Ttu

TorpeDos
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

"Shot puno!"

 

Itinaas ko ang isang basong puno ng C2. 

 

"Shot puno."

 

"Shat puto!" 

 

Nabuga ni Ryu ang C2 na nasa bibig niya at punyemas! Mukha ko naman ang sumalo! Ang dugyot talaga niya. 

 

Agad kong pinunasan ang mukha ko gamit ang braso ko habang rinig na rinig ko ang tawa ni Ryu. 

 

"B1 at B2, hindi 'yon shat puto! Shot puno kasi!" Pagtatama naman ni Ryu sa kambal. 

 

Nandito kasi kami ngayon sa bahay ng driver ng pamilya ni Ryu. Si Mang Toni. 

 

May apo kasi itong kambal, at siya na ang bumubuhay sa mga ito dahil namatay sa panganganak sa kanila ang nanay nila at ang tatay naman nila ay naglaho nalang na parang bula. 

 

"Shot puno?" Bakas ang curiosity sa mga mata ni Beyli. 

 

Tumango-tango si Ryu. "Oo, B1. Shot puno."

 

"Shot puno!" Si Baily naman ang sumigaw. 

 

Pumalakpak si Ryu. "Tama, B2!"

 

Napailing nalang ako. Siguradong yari na naman kay Tay Toni 'yang si Ryu mamaya pagdating nito. 

 

"Para sa pusong sawi ni Dos!" Sigaw muli ni Ryu. 

 

"Para sa putong tawi ni Tete Duwa!" Panggagaya naman ng kambal. 

 

Todo tawa ulit si Ryu habang ako ay nakangiting uminom nalang ng C2. Ang cute kasi no'ng kambal at talagang game na game sila parati sa mga kalokohan ni Ryu. 

 

Pero sabagay, mga bata pa kasi. Kung anong nakikita, malamang gagayahin. 

 

At itong si Ryu naman kasi ay kalahating isip-bata at kalahating bata-isip rin.

 

Nang mahimasmasan si Ryu katatawa, tumikhim siya at tumingin sa akin. 

 

"Pa'no na 'yan, dre? May manliligaw na pala ang labidabs mo. Ano na plano mo?"

 

"Wala."

 

Tumaas ang isang kilay ni Ryu. "Wala?"

 

Tumango ako. "Wala."

 

Kasi wala naman talaga. At saka, malabong magustuhan din ako no'n if ever. 

 

Tinignan ko 'yong kambal na inom lang din nang inom ng C2 habang nakikinig sa'min. 

 

"Anong wala? Hindi kita pinalaking talunan, dre!" 

 

"Sabi ng hindi makagawa ng move sa crush niya kasi 'di siya pinapansin." Sagot ko. 

 

"Aray huh? Namemersonal." Sinamaan ako ni Ryu ng tingin bago siya sumubo ng boy bawang. 

 

"Kuntento na akong silayan ang mala-anghel niyang mukha." Saad ko bago muling uminom ng C2. 

 

Umakto namang nasusuka si Ryu. Napaka talaga.

 

"Iba talaga ang epekto sa'yo ni lods taglamig." 

 

"Bakit ba? Totoo namang mukha siyang anghel." 'Di ba?

 

"Oo nga. Pero ang sungit-sungit niya. Nakakatakot din siya, parang anytime bubugahan ka ng apoy." 

 

Napakunot naman ang noo ko. "Hindi naman ah? Mabait naman siya."

 

"Pa'no mo naman nasabi?" Tanong ni Ryu. "Eh never pa nga kayong nagkausap no'n."

 

Nagkibit-balikat ako. "Wala, ramdam ko lang."

 

Kahit pa masungit siya sa iba– kahit pa masungit siya sa lahat, sa tingin ko mabait naman talaga siya. Parang exterior image lang ang pagiging masungit niya. Siguro, wala lang siyang tiwala sa iba, gano'n.

 

Tabinging ngumiti ang unggoy. "Sige, sabi mo eh. Kung diyan ka makakatulog nang maayos." 

 

Nakarinig naman kami ng pagbukas ng pinto. 

 

Agad namang tumayo ang kambal. Alam na alam na nila kung sino eh. 

 

"Loloooo!"

 

Tumawa si Tay Toni sa kambal at dali-daling ibinababa ang bitbit na bag para mayakap niya ang mga bata.

 

"Aba! Kumusta ang mga apo ko?" 

 

"Lolo, shot puno!" Biglang sigaw ni B2. 

 

I snorted, habang si Ryu ay pa-inosenteng uminom ng C2. 

 

Paktay kang unggoy ka. 

 

Sa isang iglap lang eh nasa tabi na niya si Tay Toni at hawak-hawak na ng matanda ang kaliwang tainga ni Ryu. 

 

"Joanne Ryu Shin! Anong kalokohan na naman ang itinuro mo sa kambal?"

 

"A-aray ko, Tayyyy!" 

 

Tawang-tawa naman ang kambal sa pagdurusa niya. Pati ako ay natawa na rin. 

 

I think deserve. 

 

--

 

Payapa akong naglalakad ngayon sa hallway. Isa lang sa mga araw na ang araw na 'to kung saan tahimik kahit ilang oras lang ang buhay ko. 

 

Wala kasi si Ryu, hindi ko alam kung saan na naman nagsuot. Narinig ko lang siya kaninang kinakausap ang sarili habang nasa banyo na kesyo this is the day daw. 

 

Ewan ko kung ano na namang tumatakbo sa utak niyang isa lang ang braincell.

 

At dahil nga wala naman si Ryu, hindi ko rin alam kung ano ang pwedeng gawin. Alas-tres na ng hapon at free time naming mga STEM at GAS students ngayon dahil may mga meeting ang profs namin. 

 

Napahikab ako. Inaantok na naman ako. 

 

Siguro pupunta nalang ako sa library para umidlip do'n. Wala ako sa mood mag-muni-muni sa rooftop ngayon. 

 

Tropa naman kami no'ng librarian at pinapayagan niya akong umidlip do'n basta ba, sa may dulo raw ako p-pwesto. Wala nam

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
miznakitabalikkana
me beating the mumu allegations, yAuh~ eniweyz, sorry if ngayon lang naka-ud, huhuuu... soaper busy si akez sa acads, mygawdnis. ngayon lang nagkaroon ng time mag-ud.

Comments

You must be logged in to comment
kwinminjeong
52 streak #1
Chapter 6: IIIIHHHH SBSKWNSKSJSJSHHSSHAJWKSB SWEET TANGINUH RINA IBA K TALAGA
kwinminjeong
52 streak #2
Chapter 1: saet gago di pa nga nagmamake move malalaman agad na mag suitor ang kanyang crush BWKSKSJSHS OKS LANG YAN RINA
maxiclaine #3
Chapter 6: HAHAHAHHAA. baby steps ba yan? at least may progress tas hindi na parang mamamatay sa kaba si Dos.
maxiclaine #4
Chapter 1: ay bet. si Jimin naman ngayon ung taga masid. hihihihi
stillintoyu
189 streak #5
tenks po sa ud
yujjiman
#6
Chapter 6: tenkyu po sa updatee napasaya mo ako bago mag review para exams naminnn
cleofierayne 59 streak #7
Chapter 6: Gagiiii simp na simp haaaaa grabe kanaaa lods,Dos!
mellifluouswan
1691 streak #8
Chapter 6: Hala pota ang cute naman neto huhuhu simp Rina is cute Rina huhu
kang_ddeul
#9
Chapter 6: yieeee!!! 😍💗
yaqorl
#10
Chapter 6: KILIG OMG