First Meeting

Teacher Wendy
Please Subscribe to read the full chapter

Sabi nila, ang mundo ay bilog, paano kaya malalaman ng work aholic na si Irene ang tunay na meaning ng buhay kung palagi lang siyang nakakulong sa loob ng silid niya. 

-

Hindi narin naman alam ni Irene ang gagawin niya sa buhay niya, talaga namang ang gawi ni Irene ay parang isa small circle lang na paulit ulit lamang. Papasok sa work from home setting niya tapos matutulog and the cycle repeats. Pati ang ate ni Irene napapagod nalang din sa cycle ng buhay ng kapatid niya. "Irene mag exercise ka naman o kaya mag gym! Malay mo naman doon mo mahanap yang magpapatibok niyang puso mo! Puro ka trabaho at tulog!" napairap na naman si Irene, ito ang usual setting niya sa tuwing kumakain sila, itinuon nalang ni Irene ang atensyon niya sa pamangkin niyang si Seunghee. "Seunghee ano? Kelan kaya makakahanap si tita Irene ng jowa niya no?" tumawa naman ang apat na taong si Seunghee bago tumango tango. Natawa nalang din si Irene sa ginawa ng pamangkin niya. 

"Ano ba at pinipilit mo akong mag jowa! Ayaw ko nga! Gusto ko yung maging mayaman na tita sa mga reunion na minsan lang umuuwi tapos namimigay ng isang libo." hinampas naman si Irene nang ate niya bago ito umirap at sinamaan ang tingin ang nakakabatang kapatid. Nag aalala lang naman ang ate ni Irene sa kaniya dahil narin sa binabalak na nang ate niya na sumunod sa asawa niya sa Singapore. Sa tuwing iniisip niya na maiiwan niyang magisa ang kapatid sa Pilipinas ay naawa siya at kinakabahan para sa kaligtasan ng kapatid. 

"Anong hindi umuuwi! Eh ni hindi ka nga umaalis ng bahay Irene tigilan mo ko!" natawa nalang si Irene bago nagsimula ulit kumain. Kita niya ang pag aalala sa mga mata ng ate niya. Simula nang mamatay ang kanilang magulang bago pa naka graduate si Irene ng course niyang computer programming ang ate niya na ang nagalaga at nagtaguyod sa kanilang dalawa. "Subukan mo lang ha? Ayaw ko namang tumanda ka nang magisa lang Irene." tumango nalang nang bahagya si Irene bago pinisil ang pisngi nang pamangkin niya. Tumayo si Irene pagkatapos niya kumain saka pumasok sa loob ng kwarto niya. Naka set up na ang station niya para sa trabaho niya. Meron pa siyang ilang oras na maaring ubusin bago ang shift niya. Mula eleven nang gabi hanggang alas nwebe ang shift ni Irene. Naisip niya nalang na humilata muna sa kama niya at nagsimulang maglaro sa kaniyang cellphone. 

Makalipas ang ilang minuto, nabored siya kaya naman bumuntong hininga nalang ang dalaga saka inilpag ang cellphone niya. Nakatingin lang si Irene sa kisame ng kwarto niya. Naaalala niya ang mga sinasabi ng ate niya. Sa totoo lang, ilang taon narin naman siyang pinipilit ng ate niya na makipag date man lang. Ilang beses naring may pinakilala ang ate niya sa kaniya pero talagang wala lang siyang interes sa mga bagay patungkol sa pagibig. "Ano ba kasing mapapala mo sa pag jojowa na yan tsss, itulog ko nalang yan." mahinang bulong ni Irene bago siya napatingin sa mga picture frame sa may bedside table niya. Napangiti siya dahil sa litrato niya kasama ang pamilya niya. Nanduon din ang picture nila ni Seunghee. "Magiging ulirang tita nalang ako." ipinikit nalang ni Irene ang mga mata niya. Naisip niya nalang na matulog muna habang inaantay niya ang shift niya para sa araw na ito.

Mabilis lumipas ang mga oras, siguro dahil sanay nalang din si Irene sa nature ng trabaho niya, naginat inat siya nang makita niya ang orasan sa tabi ng station niya. Last call na ni Irene, hindi na siya makapagantay na makatayo at sumilip sa labas ng bahay nila. "Once again this is Irene Bae, thank you for calling Shining." pagka end ng call ipinikit ni Irene ang mga mata niya bago tuluyang inoff ang pc niya. Sa wakas natapos na ang shift niya for this week. Hihiga na sana si Irene nang makita niyang nagriring ang cellphone niya. Iritable niyang kinuha ang cellphone niya bago ito sinagot. 

"Oh ano! Kakatapos ko lang magtrabaho!" bakas kay Irene ang pagkairita, hindi rin naman niya alam bakit tumatawag ang ate niya nang ganito kaaga. "Alas nwebe palang ate, kung may ipapadala ka man diyan please ipapagrab ko nalang!" narinig niyang humihikbi ang ate niya kaya naman napahinto si Irene. "A..Anong nangyari ate?"  biglang nakaramdam nang pagaalala si Irene habang inaantay ang sagot ng ate niya. 

"Si Seunghee, pakisundo nalang sa school niya Irene, pasuyo muna uuwi nalang ako ng maaga. Tumawag kasi yung adviser niya saken nilalagnat daw siya kaya ayun dinala sa clinic." agad namang napatayo si Irene sa upuan niya, agad siyang nagayos sa banyo, hindi na siya sumagot sa ate niya. Sobrang lapit din kasi ni Seunghee sa kaniya at ang pamangkin niya ang madalas kasama ni Irene kapag naiisipan niyang lumabas. Simula nang dumating si Seunghee sa buhay nila, nakaramdam nang labis na saya si Irene sa buhay niya. "Itext mo nalang ako pag nakauwi na kayo. Ikaw na bahala Irene." nag hum nalang si Irene, dali dali niyang kinuha ang susi sa ibabaw ng mesa, kasama ang wallet at cellphone niya. Nagmamadali siyang nilock ang pinto ng bahay nila. 

"Tricycle!" agad namang lumapit ang isang tricycle at lalong naging thankful si Irene kasi ang kakilala nila na si Lisa palang ang driver. "Sa Little Rainbow nalang Lisa." tumango naman ang driver saka nila tihanak ang daan papunta sa school nang pamangkin niya. Damang dama ni Irene ang kaba at pagaalala sa sitwasyon ni Seunghee. Parang kagabi lang okay na okay pa yung pamangkin niya pero ngayon nilalagnat na. Ilang minuto ang lumipas bago siya nakarating sa may school ni Seunghee, agad namang inassist si Irene ng guard papunta ng clinic. 

Pagkabukas ng pinto, nagulat si Irene sa nakita niya, hindi naman naisip ni Irene na makakakita siya ng ganito kagandang babae. Napanganga si Irene habang pinagmamasdan ang babae, buhat buhat niya ang natutulog na si Seunghee sa may balikat niya. "Ma'am? Ma'am?" hindi naririnig ni Irene ang tawag ng guard, ang mga mata niya ay nakatuon lang sa babae sa harap niya. Dahan dahang bumaba ang tingin ni Irene sa may ID niya. Son Wendy, may sumibol na ngiti sa labi niya. 

"Kayo po ba yung guardian ni Seunghee?" parang music sa tenga ni Irene ang boses ni Baby Gi... ni Wendy. Hindi alam ni Irene kung bakit siya nakakaramdam ng sobrang excitement at kilig habang nakatingin sa kaniya si Wendy. May maliit na ngiti sa mga labi na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybae2129
Share your thoughts, and follow me on Twitter @bunnybae2129! ♥

Comments

You must be logged in to comment
bigboy123
132 streak #1
Reread~ 🤭🤭
wandaful77
#2
Gago ang funny 😭😭😭
wishwishwish #3
di pa ko nagstart alam ko nang puro tawa na gagawin ko dito 😭😭
Samy327 #4
Chapter 1: At last!!! Wenrene comedy 🤧🤧
wandiso_01 #5
Chapter 10: right now this is my fave story!!!
wandiso_01 #6
Chapter 10: ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng kilig!!!!!
SEEKER_
#7
Chapter 10: Tangina ang tamis naman ng ending grabe mapapasana ol ka nalang talaga. Nawa'y lahat tayo magkaron ng magandang relationship
SEEKER_
#8
Chapter 7: Sisigaw sana ako ng "walang poreber!"pero tangina bihira nga lang pala sa mga wenrene stories yung di angst. Okay shatap nalang ako. Sabi ko nga may rights. Sabi ko nga dasurv
-WenRene15- #9
Chapter 10: I love this story. I'm glad I can read tagalog. Thank you author
SEEKER_
#10
Chapter 6: Medyo masakit yon sa part ni Irene gusto mo may gawin tapos wala kang magawa kasi di naman kayo