sunkissed

Marilag.
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

sunkissed

 

"Excuse me po...."

 

Sumilip si Aeri mula sa pintuan ng classroom namin. Mukhang may hinahanap.

 

"Yes, Miss Uchinaga?"

 

"Uhm, excuse ko lang po sana si Minjeong. May emergency meeting po kasi ang SC."

 

Nilipat naman niya ang tingin sa akin matapos magpaalam kay Ma'am. I gave her a questioning look. Meeting?

 

"Minjeong, you're excused na."

 

Matapos marinig ang go signal mula kay Ms. Kang, agad naman akong tumayo at lumabas ng room para puntahan si Aeri.

 

"May meeting? Bakit di ako sinabihan ni Pres?"

 

"Emergency meeting nga kasi."

 

Oh, okay. Pero bakit hindi ako yung unang sinabihan ni Pres?

 






 

"Hindi nga kasi pwede yung gusto mo."

 

Alam kong naiinis na siya. Kanina pa kami nagtatalo tungkol sa pwede naming gawin for foundation week.

 

Ito pala yung purpose ng pagpapatawag niya ng emergency meeting. Napaaga daw ang celebration dahil may conference ang mga teacher sa mismong araw ng foundation day.

 

Sinuggest ko kasi na kumuha kami ng banda para sa last day ng celebration. Kumbaga yun yung gagawing highlight ng three days event na iho-host ng Student Council.

 

"Paano mo naman nasabi na hindi pwede eh hindi pa nga natin naco-consult kay Ms. Bae?" Pagpipilit ko pa.

 

Ang mga kasama namin sa loob ng room ay tahimik lang na pinapanuod ang pagtatalo namin. Takot sumabat.

 

Sino ba naman kasing hindi matatakot sa kanya? Kulang na lang ay may lumabas na usok sa ilong at tenga niya.

 

Karina shut her eyes and sighed. A sign that she's really pissed.

 

"We'll talk about that later. Meeting adjourned." She announced kaya nakahinga nang maluwag ang mga kasamahan namin.

 

Dumiretso si Karina sa office niya. Hindi na kami binigyan ulit ng tingin. Rinig ko pa ang pagbagsak nung pinto nung sinara niya.

 

Lagot.

 

Nagsimula nang magtayuan ang iba at nagpaalam.

 

Nanatili akong nakaupo, hindi napigilan ang pag-nguso. Natatawang lumapit si Aeri sa pwesto ko.

 

"Good luck siguro sayo, Vice Pres." Asar niya habang tinatapik ang balikat ko. Lalo akong napanguso nang marinig yun. Nagsimula na ring bumilis ang tibok ng puso ko.

 

"Hintayin mo 'ko."

 

"Kaya mo na yan, Minjeong. Malaki ka na." Tawa niya. Inirapan ko na lamang siya at tumayo.

 

"Oo na. Lumayas ka na nga, baka naghihintay na si Ning sayo." Pagtataboy ko sa kanya habang naglalakad papunta sa office ni Pres.

 

I knocked on the door. "Come in."

 

Nadatnan ko siyang abala sa pagpirma ng ibang papers pagkapasok ko.

 

Hindi niya pinansin ang pagpasok ko kaya ngumuso ako.

 

"Ayaw mo talaga nung concert? Masaya kaya yun." Pagkumbinsi ko sa kanya, hindi pinapakawalan yung suggestion ko about sa banda.

 

Inangat niya ang tingin sa akin. Mas lalo akong ngumuso nang magkatinginan kami.

 

She sighed.

 

"Fine. I'll talk to Ms. Bae about it."

 

"Okay!" Hindi ko na napigilan ang aking munting victory dance dahil sa sinabi niya.

 

Away-awayin pa ako kanina sa harap nung ibang officers, papayag din naman pala.

 

"Malapit ka na ba matapos?" I asked at umupo sa upuan na nasa tapat ng table niya.

 

"Yeah. I'll just sign these then uwi na tayo."

 

"Okay, take your time. I'll wait for you here."

 

Pinagpatuloy lamang niya ang pagpirma habang ako naman ay nagscroll muna pamatay ng oras.

 

 




 

Kakarating ko lang sa school. Medyo nagmamadali na ako dahi may biglaang meeting na naman ang SC.

 

Nakakahiya naman na late ang Vice Pres nila. Eh pano ba naman kasi, wala man lang pa-heads up yung President nila!

 

Kahit mabilis ang ginagawa kong paglakad papunta sa office, hindi pa rin nakalagpas sa akin ang bulungan nung ibang students.

 

Wala ba silang class?

 

"Yari mukhang late pa si Vice Pres sa meeting nila."

 

"Balita ko nagkainitan daw sila sa meeting ni Pres kahapon eh."

 

"Aguy bibinggo na talaga si Minjeong kay Pres."

 

"Cute kaya nung bangayan nila. Mukha silang magjowa."

 

"Anong magjowa pinagsasabi mo dyan teh? Eh aso't pusa nga raw yung dalawa sa office nila."

 

"Tuwing meeting lang naman daw."

 

"Sabi nung batch rep ng Juniors, di raw nagpapansinan yung dalawa after meetings nila."

 

"Sayang, ship ko pa naman sila."

 

Hindi ko na sila pinansin at dineretso ang office. Nang makarating ay agad kong pinihit ang doorknob para buksan ang pinto.

 

Bumungad sa akin ang tingin nilang lahat.

 

"Wow, you're too early for our meeting tomorrow." Rinig kong sabi ni Pres.

 

Nahagip pa ng mata ko si Aeri at sinenyasan akong lagot ako.

 

"Uh...I'm sorry for being late. Na-stuck ako sa traffic."

 

Nakita ko ang pagtaas ng kilay

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wnterific
Hello, it's been a while! Na-bz c bading sa skewl kaya ngayon lang ulit nakapag lapag. I missed you, guys!

Message me on cc if your have questions or cure use kayo sa latest entry :P

https://curiouscat.live/jeongzlvr

Comments

You must be logged in to comment
erzcaps27
#1
Chapter 13: Beke nemen po. Part 2 hehehe
Mys_na_kita #2
Chapter 13: Bakit feeling ko based on true events 'tong Aphrodite, kung hindi edi feelingera ako! Sana umamin :>
osumnevercease
#3
❤️
Sakunako08 #4
Chapter 13: Part 2 po sanaaa
Kishamae
#5
Chapter 12: sana may part 2
Neverbealover2
#6
Chapter 12: Author part 2 pls 😭😭😭
CincoYoo
#7
Chapter 11: tibay ahh, 2 years yung space hahaha
CincoYoo
#8
Chapter 12: luh! bat wala🥹
TakuyaKen
#9
Chapter 11: ay hahahaha bawi agad nmn pala😅
TakuyaKen
#10
Chapter 4: You can never get both a sucess in career and lovelife nmn