Payb

TorpeDos
Please Subscribe to read the full chapter

 

"Dos, ayos ka lang?" 

 

Napatingin ako kay Ryu bago tumango. 

 

"Wews, ako pa niloko mo. Kanina ka pa tulala simula no'ng umuwi tayo." Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata ni Ryu. 

 

Sasabihin ko ba? 

 

Ilang segundo muna akong nag-isip. Hindi rin naman umimik si Ryu at naghintay lang. Siguro ramdam niya talaga na may nangyari kanina.  

 

Bumuntong-hininga ako. Sabihin ko na lang. 

 

"Naka-usap ko si Winter kanina..." 

 

Nanlaki naman ang mga mata niya. "Weh?! Talaga?!"

 

"Pero 'di ko alam kung usap ba talaga 'yon." Saad ko. 

 

"Bakit? Ano bang nangyari?" Rinig ko ang curiosity sa tanong niya. 

 

"Natakot ako kanina, Ryu," yumuko ako. "Kasi ano... Alam niyang tayo ang nagpabigay ng ID niya..."

 

Patigil-tigil ako sa pagsasalita. Na-aalala ko 'yong galit na mukha ni Winter kanina. Umiling-iling ako, nagbabakasakaling baka mawala ito sa isipan ko. 

 

Naramdaman ko ang kamay ni Ryu sa balikat ko. "Kalma ka lang, dre. Hingang malalim." Pagpapakalma niya sa akin. 

 

Huminga ako nang malalim katulad ng sinabi niya bago magpatuloy. "Ano kasi... Nagalit siya, Ryu. Sinigawan niya ako. Wala 'yong plush toy niya at sinabi kong nasira kaya nagalit siya."

 

Nangunot ang noo ni Ryu. "Dahil lang do'n sa laruan na 'yon?" Iba ang tono niya. Parang naiinis siya kay Winter. 

 

Agad naman akong umiling para sabihing mali ang iniisip niya. "Sinabi niyang siyam na taon nang nasa kaniya 'yong plush toy na 'yon... Sigurado akong mahalaga sa kaniya 'yon kaya gano'n ang inasal niya."

 

Bumuntong-hininga si Ryu. "Dos, alam kong gusto mo siya pero hindi mo naman siya dapat parating ipagtanggol." Seryosong saad niya. 

 

"Alam ko 'yon. Pero may mali rin naman kasi ako," tugon ko. "At saka, oks naman na ako."

 

"Pero kasi–"

 

Ako naman ang naglagay ng kamay sa balikat ni Ryu. "Oks na nga. 'Wag ka na mag-alala, Joryuket."

 

Tinapik ko ang balikat niya at ngumiti. "Sinabi sa'kin ni Winter na kailangan ko rawng palitan 'yong plush toy..." 

 

Tumaas ang isang kilay ni Ryu. "Oh tapos? Ba't nakangiti ka na riyan?"

 

"Kinuha niya number ko."

 

"Ohmaypakingteyp! Legit ba?" 

 

"Oo."

 

Siya naman ang ngumisi. "Naks naman."

 

"Pero, dre..." napahinto siya saglit. "Hindi naman sa pag-aano, curious lang talaga ako. Bakit niya kinuha number mo?" Tanong niya. 

 

"Sabi niya kasi, kailangan raw kasama siya para kapag bibili na no'ng plush toy." Sagot ko naman. 

 

"Uy," maloko niya akong tinignan. "What if secret crush ka pala ni labidabs mo at siya na ang gumagawa ng way para sa inyong dalawa?"

 

"Ulol. Napaka-imposible naman niyang what if mo." Sabi ko at umismid. Ayan na naman siya. 

 

Exaggerated na kung exaggerated pero para pang out of this world naman ata na maging crush ako ni Winter. 

 

Ang layo-layo ng status ko sa buhay kumpara kay Winter. At saka isa pa, sa sobrang ganda niya, parang kuko lang ako ni Joryuket sa paa kapag itinabi sa kaniya. 

 

Nagkibit-balikat si Ryu bago nahiga. "Malay mo, malay ko, malay natin."

 

Nahiga nalang din ako. Malay nga natin. Walang kasiguraduhan. 

 

--

 

Papunta na kami ni Ryu ngayon sa room. Himala nga at medyo maaga-aga kaming dumating ngayon sa school. 

 

"Dre, nag-vibrate cellphone mo. May nag-chat or nag-text ata." 

 

Ibinigay sa'kin ni Ryu 'yong cellphone kong parang may sapot ng gagamba sa screen. Ipinatabi ko muna kasi sa kaniya dahil 'yong suot ko ngayon, walang bulsa. 

 

"Imposibleng may mag-vibrate sa chat 'to. Naka-mute kayong lahat sa'kin." Sabi ko nang buksan ko ang cellphone ko. 

 

Hinampas ako ni Ryu sa balikat. "Sabi ko na nga ba! Kaya pala hindi bumababa 'yong pogs mo sa gc natin. Napaka mo talaga."

 

"Ang ingay niyo kasi. Naririndi ako sa tunog ng notif." Naningkit ang mga mata ko habang hinahanap ang dahilan ng pag-vibrate ng cellphone ko. 

 

Hindi sa chats dahil nga naka-mute lahat. Tinignan ko naman 'yong messages. May number one na kulay red. 

 

Pinindot ko ito. Kumunot ang noo ko nang makita kong galing ito sa unknown number. 

 

Pagpindot ko no'ng unknown number, agad kong binasa 'yong text. 

 

At gago...

 

Muntik ko nang mabitawan ang cellphone ko. 

 

"Hoy, ayos ka lang? Sino ba 'yan at parang nakakita ka ng multo?" 

 

Hindi ako nagsalita at ipinakita nalang kay Ryu 'yong cellphone ko. 

 

Ilang saglit siyang napatulala, pagkatapos ay itinakip niya ang isa niyang kamay sa bibig niya bago sumigaw. 

 

"Pakshet!" Nagsimula siyang magtatakbo habang ngiting-ngiting nasigaw. 

 

Ako naman ay nakangiti na rin. Hindi ko na pinansin 'yong mga tingin sa'min ng ibang estudyante rito sa hallway. 

 

Masayang tumalon sa likod ko si Ryu at kumapit sa may balikat ko. 

 

"Dos, uuwi na si dretsong tokyo-tokyo!" 

 

Humahagikgik akong tumango-tango ako. Inalis ko muna ang pagkakakawing ng braso niya sa akin. Medyo nasasakal na kasi ako ng excited na unggoy na 'to. 

 

"Kumalma ka nga muna." Saad ko. 

 

Tumigil naman siya sa kagagalaw pero malawak pa rin ang kaniyang ngiti. 

 

"Excited na ako, dre!" 

 

"Halata nga."

 

"Imagine, ilang taon na bago natin siya huling nakita. Three years ba?" 

 

"Four years." Pagtatama ko. 

 

Matagal na nga talaga simula no'ng huli namin siyang nakita. Tumatawag naman siya at nakaka-video call namin siya minsan. Pero, iba pa rin talaga kapag sa personal na. 

 

"Grabe, miss ko na ang panlilibre ni tokyo-tokyo."

 

Si tokyo-tokyo, pero Kyokyo ang tawag ko, ay 'yong isa pang member ng dretsong squad. Tatlo kaming magkababata, at kapatid na rin ang turing sa isa't-isa. 

 

Kaya nga lang, kinailangang lumipat muna ni Kyokyo sa Japan kasi kailangan siya ro'n ng papa niya na may sakit. 

 

Hindi naman namin pwedeng hadlangan ni Ryu ang karapatan niyang makasama ang tatay niya kaya naman pumayag din kami. Actually, siya pa nga ang ayaw umalis kasi raw maiiwan niya kami. Niyaya pa nga kaming sumama sa kaniya eh, kaso nga lang, hindi pwede. 

 

"Base riyan sa text niya sa'yo, sa linggo nang umaga ang lipad niya?" Tanong ni Ryu. 

 

Tumango ako. "Oo."

 

"Siguro kaya nag-text sa'yo 'yon kasi alam niyang hindi mo binubuksan 'yong gc." Natatawang saad ni Ryu. 

 

Natawa nalang din ako. Obvious naman. Eh sa kasalanan ko bang nakakarindi talaga 'yong tunog ng notif? 

 

At saka, hindi ko naman pwede i-silent or i-mute 'yong mismong volume ng cellphone ko dahil baka biglang tumawag si Tay Toni. 

 

Dahil sa balita sa'min ni Kyokyo, ngiting-ngiti kami ni Ryu na bumalik sa room. Pansin ko 'yong tingin ng iba sa amin, hindi siguro sanay sa sigla namin ni Ryu, o sa sigla ko. 

 

Madalang lang naman kasi akong maging ngiting-ngiti. Si Ryu lang naman kasi parati ang mukhang approachable. Sabi nga ni Ryu, may rbf daw ako kaya gano'n. 

 

"Mischief managed." Siyempre hindi naman mawawala 'yan bago kami umupo sa kaniya-kaniya naming upuan. 

 

Hindi nagtagal at dumating na ang prof namin. Dahil good mood to the max si Ryu ngayon, panay taas siya ng kamay sa mga tanong no'ng prof namin. 

 

Gan'yan kasi 'yang unggoy na 'yan kapag good mood talaga. Biglang nagiging active pati sa academics. Nagulat nga prof namin pati 'yong iba naming kaklase including Light Fury. 

 

Matalino naman kasi talaga 'yang si Ryu, hindi lang halata. May ibubuga siya pagdating sa academics. 

 

Pero hindi mo nga naman kasi magipagkakaila na mas matalino si Ryu sa kalokohan. Puro katarantaduhan ba naman ang ginagawa. 

 

Hanggang sa dumati

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
miznakitabalikkana
me beating the mumu allegations, yAuh~ eniweyz, sorry if ngayon lang naka-ud, huhuuu... soaper busy si akez sa acads, mygawdnis. ngayon lang nagkaroon ng time mag-ud.

Comments

You must be logged in to comment
kwinminjeong
#1
Chapter 6: IIIIHHHH SBSKWNSKSJSJSHHSSHAJWKSB SWEET TANGINUH RINA IBA K TALAGA
kwinminjeong
#2
Chapter 1: saet gago di pa nga nagmamake move malalaman agad na mag suitor ang kanyang crush BWKSKSJSHS OKS LANG YAN RINA
maxiclaine #3
Chapter 6: HAHAHAHHAA. baby steps ba yan? at least may progress tas hindi na parang mamamatay sa kaba si Dos.
maxiclaine #4
Chapter 1: ay bet. si Jimin naman ngayon ung taga masid. hihihihi
stillintoyu
193 streak #5
tenks po sa ud
yujjiman
#6
Chapter 6: tenkyu po sa updatee napasaya mo ako bago mag review para exams naminnn
cleofierayne #7
Chapter 6: Gagiiii simp na simp haaaaa grabe kanaaa lods,Dos!
mellifluouswan
1699 streak #8
Chapter 6: Hala pota ang cute naman neto huhuhu simp Rina is cute Rina huhu
kang_ddeul
#9
Chapter 6: yieeee!!! 😍💗
yaqorl
#10
Chapter 6: KILIG OMG