7-11

Teacher Wendy
Please Subscribe to read the full chapter

Napasandal nalang si Wendy sa may pintuan ng kwarto niya, hindi niya rin alam kung bakit siya nakakaramdam ng sobrang saya. Tumingin siya sa may bintana at nakita niyang nagaantay padin ng tricycle si Irene. Hindi niya napigilan na tumingin lang sa dalaga, nakayuko ito habang hawak ang cellphone niya. Napatingin si Wendy nung umilaw ang cellphone niya. 

Baeby ko: Matulog ka na ha? Kain ka muna pala, pahinga ka na. You did well today. 

Di mapigilan ni Wendy ang mga ngiti niya saka siya nagreply agad kay Irene. 

Baby Girl: Ingat ka pauwi Irene, text mo ako kapag nakauwi ka na please? Goodluck din sa shift mo today. 

Bumuntong hininga si Wendy nung makita niyang nakasakay na ng tricycle si Irene, agad siyang humiga sa kama niya habang ang kamay ay nasa dibdib niya. Pinapakiramdaman ang mabikis na tibok ng puso niya.  "Irene ano bang gagawin ko sayo." mahinang bulong ni Wendy, ipinikit niya ang mga mata pilit na pinapakalma ang puso niya. "Sinabi kong hindi, hindi pwede, hindi ko deserve to. Pero bakit pinipilit mo na iparamdam saakin na deserve kong alagaan at mahalin?" naramdaman ni Wendy ang pamilyar na bigat sa kaniyang damdamin, naramdaman niya ang sakit mula sa nakaraan niya. Deserve niya ba ang attention at alagang binibigay ni Irene sa kaniya? Naramdaman ni Wendy ang pagtulo ng luha niya, hindi din niya alam kung bakit siya napapaisip ngayon. "Hindi naman talaga dapat, at hindi pwede." sumabay sa pagtulo ng luha ni Wendy ang pagbuhos ng malakas na ulan, agad siyang napatayo at pinagmasdan ang patuloy na pagbagsak ng ulan.

Kasabay ng pagbuntong hininga ni Wendy ay ang pagbalik ng sakit at mga bagay na ayaw niya namang nang isipin. Kailangan ba magiging malaya si Wendy sa sakit na dulot ng kanyang nakaraan.

-

Pagkaupo ni Irene sa tapat ng pc niya ay napangiti nalang siya, may ilang minuto pa bago siya magtrabaho kaya napagpasyahan niya na tawagan nalang si Wendy. Ilang minuto ang lumipas bago sumagot si Wendy. "I'm sorry tulog ka na ba?" narinig niya ang hum ni Wendy mula sa kabilang linya, agad namang nagsisi si Irene na tumawag pa siya. "I should hang up, di ko naisip na baka tulog ka na." narinig niya ang maliit na groan mula kay Wendy. 

"I want to listen and see you." hindi mapigilan ni Irene na kiligin, napahinto siya ng marinig ang mga salitang yun. For the first time hindi pumayag si Wendy na ibaba niya ang tawag. Narinig niya ang pag shuffle sa kabilang linya. Napangiti nalang si Irene ng magrequest ng video call si Wendy.

Bumilis ang tibok ng puso ni Irene nang makita niya si Wendy na nakahiga na sa kama niya, malamlam ang mga mata ng dalaga habang nakatingin lang sa kaniya. "Pahinga ka na, I was just about to wish you a good night sleep." umiling si Wendy bago ito bumuntong hininga. Bakas sa mata ni Wendy ang pangamba at takot sa mga nangyayari ngayon. 

"Irene..." agad na napatingin si Irene sa screen, hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan sa nangyayari at sa tono ng boses ni Wendy. "If I happen to tell you a story, will you listen?" napaayos ng upo si Irene saka tinitigan si Wendy, nakita niya ang paglunok ng dalaga at ang pagbabadya ng pagtulo ng luha ni Wendy. 

"Wendy tell me, anong problema?" humugot ng malalim na hininga si Wendy bago umiling, bumigat ang pakiramdam ni Irene nang makita niya ang pagbagsak ng luha ng teacher. Agad niyang shinut down ang pc niya at nagmadali na kinuha ang cap, wallet, at jacket niya. "I'll be there. Wag mo ibaba ang tawag."  nagulat si Wendy, agad siyang napaupo at pinunasan ang luha niya. Nakita niya si Irene na naglalakad palabas ng bahay nila. 

"Irene saan ka pupunta?" narinig niya ang boses ng ate ni Irene, nakita niyang bumulong nalang si Irene bago ito nagmamadali na lumabas ng bahay nila. Hindi rin alam ni Wendy kung bakit ba sobrang bilis ng tibok ng puso niya ngayon. Nakatayo si Irene sa tapat ng bahay nila at inaantay na may dumaan na tricycle. 

"Irene... may pasok ka pa. I'm okay." umiling si Irene habang tinitignan si Wendy sa may screen. Hindi rin mapakali si Irene nang makita niya ang bigat at lungkot sa mata ni Wendy. Agad na sumakay si Irene sa tricycle at hindi na rin mapigilan ni Wendy na tumayo at lumabas ng apartment nila ni Seulgi. Magisa lang siya ngayon dahil duon natulog si Seulgi sa bahay nila Joy. Umupo siya sa mat tapat ng pintuan nila at pinagmasdan nalang si Irene sa may screen ng phone niya. 

Paano ba na ang tita ng isang estudyante niya ay nandito na ngayon, yung taong tinatawag niyang miss Irene ay nandito na ngayon sasamahan siya sa mga panahon na kwinikwestyon niya na naman ang mga bagay na natatanggap niya. Ilang taon narin ba niyang tinatanong sa kaniyang sarili kung deserving ba siya sa ibat ibang bagay na natatanggap niya ngayon. Dekada na mula nang mapagtanto niya ang mga bagay bagay. Ilang beses narin sinabi ni Seulgi sa kaniya ang mga bagay na gusto niyang marinig pero hanggang ngayon ay hindi lubusan maisip ni Wendy kung bakit at papaano niya natatamasa ang mga ito. 

Kasabay ng pagbuntong hininga ni Wendy ay ang pagtigil ng tricycle sa harap ng apartment nila, napahinto si Wendy nang makita niya si Irene na nakatayo sa tapat ng gate nila. Bakas sa mata ng dalaga ang pagaalala sa kaniya. Agad na tumayo si Wendy upang buksan ang gate ng bahay nila. "You don't look okay? Magisa ka lang ba tonight?" tumango naman si Wendy saka tumingin lang kay Irene, binabasa niya ang mga tumatakbo sa isip ng nasa harapan niya. "Halika na muna, punta muna tayo somewhere." nagtaka naman si Wendy ng biglang isara ni Irene ang gate ng bahay nila Wendy. Nakatingin lang si Irene sa kaniya saka ngumiti. 

"I..Irene medyo late na, saan tayo pupunta?" hindi naman na nakahindi si Wendy nung sinenyasan siya ni Irene sa sundan siya. Bumuntong hininga siya saka naglakad sa tabi ni Irene. Tahimik lang sila at ang tanging tunog na naririnig nila ay ang mga sasakyan na nagdaan, pati narin ang mga nagkakaraoke sa may mga bahay bahay. "Irene... may pasok ka pa." tumingin si Irene kay Wendy, may maliit na ngiti sa labi ng dalaga bago siya bumuntong hininga at naglakad muli. 

Ang tanging gusto ni Irene ay samahan si Wendy ngayon, ayaw niyang iwan ito na magisa ngayong gabi. Gusto niya iparamdam kay Wendy na hindi siya nagiisa at may taong handang dumamay sa kaniya ngayon. Wala din naman maisip si Irene na pwede nilang puntahan, kaya nang makita niya ang 7-11 ay agad niya itong tinuro kay Wendy, saglit na nagtama ang mga kamay nila, gustong gusto ni Irene na hawakan ang kamay ni Wendy pero hindi niya magawa. Ayaw niya na maging uncomfortable si Wendy lalo na ngayon na sobrang down niya. "Kain muna tayo ng ice cream. Sabi nila nakakagaan daw ng loob pag kumakain ka ng ice cream." ngumiti si Irene saka naglakad papunta sa loob ng convenience store, agad din namang sumunod si Wendy. Nakatayo si Irene sa may tapat ng mga freezer ng ice cream. Tinitigan niya ang iba't ibang flavors ng ice cream bago pumikit. 

Hindi mapigilan ni Wendy na mapangiti habang tinitignan si Irene na nakapikit at umaabot ng ice cream. Pinagmasdan niya ang gagawin ni Irene at pinanood ito. Nung na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybae2129
Share your thoughts, and follow me on Twitter @bunnybae2129! ♥

Comments

You must be logged in to comment
bigboy123
139 streak #1
Reread~ 🤭🤭
wandaful77
#2
Gago ang funny 😭😭😭
wishwishwish #3
di pa ko nagstart alam ko nang puro tawa na gagawin ko dito 😭😭
Samy327 #4
Chapter 1: At last!!! Wenrene comedy 🤧🤧
wandiso_01 #5
Chapter 10: right now this is my fave story!!!
wandiso_01 #6
Chapter 10: ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng kilig!!!!!
SEEKER_
#7
Chapter 10: Tangina ang tamis naman ng ending grabe mapapasana ol ka nalang talaga. Nawa'y lahat tayo magkaron ng magandang relationship
SEEKER_
#8
Chapter 7: Sisigaw sana ako ng "walang poreber!"pero tangina bihira nga lang pala sa mga wenrene stories yung di angst. Okay shatap nalang ako. Sabi ko nga may rights. Sabi ko nga dasurv
-WenRene15- #9
Chapter 10: I love this story. I'm glad I can read tagalog. Thank you author
SEEKER_
#10
Chapter 6: Medyo masakit yon sa part ni Irene gusto mo may gawin tapos wala kang magawa kasi di naman kayo