Por

TorpeDos
Please Subscribe to read the full chapter

 

Katatapos lang ng last subject bago mag-lunch at papunta na kami ni Ryu ngayon sa canteen. 

 

"Ano, dre? Ibibigay mo na ba 'yong ID ni labidabs mo? Gusto mo samahan kita?" 

 

Sunod-sunod niyang tanong kaya naman napairap ako. 

 

"Lalabhan ko muna 'yong Melody plush toy na inapakan mo." Sagot ko. 

 

"Tapos? Gusto mo practice tayo ng lines mo kapag ibibigay mo na? Kunwari ako muna si labidabs mo. Gusto mo gano'n?" 

 

Inambangan ko siya ng suntok kaya naman lumayo siya sa akin agad. Inaasar at iniimbyerna niya na naman ang kaluluwa ko.

 

"Pwede bang kumain muna tayo?" Iritado kong tanong. 

 

"Gagalet ka naman agad– joke lang! Oo na! Tara na!" 

 

Legit na sinuntok ko na siya sa braso kaya ayan, hinihimas niyang binilisan ang paglalakad papuntang canteen. 

 

Hindi naman malakas 'yong suntok ko. Katamtaman lang. Takot lang talaga niya sa akin. 

 

Napabuntong-hininga ako. Nagugutom na ako. 

 

Nang makarating kami sa canteen, agad kaming pumunta sa usual na pwesto namin. Do'n sa may sulok para raw mysterious at cold na person ang datingan namin as per Joryuket's words. 

 

Mysterious at cold. Mga salitang hindi mo pwedeng ipang-describe kay Joryuket. Sa mala-megaphone niya palang na bibig, ekis na agad sa kaniya ang dalawang salita na 'yan. 

 

"Anong baon mo, dre?" Inilabas ni Ryu ang baunan niya na may lamang gisadong argentina corned beef na may patatas. Oo, talagang specific 'yong brand. Ininggit niya pa nga ako kanina eh. 

 

Inilabas ko rin ang akin. "Nakita mo akong naghanda kanina, nagtanong ka pa?" 

 

"Hindi ba pwedeng nakalimutan ko lang kung ano?" Nakanguso niyang saad. 

 

"Anong klaseng rason 'yan, Joryuket?" 

 

Parang bonak na naman kasi siya. Tabasin ko 'yang nguso niya eh. 

 

"Dali na kasi~"

 

Binuksan ko 'yong baunan ko at kulang nalang eh isalpak ko sa mukha niya 'tong baon kong kanin na may maling na galing pa sa ayuda ni mayor. 

 

Ipinabaon din kasi sa'kin ni Tay Toni dahil ilang araw na rin itong nasa cabinet lang at hindi pa naluluto. Baka raw masira lang nang hindi nakakain. 

 

"Ayan, maling. Masaya ka na?" 

 

Ngumiti siya at nagpa-cute. "Penge ako, Dos. Hehe..." 

 

Punye– kulang nalang eh mapahilamos ako ng mukha!

 

"Sige na, dreee~ Libre kitang mountain dew!" Magkakawing ang mga kamay niya na parang nagmamakaawang tumingin sa akin. 

 

Napaisip ako. Marami-rami naman 'tong binaon kong maling kaya okay lang magbigay. At saka, libreng panulak na 'yan oh! Sawa na rin ako sa tubig.

 

Ilang segundo bago ako tumango, senyales na pumapayag ako. 

 

Parang batang nabigyan ng paborito niyang candy naman na kuminang ang mata nitong si Joryuket. Akala mo naman talaga hindi pa siya nakakain ng maling eh parati naman silang may stock. 

 

"Wohoi!" Agad siyang tumayo. "Teka lang, dre, ah? Bili lang ako panukak natin." 

 

Muntik na akong humalakhak nang makita ko siyang muntik nang madapa. Mabuti nalang naitakip ko sa bibig ko ang kamay ko. 

 

Hindi naman nagtagal nang bumalik si Ryu dala-dala 'yong dalawang bote ng mountain dew. Inilapag niya ang mga ito sa mesa bago siya umupo. 

 

Nagsimula kaming kumain, at itong kaharap ko, parang hindi pinakain sa kanila. Kung sumubo, sunod-sunod. Hindi niya na nga ata nginunguya 'yong sinusubo niya.

 

"Hoy, magdahan-dahan ka nama–"

 

At ayan na nga. Nabilaukan ang unggoy. 

 

Agad kong inabot sa kaniya 'yong mountain dew niya na agad niya rin namang nilaklak. 

 

"Patay-gutom ka." Saad ko. 

 

Nang maka-recover siya, huminga siya nang malalim at napakamot ng kilay. 

 

"Sorry, gutom lang talaga. Legit 'to, dre. No lies."

 

Napailing nalang ako at ipinagpatuloy ang pagkain. Gano'n din ang ginawa ni Ryu pero hindi na niya inulit 'yong sunod-sunod niyang subo katulad kanina. 

 

Nagkaroon ako ng ilang minutong kapayapaan sa pagkain nang biglang magsalita 'tong si Ryu. 

 

Bahagya niyang itinuro 'yong entrance ng canteen. "Uy, dre. Labidabs mo oh."

 

Itong si ako naman, lumingon. Nakatalikod kasi ang pwesto ko sa entrance ng canteen, kabaliktaran ng pwesto ni Ryu na nakaharap do'n. 

 

Kagaya ng sabi ni Ryu, nando'n nga si Winter. Kasama niya 'yong dalawa niyang kaibigan na chorale members. Ning at Lia ata ang pangalan. 

 

Ang ganda lang talaga ni Winter. Medyo wavy 'yong dulo ng buhok niya ngayon at bagay na bagay sa kaniya ang suot niyang white sweater at gray checkered skirt. 

 

Ang simple pero ang elegant niya tignan. 

 

"Wuy."

 

Nagulat naman ako. Bigla ba namang hinampas ni Ryu 'yong mesa. Buti naman hindi nakakuha ng maraming atensyon. Napalingon lang sa'min saglit 'yong mga nasa kalapit naming table.

 

Nakangisi si Ryu nang humarap ulit ako sa kaniya. Hindi niya pinansin ang masamang tingin ko sa kaniya. 

 

"Tulaley ah?" Binigyan niya ako ng mapang-asar na tingin. "Gandang-ganda ka na naman. Another day, another 'Lord, forgive Dos for she had simped' ulit."

 

"Nagsalita ang mas simp pa sa'kin na kahit picture ng crush niyang hindi siya pinapansin, luluhuran at sasambahin niya." Ganti ko at boom! Speechless ang unggoy. 'Di na naka-rebutt.

 

Nanlaki sa gulat ang mga mata ni Ryu, at talagang nasa dibdib niya pa ang kamay niya. 

 

Nakatingin lang sa akin si Ryu nang nga ilang minuto, eyes wide open. Oo, parang 'yong sa album ng Twice. Eyes wide open. Fan nila ako, bias ko si Mina. 

 

"Grabe... Kapag dawit talaga 'yong labidabs mo sa pinag-uusapan, mas matalas pa sa itak ni Tay Toni ang tabas ng dila mo." Sabi niya bago sumubo habang nakasimangot. 

 

Sinimot ko na 'yong kanin sa baunan ko at ibinigay kay Ryu 'yong dalawang hiwa ng maling na natira. 

 

Bigla namang ngumiti nang pagkalawak-lawak 'tong si Joryuket. 'Yong simangot niya, nawala na parang bula. 

 

"Tenchu, Dos! Kaya mahal na mahal kita eh." Masaya niyang linantakan 'yong maling at hinayaan ko nalang siya. 

 

Pasimple akong lumingon sa kinauupuan nina Winter. 

 

Nakita kong nakakunot ang noo niya habang nakikipag-usap sa dalawa niyang kaibigan. Parang bothered din siya, siguro dahil nasa akin nga 'yong ID niya na naapakan ni Ryu. 

 

Napatingin naman ako sa bag ko kung saan nakalagay 'yong ID ni Winter. 

 

Ibigay ko na kaya ngayon? Pero hindi ko muna ibibigay 'yong Melody plush toy. 

 

Kaso ang daming tao na nakapaligid. Baka mag-cause ng scene rito sa canteen. Nakakatakot pa naman kapag galit or stressed si Winter. 

 

Minsan ko na siyang nakitang magalit sa mga juniors na pasaway na puro laro pa rin ang nasa utak. Matapunan ba naman ang puti mong damit ng kape, hindi ka ba maiinis o magagalit? 

 

Napabuntong-hininga ako. 

 

"Oh, bakit parang problemado ka, dre?" 

 

Sinamaan ko ng tingin si Ryu. Nagtanong pa eh kasalanan niya naman!

 

"Luh? Bakit gan'yan ka makatingin?"

 

Hindi ko siya pinansin at tinignan lang nang masama. 

 

Napatigil siya sa pagkain."Kingina mo, Dos. Tino-torture mo na ata ako sa utak mo." Kinikilabutan niyang saad.

 

Ngumiti ako. 'Yong ngiting psychopath. 

 

"Nadali mo."

 

"Tangina mo, huhuuu..." 

 

--

 

"Class dismissed." Saad ng prof namin bago nagmadaling lumabas ng classroom. 

 

Baka may date. Ngingiti-ngiti kasi siya kanina habang nagc-cellphone matapos kaming bigyan ng surprise quiz. Sana hindi siya siputin ng ka-date niya! 

 

"Yunjin," tawag ko sa katabi kong nag-aayos ng gamit niya. 

 

Lumingon naman siya, gulat pa nga eh. First time ko kasi siyang ka-usapin. Imagine, two years na kaming magkaklase, ngayon ko lang siya kina-usap so I think understandable na magulat siya 

 

"Chorale member ka, 'di ba?" 

 

 Tumango siya bilang sagot after maka-recover sa pagkagulat. "Oo. Bakit mo natanong?" 

 

"Ano kasi... May practice ba kayo ngayon?" Medyo hopeful kong tanong. 

 

Na-isip ko kasi na dadaan nalang ako sa music room at ipapabigay ko nalang sa mga kaibigan ni Winter 'yong ID niya. 

 

Hindi naman kasi kami agad uuwi ni Ryu. May linis session kami sa library ngayon. Second friday of the month kasi. 

 

Extra kita na rin dahil binabayaran ako ng school sa pagli-linis. Oo, ako lang. Saling kitkit lang naman 'yang si Ryu. Gusto niya lang daw akong tulungan which

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
miznakitabalikkana
me beating the mumu allegations, yAuh~ eniweyz, sorry if ngayon lang naka-ud, huhuuu... soaper busy si akez sa acads, mygawdnis. ngayon lang nagkaroon ng time mag-ud.

Comments

You must be logged in to comment
kwinminjeong
52 streak #1
Chapter 6: IIIIHHHH SBSKWNSKSJSJSHHSSHAJWKSB SWEET TANGINUH RINA IBA K TALAGA
kwinminjeong
52 streak #2
Chapter 1: saet gago di pa nga nagmamake move malalaman agad na mag suitor ang kanyang crush BWKSKSJSHS OKS LANG YAN RINA
maxiclaine #3
Chapter 6: HAHAHAHHAA. baby steps ba yan? at least may progress tas hindi na parang mamamatay sa kaba si Dos.
maxiclaine #4
Chapter 1: ay bet. si Jimin naman ngayon ung taga masid. hihihihi
stillintoyu
189 streak #5
tenks po sa ud
yujjiman
#6
Chapter 6: tenkyu po sa updatee napasaya mo ako bago mag review para exams naminnn
cleofierayne 59 streak #7
Chapter 6: Gagiiii simp na simp haaaaa grabe kanaaa lods,Dos!
mellifluouswan
1691 streak #8
Chapter 6: Hala pota ang cute naman neto huhuhu simp Rina is cute Rina huhu
kang_ddeul
#9
Chapter 6: yieeee!!! 😍💗
yaqorl
#10
Chapter 6: KILIG OMG