Magnetic — Leaving

Marilag.
Please Subscribe to read the full chapter

 

                                                     Magnetic 

 

 

Bakit ba laging hindi pwede kapag mahirap ka at mayaman siya?

 

Noong una, akala ko sa teleserye ko lang masasaksihan yung mga ganoong klase ng tagpo. Hindi ko naman lubos akalain na I will get to experience it first hand.

 

Third year college ako that time, taking engineering. 

 

Mahirap dahil pinagsasabay ko ang pag-aaral at pagt-trabaho nung mga panahong iyon.

 

Dagdag mo pa na it's a five year course kaya mahaba-habang paghihirap pa ang daranasin ko.

 

Hindi ko naman talaga kailangang magtrabaho. Sadyang mataas lang talaga ang pride ko, and that's another story to tell you.

 

Sa ngayon, ik-kwento ko muna yung 'almost' ko nung college ako.

 

Kakauwi ko lang galing sa part-time job na pinapasukan ko. Nagpahinga muna ako saglit kaya nag-scroll muna ako sa facebook.

 

Abala ako sa pagtawa dahil sa mga memes na shineshare ng friends ko hanggang sa may nakita akong post sa isang group.

 

Nagpapatulong sa isang equation. At bilang isang engineering student, alam ko kung paano i-solve yung pinost niyang problem.

 

Dahil wala pa naman akong magawa at in the mood akong magsagot ng problem, hindi na ako nagdalawang isip na i-solve iyon.

 

Nang makuha ang sagot ay nire-write ko yung solution para mas maintindihan.

 

Para kasing kinahig ng manok yung sulat ko.

 

I took a photo of my solution at nang masiguro na malinaw iyon, nagsend ako ng private message dun sa nagpost.

 

Me : Hi!  

Me : I saw you post about dun sa problem na nagpapatulong ka i-solve. 

Me : [ photo ]

Me : I hope this helps!  

Me : If you need some explanation regarding the solution, you can ask me! 😊

 

Hindi pa siya nagre-reply pero nakita kong na-seen niya na yung message ko.

 

Okay naman siguro yung pag-approach ko sa kanya.

 

Karina Yu : Hello! Pinakita ko yung solution mo sa friend ko to double check, I hope you don't mind.

Karina Yu : Thank you so much for this!!

Karina Yu : This helps a lot so thank you very much.

Karina Yu : And if you have time, can I ask some questions kung paano mo nakuha yung answers? 😅

 

Ang plano kong pagligo nung araw na iyon ay naudlot dahil buong maghapon din akong nag-explain sa kanya.

 

Pero wala lang naman sa akin yun dahil masaya akong nakatulong ako sa kanya.

 

Sa maghapon na iyon ay hindi namin maiwasan ang magtanong tungkol sa isa't-isa.

 

Hindi naman daw talaga siya engineering student. Sadyang bida-bida lang daw yung prof nila at nagbigay ng problem sets.

 

Sa isang sikat na university siya nag-aaral. Feeling ko mayaman to. Halata rin naman kasi sa itsura.

 

Ini-stalk ko siya isang araw nun sa IG. Nagsend kasi siya ng friend request sa akin sa FB tapos binigay niya rin IG niya kaya naman mutuals na kami.

 

Grabehan lang yung IG feed niya. Ang gaganda nung pictures. 

 

Halatang may pera dahil yung posts niya, puro pagkain pero alam mong galing iyon sa mamahaling restaurants. 

 

Kita kasi sa background.

 

Tapos may pictures din siya from her previous out of town trips. Kadalasan doon ay sa labas ng bansa. 

 

Pansin ko rin na madalas sila sa US kaya naisip ko na baka may kamag-anak sila doon.

 

Tapos ito pa, may pictures siya kasama ng ibang artista!

 

Hindi ko ineexpect na makakakita ako ng picture niya kasama si Giselle. Yung sikat na artista ngayon.

 

Nung tinanong ko siya about doon, friend daw talaga sila ni Giselle noon pa man. Sana ol.

 

 

 

 

 

 

Kakatapos lang ng last class ko nang magtext si Karina.

 

Ilang months na rin kami nag-uusap kaya medyo komportable na kami sa isa't isa.

 

Sanay na rin ako na bigla siyang magte-text sa akin.

 

Last time kasi, nagpaalam ako sa kanya na magso-social media detox ako and I will deactivate my account.

 

Gusto ko lang kasi muna talagang magrelax dahil pagod ako from school and work. Hindi rin nakakatulong yung mga nakikita ko sa social media dahil nakakadagdag ito sa pagod ko.

 

At first, she was sad when I told her about it. Pero she understands it naman daw dahil we all need to take a break.

 

I gave her my number, telling her na if she wants to talk to me, she can text me na lang.

 

That was a lie.

 

Gusto ko pa talaga siyang makausap kaso hindi ko alam kung paano ko hihingiin yung number niya. Kaya naman naisipan ko na maunang magbigay. 

 

Tutal siya naman yung unang nagsend ng friend request sa aming dalawa noon.

 

Karina : How was your class?

 

Alam niya na kasi yung schedule ko. Kahit ako rin naman, alam yung sched niya.

 

Madalas siyang magtext ng ganitong oras para kamustahin ako. Tapos na rin kasi ang classes niya.

 

Me : Same old, same old.  

Me : Still the boring class. Lol

Karina : What a great student you are, Winter.

Me : Ikr. 🤪

Me : Anyways, wala ka bang gagawin ngayon?  

Me : Baka may backlogs ka pa ah.

 

Sa tagal naming magka-usap, nakilala ko na si Karina. Pati na rin yung study habits niya.

 

Karina is a procrastinator. A great one.

 

She tends to slack off lalo na kung alam niyang malayo pa yung deadline.

 

Naalala ko pa na yung sinagutan kong problem niya dati, ipapasa talaga yun kinabukasan. Wala naman siyang mahingian ng tulong dahil late na kaya she decided to post it.

 

Karina : Hehehe

 

Napailing na lang ako sa reply niya. Halatang hindi pa sinisimulan yung requirements niya.

 

Me : Finish your requirements na para 'di ka na magcram sa susunod na araw. 

Me : I'm going to work now. Talk to you later.

Karina : Tinatamad pa akooo 😫

Karina : Sigh. Alright, i'll do my requirements muna while waiting for you. 

Karina : Goodluck on your work and take care!

 

Minsan napapaisip rin ako kung normal pa ba itong pag-uusap namin ni Karina.

 

I mean, yung mga ganitong palitan ng messages. Malambing kasi yung tone for me kaya hindi ko maiwasang mapaisip.

 

Hindi kami ganito mag-usap ni Ryujin, yung close friend ko.

 

Ni hindi nga kami nag-uusap sa text nun dahil alam niyang hindi ako nagre-reply kaagad.

 

Pero bakit pagdating kay Karina, ang bilis kong magreply?

 

Ganito ba yung landian? Nasa ganoong level na ba kami para matawag na landian yung texts namin sa isa't isa?

 

 

 

 

 

 

Me : Busy?

 

Hindi ako yung tipo ng tao na clingy. Pero gaya nga ng sabi ko, nagiging ibang tao ako pagdating kay Karina.

 

Ilang araw na kaming hindi nakakapg-usap dahil busy ako. 

 

Finals week kasi nun kaya ngarag na ngarag ako. Tapos sunod-sunod rin yung pagdo-double shift ko sa trabaho dahil umuwi ng probinsya yung kasamahan ko.

 

Pagdating tuloy sa apartment ay nakakatulog ako ng diretso.

 

Meron pa nga isang beses, pagkauwi ko from work, inopen ko kaagad y

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wnterific
Hello, it's been a while! Na-bz c bading sa skewl kaya ngayon lang ulit nakapag lapag. I missed you, guys!

Message me on cc if your have questions or cure use kayo sa latest entry :P

https://curiouscat.live/jeongzlvr

Comments

You must be logged in to comment
erzcaps27
#1
Chapter 13: Beke nemen po. Part 2 hehehe
Mys_na_kita #2
Chapter 13: Bakit feeling ko based on true events 'tong Aphrodite, kung hindi edi feelingera ako! Sana umamin :>
osumnevercease
#3
❤️
Sakunako08 #4
Chapter 13: Part 2 po sanaaa
Kishamae
#5
Chapter 12: sana may part 2
Neverbealover2
#6
Chapter 12: Author part 2 pls 😭😭😭
CincoYoo
#7
Chapter 11: tibay ahh, 2 years yung space hahaha
CincoYoo
#8
Chapter 12: luh! bat wala🥹
TakuyaKen
#9
Chapter 11: ay hahahaha bawi agad nmn pala😅
TakuyaKen
#10
Chapter 4: You can never get both a sucess in career and lovelife nmn