Date Date lang?

Teacher Wendy
Please Subscribe to read the full chapter

Siguro wala namang mawawala, wala namang mawawala kung susubukan mo diba? Mas masama pa ata kapag hindi niya sinubukan at mapakawalan niya ang isang taong nagbibigay ng saya at ngiti sa bawat araw niya. Parang hindi maisip ni Wendy na darating ang araw na hindi niya makikita ang ngiti sa labi ni miss Irene, hindi niya maisip na may ibang taong paglalaanan si Irene ng attention. 

Nakatayo ngayon si Wendy sa labas ng school, nagtext kasi si Irene na may gusto siyang puntahan ngayong hapon bago siya pumasok sa trabaho. Nagsabi nga si Wendy na matulog nalang siya at magkita nalang sila sa weekends kung kailan day off nila parehas, pero likas na mapilit si Irene at kaya niya naman daw iadjust ang body clock niya, isang reason pa na binigay niya ay miss niya na daw si Wendy dahil dalawang araw na silang hindi nagkikta. "Miss miss pa eh magkausap naman kami kahit gabi." bulong ni Wendy habang tinitignan ang bawat dumadaan na tricycle, wala pa naman siyang five minutes nagaantay at hindi parin late si Irene, sadyang nagmamadali lang siyang mag clock out sa trabaho kasi super excited din siya sa lugar na pupuntahan nila ni Irene. 

Napangiti naman si Wendy nang makita niya si Irene na patawid papunta sa school, parang huminto ang mundo niya nung makita niya na tumatawid si Irene. Tumatawid lang pero sobrang ganda, hindi mapigilan ni Wendy na bumilis ang tibok ng puso niya, lalo nung nagtama ang mga mata nila at agad na ngumiti rin si Irene. "Kanina ka pa ba nagaantay? Sorry inantay ko pa kasi si Yerim umuwi para magbantay kay Seunghee." agad namang umiling si Wendy bago ngumiti, napatingin siya sa nahulog na buhok sa mukha ni Irene kaya agad niyang hinawi ang buhok ng call center agent. Yung kilig naman ni Irene ay parang umabot na agad sa Atlantic ocean. "Amin na yang bag mo let me help you." magproprotesta na sana si Wendy pero wala siyang nagawa kundi ibigay nalang kay Irene ang bag niya. Nakatayo lang siya sa tabi ni Irene habang pinagmamasdan ang mga dumadaan na sasakyan. 

Ilang minuto ang lumipas at may huminto na red na vios sa harap nila. Agad namang binukas ni Irene ang pinto na nagpataas ng kilay ni Wendy. "Huh? Ano to?" takang takang tanong ng teacher habang nakatingin lang siya kay Irene. Ano ba, bakit siya sasakay sa loob ng sasakyan? Pwede naman silang mag jeep or mag tricycle nalang sa kung saan man gusto pumunta ni Irene. 

"Sakay ka na dali na, maganda pupuntahan natin promise."  napailing nalang si Wendy saka siya pumasok sa loob, binati niya ng magandang hapon ang driver bago siya tumingin kay Irene na agad binaba ang bag ni Wendy sa tabi niya. Umusog pa siya sa tabi ni Irene na agad din tumingin sa kaniya. "Promise for sure mag eenjoy ka dito. Just sit back and enjoy this day huh?" tumango nalang si Wendy saka tumingin sa bintana, nakikita niya ang mga sasakyan at ibang tao na naglalakad sa kalsada. Kahit na may katahimikan na bumabalot sa kanilang dalawa, sobrang comfortable niyang nakaupo siya sa tabi ni Irene. 

Simula nung usap nila ni Irene sa may park, kung saan inamin ni Irene ang lahat, kung saan din sinabi ni Wendy ang mga bagay patungkol sa kaniyang nakaraan, mas naging open na sila sa isa't isa at mas naging comfortable pa lalo si Wendy kay Irene. Narealize niya rin na sobrang bait at mapagkakatiwalaan talaga si Irene. Makalipas ang ilang minuto ay huminto narin ang sasakyan. Hindi mapigilan ni Wendy na mapatalon sa tuwa, simula nung pumunta siya sa Maynila para magaral at dito na mag stay ay ito ang unang beses na makakapunta siya sa isang amusement park. "Irene! Oh my gosh!" nagulat si Irene nang makita niya ang saya sa mga mata ni Wendy. Pinili niya rin kasi ang araw ng Lunes para walang gaanong tao at mas maenjoy nila ni Wendy ang lugar. 

"Halika na!" ngumiti si Wendy saka sumunod kay Irene na agad ding tumakbo papasok sa loob ng Star City,  agad na nakita ni Irene ang mga bilihan ng cute na headbands kaya agad niyang tinuro ito kay Wendy. Sa mga oras na ito ang tanging gustong gawin ni Irene ay iparamdam kay Wendy ang saya, at ang makapag tanggal rin ng stress. "Bagay sayo to Wendy!" kinuha ni Irene ang squirrel headband bago nilagay ito sa ulo ni Wendy. Ngumiti naman si Wendy saka agad na kinuha ang bunny na headband. 

"I knew it! Bagay sayo yung rabbit. Medyo hawig mo kasi si Snowball! Napanood mo na ba yun?" umiling naman si Irene habang nakatayo dun, inaayos padin kasi ni Wendy ang headband na nasa ulo niya habang nakangiti ito sa kaniya. "Sige next day off natin, let's watch it together. Then magluluto ako for you." bumilis ang tibok ng puso ni Irene nung magtama ang mga mata nila. Hindi na mapigilan ni Irene na maexcite at ipagdasal na bumilis ang araw at dumating na ang weekend, parang gusto niya na agad matikman ang luto ni Wendy at panoorin yung movie na sinasabi niya. 

"Sobrang sweet mo naman honey, ang wife material mo naman." umirap nalang si Wendy bago niya iniwan si Irene pagkatapos niya bayaran ang mga headbands na suot nila ni Irene. Agad na naglakad si Wendy at iniwan si Irene doon. Tumawa si Irene nang makita niya ang pulang tenga ni Wendy. "Honey ko! Baby girl wait for me!" agad namang tumakbo si Irene para habulin si Wendy na ang bilis maglakad ngayon na lalong nagpatawa sa kaniya. Ang cute talaga ni Wendy pag flustered siya parang mas lalo pang gusto ni Irene na asarin ito. "Friendly date padin ba yun?" gustong gusto na ni Wendy na sakalin si Irene pero narinig niya pa ang halakhak ni Irene habang sinusundan siya. 

Nagulat si Irene nung huminto si Wendy sa paglalakad at agad na humarap sa kaniya, parehas silang napasinghap sa distansya ng mga mukha nila sa isa't isa. "B..Bakit kung sabihin ko b..ba sayo na hindi na friendly d..date ano naman?!"  napaatras si Wendy dahil sa hiya, ilang beses ba siyang nautal, bumuntong hininga naman siya agad saka tumalikod ulit, namumula ang pisngi ng teacher na lalong nagpangiti kay Irene. 

"So anong date na ito baby girl ko?" nagulat si Wendy nung naglakad na si Irene sa tabi niya, may nakakalokong ngiti sa labi ng dalaga at hindi narin nakapagpigil si Wendy na matawa. Ano nga ba ang isasagot niya. Saglit na tumikim si Wendy bago niya tinuro kay Irene ang merry-go-round. "Sagot ka muna bago tayo sasakay." napairap nalang si Wendy saka huminto para humarap ulit kay Irene, parang kinapos sa hininga si Wendy nung tumingin siya sa mga mata ni Irene sobrang ganda talaga niya. 

"Uhhhh siguro date date lang?" yung nakakalokong ngiti sa labi ni Irene ay parang nawala, gustong matawa ni Wendy sa naging reaction ni Irene pero gusto niyang makabawi sa pangaasar sa kaniya nito. Agad namang tumango tango si Irene bago walang imik na naglakad papunta sa merry-go-round. Napahagikgik nalang din ang teacher bago niya sinundan ang dalaga na agad nang pumunta sa may ride. "Anong kulay gusto mong sakyan Irene?" gusto na naman matawa ni Wendy nung tinitigan lang siya ni Irene bago itinuro yung black na horse, ang cute ni Irene kasi nakapout ng bahagya ang mga labi niya at nakayuko ito. Parang batang pinagkaitan at inagawan ng candy ang dating niya. "Eh bakit yung black? Diba favorite mong kulay yung purple, ayun oh katabi ng blue." umiling lang si Irene saka tinitigan ang black na kabayo. Di mapigilan ni Wendy ang sarili niya na sikuhin ang dalaga. "Ayaw mo na ata ako kausapin sinagot ko lang naman tanong mo." nagtama ang kamay nilang dalawa, sabay pa silang napatingin dito puro agad na umiwas si Irene at nagbigay ng kaunting space kay Wendy.  "Sinagot ko lang naman na date date lang eh." umiling nalang si Irene bago pumasok na sa loob nung buksan na ng attendee ang ride, agad siyang sumakay sa black na kabayo na nagpatawa kay Wendy. 

"Black kasi nagluluksa ako." bulong ni Irene na narinig padin naman ng teacher. Hindi niya mapigilan na mapangiti bago ito sumakay sa kabayo sa tabi ng black na napili ng call center agent. Tinitigan lang siya ni Irene hanggang sa umandar ang ride. Silang dalawa lang ang nakasakay at di mapigilan ni Wendy na mapabungisngis dahil sa nakasimangot na si Irene. 

"Oo na sige na, wag ka na malungkot. It's our first date na po." parang tumama

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybae2129
Share your thoughts, and follow me on Twitter @bunnybae2129! ♥

Comments

You must be logged in to comment
bigboy123
138 streak #1
Reread~ 🤭🤭
wandaful77
#2
Gago ang funny 😭😭😭
wishwishwish #3
di pa ko nagstart alam ko nang puro tawa na gagawin ko dito 😭😭
Samy327 #4
Chapter 1: At last!!! Wenrene comedy 🤧🤧
wandiso_01 #5
Chapter 10: right now this is my fave story!!!
wandiso_01 #6
Chapter 10: ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng kilig!!!!!
SEEKER_
#7
Chapter 10: Tangina ang tamis naman ng ending grabe mapapasana ol ka nalang talaga. Nawa'y lahat tayo magkaron ng magandang relationship
SEEKER_
#8
Chapter 7: Sisigaw sana ako ng "walang poreber!"pero tangina bihira nga lang pala sa mga wenrene stories yung di angst. Okay shatap nalang ako. Sabi ko nga may rights. Sabi ko nga dasurv
-WenRene15- #9
Chapter 10: I love this story. I'm glad I can read tagalog. Thank you author
SEEKER_
#10
Chapter 6: Medyo masakit yon sa part ni Irene gusto mo may gawin tapos wala kang magawa kasi di naman kayo