Baby Girl

Teacher Wendy
Please Subscribe to read the full chapter

Hi since ito na po yung last chapter ng fic na ito! I'll share a short socmed au ft. the relationship of Baby Girl and Miss Irene on my twitter writing account (bunnybae2129). It will be up tomorrow morning po at 10AM! See you there! And thank you so much sa lahat nang nagbasa at nagshare ng comments nila about this fic. I hope you enjoyed it as much as I did habang sinusulat ito. Stay safe everyone! - Hamsteo

-

Nakangiti si Irene habang pinapanood si Wendy na nagaayos ng maleta niya. Sumilip din si Seulgi na tapos narin mag ayos ng gamit niya. Kinuntsaba din kasi ni Irene ang matalik na kaibigan ni Wendy para sa plano niya. "Seul ano sa tingin mo pwede nating bilin para kina sister? Madami padin bang kids dun?" Umayos ng upo si Irene habang pinagmamasdan ang excitement sa mata ni Wendy,  hindi niya mapigilan na mas lalo pang mahalin ang teacher. 

"Sinasabi ko sayo mapapagalitan lang tayo ni sister pag nagdala tayo!" natawa si Seulgi bago tumingin kay Irene, napakamot na sa ulo ang call center agent kaya agad na tumingin si Wendy sa kaniya. Tumaas ang kilay ni Wendy bago itinabi ang maleta niya sa tabi ng kay Irene. 

"Honey ano yun?" mahinang tanong ni Wendy bago ito umupo sa tabi ni Irene, nagdadalawang isip si Irene kung sasabihin niya ba. Napakagat sa ibabang labi niya si Irene bago tinago ang mukha sa balikat ni Wendy. 

"I happened to buy some stuff for the kids duon sa place, late ko nalaman kay Seulgi na di pala fan si sister of bringing stuff doon." napangiti si Wendy saka nagtanim ng halik sa pisngi ni Irene. Napatingin naman si Irene sa kaniya bago nag pout. Sobrang cute ni Irene sa paningin ni Wendy ngayon.

"Thank you Hyun, bibigay parin natin yan. We can talk to sister naman." Hinawi ni Wendy ang mga nahulog na buhok sa mukha ni Irene bago tinap ang tip ng ilong niya. "Wag ka na sad honey, smile ka na. We are going to a nice place oh." ngumiti naman si Irene bago tumayo para kunin ang mga gamit nila. Sobrang excited na din talaga si Irene na makalabas ulit ng Maynila. Ang huling outing niya ay ang team building sa company nila na di niya din talaga na enjoy.

Makalipas ang halos kalahating oras nailagay narin nila ang mga gamit nila sa taxi. Si Seulgi ang nakaupo sa harap ng taxi. "Miss Irene baka naman kulitin mo si sister na ilabas yung photo album namen ni Seungwan huh?" Natawa naman si Irene bago umiling, magkahawak ang kamay nila ni Wendy hahang nakatingin siya kay Seulgi.

"Hindi, gusto ko lang naman maka pag unwind si Wendy tutal long weekend naman." ngumiti si Wendy kay Irene bago humilig sa balikat ng call center agent. Nagshare ng maalam na tingin si Seulgi at Irene. "Tsaka first time ko din si Coron! Sure ako na mas maeenjoy ko kasi madami kayong alam na places and spots dun." hindi mawala ang ngiti sa labi ni Wendy, iniisip niya palang na makakasama niya si Irene s mga susunod na araw sa lugar kung saan siya lumaki ay nagpapabilis na ng tibok ng puso niya.

"Ano una mo gustong gawin sa Coron?" tumingin si Seulgi at Wendy kay Irene na para bang nagiisip ng malalim. Sa bawat araw na nakikita ni Wendy ang maamong mata ni Irene ay di niya mapigilan na mas lalo pang mahulog ng malalim sa dalaga.

"Aside from wanting to see where ka lumaki. I want to go snorkeling and see some fishes!" napangiti si Irene habang iniimagine na ang ganda ng lugar. Nakita niya ring tumatango si Wendy. "Like can we also ride a kayak, mahal?" Bumilis ang tibok ng puso ni Wendy, pati si Seulgi napangiti nung makita niya na unti unting namumula ang mukha ni Wendy. "Also jetski and banana boat. Daming water activities doon right? I want to try them it will be my first time too. So I really really want to do it." hindi alam ni Wendy kung ano ang pumasok sa kaniyang isip, pero mabilis niyang hinalikan ang labi ni Irene, kaya naman agad na napahinto si Irene, napalunok ang call center agent bago tumingin kay Wendy.

"Okay honey, we will do every single thing. Lahat ng firsts mo! We will do it." napangiti si Seulgi saka tinignan ang dalawa sa may rearview mirror, hindi niya mapigilan ang saya niya, na sa wakas ay nahanap na ni Wendy ang taong magmamahal at magaalaga sa kaniya. Na sa wakas ay naglakas na ito ng loob na buksan ang puso niya para sa ibang tao. "Kain din tayo ng seafoods dun! Tapos bisitahin natin si auntie na nagbebenta ng masarap na donuts doon. Favorite namen ni Seul kainin yun bago umuwi." tumango naman si Seulgi saka ngumiti kay Irene, marami talaga silang magagandang alaala sa Coron, at laging nagpapasalamat si Seulgi sa Diyos na kasama niya si Wendy na lumaki. 

"Hay nako Wan bibigyan ka nanaman ng extra donuts ni auntie!" natawa si Seulgi saka tumingin sa kaibigan, nakahilig padin ito sa balikat ni Irene habang magkahawak kamay. "So sino mas clingy sa inyo?" agad namang tinuro ni Irene si Wendy na agad na nagtaas ng kilay at tinignan ng masama ang call center agent. Agad na tinaas ni Irene ang kamay niya na para bang sumusuko kay Wendy agad. "Grabe naman Wan, isang tingin mo lang tiklop agad si miss Irene, under yan?" natawa parehas si Seulgi at Wendy, si Irene ayun parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha. 

"Hindi ako under!" tumatawa parin si Seulgi habang tinitignan si Irene, agad namang tinaasan ni Wendy ng kilay si Irene at napalunok agad ang call center agent. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin o gagawin niyang susunod, kaya naman binigyan niya nalang ng awkward na ngiti si Wendy at napakamot sa may batok niya. 

"Ano yun honey?" agad na umiling si Irene saka agad na tumingin sa bintana nung sasakyan, pinagsiklop ulit niya ang kamay niya kay Wendy. "Hindi under yang honey ko nayan, mabait lang talaga siya Seul." lalo nalang natawa si Seulgi bago umiling at tumingin nalang sa harap ng sasakyan. Ilang minuto natahimik bago pinisil ni Wendy ang magkasiklop nilang kamay. "Di ka ba nagugutom?" umiling si Irene bago nagtanim ng halik sa kamay ni Wendy, ngumiti nalang ang teacher bago ipinikit ang kaniyang mata. "Gisingin mo ako pag nasa airport na tayo." wala namang nang nagawa si Irene kundi tumango nalang. 

-

Makalipas ang higit dalawang oras nakarating narin sila sa Coron, nakangiti si Wendy habang tinitignan ang lugar, higit limang taon narin simula nung makabalik sila ni Seulgi dito. Hindi niya lubos maisip na makakabalik sila ngayong taon, bumuntong hininga si Wendy bago tumingin kay Irene. Pinagmasdan niya si Irene na naka plain white shirt, pantalon, at shades, sobrang ganda talaga ng mahal niya habang nakatayo at inaantay si Seulgi na nakikipagusap sa isang taxi driver. "Ang galing no? The taxis are really waiting and alam nila kung kelan darating ang flights." tumango si Wendy at patuloy na pinagmasdan si Irene, hindi niya lubusang maisip kung kelan siya naging ganito ka swerte. Swerte na mahal na mahal siya ni Irene. "Di ko alam bakit ako kinakabahan, hindi ba parang si miss michin yung sisters na nagalaga sayo?" natawa si Wendy saka hinalikan ang pisngi ni Irene, agad namang napangiti ito saka tumingin kay Wendy, kahit nakashades si Irene ay nakikita sa mga mata nito ang kasiyahan na kaniyang nararamdaman. 

"Wag ka kakabahan Irene ano ka ba. Mabait si sister promise. Di niya ikaw mareresist  super super cute mo pa naman." pinsil pisil pa ni Wendy ang pisngi ni Irene na agad na nagpatawa sa call center agent. "Baka sabihin ni sister ginayuma kita kahit ikaw naman unang nangulit saken." umirap pa si Wendy na lalong nagpatawa kay Irene, totoo naman hindi naman lubos akalain ni Wendy na aabot sila ni Irene sa ganitong punto. Hindi niya lubos akalain na yung taong nagpa flustered sa kaniya sa school clinic ay ang taong mamahalin niya ng buong buo. 

Minsan napapaisip si Wendy sa kung ano ba ang mangyayari sa mga susunod na buwan o taon na makakasama niya si Irene alam niya na puno ng duda at di kasiguraduhan ang mundong ito. Alam niya na maraming bagay ang maaring magbago, at maging ang pagtingin at pagmamahal ni Irene sa kaniya ay maaring magbago, pero alam ni Wendy na mas magsisisi siya kung hindi niya susubukan. Hindi niya kayang bitawan ang kamay ni Irene at hayaan itong mawala sa kaniya. "Di mo kasi matiis ang charms ko, hulog na hulog ka naman saken baby girl." napairap na naman si Wendy sa mga sinasabi ni Irene, pero totoo naman talaga, hindi niya lubos na akalain na mahuhulog siya ng ganito kay Irene. "Oh ayan namumula ka na naman. Kalma baby girl ako lang to oh! Si Irene lang to!" hindi na napigilan ni Wendy na matawa saka hinampas ang braso ni Irene, natawa nalang din ito saka tumingin kay Seulgi na nakatingin lang sa kanilang dalawa. 

"Ang landi landi niyong dalawa wala naman kayong label. Tara na!" agad na binuksan ni Seulgi ang pinto ng taxi at nilagay ang maleta niya, si Wendy at Irene naman ayun may awkward na ngiti bago nilagay ang mga gamit din nila. Apat na araw lang naman sila sa Coron at ang unang gagawin nila ay pumunta sa ampunan at kitain ang mga taong naging parte ng buhay nila.

Ilang minuto lang naman ang layo ng hotel na pinili ni Irene mula sa airport, napagpasyahan muna nilang iwanan yung mga gamit nila bago pumunta at kitain si sister. Nakangiti si Irene sa receptionist na todo rin ang ngiti at hagikgik habang nakatingin kay Irene. Napairap naman si Wendy saka agad na umangkla kay Irene. Napatingin ang receptionist kay Wendy bago patagong umirap. "What's wrong?" bulong ni Irene kay Wendy, agad na umiling ang teacher bago tinuro kay Irene ang mga papers sa harap niya na inabot ng receptionist. Agad na pumirma si Irene bago ibinaling ulit ang attention niya kay Wendy. "Pagod ka na? Do you want to rest in your room muna?" napahinto si Wendy nung marinig niya ang sinabi ni Irene, inaabot ni Irene sa kaniya ang keycard niya pero hindi niya ito kinukuha. 

"Nako Miss Irene, nahihirapan si Wendy makatulog sa mga hotels kaya di talaga advisable sa kaniya na matulog ng magisa." napabuntong hininga si Irene bago ngumiti sa receptionist. Tinitigan niya muna si Wendy bago pinisil ang kamay nito. Nakita niya ang samutsaring emotion sa mata ng teacher. 

"I don't want you to be uncomfortable kaya I opted for a separate room for the three of us. I know you want some privacy." napabuntong hininga si Wendy bago tumango, napangiti naman si Ir

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybae2129
Share your thoughts, and follow me on Twitter @bunnybae2129! ♥

Comments

You must be logged in to comment
bigboy123
131 streak #1
Reread~ 🤭🤭
wandaful77
#2
Gago ang funny 😭😭😭
wishwishwish #3
di pa ko nagstart alam ko nang puro tawa na gagawin ko dito 😭😭
Samy327 #4
Chapter 1: At last!!! Wenrene comedy 🤧🤧
wandiso_01 #5
Chapter 10: right now this is my fave story!!!
wandiso_01 #6
Chapter 10: ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng kilig!!!!!
SEEKER_
#7
Chapter 10: Tangina ang tamis naman ng ending grabe mapapasana ol ka nalang talaga. Nawa'y lahat tayo magkaron ng magandang relationship
SEEKER_
#8
Chapter 7: Sisigaw sana ako ng "walang poreber!"pero tangina bihira nga lang pala sa mga wenrene stories yung di angst. Okay shatap nalang ako. Sabi ko nga may rights. Sabi ko nga dasurv
-WenRene15- #9
Chapter 10: I love this story. I'm glad I can read tagalog. Thank you author
SEEKER_
#10
Chapter 6: Medyo masakit yon sa part ni Irene gusto mo may gawin tapos wala kang magawa kasi di naman kayo