Tree

TorpeDos
Please Subscribe to read the full chapter

 

Inaantok pa ako. 

 

"Rise and shine, dretsonggg!"

 

Ngayon hindi na. 

 

Bumungad ba naman sa'yo ang mukha ng isang unggoy. Magigising talaga ang diwa mo. 

 

Itinulak ko palayo ang mukha ni Ryu dahil talagang ang lapit-lapit sa mukha ko. Ang creepy ng ngiti niya. Parang kahapon lang nagd-drama siya ah? 

 

Bakit ngiting-ngiti na naman 'to?

 

"Dre, bumangon ka na! Por-terti na oh!" 

 

Parang may lumabas na irk mark sa noo ko nang marinig ko ang sinabi ni Ryu. Punyawa naman. Alas-kwatro y media palang? 

 

Tinampal ko ang noo niya.

 

"Aray ko, Dos! Para sa'n 'yon?" Daing ng unggoy. 

 

"Ang aga-aga pa," malamig kong saad. "Alas-otso ang pasok natin ngayon, boang."

 

Na-realize niya siguro ang kabonakan niya kaya napakamot siya ng batok. 

 

"Ay. Sorry na, bibi Dos. Biyernes pala ngayon."

 

Kapag biyernes kasi, alas-otso hanggang alas-tres lang 'yong pasok namin. Kapag lunes hanggang huwebes naman, ala-sais y media hanggang alas-singko. 

 

Dahil nawala na rin ang antok ko, bumangon na ako at saka inayos ang higaan ko. Tinulungan na rin ako ni Ryu. 

 

"Ngiting-ngiti ka ah?" Nakataas ang isang kilay kong sabi habang tinutupi 'yong kumot ko. 

 

"Kwento ko mamaya papuntang school. Mag-bike nalang tayo. Ayos na 'yong akin." Saad naman ni Ryu at kumindat pa. 

 

Tumango nalang ako. Ayos lang naman sa akin. Hindi naman kami mahihirapan since hindi required mag-uniform sa school namin. At tsaka, mukhang hindi na drama sa buhay niya ang maririnig ko mamaya.

 

Dahil kapag drama sa buhay niya ang kwento niya mamaya, bahala na siya mag-isa.

 

Kahapon kasi ay para akong nagpapatahan ng batang hindi binilhan ng nanay niya ng cotton-candy sa may daanan. 

 

Hiyang-hiya ako habang 'tong unggoy na 'to, todo singhot. Mga uhog niya rin nagsisitalsik. Dugyutin talaga. 

 

Pagkalabas namin sa kwarto ko, bumungad sa amin ang nagkakapeng si Tay Toni na prenteng naka-upo sa sala. 

 

"Magandang umaga po, Tay." Bati ko. 

 

"Gudmorneng, Tang!" 

 

Napahagikgik nalang si Tay Toni sa pagka-hyper ni Ryu. 

 

"Magandang umaga rin, mga 'nak." Nakangiting saad ni Tay Toni. 

 

Nakabihis na pala si Tay Toni dahil maaga siyang bumabyahe. Maaga kasi ang pasok ng mga amo niya. 

 

"Ay, Tay! May 'di pa pala ako nak-kwento sa'yo. Alam mo ba, Tay..." 

 

Nagsimulang magkwentuhan sina Ryu at Tay Toni, gan'yan kasi 'yan sila sa umaga kapag nagpupunta rito si Ryu. Parang mga Marites na hindi in-invite 'yong isa pa nilang kumare dahil palihim nilang bina-backstab.

 

Hinayaan ko nalang sila at nagpunta na sa banyo para maghilamos. Habang nagsasabon ako ng mukha, tsaka ko lang na-alala na magbibigay pala ako ngayon kay Tay Toni. 

 

Ibibigay ko nalang mamaya pagkatapos kong kumilos dito sa banyo.

 

Medyo matagal akong natapos dahil dove pala 'yong sabon! Ang tagal kong nagbanlaw ng mukha pero madulas pa rin! 

 

Sa huli ay sumuko nalang din ako. Baka ginawa talaga 'yang sabon na 'yan para dagdagan ang sama ng loob ko. 

 

Pumunta muna ako sa kwarto ko para kunin 'yong ibibigay ko kay Tay Toni bago bumalik ulit sa sala. 

 

"Tang, 'lam mo ba? Hanggang ngayon torpedo pa rin si Dos!"

 

Umupo ako sa tabi ni Tay Toni. Mahaba naman 'tong bangko na inuupuan namin. Bali, pinapagitnaan namin ni Ryu si Tatay. 

 

"Nagsalita ang nabasted." 

 

Sinamaan ako ng tingin ni Ryu. Pikon amp. 

 

"Aba't! At least ako umamin na!" 

 

Ilag tayo. 

 

"Nako, kayo talaga..." Natatawa at nailing na saad ni Tay Toni. 

 

Inilapag ni Tatay 'yong kape niya sa maliit na mesa sa harap namin bago tumikhim. "Alam niyo, noong kabataan ko, gan'yang edad din ako namulat ba sa lablayp. Marami rin akong natutunan." 

 

Tumingin siya kay Ryu. "Ikaw, kahit na paulit-ulit ka niyang ayawan, huwag kang susuko. Gusto mo siya, 'di ba? Pero 'nak, huwag mo ring kalilimutan ang halaga ng sarili mo," lumipat ang tingin niya sa akin. "At ikaw naman, Dos... Huwag kang matakot umamin at huwag mo munang iisipin kung anong kalalabasan. Huwag kang adbans mag-isip, 'nak. Huwag mong pangunahan ang mga mangyayari."

 

"Grabe naman 'yorn. Pwede ka na maging kove guru, Tang! Pero salamat po. Itatatak ko po sa utak–"

 

"Wala kang utak." 

 

Nakatanggap ako ng lumilipad na tsinelas sa mukha. Yawa. 

 

Bakit?! Totoo naman ang sinabi ko!

 

"–ko ang mga sinabi niyo." 

 

Hinimas ko ang ilong kong tinamaan ng kulay blue na duralite ni Tay Toni. Napa-isip din ako sa sinabi niya. Tama naman siya, pero hindi ko kasi maiwasang mag-overthink.

 

Hays... Sana naging dino nuggets nalang ako sa freezer. 

 

"Wala talagang araw na hindi kayo mag-aasaran, ano?"

 

Parang proud pa na tumango si Ryu sa sinabi ni Tay Toni. 

 

"Siyempre naman, Tay. Ang bardagulan namin ni Dos ang nagsisilbing propan tlc ko." 

 

Umismid ako. "Sana cherifer 'yong pinili mong vitamins nang tumangkad ka naman."

 

Napasinghap si Ryu. "Porket para kang puno?!" Offended na sabi niya. 

 

"At least hindi nuno."

 

"Sumusobra ka na!"

 

Hindi ko na siya pinansin at saka kinuha ang wallet ko sa bulsa ng pyjama ko. Oo, may bulsa ang pyjama ko, walang basagan ng trip. 

 

Kinuha ko lahat ng laman ng wallet ko at inabot kay Tay Toni. 

 

Bago pa makapagsalita si Tay Toni, inunahan ko na siya. 

 

"Bawal tumanggi, Tay. Para sa inyo pong tatlo ng kambal 'yan."

 

Nitong mga nakaraang araw, napapansin kong madalas nang hilutin ni Tay Toni ang mga binti at braso niya. At saka, paubos na ang vitamins at gatas ng kambal. 

 

Four years old palang kasi 'yong kambal kaya naggagatas pa rin sila, pero hindi na sa bote. Tapos si Beyli naman eh sakitin. 

 

"'Nak... Paano ka?" Bakas ang pag-aalinlangan at pag-aalala sa mga mata ni Tatay. 

 

Ngumiti ako at kinuha ang kamay ni Tatay. Inilagay ko sa palad niya ang pera bago ko ito isinara para mahawakan niya mismo. 

 

"Huwag niyo po akong alalahanin. Mas kailangan niyo po 'yan at alam niyo naman pong gagawin ko ang lahat para makatulong sa inyo. Malaki po ang utang na loob ko sa inyo, Tay."

 

Niyakap ako ni Tay Toni. "Salamat, 'nak."

 

Yumakap ako pabalik at hinagod ang likod ni Tatay. Humihikbi na kasi. 

 

"Wala po 'yon. Ako nga po dapat ang magpasalamat sa inyo."

 

"Sali naman ako oh!" Sigaw ni Ryu at nakisali sa yakapan namin ni Tatay. Nakisiksik talaga siya. 

 

"Kahit kailan talaga paepal ka, 'no?"

 

"Che! Manahimik ka riyan, Dos."

 

--

 

Nandito kami ngayon sa labas. Bibili kasi kami ng pandesal para pang-almusal ngayon. May natira pa naman akong isang daan sa bulsa no'ng bag ko, 'yon nalang ang gagamitin ko. 

 

"Uy, dre..." 

 

Napatingin ako kay Ryu. "Ayos lang, Ryu. Alam mong mas kailangan nila 'yon."

 

Bumuntong-hininga siya. "Alam ko naman, dre. Pero sana nagtira ka rin para sa sarili mo. Mabuti sana kung tinatanggap mo ang tulong ko."

 

"Tapos ano? Gagamitin mo pang-blackmail sa'kin? Kasi I'll owe you if ever?" Nakataas ang isang kilay kong tanong. 

 

Agad siyang umiling habang nakakunot ang noo. "Hindi naman, dre..."

 

Bahagya akong natawa. Charot lang naman 'yon eh. 

 

Umakbay ako sa kaniya. "Biro lang, Joryuket. Alam ko namang hindi mo gagawin 'yon. Pero alam mo ring ayaw ko na tumatanggap ako ng bagay na galing sa iba, lalo na pera," ngumiti ako. "At saka, tinulungan mo na nga akong makahanap ng racket eh, sapat na 'yon at malaki ang pasasalamat ko sa'yo dahil do'n."

 

Suminghot siya. "

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
miznakitabalikkana
me beating the mumu allegations, yAuh~ eniweyz, sorry if ngayon lang naka-ud, huhuuu... soaper busy si akez sa acads, mygawdnis. ngayon lang nagkaroon ng time mag-ud.

Comments

You must be logged in to comment
kwinminjeong
#1
Chapter 6: IIIIHHHH SBSKWNSKSJSJSHHSSHAJWKSB SWEET TANGINUH RINA IBA K TALAGA
kwinminjeong
#2
Chapter 1: saet gago di pa nga nagmamake move malalaman agad na mag suitor ang kanyang crush BWKSKSJSHS OKS LANG YAN RINA
maxiclaine #3
Chapter 6: HAHAHAHHAA. baby steps ba yan? at least may progress tas hindi na parang mamamatay sa kaba si Dos.
maxiclaine #4
Chapter 1: ay bet. si Jimin naman ngayon ung taga masid. hihihihi
stillintoyu
193 streak #5
tenks po sa ud
yujjiman
#6
Chapter 6: tenkyu po sa updatee napasaya mo ako bago mag review para exams naminnn
cleofierayne #7
Chapter 6: Gagiiii simp na simp haaaaa grabe kanaaa lods,Dos!
mellifluouswan
1700 streak #8
Chapter 6: Hala pota ang cute naman neto huhuhu simp Rina is cute Rina huhu
kang_ddeul
#9
Chapter 6: yieeee!!! 😍💗
yaqorl
#10
Chapter 6: KILIG OMG