Wan

TorpeDos
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Hindi talaga maiiwasang magkaroon ng isang kaibigang malakas ang trip na gagawin ang lahat para lang guluhin ang tahimik mong buhay 'no? 

 

"Dreeee~ What if mag-commit tayo ng arson? Sunugin natin 'yong bahay ng coach naming kulang sa kulay ang buhay."

 

Wala pa akong nasasagot, may panibago na naman siyang sasabihin. 

 

"Or what if, hanapan nalang pala natin siya ng partner sa buhay. 'Yong kaparehas niyang ampalaya. Sabi nga sa math, negative plus negative equals positve."

 

"Or pwede ri–"

 

Sinalpak ko 'yong nirolyo kong tissue sa bibig niya. Ang ingay-ingay kasi. Nasa gitna kami ng hallway, wala siyang hiya at para siyang may dala-dalang megaphone na gamit ng mga kagawad sa mga baranggay. 

 

"Ingay mo." Reklamo ko.

 

"Pwe! Kadiri ka naman, dre! Sa'n mo ginamit 'yang tissue?" Nadidiri niya namang tanong. 

 

"Sa ilong ko."

 

Lalong nandiri ang itsura niya at umaktong nasusuka. 

 

"Ang dugyot mo!"

 

Umismid ako. "Mana sa'yo."

 

Mas dugyot kaya siya. May one time kayang may nakasiksik na panyo sa bag niya na punong-puno ng uhog niya tapos isang linggo na pala 'yon do'n. 

 

"Uy, dre! 'Yong labidabs mong si Winter oh!"

 

Punye– 

 

"Lods Wi–"

 

Agad kong tinakpan ang bibig ni Ryu. Napatingin ako sa paligid at mabuti nalang eh walang masdayong tao. 

 

Si Winter... Hindi niya naman siguro narinig 'no? I mean, medyo malayo na siya sa amin no'ng sumigaw 'tong unggoy na 'to. 

 

Sana nga. Dahil kung oo, ililibing ko sarili ko nang buhay kasama sa Ryu. 

 

"Itikom mo 'yang bunganga mo, Joryuket, kung ayaw mong sungalngalin ko 'yan." Banta ko sa kaniya. Nampapahamak naman eh. 

 

Dinilaan niya ang kamay ko, pero 'di ko pa rin tinanggal 'yong kamay ko. Anong akala niya? Tatalab sa'kin 'yan? Bonak. 

 

No'ng ma-realize niyang walang talab ang kadiri niyang ginawa, tinapik-tapik niya 'yong kamay ko, palakas nang palakas hanggang sa kasing lakas na ng pag-spike ng bola ng volleyball 'yong dapat tapik lang. 

 

Sa lakas ng tapik niya, halos tumalsik 'yong braso ko. Charot. Ang exaggerated. 

 

Pero masakit. Gago. 

 

Nakalimutan kong balibolista pala 'tong unggoy na 'to.

 

"Grabe ka sa bibig ko, dre. Tsaka ebarg naman sa bunganga. Hayop ba ako?" Tila ba offended niyang saad at talagang nasa dibdib pa ang isang kamay. 

 

"Oo." Mas hayop pa siya sa hayop. Legit 'to. 

 

Dramatic siyang napasinghap. May saltik talaga. 

 

"Ang ikli-ikli ng mga sagot mo pero tagos sa dibdib."

 

"Dibdib? Pader."

 

"Demonyo ka talaga! Porket nabiyayaan ka ng melon sa hinaharap, ang yabang mo na!"

 

Hindi ko nalang siya pinansin at nagsimulang maglakad. Medyo nagmadali akong maglakad. Ilang minuto nalang kasi, magii-start na ang next subject. 

 

Hindi na nga kami nakapag-lunch dahil diretso na nagkopyahan na kami ni Ryu kanina sa may History Park. 

 

Actually, more on ako pala ang nagpakopya kay Ryu. Nakatulog daw kasi agad siya kahapon gawa ng pagod dahil sa training. 

 

Siyempre, bilang isang mabuting kaibigan, pinakopya ko na. At tsaka, naghihigpit na din kasi lalo 'yong coach nilang sing

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
miznakitabalikkana
me beating the mumu allegations, yAuh~ eniweyz, sorry if ngayon lang naka-ud, huhuuu... soaper busy si akez sa acads, mygawdnis. ngayon lang nagkaroon ng time mag-ud.

Comments

You must be logged in to comment
kwinminjeong
52 streak #1
Chapter 6: IIIIHHHH SBSKWNSKSJSJSHHSSHAJWKSB SWEET TANGINUH RINA IBA K TALAGA
kwinminjeong
52 streak #2
Chapter 1: saet gago di pa nga nagmamake move malalaman agad na mag suitor ang kanyang crush BWKSKSJSHS OKS LANG YAN RINA
maxiclaine #3
Chapter 6: HAHAHAHHAA. baby steps ba yan? at least may progress tas hindi na parang mamamatay sa kaba si Dos.
maxiclaine #4
Chapter 1: ay bet. si Jimin naman ngayon ung taga masid. hihihihi
stillintoyu
189 streak #5
tenks po sa ud
yujjiman
#6
Chapter 6: tenkyu po sa updatee napasaya mo ako bago mag review para exams naminnn
cleofierayne 59 streak #7
Chapter 6: Gagiiii simp na simp haaaaa grabe kanaaa lods,Dos!
mellifluouswan
1692 streak #8
Chapter 6: Hala pota ang cute naman neto huhuhu simp Rina is cute Rina huhu
kang_ddeul
#9
Chapter 6: yieeee!!! 😍💗
yaqorl
#10
Chapter 6: KILIG OMG