngayon jusko!

"Ate Win is mine lang kasi ate Karina!" sigaw ni Luan
Umirap naman si Jimin


"Oo ngayon lang sayo si Ate Win mo" sagot naman ni Karina

Umiling naman si tita Elena sa dalwa

"Karina malalate ka na" sabi ni tita

"Alis na ako mommy, at Minjeong" paalam ni Jimin

Hinalkan naman ni Jimin ang kapatid nyang bunso sa pisngi kahit na madalas silang magtalo. At syempre sa mommy din nya nagbeso pa sila. 

Akala ko aalis na'to pero nakita kong tumigil to sa tapat ko. At agad naman sumingit si Luan sa gitna. 

"magmessage na lang ako kapag nasa office na ako" sabi sakin ni Jimin 

Si Luan naman ay parang koala na nakasabit sa binti ko, tumingin naman ko kay Luan na nakapout na. 

"Let's go na Ate Win" sabi nito 

"Minjeong" tawag naman ni Jimin

Lumingon naman ako rito, sa paglingon ko malapit na ang mukha ni Jimin sakin at ngumiti pa ito, di na ko makagalaw sa pwesto ko dahil ang lapit nya, tapos andito sina tita,

Ang lapit ng mukha namin, antokwa kasi!

"Alis na ako" paalam nya sakin

ramdam ko yung buga nung hangin sa bibig nya at ramdam ko rin yung halik nya sa may corner ng labi ko.

Galit na tinignan ni Luan si Jimin.

Kita ko naman na nagbelat pa si Jimin kay Luan.

Di na ko nakagalaw sa pwesto ko.

"Natulala ka dyan Winter" 

Napatalon naman ako sa boses ni tita Elena

"A-ano po tita Ma'am" taranta kong sabi

natawa naman ito.

"Ano meron sa inyo ni Karina?" tanong ni tita

 

Eto na nga yung sinasabi ko! nakakaba..

"Ano po kasi ti-tita Elena pwede ko po ba ligawan si Ji-Jimin?" tanong ko 

habang nilalaro ang buhok ni Luan na nakayakap pa rin sakin,

"Let's go na ate Win, gusto ko na mag-aral ng Math and after  let's play games na" singit nito

Tumango naman ako at ngumiti rito

Ngumiti si tita Elena

"Kung ako tatanungin mo, okay lang sakin, kay Karina ba natanong mo na sya about sa panliligaw mo sa kanya?" tanong niya

Napahawak naman ako sa batok at umiling

"Sa inyo po muna ako nagsabi tita, bago po kay Kari-Jimin po" sabi ko

Ngumiti naman ito

"support naman ako sa inyo, at alam ko naman na matagal ka na gusto ni Karina, ikaw lagi ang bukambibig nyan" sabi pa ni tita

Matagal na may gusto sakin si Jimin?

"Wag mo lang papaiyakin at sasaktan si Karina"  dagdag nito

 

Doon na ko kinabahan... ewan ko ba, di ko naman sasaktan si Karina pero di ko kayang ipangako, kasi diba kapag nag-aaway ang magjowa may iba nga nagjojombagan pa eh.

 

"ayoko po mangako pero po kung ano po makakaya kong gawin di ko po sasaktan si Jimin" sabi ko
tumango naman si tita

"turuan mo na si Luan, nagtatampo na sayo" sabi naman ni tita na nakangiti

Tumingin naman ako sa nakabusangot na bata
kinulbit ko naman to, di ako marunong manuyo ng bata, magpaiyak kaya ko pa.

"tara na baby Luan" sabi ko

Kita ko naman ang ngiti kaagad nito

Basta automatic na kapag tinawag na baby ngingiti na kaagad sya

yumakap naman agad ito sakin.

habang paakyat na kami 

"Luan 1+1" sabi ko
"Magellan!" sigaw nito

"Winter! wag mo turuan ng kalokohan si Luan sinasabi ko sayo!" sigaw naman ni tita

 

Nagkatinginan naman kami ni Luan at humagikgik ng tawa, habang papunta na sa kwarto nya para mag-aral.

 

Seryosong nagsasagot si Luan habang ako naman ay pinapanood sya. 

May pagkahawig din sya kay Jimin lalo na yung mata nila, napangiti naman ako ng maalala ko si Jimin.

Tinignan ko naman ang cellphone ko,

 

Jiminie 💙 : I'm here na sa office, kasama ko si Giselle, and baka kumain kami ng lunch sa labas.

 

Jiminie 💙 :  pupunta kami sa cafe mamaya, nag-aya sila, so see you later pup

 

Minjeongie ❤️: Ingat ka, advance eat well mamayang lunch break nyo. oks see you later      ♡(> ਊ <)♡

 

Tinago ko na ang cellphone ko at tinignan yung mga sagot ni Luan, tama naman ito. 

 

Nag-count lang kami ngayon ng numbers saulo na naman nya kaso ayun yung topic kaya kailangan ko ituro kay Luan.

 

"Ate Win can I play sa cellphone mo? " tanong nito

Tumango naman ako

may bago kasi ako ininstall na laro pambata at yung isa naman eh paint numbers 

Mas pinili ni Luan ang paint numbers yung Happy Color, kesa sa pambata na ininstall ko. 

Tinuro ko naman ito kay Luan, mabilis nya nagets yung paint colors na sinabi ko, iba talaga kapag matalino ang bata.

Gusto ko sabihin kay tita Elena na i-advance math si Luan, kasi magaling talaga sya sa math, mabilis makapick-up. 

Syempre di mawawala ang kalokohan ko minsan at ginagaya na ni Luan yung iba, kaya alaga akong pagsabihan ni tita Elena.


"Ate Win are you going to work?" tanong ni Luan 

Tumango naman ako

"Yes, ate Win is going to work" sabi ko

Kita ko ang pagsimangot nito.

Nilapitan ko naman ito at ipinantay ko ang sarili ko sa kanya.

"Bakit ka sad?" tanong ko

Nakayuko lang ito

"Wala na ako kalaro ate Win" sabi nitong malungkot

Paano ba amuin ang bata?

"Pwede ulit tayo maglaro sa Monday, kailangan kasi mag work si ate Win ngayon" sabi ko

Tumingin si Luan sakin 

"Hug mo na lang ako ate Win" sabi nito

"Okay wag ka na sad baby Luan namin" sabi kong malambing

Niyapos naman ako nito ng mahigpit. 

"Mamimiss kita ate Win" 

"hmm ikaw din mamimiss ni ate Win" sabi ko

Ngumiti na si Luan at masaya na ulit itong naglaro.

Nakita kong nakatingin samin si tita Elena

"mukhang sayo pa napalapit si Luan, kesa sa dalawa niyang ate" nakangiting sabi nito

"Hindi ka ganyan kalambing magsalita Winter nakakapanibago na ganyan ka pala ka sweet sa mga bata" dagdag ni tita

"Maghahain na ako ng tanghalian sumabay ka na sa amin" sabi nito 

 

Di naman ako tumanggi, para makahalubilo ko pa sila, Maayos na napalaki ni tita Elena ang mga anak nya, hanga ako sa kanya ang hirap kaya na sya nag-aasikaso sa tatlong anak nya tapos nasa ibang bansa nagtratrabaho ang daddy nila Jimin. 

Pinaka close ko talaga daddy ni Jimin, lagi kasi namin kabardagulan yan kapag nauwi to rito sa Laguna. Lalo na si Ning nagpapayabangan pa silang dalawa kung sino mas maganda yung sapatos, ang ending tuloy nakatapak sila parehas ng tae sa kalsada...

 

Nagpaalam na ako kay tita Elena at kay Luan niyapos naman ako nito at hinalkan sa pisngi ng pagkarami-rami.

Natawa naman si tita Elena at pinigilan na si Luan.
Nagmessage na rin ako kay Jimin na nakaalis na ako sa kanila at papasok na ako sa cafe nina tita Luna.

 

Nang makarating na ako sa cafe syempre kailangan ko iupdate agad kay Jimin baka mag-alala nanaman ito.

Nakita ko naman sina kuya Chan ulit, kumaway naman sila sakin at ganon din ako sa kanila. Mabuti at kasama na nila yung kakanta.

Pinakilala ni kuya Chan si Isay sakin at kontinh usapan tungkol sa mga kanta at instrument.
Umalis na ako, dahil Nag-aayos na sila at magprapractice sa may gilid.

"Kamusta ang pagtuturo?" tanong ni Yuna
Tinignan ko ito

"Bakit ka nandito?" balik kong tanong
sinapok naman ako nito

"Syempre wala akong pasok" sabi ni Yuna

"Kasama ko sina Ning nanggugulo don kina Minju" dagdag pa nito

Tumingin naman ko rito

"Ba't ikaw di ka nakikigulo? nagbagong buhay ka na?" tanong ko

Tumakbo na agad ako alam ko kasi na hahampasin nanaman ako nito

Nakita naman ako nina Ning

"Win! Namiss ka namin" sabi ni Ning

Tumakbo naman sila papunta sakin, parang ewan naman tong mga to makayakap.

Kumalas naman ako sa kanila.

"Hoy! balita ko umamin ka raw kay Karina!" sigaw ni Ning 

Nakangisi naman yung dalawang unggoy

"Ang ingay mo Ning" sabi ko na lang

Deretso naman agad ako dun sa likod para magpalit ng damit.

"Ano na kayo na ba?" pangungulit naman ni Ryujin

Sinamaan ko ng tingin ang mga to

"Umalis muna kayo, ako'y magbibihis pa!" sigaw ko

Tinaboy ko na sila at nilock tong pinto para mapayapa akong makapagpalit.


"Winter! tinataboy mo na kami ha! ngunit may lovelife ka na! sasabihin ko kay Karina wag kang sagutin" sabi ni Ning

Parang ewan talaga tong si Ning

"Ang ewan mo Ning, apaka drama, mamaya nga ako magkwekwento! may trabaho pa ko" sabi ko naman

"Sabi mo yan ha sagot mo ang 2 buckets mamaya" sabi pa nito

"Edi Bucket? Bucket?" sigaw ko

"Ayan ba epekto ng gamot mo o epekto kay Karina? ampanget mo magjoke!" sabi ni ryujin

 

 

Marami na ang nagsisidatingan dahil Friday ngayon, inaasahan na talaga namin to, gawa ng may tutugtog ulit at isa pa Friday Acoustic, inaabangan na talaga nila to, siguro eto na lang talaga yung pahinga nila at ienjoy pagkatapos ng trabaho nila bago umuwi sa kani-kanilang bahay.

 

Pinagpahinga naman ako ni Yuna, at sila naman yung pumalit sa pagseserve.
Hindi ko pinakinggan si Yuna kasi marami talaga, unfair kasi na ako lang namamahinga tapos mga kasamahan ko walang pahinga, kaya pumunta kaagad ako kay Minju at tinulungan ko to sa mga order ng mga kape, juice, smoothie, at kung ano-ano pa. 

 

"Hello Miss Winter ikaw ba ang kakanta ngayon?"

Napalingon naman ako sa nagtanong

Umiling ako

"Hindi po Miss" sabi ko

"Aww, sayang ikaw pa naman inaabangan ko" sabi nito at kumindat pa

Bat may pagkindat pa tong nalalaman?

Kita ko naman yung ngisi ni Minju,
sarap sungalngalan ni Minju parang ewan eh, ayaw akong tulungan dito sa di ko kilalang babae na to

"ah.. haha" tanging tugon ko lang

"I'm Miyeon" pakilala nito

Nilahad naman nito ang kamay nya

Tinignan ko naman ito na nakangiti lang sakin

Si Minju parang tanga na nagpipigil ng tawa.
Matae sana to mamaya

"ah... I'm Win-"

kakamayan ko na sana sya 

"Babe" 

Napatingin naman kami parehas nung babae kung kanino nanggaling yung boses.

Nanlaki po yung mata ko

"Babe?" takang tanong ko naman 

"Yes Babe, surprise" sabi ni Jimin

Nakangiti naman ito at lumapit na sakin 

May pagtataka pa rin ako sa mukha,
anong trip nanaman neto?

"I gotta go na I thought you're single" sabi naman nung Mi? ano nga yon? Miyuh? basta ayun...

Kita ko yung awkward nitong ngiti 
at etong katabi ko naman ay pilit yung ngiti at may pagtaas pa ng kilay

"A-ano sing--"

Kinurot naman ako sa tagiliran ni Jimin

"Aw-- wit!" hinawakan ko naman yung kamay ni Jimin baka kasi biglang mangurot ulit

Sasabihin ko lang naman na single pero di na available, may masama ba dun?

"uhm bye, see you na lang if ever" sabi ni miyuh at umalis na

kumalas naman na si Jimin sa magkahawak namin kamay. 

Tinignan ako nito

"We need to talk later after ng work mo" sabi ni Jimin 

Mukhang seryoso ito at iniwan na ako... 

Nagtataka naman ako bakit ganon ang kilos nya

"Problema non?" sabi ko sa kawalan

"Ramdam ko yung tensyon!" sigaw naman ni Minju na nakangisi

Tinignan ko naman to na nagtataka. Pinagsasabi neto?

"Hirap sayo Winter manhid mo sa mga nakapaligid sayo" sabi pa ni Minju na tumawa at umalis na.

 

Kita ko naman si Ning at yung butas ng ilong ay nanlalaki, chichismis nanaman to eh

"Ano yung nakikita ko kanina ha? may paghawak ka na ngayon sa kamay" sabi ni Ning

"shunga ka! ikaw ang kurutin bigla, syempre hinawakan ko na para pigilan, baka kasi kurutin ako ulit, lakas ng trip eh" sabi ko naman

Mapanloko naman na tumingin pa ito at kinuwento na nga kina Yuna at Ryu.

Naalala ko nanaman yung sinabi kanina ni Jimin. 

"Babe raw... tss" singhal ko

Napangiti naman ako.

 

Ako ang pinagdala ni Ryujin ng order kina Jimin.

Nahihiya raw kasi sya dun sa kasama ni Jimin

"Meron ka palang hiya Ryu" sabi ko naman

"Tumingin kasi sakin yung Yeji, ang ganda nya" kilig na sabi nito

"babaero ka talaga" sabi ko

"Hoy! nagbagong buhay na ako" angal nito

Nagkibit balikat na lang ako

"Mag-ingat ka pala mamaya priii Winter" sabi ni Ryujin

takang lumingon naman ako rito

"Bakit naman?" tanong ko

"Di mo talaga alam? wala sa mood si mareng Kars galit sayo andami raw nalapit sayong babae" tawang sabi naman ni Ryujin

Naestatwa naman ako at kinabahan.

"Edi ikaw magdala neto" sabi ko sa kanya

Umalis kaagad si Ryujin. 

 

Wala naman akong ginawa? bat yun magagalit?

Huminga muna ako ng malalim bago dalhin yung order nila.

 

Pagkapunta ko don,  nilapag ko na agad yung order nila, di man lang ako tinignan ni Jimin at di ako pinansin.

"Hi Winter" bati ni Giselle, Yeji, at Lia

Ngumiti naman ko sa mga to

"Hello" sabi ko naman

Tumingin naman ako kay Jimin, busy to sa pagkain ng carrot cake. 

"Sino yung kanina lumapit sayo?" tanong ni Giselle

Napatingin naman ako rito

"Sino don?" takang tanong ko

" So maraming nalapit sayo" ngiting sabi ni giselle

kita ko naman yung pagtingin-tingin nila, para bang nagtetelepathy silang magkakaibigan.

Ano bang meron? 

"Yung kanina lang na kumausap sayo" sabi naman ni Yeji

nag-iisip naman ako kung sino, kasi wala naman akong pake sa mga yun, kaya di ko tanda kung sino.

"Hmm baka yung si Miyuh? di ko kilala eh" sabi ko
"Bakit nyo pala natanong?" tanong ko naman

"wala lang naman, akala kasi namin kakilala namin" ngiting sabi ni Lia

Naningkit naman mata ko

"Weird nyo" sabi ko

tumawa na lang silang tatlo at si Jimin naman napaka seryoso.

Lumingon naman ako dito at lumapit

"Panget mo kapag seryoso ka, mas maganda ka kaya kapag nakangiti" bulong ko dito 

Lumingon naman to sakin at namumula

Napaatras naman ako dahil sobrang lapit nung mukha namin

"ah-ano dyan na kayo" sabi ko

Kita ko naman yung mapang-asar na mukha nung tatlong kaibigan ni Jimin

Umalis na ako kaagad kasi ang init talaga.

"Ang pula mo, uminom ka ba?" sabi ni Yuna

Umiling naman ko

Pano iinom eh may trabaho kaya, shunga talaga to si Yuna eh.

 

Nag-uumpisa na yung banda. 

"Pengeng alak!" sigaw naman ni Ryujin

Binatukan naman to ni Yuna 

Lakas ng tama talaga nitong si Ryu eh

Marami naman ang natawa. 

Marami rin nagrerequest dito na wag lang daw cafe ang gawin parang gusto nila na gawin restobar kapag pagabi na. 

Pinag-iisipan na rin ni tita kung ano ang gagawin nila parang gusto rin nila gawin ito sa umaga ang cafe at pagpagabi na restobar naman... 

 

 

Kumakanta ngayon si kuya Chan maraming nakikisabay sa kanta. 

"Winter?" 

Napatingin naman ako rito

"Yes po?" tanong ko

Ngumiti naman ito

"I'm Isay baka nakalimutan mo na, marami kasi nagrerequest na gusto ka nilang kumanta, okay lang ba sayo?" tanong ni Isay

Napabuntong hininga naman ako

"May magagawa ba ako?" tanong ko naman

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ColdnaMalamigpa
Sorry ulit, ngayon lang ulit ako nakapagsulat... nawalan nanggana magsulat... pero syempre kailangan ko pa rin ipagpatuloy ang sinimulan ko... binabase ko lang talaga sya sa mga panginip, kaya nakakapagsulat ako.
Salamat din sa mga naghihintay at sa mga nagcocomment. binabasa ko mga comments nyo

Comments

You must be logged in to comment
IamMeel530
#1
otornim when ka ulit magpaparamdam? 😂
EzraSeige
#2
Time to relapse eme 😣😝😍💙❄
bbiiWinkim #3
Chapter 13: 💙💙💙

mag kkiss na sana eh!! 😂😂
maxiclaine #4
Chapter 13: hays. she's soo protective kay jimin talaga. huhuhu. thank you sa update ssob!😭
Topkangseul
#5
Chapter 13: Grabe ang sweet and protective naman ni Win
yeppeungom
#6
Chapter 13: yes may upd ulit.
kwinminjeong
#7
Chapter 8: hay buti naman nagka ayos na ang mag ate huhu tiff be better na vebs ha :((( magmahalan nalang kayo pls sana maging okay na bebe wintor ko
kwinminjeong
#8
Chapter 7: masakit ha huhuhuhu tangina winter mahal kita beh bakit ginaganyan k nila 🥹 sakit !!
kwinminjeong
#9
Chapter 6: huy ang cute aaaa heisnwksnhs kinilig ako dun may pa flashback pa lab et ayun pala ang reason ihh
kwinminjeong
#10
Chapter 5: hayy grabe lang :((