Special Chapter

Teacher Wendy
Please Subscribe to read the full chapter

Simula nung sinagot ni Wendy si Irene, walang araw na hindi siya nakangiti sa bawat pag gising niya. Makikita niya kasi either ang good morning message mula sa call center agent o di naman kaya makikita niya ang on going face time call nila kung saan busy si Irene na nagtratrabaho habang siya ay natutulog. 

Kagaya ng isang normal na araw nakita ni Wendy na nakasandal si Irene sa computer chair niya habang busy sa isang call, pinagmasdan niya muna ang girlfriend niya hanggang sa matapos ito magsalita. "Good morning honey..." agad na napatingin si Irene sa screen ng phone niya saka ngumiti, kumaway si Irene bago niya inun-mute ang mic niya. 

"Sarap ng tulog mo baby, good morning. Malapit na matapos shift ko." ngumiti si Wendy saka pinagmasdan ang maamong mukha ni Irene, hindi niya mapigilan na kiligin sa mga maamong mata ni Irene habang nakatingin din sa kaniya. "Good afternoon, thank you for calling Shining this is Irene, how can I help you today?" agad na nagmute si Irene bago ibinalik ang attention sa may screen niya. Pinagmasdan lang ni Wendy ang girlfriend niya na busy sa pagtake ng call. Nag mute rin si Wendy bago nagsimulang umupo sa kama niya. Nilapag niya ang cellphone niya sa may bedside table bago pumunta sa banyo. 

After ilang minutes, nakita niyang nagpapatay na ng pc si Irene kaya napangiti naman siya. "Done for the week?" tumango si Irene habang inaayos ang mga gamit niya. Nakaupo si Wendy habang pinapanood si Irene. "Umalis si Seulgi kasama ni Joy, gusto mo dito magsleep?" ngumiti si Irene bago agad na tumango, napangiti naman si Wendy bago siya lumabas ng kwarto niya. "Dito ka narin kumain, magluluto ako for you. See you honey?" nagkikita naman sila ni Irene kahit weekdays pero mas madalas talaga silang magkasama pag weekends, madalas rin na nagslesleep over si Irene sa apartment nila Wendy kasi ayaw din ni Wendy na naiiwan magisa. 

"I love you, see you." napangiti si Wendy bago niya binaba ang tawag, nilapag niya ang cellphone niya sa may sala bago nagsimulang magluto ng almusal nilang dalawa ni Irene. Tahimik na nagluluto ang teacher nung marinig niya ang pagbukas ng gate ng bahay nila ni Seulgi, may susi narin naman si Irene kaya hindi na ito nahihirapan every time na nagpupunta siya dito kina Wendy. Pagbukas ng pinto napatingin si Wendy sa may pinto habang inaantay yung pinapainit niyang tubig para sa tea ni Irene. "Good morning mahal ko." naramdaman niya nalang ang yakap ni Irene mula sa likod niya. Napangiti si Wendy bago humalik sa pisngi ni Irene.

"Sleepy ka na ba honey? Malapit na matapos to." umiling si Irene habang nakapatong ang chin niya sa shoulder ni Wendy, pinapanood na nagluluto ng bacon si Wendy. "You did well again this week." napangiti si Wendy nang maramdaman niyang sumisiksik sa leeg niya si Irene, pati ang yakap ng call center agent ay humigpit rin.

"Thank you, I missed you, namiss kong ihug ka ng ganito." Natawa si Wendy bago pinatay ang kalan. Humarap siya kay Irene bago niyakap ito pabalik. Likas na clingy talaga si Irene at nasanay nalang rin si Wendy sa inaasta ng call center agent.

"Nagkita naman tayo kahapon honey ha." nagpout si Irene bago umiling iling. Sobrang cute talaga ni Irene at di niya mapigilan ang pag bilis ng tibok ng puso niya. Mahal na mahal niya talaga si Irene.

Pagkatapos kumain at magligpit, pumasok na si Irene sa kwarto ni Wendy at agad na humiga sa kama ng girlfriend niya. Napatingin siya sa bedside table, nandoon ang dalawang picture frame. Isa ay picture nilang dalawa sa Coron at isa ay picture nilang tatlo ni Seunghee. Bumuntong hininga si Irene saka inantay si Wendy. "May gagawin ka ba?" umiling si Wendy saka umupo sa kama, nakatingin lang si Irene kay Wendy na busy na nagcecellphone. "Aalis sila ate at Seunghee." napahinto si Wendy sa nilalaro niya bago tumingin kay Irene, malungkot ang mata ng call center agent at agad na napick up ni Wendy yon.

"Huh? Saan sila pupunta?" agad na niyakap ni Irene si Wendy. Tahimik ang call center agent kaya naman tinapik nalang ni Wendy ang likod ni Irene.

"Na-approved na kasi yung petition nila ate. Bali sa Singapore na sila mag stastay." bakas sa boses ni Irene ang lungkot. Narinig ni Wendy ang pagbuntong hininga niya kaya naman naramdaman rin ni Wendy ang lungkot ng girlfriend niya. "Flight na nila in two weeks." hinalikan ni Irene ang sintido ni Irene bago ito niyakap ng mas mahigpit pa. Alam ni Wendy kung gaano kaclose si Irene sa ate niya at kay Seunghee. Paniguradong malaki ang magiging adjustment ni Irene pag alis ng ate niya.

"Pwede ka ba mag take ng vl? Let's go take Seunghee somewhere before siya umalis." tumingin si Irene kay Wendy, nakangiti ito kaya agad na tinakpan ni Wendy ang mga mata ni Irene. "But for now, you need to sleep. Matulog ka na muna." napailing si Irene pero wala siyang nagawa nung hindi tanggalin ni Wendy ang kamay niya sa mga mata niya. "Sleep Irene... you need that." 

-

Nakatayo si Wendy habang inaantay si Irene at Seunghee sa may tapat ng bahay nila. "Teacher Wendy!" napangiti si Wendy saka kumaway, tumakbo si Seunghee na may pigtails sa buhok niya at may suot na backpack. "I missed you! Tata is just fixing her bag po." nagpakarga si Seunghee kaya agad naman siyang binuhat ni Wendy. 

"Are you excited to swim and eat lots of food?" tumango tango si Seunghee habang nakatingin kay Wendy, nakangiti ang bata bago niya kiniss ang pisngi ng teacher. Inayos ni Wendy ang hawak niyang bag bago pinisil ang pisngi ng pamangkin ng girlfriend niya. "We gonna enjoy it okay?" nag thumbs up si Seunghee bago tumingin sa bumukas na pinto, nakangiti si Irene sa kanilang dalawa habang bitbit ang mga gamit niya at ni Seunghee. 

"Kanina ka pa Seungwan?" umiling si Wendy bago tinuro ang sasakyan na nagaantay sa kanila. Napangiti si Irene bago agad na kinuha ang gamit ni Seungwan. "Sakay na kayo, ako na maglalagay sa likod."  bumaba naman si Seunghee saka hinila si Wendy papunta sa sasakyan. Pagkasakay ni Irene sa sasakyan ngumiti siya ng makita niya si Seunghee na nakahawak sa kamay ni Wendy. "Hello Seulgi! Sorry medyo natagalan." ngumiti lang ang kaibigan ni Wendy bago nagsimulang mag drive. Si Seunghee naman nakatingin sa lang sa bintana at tahimik na nagmamasid. 

"Nakatulog ba siya kagabi?" tanong ni Wendy habang nakatingin kay Irene na nakahawak rin sa kamay niya. Umiling si Irene bago tumawa, naalala niya pa kung paano siya kinulit ni Seunghee kung okay na ba lahat ng mga gamit niya. "So that is why inaantok na siya? Look at her." tumingin si Irene sa pamangkin niya na parang nakakatulog na habang nakaupo. Nakita niyang tinap ni Wendy ang balikat ni Seunghee. "Lay down Seunghee, sleep ka muna." umiling si Seunghee bago tumingin ulit sa bintana, natawa nalang si Wendy saka sumandal kay Irene. 

"Just wait susuko rin yan." tumango tango si Wendy habang nakatingin padin kay Seunghee. Ilang minuto ang lumipas, naramdaman nalang ni Wendy na nakatulog na si Seunghee habang nakasandal sa kaniya. "And our baby Seunghee is down." umayos ng upo si Wendy para gawing comfortable ang position nila ni Seungh

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybae2129
Share your thoughts, and follow me on Twitter @bunnybae2129! ♥

Comments

You must be logged in to comment
bigboy123
134 streak #1
Reread~ 🤭🤭
wandaful77
#2
Gago ang funny 😭😭😭
wishwishwish #3
di pa ko nagstart alam ko nang puro tawa na gagawin ko dito 😭😭
Samy327 #4
Chapter 1: At last!!! Wenrene comedy 🤧🤧
wandiso_01 #5
Chapter 10: right now this is my fave story!!!
wandiso_01 #6
Chapter 10: ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng kilig!!!!!
SEEKER_
#7
Chapter 10: Tangina ang tamis naman ng ending grabe mapapasana ol ka nalang talaga. Nawa'y lahat tayo magkaron ng magandang relationship
SEEKER_
#8
Chapter 7: Sisigaw sana ako ng "walang poreber!"pero tangina bihira nga lang pala sa mga wenrene stories yung di angst. Okay shatap nalang ako. Sabi ko nga may rights. Sabi ko nga dasurv
-WenRene15- #9
Chapter 10: I love this story. I'm glad I can read tagalog. Thank you author
SEEKER_
#10
Chapter 6: Medyo masakit yon sa part ni Irene gusto mo may gawin tapos wala kang magawa kasi di naman kayo