Talk Too Much

Marilag.
Please Subscribe to read the full chapter

 

Talk Too Much

 

'Where are you?'

 

It was a message I received from Ryujin. Kasalukuyan akong naglalakad papuntang canteen. Kakatapos lang din kasi ng morning class namin and it's already lunch time.

 

Nireplyan ko na lamang siya na papunta na akong canteen and I'll wait for her.

 

"Minjeong! Over here!" Rinig kong sigaw pagkapasok ko ng canteen.

 

Nilingon ko ang pinanggalingan nun. I saw Aeri waving her hands. Lumapit ako papunta sa table na inuukupa nila.

 

"Where's RJ?" Lia asked nang makaupo ako. 

 

"Otw na raw. Umorder na kayo?"

 

"Nandun na si Yeji sa counter." Lumingon naman ako doon. I can see Yeji talking with someone habang nakapila sa counter.

 

Saktong pagbalik ko ng tingin ay siya ring pagdating ni Ryujin. Hindi na niya binati ang mga kasama namin sa lamesa at diretso akong hinila papunta sa counter kung nasaan si Yeji.

 

"Narinig niyo na yung about sa transferee?" Ryujin asked once we settled on our seats.

 

Chumichismis na agad ang isang 'to, hindi pa nga kami nakakasubo.

 

"Transferee?" Kunot noong tanong ni Aeri.

 

"Yeah. Last week lang daw nagtransfer tapos kanina pumasok."

 

"Tumatanggap pa rin sila? Matatapos na sem ah." Pagtataka ni Lia.

 

"Baka may connection," Yeji commented.

 

Hindi na ako sumali sa usapan nila at nakinig na lamang habang sumusubo ng hotdog na mas malabnaw pa sa tubig ang ketchup.

 

"Ewan ko. Pero ayun nga, kalat agad yung tungkol sa kanya."

 

"What about her?" usisa nung tatlo. Grabe, sana pala sa tubig ko na lang din sinawsaw 'tong hotdog.

 

"NBSB daw ang bestie niyo."

 

"And? What's wrong with that?" tuluyan na akong nag-angat ng tingin sa kanila.

 

"Mali dahil sobrang ganda niya tapos wala pa siyang nagiging jowa?!"

 

"Ano namang kinalaman ng mukha sa pagkakaroon ng jowa?" I can see the other three nodding their heads.

 

"Hindi ko rin alam, basta ayun!"

 

 

 

 

"That's her." Pasimpleng turo ni Ryujin doon sa babaeng naglalakad din papuntang parking lot.

 

Dismissal na namin kaya sabay sabay na naman kaming limang naglalakad papunta sa parking lot ng campus.

 

"She's tall." Lia said.

 

"Yeah, unlike you." Pang-aasar ni Aeri. Agad naman siyang nakatikim ng hampas mula sa isa.

 

"Wow! Para namang ang tangkad mo!" Nauuna silang maglakad habang nakasunod naman kami nila Yeji at Ryujin sa likod.

 

Sinundan ko ng tingin  yung babaeng tinutukoy ni Ryujin kanina. 

 

May katangkaran nga. I also noticed her long neck dahil naka-ponytail siya kaya naman pansin na pansin iyon.

 

"Ganda 'no?" Ryujin asked. Tahimik naman akong tumango, nakatuon pa rin ang pansin doon sa babae.

 

"Swerte ng magiging jowa." Yeji commented.

 

"At dahil diyan, may naisip ako." Kita ko na naman ang palitaw na ngisi sa labi ni Ryujin. Paniguradong kalokohan na naman ang nasa isip nito.

 

"Let's make a bet." Kaming dalawa lang ang nakarinig ng sinabi niya dahil humabol si Yeji kela Aeri na naghahampasan pa rin. Nang makalayo-layo silang tatlo ay binagalan ko ang lakad ko at nilingon si RJ.

 

"What bet?"

 

"I heard the boys talking earlier. Nagbabalak na ligawan daw si Jimin."

 

So Jimin is her name?

 

"And?" tanong ko pa. Para naman kasing ewan, putol-putol magkwento.

 

"Let's make a bet kung sinong makakapagpasagot sa kanya."

 

"Sino-sino ang manliligaw?"

 

"Jeno, Renjun, Kai tsaka si Jaehyun."

 

Inalala ko ang mga pangalan na binanggit niya. Nah.

 

"Sure ba sila sa gagawin nila? Pano kung hindi naman pala lalaki ang tipo nung Jimin?"

 

"Huh?" naguguluhang tanong niya. I smirked at her. "Bigyan natin ng maraming option."

 

"What do you mean?"

 

"I'll join them. I'll court her too."

 

Tiningnan niya ako na parang di makapaniwala. "Are you sure? Kaya mo?"

 

"Of course. Watch me make her mine within 2 weeks." I challenged.

 

"2 weeks? That's so fast. I'll bet 1 month bago mo siya mapasagot.

 

"Wala kang tiwala sa kaibigan mo, Ryujin. Kapag naging kami in 2 weeks, bibilhin mo yung latest pc for me. Ano?" hamon ko pa. 

 

"The heck?! Sobra naman yang gusto mo!"

 

"Ba't parang takot ka? Sabi mo nga 1 month pa bago ko siya mapasagot eh."

 

"But the latest PC is too much. 20k ?" she offered. Hmm, not bad.

 

"Deal. Prepare your cash, RJ."

 

Habang pauwi ay nag-iisip na ako ng mga pakulo na pwede kong gawin. Kaming dalawa lang ni RJ ang nakakaalam tungkol sa pustahan. Baka sugurin pa kami nung tatlo kapag nalaman nila 'tong pakulo namin.

 

 

 

 

Naglalakad ako papasok ng campus. Kung minamalas ka nga naman, may nabangga pa.

 

"Aray!" sigaw nung nabangga ko. Agad ko rin naman siyang tinulungan tumayo.

 

"Ning, ikaw pala. Sorry." Si Ningning, yung panlaban lagi ng school sa singing contests.

 

"Ayos lang," maiksing sagot niya habang inaayos ang pagkakasukbit ng bag sa balikat niya. Lumingon siya sa likuran ko at parang may kinakawayan.

 

"Karina!"

 

"Hey..." Gagi. Ang lalim ng boses. Nilingon ko ang pinanggalingan nun, and I saw the transferee. Ano nga ulit pangalan niya? Jimin?

 

"Minjeong, this is Jimin. Transferee." Pakilala ni Ningning sa amin. Kung siniswerte ka nga naman, di na ako magpapakahirap mag-isip kung paano magpakilala sa kanya.

 

But did I hear it right? Karina ang tawag ni Ningning kanina tapos Jimin naman ang pakilala niya.

 

"Hi." Nahihiyang ngiti niya. Mukhang mahihirapan ako sa isang 'to ah. Goodbye 20k siguro? Joke! Di ako pwedeng sumuko.

 

"Hello. Minjeong." I offered my hand for a shake. Agad niya rin namang tinanggap iyon at nakipagkamay. Ang lambot ng kamay niya. 

 

I smiled at her. Yung kita yung pamatay kong dimple. Tingnan ko lang kung hindi pa kita makuha dito.

 

Saglit lang ang naging tagpo namin dahil male-late na kami. Kung hindi pa kami naabutan ni Chaeryeong sa may gate, baka naabutan na kami ng bell.

 

 

 

 

"Kamusta? Kaya ba?" nang-aasar na tanong sa akin ni Ryujin nang makaupo ako sa tabi niya.

 

 Nauna nang umuwi yung tatlo. Naiwan kaming dalawa dahil may meeting sa club. Bakit ba kasi ako ang ginawang president nung dance troupe?

 

"Just wait." Kita ko naman ang pag-ngisi niya.

 

Nakakainis. Tatlong araw na ang lumipas mula nang magsimula ang pustahan namin.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wnterific
Hello, it's been a while! Na-bz c bading sa skewl kaya ngayon lang ulit nakapag lapag. I missed you, guys!

Message me on cc if your have questions or cure use kayo sa latest entry :P

https://curiouscat.live/jeongzlvr

Comments

You must be logged in to comment
erzcaps27
#1
Chapter 13: Beke nemen po. Part 2 hehehe
Mys_na_kita #2
Chapter 13: Bakit feeling ko based on true events 'tong Aphrodite, kung hindi edi feelingera ako! Sana umamin :>
osumnevercease
#3
❤️
Sakunako08 #4
Chapter 13: Part 2 po sanaaa
Kishamae
#5
Chapter 12: sana may part 2
Neverbealover2
#6
Chapter 12: Author part 2 pls 😭😭😭
CincoYoo
#7
Chapter 11: tibay ahh, 2 years yung space hahaha
CincoYoo
#8
Chapter 12: luh! bat wala🥹
TakuyaKen
#9
Chapter 11: ay hahahaha bawi agad nmn pala😅
TakuyaKen
#10
Chapter 4: You can never get both a sucess in career and lovelife nmn