Sagada
Marilag.Sagada
"Company dinner daw. Sama ka?" tanong ni Giselle habang umuupo sa pwesto ko.
Abala ako sa pag-aayos ng aking mga gamit dahil ilang minuto na lang bago ang out namin.
"Hindi ako pwede ngayon, Gi," I told her habang pinapasok ang laptop sa bag.
"Oo nga pala, ngayon pala 'yun."
"Yup," maiksing tugon ko.
"Alright. Ingat sa pagdrive. Ikamusta mo na rin ako sa kanya," tapik niya sa balikat ko.
"Will do. Bakit kasi hindi na lang ikaw mismo ang bumisita sa kanya?" pagtatanong ko.
"Babawi na lang kamo ako sa November. Huwag muna siyang magpaparamdam sa akin," biro niya.
Tinawanan ko na lamang siya bago tuluyang magpalaam at lumabas.
Bumaba ako ng parking lot para kuhanin ang sasakyan. Dadaan pa kasi ako ng flower shop para bilhan siya ng bulaklak.
Baka kasi magtampo kapag wala akong dalang mga bulaklak.
"Uy, Karina! Ikaw pala!" bungad sa akin ni Ate Rosé nang makapasok ako sa loob ng flower shop niya.
Binati ko siya at binigyan ng ngiti.
"Hi, Ate. Kamusta?"
"Ayos lang naman. Busy sa pagharvest."
Siya kasi mismo ang nagtatanim ng mga bulaklak na binebenta niya.
"The usual ba?" tanong niya.
"Opo."
Saglit pa kaming nagkwentuhan habang inaayos niya yung order ko. Nang matapos ay inabot niya sa akin yun nang may ngiti sa mga labi.
Matapos yun ay tuluyan na akong nagdrive papunta sa kanya.
"Hi..." bati ko pagkalapag ng mga bulaklak sa harap niya.
Wala akong nakuhang sagot at nanatili ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
Binasa ko ang naka-sulat sa harap.
Winter Kim
2xxx—2xxx
Dalawang taon.
Dalawang taon ka nang wala, mahal.
Miss na kita.
Sa dalawang taon kong pangungulila sayo, hindi ko pa rin makalimutan ang mga ala-alang nabuo sa mga oras na magkasama tayo.
Parang kahapon lang nangyari ang lahat.
"Ayos nga lang kasi talaga ako, Ma!" rinig kong sigaw ng kung sino.
"Huwag mo nga akong lolokohin, Winter! Nakita ko sa basurahan yung mga tissue na may dugo!"
Nandito ako ngayon sa hospital. Hinihintay ko kasi si Mom na matapos sa duty niya kaya naka-upo lang ako dito sa hallway.
Hindi ko naman sinasadyang marinig ang pag-uusap sa kwarto na katapat lang nitong inuupuan ko.
"Tinawagan ko na si Doktora, maupo ka na."
Dahil wala namang magawa ay nagscroll na lamang ako sa aking cellphone.
"Karina?"
Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.
"Mom..." bati ko sa kanya.
"Bakit dito ka naghihintay? Sana dumiretso ka na sa office ko."
"It was locked po kanina eh," I explained.
Tumango naman siya at sinabihan ako na pumunta na sa office niya.
Nasa gitna si Mom ng pagsasalita nang biglang bumukas ang pintuan na nasa tapat naming dalawa.
"Doctora, andyan na po pala kayo," salubong ng isang babae na hula ko ay kaedaran lang ni Mom.
"Mrs. Kim, good afternoon," baling ni Mom sa kanya.
Nilakihan ni Mrs. Kim ang pagkakabukas ng pinto para makapasok si Mom.
Sinundan ko lamang sila ng tingin habang papasok.
"I'll go na, Mom," paalam ko.
"Hintayin mo na lang ako doon. Last patient ko na 'to," habilin niya.
Akmang isasara niya na ang pinto nang hindi sinasadyang magtagpo ang tingin namin nung babaeng nasa kama.
Saglit pa kaming nagka-titigan bago tuluyang sumara ang pinto.
Siya ata yung pasyente. Ang ganda niya naman.
Ano ba yan, Karina! Hanggang dito ba naman sa hospital ay dadalhin mo yang kabaklaan mo!
Kasalukuyan akong nasa cafeteria ng hospital kung saan naka-duty si Mom.
Sa araw-araw kong paghihintay sa kanya para sabay kaming umuwi ay nakilala na rin ako ng ibang mga doctor at nurse.
Kahit nga yung ibang mga pasyente ay pamilyar na sa akin.
"Diba ikaw yung anak ni Doctora Yu?"
Salita ng kung sino kaya naman nagulat ako at nag-angat ng tingin.
Sumalubong sa akin ang magandang mukha. Ang haba ng pilik mata niya.
"Ah...yes," nahiyayang sagot ko.
"I'm one of her patients. Winter Kim," pakilala niya habang inilalahad ang mga kamay sa aking harap.
I took her hand, "Karina Yu."
Doon ko lang din naalala na siya yung naka-eye to eye ko noon.
Mas maganda pala siya sa malapitan. Pansin ko pa ang dimple niya kapag ngumingiti siya.
Cute.
Pagkatapos ng tagpo naming iyon ay naging mas malapit kami sa isa't isa.
Doon ko rin napag-alaman na halos sa hospital na pala siya tumira dahil sa sakit niya.
Hindi niya na sinabi sa akin ang kondisyon niya at hindi na rin naman ako namilit na alamin iyon.
"Is that for me?" salubong ni Mom nang pumasok ako sa office niya.
"No, Mom," I said habang nilalapag ang bag ko sa couch.
"For Winter?"
"Yup! Pwede naman 'to sa kanya, right?" I asked .Tinutukoy ang Mcdo na pinatake-out ko.
"Yes. Iwasan lang ang matitigas," she reminded me as I went out her office.
Excited akong naglakad sa hallway habang binabati ang mga doctor at nurses papunta sa room niya.
Kumatok muna ako bago pihitin
Comments