Anim

TUTOR
Please Subscribe to read the full chapter

 

Tatlong araw na di kami nag-uusap ni ate, magchachat lang para tanungin kung nakakain na ang mga anak nya at kung nakainom na ba ng mga vitamins syempre ako like lang ang isasagot ko, di naman kasi ako talaga pala chat eh at di rin naman ko pala imik.


"Ma, pupunta ako kina Tita Luna" paalam ko


"Ano gagawin mo sa bahay nina mare?" tanong ni mama


"Kakausapin ko about sa alok nya sakin na magtrabaho ako sa cafe nila" sagot ko


Naghahanda na ako para makaalis, buti at walang pasok sina ate at asawa niya, bahala sila mag-alaga ng mga anak nila, kung aalagan nila mga tamad, lagi lang din naman sila nakaasa samin sa pag-aalaga eh.


"Nasabi nga sakin ni kumare yan tinatanong nga kung kailan ka mag-uumpisa" sabi ni mama


"pwede naman ako ngayon mag-umpisa o kaya bukas, sasabihin ko muna kay Tita kung ano ang gagawin ko, nahihiya ako" sabi ko naman


Kita ko sa mukha ni mama na di ito naniniwala


"Wala kang hiya Winter, tigilan mo ko" sabi ni mama


Magsasalita na sana ako para depensahan ang sarili


"Sya! mag-ingat ka, ikamusta mo na rin ako kay Yuna at miss ko na ang batang yon" dagdag ni mama


Sumimangit naman ako at tinignan si mama


"kaya pala ako paborito ni Tita Luna eh, kasi paborito mo si Yuna" asar ko kay mama


"Ako'y tigil-tigilan mo Winter matagal na di napunta si Yuna dito, nakikita ko lang ay laging si Ning at si Ryujin na napakalayas" sabi ni mama


"oo na sasabihin ko pumunta minsan dito kapag di busy" sagot ko na lang

 

 

Andito ako ngayon sa bahay nila Yuna, sana andito pa sina Tita, baka kasi nakaalis na to, busy kasi si Tita at Tito bukod kasi a cafe meron din silang inaasikaso na restaurant na malapit na mag-open.


Nakita ko si Yuna


"Yuna!" tawag ko


Lumingon naman si Yuna at may malaking ngisi ito, sinimangutan ko naman to


"Ano nanaman ba yang ngising yan Yuna? May pinaplano ka bang masama sakin?" tanong ko


"Andrama mo! pumasok ka na rito, iniintay ka ni nanay" sabi ni Yuna 


Pumasok na ako at kita kong yayapos si Yuna sakin, pinigilan ko to at sinabihan na wag dumikit sakin, tinawanan naman ako nito.


"Winter napaka arte kapag si oomp pinapayapos mo" sabi ni Yuna


Takang tinignan ko sya, taas pa ang dalwa kong kilay


"Pinagsasabi mo dyan?" tanong ko


Wala naman akong niyayapos? sa pagkakatanda ko?


"Winter natanda ka na talaga" sabi nito
Lumapit sakin si Yuna
"Di mo niyapos si Ate Karina noon?" bulong nito sakin


Napalaki ang mata ko, di ko naman niya-
nginang flashback yan! di naman talaga! akbay lang yun isang beses, kasi naulan non!, ang liit ng payong kaya nilapit ko si Karina panget, gago si Yuna.


"Yuna ogag! di ko niyapos yun!" sigaw ko dito
"sige sabi mo eh" pahabol nito

Bakit ba nila pinupush si Karina sakin? wala naman akong gusto dun? Parang mga ewan.


Dumeretso na ako sa loob, nakita ko na si Tita na nakaupo kasama si Tito


"Winter pumapayag ka na ba sa cafe?" bungad na tanong sakin ni tita


Nakangiti lang naman si Tito samin


"Ayun nga po Tita kaya napapunta ako dito para makausap kayo about nga po dun" sagot ko


Nakatingin lang naman sakin si Tita na tumango at pinaupo ako sa tabi niya at si Yuna naman ay nakikinig samin na nakaupo na rin.


"Tita ano po kasi" nag-aalinlangan ako


"Winter" tawag sakin


Napatingin naman ako dito at hinawakan ni Tita yung kamay ko


"May problema ba? may nangyari ba sa bahay nyo?" nag-aalalang tanong nito


umiling lang ako sa pagtanggi, ayoko naman magsabi kay tita ng problema ko, lalo na kapag problema ng pamilya samin na lang yun.


"Ano ba sasabihin mo?" mahinahon na tanong ni tita


"Nay, mag-uumpisa si Winter bukas" sabi naman ni Yuna


Tinignan ko to na di makapaniwala sa sinabi, dapat ako magsasabi ng ganon eh!


Ngumisi naman si Yuna, parang abnoy talaga tong si Yuna, ano kayang kalokohan nanaman nasa isip nito?


Kita ko yung kinang sa mata ni Tita at Tito at yung tuwa nila.

"Wala ka bang gagawin ngayon?" tanong ni Tita

"wala naman po Tita" sagot ko

"sumama ka samin, aalis kami pupunta kami saglit sa pinapagawa namin na restaurant, tapos dadalhin kita sa cafe para alam mo na ang pasikot-sikot don" sabi ni Tita

"Nay, para namang di kami napunta don nina Winter" sabi ni Yuna

Di pinansin ni Tita si Yuna na nang-aasar lang naman
"Let's go na mga anak" sabi naman ni Tito

 

 

Nakarating na kami sa restaurant na sinasabi nina Tita, naglibot-libot ang tingin ko, simple lang naman yung loob nito pero maganda na.

"What do you think?" tanong ni tito

Tinuro ko sarili ko, kung ako ba ang tinatanong nya, tumango ito at ngumiti. Nakaabang naman ang mag-ina sa sasabihin ko

"ok naman sya Tito, komportable naman ako sa ganda nito" sabi ko

Tumango naman si tito

"Ilan star?" tanong ulit ni Tito

"4 star" sagot ko

Kita ko ang amuse sa mukha ni Tito at Tita ganon din kay Yuna. 

Nagtaka naman ako

"Bakit po?" tanong ko naman

"Nakalimutan namin na mataas nga pala standard mo pagdating sa mga design lalo na pagdating sa business" sabi ni Tito na nakangiti

Kibit balikat lang naman ako, Bakit lahat sila basa ako? lahat ng kilos at nasa isip ko alam nila agad? Akala ko pa naman non mahirap akong basahin.


"Akala ko magpapalakas ka pa kay nanay at tatay, at sasabihin mo 6 star kasi sobrang ganda" asar naman ni Yuna

Sinamaan ko to ng tingin
"Di ko naman uutuin si Tita at Tito!" sigaw ko
Tumawa naman yung tatlo


Paalis na kami at pupunta na sa cafe, ihahatid lang kami ni Tito at iiwan na kami mismo sa cafe.

"Tataas pa naman yung 4star nasabi ko kapag natikman nila yung mga menus ninyo, If na satisfied sila edi babalik-balikan nila yan, maganda rin kung gumawa kayo ng pakulo na magkakainterest ang tao... promotion strategy marami nagamit ngayon ng social media, facebook page, pwede din ang Tiktok kapag nagandahan sila sa lugar ng resto eh pupuntahan talaga. At sa pagkain syempre kung masarap. Kapag may first customer kayo ask feedback about sa food and the environment sa place, kung pasok sa kanilang taste, kapag ang feedback nila ay medyo na satisfied lang sila kailangan iimprove ang dapat iimprove" sabi ko na nakangiti

Napatigil sila sa paglalakad at tumingin sakin. 
Natahimik ako nang marealize ko ang mga sinabi ko, marami na pala ako nasabi. Napakamot naman ako sa batok ko.

"Tama nga si Yuna maasahan ka sa lahat, lalo na sa business" sabi ni Tito na nakangiti

"Sabi ko sayo Tay eh si Winter pasaway lang pero kapag seryoso yan tignan mo napogi" sabi naman ni Yuna

Namula naman ako sa mga sinabi ni Yuna, para kasing ewan. Di ko alam sa sarili ko bakit ko nga ba sinabi yun?

"Proud kami sayo Winter, talaga bang wala kapang experience sa trabaho?" sabi ni Tito

"Wala pa po" sabi ko

"Parang meron ka na experience sa pinapakita mo samin, sa susunod kapag natuto ka na at kaya mo na, ikaw ang maghahandle sa restaurant isasama kita lagi pati si Mark" sabi ni Tito

Umiling ako kaagad

"dapat po si Yuna Tito" sabi ko agad

Inakbayan naman ako agad ni Yuna, at dali-dali ko naman itong tinanggal

"Paalala Winter Business ang kinuha mong course at ako Architecture" sagot ni Yuna

Napabuntong Hininga naman ako

"Kung akala mo magseselos ako, nagkakamali ka hindi ako nagseselos, kasi ako ang paborito ni Tita Stella at hindi ikaw" asar nito sakin

Tumawa naman yung mag-asawa

"Mas may alam ka Winter pagdating sa business, ako wala, disaster mangyayari kapag kami ni Tatay magsasama, tapos na ko sa exterior at interior design ng restaurant, ikaw naman ang maghahandle sa restaurant natin" ngiti ni Yuna

"Para di ka na maburyo sa inyo, wag mag-isip ng kung ano-ano" dagdag ni Yuna

Ngumiti ako sa kanila at niyakap nila ako.

"Pamilya tayo dito Winter tutulungan ka namin hanggat kaya namin" sabi ni Tita

 

Malaki ang pasasalamat ko sa kanila, di ko man masabi sana maramdaman nila yun, sila lang halos lagi nagpapalakas ng loob ko, sila lagi ang unang nakakaramdam kung ano ba ang tumatakbo sa isip ko. Walang hanggan pasasalamat ang gusto kong iparamdam lagi sa kanila. Sila lang ang meron ko.

 


Nang nasa cafe na kami, mabagal kami naglakad ni Yuna.


"Alam ko may problema ka Win, paga mata mo, ok lang kahit wag mo sabihin problema mo, sabihin mo kapag handa ka na andito kami nina Ning, Ryu, si Nay, at Tay" tinapik nito ang likod ko

Halata pala talaga, kaya siguro nagtanong si Tita kasi ayun nga kita nila sa mukha ko.

Nauna na pumasok si Yuna at sumunod naman ako, itinuro sakin ni Tita ang bawat sulok at pagawaan nung sa cafe, pinakilala rin nila ako sa mga magiging katrabaho ko, mukha nga silang mababait. At halos kilala ko naman talaga ang iba sa empleyado ni Tita, minsanan na kaming natambay dito at ginugulo si Tita.

"Wag kayo matakot kay Winter ganyan talaga expression ng mukha niya, mabait na bata yan. Lagi nyo na pati syang nakikita" sabi ni Tita

"Yan si Minju, sya yung nagseserve kapag may umoorder na customer, at minsan sya na rin ang nagawa sa mga frappe, coffee at iba pa, sya rin magtuturo sayo" dagdag ni Tita

Tumango naman ako, di ko namukhaan kaagad si Minju, akala ko bagong empleyado ni Tita.

"Hello po Ma'am Luna" sabi ni Minju

Tumingin to sakin at ngumiti

"Sya po ba yung sinasabi nyo Ma'am na itretrain ko?" tanong ni Minju

"Oo, si Winter ang tuturuan mo at babantayan" sabi naman ni Tita

tinignan ko si tita

"babantayan? ako?" tanong ko kay tita
Ngumiti si Tita

"Oo babantayan ka niya hanggang sa matuto ka sa ituturo niya" sagot ni Tita

"Nice to meet you again Winter" sabi ni Minju

Ngumiti ito at inilahad ang kamay, tinignan ko muna ang kamay nito bago ko tanggapin at nakipag shakehand.

"Hindi ka talaga pala ngiti?" tanong ni Minju

Tumawa naman ang mag-ina

"Masanay ka na Minju, ngingiti rin yan kapag oras ng trabaho hindi ba Win

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ColdnaMalamigpa
Sorry ulit, ngayon lang ulit ako nakapagsulat... nawalan nanggana magsulat... pero syempre kailangan ko pa rin ipagpatuloy ang sinimulan ko... binabase ko lang talaga sya sa mga panginip, kaya nakakapagsulat ako.
Salamat din sa mga naghihintay at sa mga nagcocomment. binabasa ko mga comments nyo

Comments

You must be logged in to comment
IamMeel530
#1
otornim when ka ulit magpaparamdam? 😂
EzraSeige
#2
Time to relapse eme 😣😝😍💙❄
bbiiWinkim #3
Chapter 13: 💙💙💙

mag kkiss na sana eh!! 😂😂
maxiclaine #4
Chapter 13: hays. she's soo protective kay jimin talaga. huhuhu. thank you sa update ssob!😭
Topkangseul
#5
Chapter 13: Grabe ang sweet and protective naman ni Win
yeppeungom
#6
Chapter 13: yes may upd ulit.
kwinminjeong
#7
Chapter 8: hay buti naman nagka ayos na ang mag ate huhu tiff be better na vebs ha :((( magmahalan nalang kayo pls sana maging okay na bebe wintor ko
kwinminjeong
#8
Chapter 7: masakit ha huhuhuhu tangina winter mahal kita beh bakit ginaganyan k nila 🥹 sakit !!
kwinminjeong
#9
Chapter 6: huy ang cute aaaa heisnwksnhs kinilig ako dun may pa flashback pa lab et ayun pala ang reason ihh
kwinminjeong
#10
Chapter 5: hayy grabe lang :((