Salamat Shop... ay Yeri pala

Teacher Wendy
Please Subscribe to read the full chapter

Confident namang tao si Irene, pero marupok din siya at madaling masaktan, alam niya naman kasi na habulin ng chix ang honey baby girl niya pero hindi niya parin maiwasan na magselos paminsan minsan. Nagdadabog si Irene habang papasok ng bahay nila, agad namang napansin ni Yerim ang pinsan niya. "Oh baket parang pinagsakluban ka ng langit at lupa ate?" napairap nalang si Irene saka agad na kinuha ang pitsel sa loob ng ref pabagog din siyang kumuha ng baso bago mabilis na lumagok ng tubig. 

"Naiinis lang ako naghatid kasi ako ng lunch para kay Wendy tapos yung ibang babae kumuha iaabot niya nalang daw kasi naka klase pa si Wendy. Eh inaantay ko naman palagi si Wendy para kunin niya yung prinpeprare ko!" iritang sabi ni Irene bago siya humilata sa sofa, natawa nalang din si Yerim bago niya pinause ang nilalaro niya sa PS4 ni Irene. Nakasimangot padin ang call center agent habang iniisip yung nangyari sa school kanina. 

"Makadabog at simangot ka naman kala mo may label kayo Ate." Gustong maiyak ni Irene sa inis, pero totoo naman ang sinasabi ni Yerim, ano nga ba ang karapatan niya para magmukmok dito kung hindi naman talaga sila ni Wendy. Shet ang sakit pala talaga. "Label muna bago selos at demand ha." Tumawa si Yerim bago nagsimulang maglaro ulit, si Irene ayun napabuntong hininga bago humiga sa sofa, tinitigan ni Irene si Yerim bago siya agad na binato ang unan. 

"NAIIRITA AKO SAYO!!!" natawa nalang si Yerim saka umiling iling, nakita niya ang ate niya na parang pinagsakluban ng lupa. Nakatitig lang ito sa kanya nang masama na lalo pang nagpatawa kay Yerim. Totoo naman, bakit ba siya nagdadabog ng ganito at bakit niya naman pagseselosan ang mga tao na umaaligid kay Wendy kung wala naman sila talaga.

"Hays ate Irene sinasabi ko sayo, di naman kayo kaya free si Baby Girl mo na mag entertain nang iba bukod sayo at hindi mo rin naman pwede pigilan yung mga tao na lumapit sa kaniya." natawa nalang si Yerim ulit bago patuloy na naglaro, napangiti siya nung makita niya si Irene na umupo ulit saka niyakap ang mga tuhod. First time niya nakita ang ate niya na ganito, at hindi niya rin lubos akalain na makikita niyang in love si Irene. "Ate Irene jusko matulog ka na! May pasok ka pa mamaya." nakasimangot parin si Irene at padabog na tumayo para pumasok sa kwarto niya. Napailing nalang din si Yerim sa inaasal ng ate niya. 

-

Natapos na ang lahat ng klase ni Wendy para sa araw na ito, bitbit niya ang laptop niya pati ang bag saka pumasok sa loob ng faculty room. Umupo si Wendy sa upuan niya saka nilapag ang mga gamit niya. Kinuha niya ang cellphone niya saka ngumiti nung makitang may text siya mula kay Irene. 

Honey: Text me once you are done. I'll pick you up. 

Nakangiting nagtype si Wendy habang nakasandal sa upuan niya. 

Baeby ko: I'm done na po. Pwede mo ba ako samahan for awhile? I just need to buy some stuff sa mall po.

"Oh ngiting ngiti ka na naman diyan. Kilig na kilig, label muna bago kilig." umirap si Wendy saka nilapag ang cellphone niya sa ibabaw ng mesa, natawa nalang din siya sa sinabi ng kaibigan niyang si Seulgi. Umupo ito sa tabi ng kaibigan niya saka tinitigan. "Ibang iba yang ngiti mo Wan, masaya ako na unti unti mo nang binubukas puso mo kay Miss Irene." ngumiti si Wendy saka nilapag ang cellphone niya sa ibabaw ng mesa. Nakatingin siya kay Seulgi at parang kinikilig pa siya habang iniisip si Irene.

"Alam mo bang super chaotic and cute ni Irene? Super hyper niya pa!" Natawa si Seulgi saka siniko si Wendy. Hindi niya mapigilan na mapangiti kasi sa wakas ay natuto na si Wendy na magbukas at magmahal.

"Nakita ko yung polaroid photo sa likod ng phone mo? Kelan yan?" tinignan ni Wendy ang likod ng phone niya saka hinampas si Seulgi. Naalala niya kasi kung ano ang nangyari sa Star City pati narin nung hinatid siya ni Irene sa bahay nila. Kilig na kilig gustong manginig ni Wendy.

"First time ko makapunta sa amusement park, dinala ako ni Irene sa Star City two weeks ago." Magsasalita pa sana si Wendy nung nagvibrate ulit ang phone niya. Agad niyang kinuha ito saka binasa ang text ni Irene.

Baeby ko: I'm here na.

Agad na tumayo si Wendy saka kinuha ang mga gamit niya. Napangiti siya ng makita niya si Irene na nakikipagusap sa guard, agad siyang nagclock out. "Thank you for today Kuya Guard." napangiti si Irene nung marinig ang boses ni Wendy, pero agad din nawala ito nung maalala niya kung ano nangyari kaninang umaga, nakabusangot ang call center agent habang inaantay si Wendy. "Hi, nakasleep ka na ba?" Tumango lang si Irene saka agad na kinuha ang bag ni Wendy, galit siya at nagtatampo pero binibitbit niya parin ang bag ni Wendy. Whipped talaga si Miss Irene and it shows. Tumaas ang kilay ni Wendy nang makita niyang nakasimangot si Irene at nakatingin lang sa malayo. "May problema ba?" mahinahon na tanong ni Wendy, nakatingin lang ito sa mga dumadaan na sasakyan.

"W..." hindi na natapos ni Irene ang sasabihin niya nung biglang lumabas si Sejeong. Agad na sumimangot si Irene at nanahimik nalang.

"Uwi ka na ba Wan? Dadaan pa kasi ako ng SM hahanap ako ng susuoting para sa Pajama Party natin." tumingin si Irene kay Wendy, nakatingin ang teacher kay Sejeong saka ito umiling. Anong pajama party ba ito? "Punta ka din ng SM? Tara sabay na tayo pumunta." agad namang tumango si Wendy saka ngumiti ng tipid sa co-teacher niya. Lalo nalang napasimangot si Irene habang nakatayo sa tabi ni Wendy.

Pagkaupo nila sa jeep ay agad na nilabas ni Irene ang wallet niya. "Kuya bayad po, dalawang SM lang." seryoso ang tono ng boses ni Irene kaya agad na napatingin si Wendy sa kaniya. First time niyang nakitang nakasimangot ang call center agent kaya hindi rin siya mapalagay.

"Nagugutom ka ba? Kain muna tayo gusto mo?" tanong ni Wendy kay Irene, tumingin lang si Irene sa mga mata ni Wendy bago tumingin ulit sa harap. Napabuntong hininga nalang si Wendy, hindi niya rin alam kung bakit ganito ang kinikilos ni Irene.

"May bagong bukas na samgyup sa SM. Try natin dun Wendy." masayang ang tono ni Sejeong habang kinakausap si Wendy, agad namang napangiti si Wendy sawakas may gustong kumausap sa kaniya.

"Talaga? Sige try natin, hindi pa ata kumakain si Irene." napairap nalang si Irene saka nagshrug, tinitigan niya si Sejeong. Iniisip niya kung nabigay ba ni Sejeong ang lunch ni Wendy kanina. Ginawa yun ni Irene bago siya natulog at personal niya pang hinatid sa school, kaya naman sobrang inis ni Irene dahil ganun lang ang kinlabasan nang kanyang effort.

"What did you ate for lunch?" bulong ni Irene kay Wendy, tumingin naman si Wendy sa kaniya, pinagmasdan niya ang mukha ng call center agent, nakasalubong ang kilay nito at halata ang inis sa mukha.

"Nagshare kami sa lunch ni Seulgi, bumili kami sa canteen, why?" nakita ni Wendy ang pagbago ng ekspresyon ng mukha ni Irene, tumingin ito kay Sejeong bago umiling. Tahimik lang si Irene ulit pero bakas padin ang pagkainis sa mukha neto.

Pagdating sa SM ay agad na silang pumara, unang pinatayo ni Irene si Wendy bago siya agad na sumunod. Patawid nalang sana sila ng bigla umangkla sa braso ni Wendy si Sejeong. "Nakakatakot tumawid dito makikihawak muna." natawa nalang si Wendy saka tumingin kay Irene, nakatayo lang siya sa likod nila at diretcho ang tingin sa harap. Hindi alam ni Wendy kung ano ba ang iniisip ni Irene ngayon.

"Nakakatakot nasa pedestrian lane ka." iritang bulong ni Irene, napatingin naman si Sejeong sa kaniya bago siya binigyan ng pekeng ngiti. Umirap nalang ulit si Irene saka tumawid nung nakitang red na ang stoplight

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybae2129
Share your thoughts, and follow me on Twitter @bunnybae2129! ♥

Comments

You must be logged in to comment
bigboy123
131 streak #1
Reread~ 🤭🤭
wandaful77
#2
Gago ang funny 😭😭😭
wishwishwish #3
di pa ko nagstart alam ko nang puro tawa na gagawin ko dito 😭😭
Samy327 #4
Chapter 1: At last!!! Wenrene comedy 🤧🤧
wandiso_01 #5
Chapter 10: right now this is my fave story!!!
wandiso_01 #6
Chapter 10: ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng kilig!!!!!
SEEKER_
#7
Chapter 10: Tangina ang tamis naman ng ending grabe mapapasana ol ka nalang talaga. Nawa'y lahat tayo magkaron ng magandang relationship
SEEKER_
#8
Chapter 7: Sisigaw sana ako ng "walang poreber!"pero tangina bihira nga lang pala sa mga wenrene stories yung di angst. Okay shatap nalang ako. Sabi ko nga may rights. Sabi ko nga dasurv
-WenRene15- #9
Chapter 10: I love this story. I'm glad I can read tagalog. Thank you author
SEEKER_
#10
Chapter 6: Medyo masakit yon sa part ni Irene gusto mo may gawin tapos wala kang magawa kasi di naman kayo