Aphrodite

Marilag.
Please Subscribe to read the full chapter

Aphrodite

 

 

 

"Gusto mo ba, ireto na lang kita?"

 

Hindi ko na alam kung pang ilang beses ko na ba narinig ang mga katagang ‘yan sa bibig ng kaibigan ko. Ganito ba ako ka-less para kulitin ako sa panrereto niya?!

 

"‘Di nga ako interested, Gi," bored na sagot ko. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses na ako tumanggi sa alok niya.

 

Okay, partly my fault din siguro kung bakit nangungulit siya ngayon. Narindi na siguro kaka sana ol at kaka me when ko. 

 

In my defense, every 10 PM lang naman ako nag gaganun!

 

"Okay, sige. Bahala ka," sambit niya at bumalik sa ginagawa.

 

Busy ako sa pagreready para pumasok sa school nang makatanggap ako ng message from Gi. Nagchat pala siya sa gc.

 

Giselle : Hello, gusto niyo ba mag mcdo?

 

Agad namang nagseen ang iba naming kaibigan at tumanggi. Busy rin kasi kami dahil naghahabol ng requirements. Sadyang masipag lang ‘tong isang kaibigan ko kaya may free time na siya ngayon.

 

Giselle : @Ning kasama ko pala si ate ganda.

Ning : HALAAAAA PABATI AKO

Giselle : Cute mo raw!

Ning : WHAHAHAHA TNX POH, MEET TAYO SOON!

 

Sino na naman kaya ‘tong Ate Ganda na tinutukoy niya. Minsan hindi ko na rin alam kung may kaharutan ba ‘to o nantitrip lang eh. Ganito ba talaga kapag bading?

 

Dahil nacecrave sa iced coffee galing sa Mcdo, nagsend na lang ako ng private message kay Gi.

 

Me : Pasabay ako iced coffee. Bayaran ko mamaya sa room. Thanks.

Giselle : sent a photo

Giselle : Kinekwento kita kay Ate Ganda BWHAHAAHAHA

Me : Binabackstab mo siguro ako ‘no?

Giselle : Ay, hindi ka nagkakamali diyan.

 

 

 

 

 

Nandito kami ni Ning sa room ngayon. Nagpapalipas ng oras at hinihintay na magbell para sa start ng klase. Hinihintay ko rin si Giselle dahil kanina pa ako takam na takam humigop ng malamig na kape. 

 

Iced coffee na lang ang bumubuhay sa dugo ko!

 

Hindi rin naman nagtagal ang paghihintay ko dahil dumating na siya sa room. Agad siyang lumapit sa table ko at nilapag ang iced coffee na hinihintay ko.

 

"Thanks, magkano ‘to?" tanong ko.

 

Umiling na lamang siya at bigla ring umalis. Wow, nagmamadali. Okay, hindi naman ako tatanggi kung libre niya na ‘to. Mas masarap humigop ng kape knowing na libre ‘yun ‘no!

 

Hindi ko napansin na nawala na pala si Ning sa tabi ko. Paglingon ko kasi ay si Yeji na ang nakaupo sa pwesto niya kaya naman sa kanya ko na lang tinuon ang atensyon ko.

 

May sinasabi siya sa akin pero hindi ko na ma-process dahil bigla na lang akong kinalabit. Paglingon ko ay mukha ni Giselle ang bumungad sa akin. Ang laki pa ng ngiti ni bading, akala mo nanalo sa loto.

 

"Siya yun..." she whispered. Ako naman ay gulong gulo sa sinasabi niya kaya kumunot ang noo ko.

 

Pinagsasabi nitong baklang ‘to?

 

"Huh?" tanong ko dahil naguguluhan talaga ako sa kung ano man ang ginagawa niya.

 

She sighed and pulled someone mula sa tabi niya. Doon ko lang din napansin na may kasama pala siya.

 

"Siya yun," ulit niya pero I wasn't sure kung sa akin pa rin ba directed or doon na sa katabi niya.

 

Bahagyang kumaway ‘yung kasama niya kaya kahit naguguluhan, inangat ko na lang din ang kamay ko at kumaway pabalik. I also offered a small smile pero hindi ko sure kung nakita niya ba dahil bigla na lang siyang hinila ni Giselle palabas ng room.

 

Oookay.... what was that ?????

 

 

 

 

 

Nakikinig lamang ako sa discussion nang biglang bumulong ang katabi ko.

 

"Ganda ‘no?" 

 

Hindi ko alam kung ano bang nakain nito sa Mcdo kaninang umaga at ganito ‘to kumilos eh. Kanina pa siya bulong nang bulong at clueless ako sa kung ano man ‘yung binubulong niya!

 

"Sino na naman?" pasimpleng bulong ko. I keep my eyes in front para hindi mapansin ng teacher na nagdadaldalan kami. Sungit sungit pa naman nito.

 

"Si Ate Ganda!"

 

"Teh, malay ko, hindi ko naman kilala ‘yang tinutukoy mo."

 

"Ante ko, I literally introduced you sa kanya kanina before class!"

 

Doon ko lang na-realize ang tinutukoy niya.

 

"Oh, siya ba ‘yun?"

 

"Yup!"

 

Okay, tapos? Nugagawen?

 

"Hindi ko naman masyado nakita mukha niya kanina." 

 

Legit. I barely saw her face dahil bigla siyang hinila ni Giselle after our mini interaction.

 

"Hala siya, gusto ring makita."

 

Tangina, may sapak ba ‘to?

 

"Anyway, siya rin ‘yung binabalak kong ireto sa‘yo," pahabol niya.

 

Hindi na lang ako nagbigay ng kung ano pang kumento dahil io-overanalyze niya na naman ang mga sasabihin ko.

 

 

 

 

 

Nandito kami ngayon sa Mcdo. Na-crave ang tropahan kaya dito na rin kami nagdecide na gawin ang iba naming assignment. Maaga pa naman.

 

Si Yeji at Ning pa lang ang kasama ko ngayon. Si Giselle ay hahabol daw pero hihiwalay siya ng table dahil may kasama siya.

 

Si bading talaga.

 

"Hi, sorry late."

 

Nagcacalligraphy ako para sa front page nang marinig ko ang boses ni Giselle.

 

"Wow, ang aga mo ah," parinig ko, hindi pa rin inaangat ang tingin dahil abala sa ginagawa.

 

"Eh ang tagal kasi ng kasama ko," sagot niya. Dahil dun ay inangat ko na rin ang tingin ko. Curious kung sino bang kasama niya.

 

"Ay, Rina, friends ko. Win, si Rina, ‘yung lagi kong kinenwento sa inyo," pakilala sa amin ni Giselle.

 

Si Ate Ganda pala ‘to eh.

 

"Hi po!" masiglang bati ni Ning. Gustong gusto niya rin kasi talaga ma-meet ‘tong si Ate Ganda kaya ganito na lang siya ka-excited.

 

"Hello..." si Yeji naman ay tila nahihiya. Kala mo talaga.

 

At dahil dakilang awkward ako, ngumiti lamang ako sa kanya at kumaway ng onti bago bumalik ulit sa ginagawa. 

 

Parang ewan lang, ewan ko ba bakit ako kinabahan.

 

"Hala, ang galing niya magcalligraphy oh," rinig kong sabi niya habang ino-occupy nila ni Giselle ‘yung table sa tabi ko.

 

Katapat ko lang ang upuan niya kaya naman kita niya ang ginagawa ko. Dahil sa hiya ay umiling lamang ako at bahagyang tinakpan ang ginagawa ko.

 

Hala si bading, may hiya ka pala!

 

"Naka-order na ba kayo?" Giselle asked nang makapag settle na sila sa katabing table.

 

"Yup, order na kayo dun habang onti pa lang ang tao," ako na ang sumagot dahil busy na magchismisan si Yeji at Ning. Akala ko ba gagawa ng assignment?

 

"Okay, sige. Pabantay na lang ng mga gamit, Win." I just nodded my head without looking at them dahil busy pa rin ako sa ginagawa.

 

"Pwede paiwan?"

 

Agad ko namang inangat ang tingin ko nang marinig kong magsalita ang nasa tabi ko. Nasa may bandang aisle kasi ako at nakatayo siya kaya medyo malapit ang distance namin.

 

I looked at her at nakalapit na sa direction ko ang phone niya. Naguguluhan man ay tumango na lamang ako at inabot ang phone niya. Nagiingat na hindi madikit ang kamay ko sa kamay niya. 

 

After that ay tumungo na sila sa counter habang ako naman ay bumalik sa ginagawa. Hawak ang phone ni Ate Ganda sa kabilang kamay.

 

Wow, nag-enjoy kakatawag ng Ate Ganda.

 

Eh maganda naman kasi talaga!

 

Hindi rin sila nagtagal sa pag-order at nakabalik din agad sa table. Pagkaupo niya ay nilapag ko rin ‘yung phone niya sa table nila. Hindi na ako nag initiate ng small talk at interaction dahil may ginagawa ako.

 

Besides, nahihiya at kinakabahan din talaga ako and I don't know the exact reason why!

 

Kabaklaan ko lang siguro ‘tong umiiral.

 

Hindi na rin kami nagtagal sa Mcdo dahil may klase pa kami. Nilakad na lang namin dahil malapit lang naman sa school ‘yung branch na lagi namin pinagtatambayan.

 

Si Yeji at Ning ay magkasabay sa harap. Kaming tatlo naman ni Giselle at Rina dito sa likod.

 

Habang naglalakad ay bigla na lang nagmadali si Giselle para habulin sila Ning sa harapan.

 

"Iwan natin sila Rina at Win sa likod," parinig niya pa. Napailing na lamang ako dahil for sure isa na naman ‘to sa mga pakulo niya.

 

Puta.

 

This is so awkward!

 

Tangina.

 

Kanina pa ako kinakabahan dito kay Rina at hindi ko talaga alam kung bakit!

 

 

 

 

 

 

Nandito na naman kami sa Mcdo. Ito na kasi talaga ang tambayan namin bago pumasok, lalo na kapag walang ginagawa. Mas gusto kasi namin na dito magkwentuhan.

 

As usual, late na naman sa Giselle. Ano pa nga ba.

 

May kasama na naman daw siya.

 

And guess who.

 

Yup! Si Ate Ganda! AKA Rina!

 

Hindi pa ako ready kabahan.

 

Nagpapaturo raw kasi si Karina sa kanya. Wow, Karina.

 

Noong unang beses nga raw na nagpaturo si Karina sa kanya ay sinuggest niyang sa akin magpaturo. Agad naman daw tumanggi si Karina dahil intimidated daw siya sa akin.

 

Ate Ganda, saan banda ang intimidating dito?! 

 

Anyways, ayun nga. Buti na lang din tumanggi siya dahil hindi naman ako marunong mag-explain ng lessons!

 

Nagsosolve ako sa notebook nang dumating si Giselle kasama si Karina. Nag-order muna sila bago nila simulan ang discussion. 

 

Natapos ko na ang sinasagutan ko kaya naman tinuon ko na lang ang pansin kay Yuna at Ning na abala na naman sa chismisan.

 

Paminsan-minsan ay sumusulyap ako sa gawi nila Giselle. Hanggang ngayon hindi ko pa rin talaga alam kung bakit ako kinakabahan tuwing malapit si Karina.

 

"Win, explain mo nga kay Rina ‘yung number three. Hindi ko rin kasi gets eh," nagulat na lamang ako nang bigla akong tawagin ni Giselle.

 

No choice, tumayo ako at lumapit sa side nila. Nasa kabila kasi ako and nasa dulo sila. Tumayo ako sa gilid ni Rina at tinignan ang papel niya. Nang maintindihan ang problem ay inexplain ko sa kanya kung paano sagutan ‘yun.

 

"Lapit ka pa, Win." 

 

INAKA TALAGA GISELLE, ANO NA NAMAN ‘TONG PAKULO MO?!

 

Don't ask me kung paano ko nakayanan na mag-explain sa kanya kahit kabadong kabado na ako dito. Tangina, tumitigidig heart ko!

 

"And then...?" I asked her softly. Tinetest ko kung nakuha niya ba ‘yung explanation ko about the given problem.

 

She hesitantly looked at me habang ako naman ay nakayuko sa tabi niya. After ilang seconds ay sinabi ko rin sa kanya ang next step. Mukha kasing nalilito pa siya.

 

"Isip ka ng number lower than one," I said.

 

Saglit siyang nag-isip at muling inangat ang tingin sa akin.

 

"Zero?"

 

"Hmm, pwede. Pero mas maganda kung may value talaga. Why don't you try 1/4?" I suggested.

 

Agad din naman niyang sinulat ‘yun sa yellow pad. Abala ako sa pagtingin sa kanya habang nagsusulat siya nang biglang sumigaw ni Ning.

 

"Huy, tara na! Male-late na tayo!"

 

Nang marinig ‘yun ay agad din akong bumalik sa pwesto ko. Hindi ko pa kasi naliligpit ‘yung gamit ko nung tinawag ako ni Gi para turuan si Rina.

 

"Hala, hindi ka pa tapos teh. First sub niyo pa naman ‘yan," worried na sabi ni Giselle kay Karina.

 

"Kaya nga eh. Hayaan mo na, clutch ko na lang ‘to sa room."

 

Hindi ko rin alam anong pumasok sa isip ko at hinanap ang paper ko sa subject na ‘yun. Nauna na kasi kaming magcheck sa kanila. Nang makita ang paper ko ay agad akong lumapit sa kanya.

 

"Eto oh, picturan mo na lang," alok ko.

 

"Sure ka?"

 

"Yup. Ask ka na lang kay Giselle if may questions ka pa sa number three."

 

"Okay," she said as she took a photo of my paper.

 

Pagkatapos nun ay nagmadali kaming lahat na pumunta sa school. Mabuti na lang at madadaanan lang namin ang building nila Karina kaya hindi na mageeffort si Giselle na ihatid siya.

 

"Bye, Rina! Goodluck!" Paalam ni Giselle.

 

Kaming tatlo ni Ningning at Yeji ay kumaway lang sa kanya. "Bye!"

 

"Bye! Thank you, Win!" bahagyang sigaw niya dahil naglalakad na siya palayo sa amin. Kami rin ay nagmamadaling nagtungo sa building namin.

 

Hindi ko napansin pero kumalma ang dibdib ko pagkatapos nun. Hay, ewan.

 

 

 

 

 

 

Isa lang ang masasabi ko. 

 

Ang init!

 

Sino ba kasi ang nagpauso ng afternoon classes na ‘to. Kainis, papasok ka pa lang pero mukha ka nang pauwi! Hindi pa nakatulong ang sikat ng araw at usok mula sa jeep.

 

Nandito ako ngayon sa labas ng subdivision at nag aabang ng jeep na masasakyan. Hindi ko rin alam kung ano bang pumasok sa isip ko at napili kong magcommute ngayon kahit pwede naman akong magpahatid kay Dadi.

 

Hindi naman pala lubos lubos ang pagiging malas ko, dahil kung sineswerte ka nga naman, may jeep agad na huminto sa tapat ko.

 

Dahil may mga kasabay akong nagaabang ay nakipag unahan na ako para makasakay sa jeep.

 

Pag-akyat ko ay may nahagip ang mata ko na nakaupo sa dulo. Hindi ko na pinansin iyon at nagdiretso ng upo malapit sa likod ng passenger seat.

 

Nang makaupo ay agad din namang umandar ang jeep. Ang inet putek!

 

Binabawi ko na pala ‘yung pagiging swerte ko. Ang init na nga dahil siksikan sa loob, hindi pa nakatulong ‘yung malakas na soundtrip ni kuyang driver. Wala pa ako sa school pero sumasakit na agad ang ulo ko.

 

Habang nagpupunas ng pawis ay naalala ko ang nahagip ng mata ko kanina. At eto na naman ang dibdib ko. Tumitigidig na naman siya!

 

At isa lang naman ang ibig sabihin niyan.

 

Malapit si Karina sa akin.

 

Pasimple kong nilingon ang dulo ng jeep. Katapat ko kasi siya pero nasa magkabilaang dulo kami. Hindi ko na napansin na nanginginig na pala ‘yung kamay ko habang nagpupunas ng pawis. 

 

Bakit ba ako kinakabahan, eh si Karina lang naman ‘yan!

 

Nang masiguro kong hindi na ako ganun kadugyot dahil sa pawis, kinuha ko na ang wallet ko para kumuha ng pambayad.

 

Pambihira talaga oh. Pati pagdukot ng pera ay nahihirapan ako dahil nanginginig pa rin ang kamay ko hanggang ngayon.

 

Saktong pagbalik ko ng wallet sa bulsa ay may nag-abot ng isang daan.

 

"Bayad daw!"

 

"Bayad daw po!"

 

"Tatlong estudyante po ‘yan!"

 

"Kuya, makikisuyo po," abot ko ng 50 pesos na pamasahe ko.

 

"Ilan ‘to?" tanong ni kuyang driver nang matanggap ang bayad ko. Muntikan ko pa siyang hindi marinig dahil ang lakas talaga ng tugtog ng speaker niya. 

 

Dapat hindi pinapayagan pumasada mga ganitong jeep eh, masyadong nakakaapekto sa noise pollution.

 

"Isa po ‘yan, estudyante." Hindi ko alam bakit hindi ko kayang lakasan ang boses ko. Malakas naman ako sumigaw kapag kinakailangan, pero ewan ko ba, hindi ko magawa ngayon.

 

"Sukli oh!" Inabot ng katabi ko ang sukli sa akin. Medyo aligaga na ako dahil hindi ako sure kung para kanino ba ‘tong sukli na ‘to. Para doon ba sa nag-abot ng isang daan kanina o sa akin?

 

"Kaninong sukli ‘to, Kuya?" medyo nilakasan ko na ang boses ko kahit kabado pa rin. Sumagot si kuyang driver pero hindi naman nakatulong dahil wala akong narinig sa sagot niya.

 

Nagaalinlangan kong inabot ‘yung sukli sa katabi ko para iabot dun sa tatlong estudyante na nagbayad ng isang daan.

 

Sila kasi ang naunang mag-abot ng bayad kanina kaya inisip ko na lang na sila ang unang susuklian.

 

Maya-maya ay sumigaw ‘yung isa. Kasama ata ni Karina ‘tong dalawang estudyante, at bayad nilang tatlo ‘yung jsang daan.

 

"Kuya, kulang po! Isang daan po ‘yung pera namin."

 

"Para doon ‘yan sa singkwenta!"

 

Potek naman kasi! Nakakahiya, pwede bang magpalamon na lang ako sa lupa?!

 

Nahihiya kong inabot ang nanginginig kong kamay para kunin na ‘yung sukli ko. Nakita ko pang lumingon sa gawi ko si Karina. 

 

Huwag kang titingin sa akin please, kanina pa tumitigidig ang dibdib ko dito.

 

Nasa kalagitnaan na kami ng byahe. Medyo nabawasan na rin ang pasahero. Pero heto ako, hindi pa rin umuusog at nanatili sa pwesto ko sa takot na makatapat ko si Karina.

 

Bakit ka ba kinakabahan, eh kaibigan lang naman ni Giselle ‘yan sa kabilang section?!

 

Dahil walang magawa ay nagcellphone na lang ako. Maya-maya ay nagchat si Giselle sa gc namin.

 

Giselle : @Win, ikot mo tingin mo sa jeep. Nandiyan si Karina.

 

Hindi ko alam ang magiging reaction ko sa nabasa ko. I mean, alam ko naman na nandito siya. Pagpasok ko pa lang ng jeep, alam ko agad na kasabay ko siya ‘no!

 

Pasimple akong huminga ng malalim. Pinapakalma ang sarili. After counting to three, dahan-dahan kong binaling ang tingin ko sa direksyon niya.

 

Pagkalingon ko at nakatingin na pala siya sa akin. Ngumiti siya at kinawayan ako. Hindi ako sigurado sa magiging reaction ko kaya I pretended to be shocked na makita siya sa jeep.

 

Mukha kang tanga, Win!

 

Kunwari hindi siya nahagip ng paningin ko kanina nung pumasok ako sa jeep. Tumango ako sa kanya at agad ding nag-iwas ng tingin. 

 

Mas lumala ata kaba ko.

 

With my nanginginig na kamay, ay nagmessage ako sa gc.

 

Me : Kita ko na HAHAHAHAHA

 

 

 

 

 

 

After my jeep encounter with Karina, ay hindi ko na siya nakita ulit. Busy na rin kasi kami ulit dahil patapos na ang sem. 

 

And because of that, kalmado na rin ang dibdib ko. Na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung bakit dumadagundong tuwing nakakasama ko si Karina sa iisang lugar.

 

Pero kahit hindi ko siya nakikita, lagi ko namang naririnig ang pangalan niya.

 

Paano ba naman kasi, si Giselle hindi na natahimik. Lagi ba namang minemention name ni Karina everytime na may chance siyang mabanggit ito. 

 

Katulad na lamang ngayon.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wnterific
Hello, it's been a while! Na-bz c bading sa skewl kaya ngayon lang ulit nakapag lapag. I missed you, guys!

Message me on cc if your have questions or cure use kayo sa latest entry :P

https://curiouscat.live/jeongzlvr

Comments

You must be logged in to comment
erzcaps27
#1
Chapter 13: Beke nemen po. Part 2 hehehe
Mys_na_kita #2
Chapter 13: Bakit feeling ko based on true events 'tong Aphrodite, kung hindi edi feelingera ako! Sana umamin :>
osumnevercease
#3
❤️
Sakunako08 #4
Chapter 13: Part 2 po sanaaa
Kishamae
#5
Chapter 12: sana may part 2
Neverbealover2
#6
Chapter 12: Author part 2 pls 😭😭😭
CincoYoo
#7
Chapter 11: tibay ahh, 2 years yung space hahaha
CincoYoo
#8
Chapter 12: luh! bat wala🥹
TakuyaKen
#9
Chapter 11: ay hahahaha bawi agad nmn pala😅
TakuyaKen
#10
Chapter 4: You can never get both a sucess in career and lovelife nmn