Lima

TUTOR
Please Subscribe to read the full chapter

 

Balik na ulit sa dating gawain, ako nagbabantay sa tatlong bata, si mama naman ang nagluluto para sa kakainin namin mamaya, at si papa naman ang tumatao sa tindahan, habang sina ate at ang kanyang asawa ay nagtatrabaho.
 
Habang buhat ko si Amara na nanonood ng Super Simple, sinasabayan nito yung kanta.


"oh na na na" kasabay nito ang pag-shake nya sa ulo nya

tinignan ako nito at nilagay ang kanyang maliit na kamay sa magkabila kong pisngi


"Anong trip mo bata ka?" tanong ko dito at inulit nanaman nya ang ginawa nya


"oh na na na" habang nagsheshake ang ulo, kaya ginaya ko na lang ang ginagawa at sinasabi niya, tumawa naman ito


"Napa-uto mo nanaman ako Amara tapos tatawanan mo si Tita winwin mo" sabi ko dito


"tsatsa hin" sabi nito

Natuwa naman ako sa pagbigkas niya ng pangalan ko, ayan na talaga unang sinabi niya kesa mommy at daddy, malapit talaga siguro ako sa mga pamangkin ko.

 

Ilang oras pa kaming nagkukulitan, nang biglang umepal naman si Astrid, isa rin tong bully sa bunso nyang kapatid eh.

Inagaw ni Astrid yung laruan ni Amara kaya umiyak ito, pinanood ko lang sila kung ano gagawin nung bunso, lumapit ito kay Astrid kita ko ang pagyapos ni Amara kay Astrid habang sumisigaw at naiyak, nakikipag agawan ng laruan at etong si Astrid natawa pa talaga habang inaasar ang kanyang bunsong kapatid.


"Astrid share kayo sa laruan" sabi ko

tinignan lang ako nito at tumakbo na papunta sa kusina, Aba! talagang napaka pasaway ng mga anak ni Ate! manang-mana sa pinagmanahan talaga.


Nilapitan ko na si Amara para patahanin, tumahan naman kaagad ito ng yumapos sya sakin.


"Bakit naman naiyak si Amara Winter? Pinagalitan mo nanaman ba yan? Alaga mong asarin yan" sabi ni mama tinignan ko to na nakakunot ang kilay


"Bakit ako agad ang may kasalanan kapag naiyak si Amara ma?" tanong ko kay mama


"Ikaw lang naman mahilig magpaiyak at pagtripan yang mga pamangkin mo" sagot nito


"lahh" yan na lang ang nasabi ko kay mama


"Bakit nga umiyak?" tanong ni mama habang buhat ko si Amara na nakayakap sakin ayaw kasi sumama kay mama


"Aba'y tanong mo sa magaling mong apo na si Astrid" sagot ko na natatawa


"Nag-away nanaman yang dalwa?" tanong ulit nito


"Nag-aagawan sa laruan, bully naman kasi yan si Astrid kinuha yung laruan nitong isa kaya umiyak at nagalit" sagot ko habang hinihimas ang likod ni Amara para pakalmahin.


"Kanino pa ba magmamana si Astrid, ikaw na ikaw si Astrid sayo lang magmamana yan sa inyong magkakapatid ikaw lang ang bully kapag nagantihan pikon naman" sabi ni mama.


Napaisip naman ako ganon ba ko? parang di naman eh


"kita sa mukha mo Winter ang pagtatanong, sa maniwala ka sa hindi kuhang-kuha ni Astrid ang iba mong ugali lalo na sa kakulitan at pambubully. Alam naman namin ng papa mo kahit hindi ka sweet na tao, kita naman namin kung paano ka kumilos at mag-alaga sa mga importanteng tao sayo, ganyan din si Astrid kahit 3 years old pa lang kita na sa batang yun na ayaw sa clingy at nahahawakan, ganyan ka wag mo itatanggi" satsat ni mama


"oo na ma!" sabi ko kay mama

kasalanan ko ba na ayaw ko na hinahawakan ako at ipupulupot pa nila kamay nila sa braso ko?

"sinisigawan mo ko?" tanong nito sakin na handa nanaman umatake


"slight lang ma" sabi ko may hawak na itong tsinelas


"Ma hawak ko si Amara, pati 27 na ko pinapalo mo pa rin ako" reklamo ko naman dito


"Tandaan mo Winter kahit ilan taon ka pa, tumanda ka pa, ikaw lang ang Baby Winwin namin" sabi ni mama sumimangot ako, nubayan binbeybi ako masyado eh di nanaman ko baby.

 

Dumating ang hapon at tapos na sa trabaho si ate, nasa kusina si ate at busy sa cellphone, ako naman ay busy kumain, nakay mama si Amara tulog naman ito kaya di mapapagod si mama masyado.

"sabi ni mama gusto mo na raw magtrabaho?" tinignan ko ang mukha ni ate walang emosyon sa mukha nito

tumango naman ako

"paano ang mga bata? walang mag-aalaga sa kanila Winter? pwede naman wag ka na magtrabaho" sabi nito napatigil ako sa pagkain

"paano naman ako?" tanong ko

nagulat na lang ako na nasabi ko na pala ng malakas, akala ko sa isip ko lang ito nasabi.

"Paano ikaw? nakakain ka naman araw-araw ah wala naman problema, nabibigyan naman kita minsan at yang exam-exam na yan di ka naman makakapasa, sasayangin mo lang ang pera" sabi ni ate


Napalunok na lang ako nagtitiis na wag mapaluha sa sinabi ni ate, di na ako umimik, pagdating sakin napakababa ng tingin nya, iniisip ko na lang minsan na kaya ba ayaw ako p

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ColdnaMalamigpa
Sorry ulit, ngayon lang ulit ako nakapagsulat... nawalan nanggana magsulat... pero syempre kailangan ko pa rin ipagpatuloy ang sinimulan ko... binabase ko lang talaga sya sa mga panginip, kaya nakakapagsulat ako.
Salamat din sa mga naghihintay at sa mga nagcocomment. binabasa ko mga comments nyo

Comments

You must be logged in to comment
IamMeel530
#1
otornim when ka ulit magpaparamdam? 😂
EzraSeige
#2
Time to relapse eme 😣😝😍💙❄
bbiiWinkim #3
Chapter 13: 💙💙💙

mag kkiss na sana eh!! 😂😂
maxiclaine #4
Chapter 13: hays. she's soo protective kay jimin talaga. huhuhu. thank you sa update ssob!😭
Topkangseul
#5
Chapter 13: Grabe ang sweet and protective naman ni Win
yeppeungom
#6
Chapter 13: yes may upd ulit.
kwinminjeong
#7
Chapter 8: hay buti naman nagka ayos na ang mag ate huhu tiff be better na vebs ha :((( magmahalan nalang kayo pls sana maging okay na bebe wintor ko
kwinminjeong
#8
Chapter 7: masakit ha huhuhuhu tangina winter mahal kita beh bakit ginaganyan k nila 🥹 sakit !!
kwinminjeong
#9
Chapter 6: huy ang cute aaaa heisnwksnhs kinilig ako dun may pa flashback pa lab et ayun pala ang reason ihh
kwinminjeong
#10
Chapter 5: hayy grabe lang :((