This City

Marilag.
Please Subscribe to read the full chapter

This City

 

 

 

 

"Ano ang mensahe ninyo sa inyong mga fans na nanonood ngayon?"

 

Ito ang naabutan kong tanong sa kanila ng interviewer nang makapasok ako sa loob ng cafe. Halos lahat ng kumakain sa loob ay nakatutok din sa telebisyon kung saan pinapalabas ang kanilang interview sa isang sikat na show dito sa bansa.

 

"Thank you so much for supporting us." Sagot ng isa sa kanila. Tumingin ito sa katabi niya, pinaparating na siya na ang magsasalita. Tila naman nakuha niya iyon kaya muli siyang humarap sa camera at nagsalita.

 

"At first, hindi talaga namin inaasahan yung suporta ninyo. And then one day, nagulat na lang kami na trending yung music video namin sa twitter."

 

"Lalo na't hindi pangkaraniwan ang concept ng inyong music video." Pagbibigay komento ng host.

 

"Yeah so it's really shocking to see people enjoying our song," sagot niya.

 

Matapos ang sagot na iyon ay nagpaalam na rin ang host sa mga nanunuod. Iyon na ata ang huling tanong para sa kanila sa interview na iyon.

 

"Good evening po, Ma'am!" Bati sa aking ng isang staff nang makita niya ako. Diretso akong naupo sa dulong lamesa at nanghingi ng kape.

 

Habang hinihintay ang hiningi ko ay inalala ko ang nakita ko kanina.

 

Wala pa rin siyang pinagbago. Ang ganda niya pa rin.

 

Nawala na lang ang pag-iisip ko tungkol sa kanya nang ilapag ng staff ang hiningi kong kape.

 

"Kamusta ang cafe?" tanong ko rito bago pa ito tuluyang umalis.

 

"Ayos lang naman po, Ma'am. Marami-rami rin po ang costumer ngayong araw." Imporma nito sa akin bago ko siya tuluyang pinabalik sa trabaho.

 

Simula nang ako ang namahala dito sa bakeshop ay nagsimula ring dumami ang aming mga costumers. Umabot pa sa punto na kailangan naming i-renovate para malakihan ang pwesto at tuluyan nang gawing cafe.

 

Sa ngayon ay masasabi kong natupad ko na ang aking pangarap. Katulad niya, na sikat na at maraming humahanga. At isa na rin ako sa mga taga-hangang iyon na sumusuporta sa kanya kahit patago.

 

I just wish that I could see her again and talk to her just like the old times. Pero alam kong imposible nang mangyari ang bagay na iyon dahil sa katayuan niya ngayon. Parang nagsisisi tuloy ako sa mga naging desisyon ko noon.

 

 

 

 

 

"Grabe, wala ka man lang talagang pasabi na nakauwi ka na!" Iyon agad ang bungad ni Ryujin pagkapasok niya ng cafe.

 

Mabuti na lang at tanghaling tapat kaya walang costumer ng ganitong oras.

 

"Sorry, I was busy with the cafe," sagot ko sa kanya habang nakatuon pa rin ang tingin sa laptop. Nagche-check kasi ako ng inventory.

 

Rinig ko ang pagsinghap niya, "Sa isang buwan mong pagstay dito, 'di mo man lang nagawang magmessage sa akin?! Hindi naman inaabot ng limang minuto ang pagte-text ng 'Nakauwi na'ko'!"

 

Inangat ko ang tingin sa kanya. Mukha siyang tangang nakatayo sa gitna ng cafe.

 

'Di pa rin talaga nagbabago.

 

Hindi ko siya sinagot at tinitigan lamang kaya naman nakasimangot siyang lumapit papunta sa kinaroroonan ko. Akala ko nung una ay hahampasin niya ako, yayakap lang pala.

 

"Na-miss kita, Winter."

 

Niyakap ko siya pabalik kaya naman mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya.

 

"I missed you too, RJ."

 

"Syempre mami-miss mo talaga ako! Ilang taon ka ba namang nawala!" sabi niya nang maghiwalay kami.

 

Napagpasyahan ni Ryujin na tumambay muna dito sa cafe. Na-miss niya raw kasi talaga ako kaya sa akin muna siya didikit ngayon.

 

Sus, alam ko namang mambuburaot lang 'to. Kilala kita, RJ kaya 'wag ako.

 

"Kamusta naman kayo ng jowa mo?" pagtatanong ko sa kanya habang abala siya sa pagkain nung cake. Ang takaw talaga.

 

"Ayun, going strong pa rin naman kami ni jowa. Miss ka na rin daw niya, 'di ka raw nagpaparamdam sa kanya."

 

"Tsaka para namang nagpaparamdam ka talaga. Isang beses sa isang buwan ka nga lang kung tumawag habang nasa ibang bansa ka," dagdag niya pa.

 

Napangiti na lamang ako dahil totoo naman. Tumatawag ako isang beses sa isang buwan para lang ipaalam sa kanila na buhay pa ako.

 

 

 

 

"Sa wakas nagpakita rin!"

 

Iyan ang salubong ng barkada sa akin nang makapasok kami ni Ryujin sa loob ng KTV Bar.

 

Nag-aya kasi bigla si Ryujin kanina. Sakto at walang trabaho ang mga 'to kaya present ang lahat.

 

"Wow! Amoy London!" sigaw ni Ningning habang sinisinghot ako nang maupo ako sa tabi niya. Natatawang nilayo ko ang mukha niya sa akin.

 

"Hanggang ngayon ba naman, singhot ang isasalubong mo sa akin?" Pagbibiro ko. Agad naman niya akong hinampas at niyakap.

 

"Ito naman, na-miss lang kita."

 

Matapos ang yakapan kasama ang iba, nagsimula na rin silang kumanta. Syempre hindi naman nagpatalo ang biritera naming friend na si Ningning.

 

Kanina pa sila nag-aagawan sa mic ni Ryujin. Sumasakit na nga ang tenga ko sa sigaw niya kaya lumipat ako sa tabi ni Yeji na tuwang-tuwa panuorin yung dalawa.

 

"Buti natagalan mo 'yang ugali ni Ryujin. Para kang nagbabantay ng bata."

 

Natawa naman siya sa sinabi ko.

 

"Honestly, hindi ko rin alam, Win. Ginayuma ata ako niyang bestfriend mo."

 

Parehas na kaming natawa dahil sa sinabi niya. Si Ryujin naman ay napansin ang tawanan namin kaya pinaubaya na yung mic kay Ningning para lumapit sa pwesto namin.

 

Mabuti naman at naisipan niyang magparaya. Emz.

 

"Hoy Winter, baka kung anu-ano nang pinagsasabi mo dyan kay Yeji ah."

 

"Ang haba nung pila sa C.R grabe!" Napalingon kami sa pinaggalingan ng boses na iyon.

 

"Weh, baka jumebs ka talaga kaya ka natagalan!" sigaw ni Ningning sa mic.

 

Ginatungan naman agad namin ang pang-aasar kaya nakasimangot na lumapit sa pwesto namin si Yuna.

 

"Hala oo nga, Yuna! Iba ang amoy oh!" Dagdag ko pang asar kaya agad naman akong nakatakim ng hampas.

 

Ang bigat ng kamay ampotchi!

 

"Tama na 'yan, baka umiyak ang baby." Saad ni Lia habang nag-aabot ng maiinom. Isa pa 'to, hindi ko alam kung inaawat niya talaga kami o nang-aasar din siya.

 

"Iiyak na 'yan! Iiyak na 'yan!" Bigla namang sigaw ni Beomgyu sa gilid.

 

Akala ko ba tulog na ang isang 'to?

 

"Hoy Beomgyu manahimik ka nga at baka ikaw ang umiyak kapag sinapak ko yang pagmumukha mo! Tingnan mo lang!" Asar na sigaw ni Yuna.

 

Tinigil na rin namin ang pang-aasar sa kanya at nagpatuloy sa kantahan.

 

 

 

 

Ang daming tao.

 

Ayan ang sumalubong sa akin pagkapasok ko ng mall.

 

Ano bang meron at grabe naman yata ang dami ng tao dito sa loob? Hindi rin naman sila sinasaway nung guards.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wnterific
Hello, it's been a while! Na-bz c bading sa skewl kaya ngayon lang ulit nakapag lapag. I missed you, guys!

Message me on cc if your have questions or cure use kayo sa latest entry :P

https://curiouscat.live/jeongzlvr

Comments

You must be logged in to comment
erzcaps27
#1
Chapter 13: Beke nemen po. Part 2 hehehe
Mys_na_kita #2
Chapter 13: Bakit feeling ko based on true events 'tong Aphrodite, kung hindi edi feelingera ako! Sana umamin :>
osumnevercease
#3
❤️
Sakunako08 #4
Chapter 13: Part 2 po sanaaa
Kishamae
#5
Chapter 12: sana may part 2
Neverbealover2
#6
Chapter 12: Author part 2 pls 😭😭😭
CincoYoo
#7
Chapter 11: tibay ahh, 2 years yung space hahaha
CincoYoo
#8
Chapter 12: luh! bat wala🥹
TakuyaKen
#9
Chapter 11: ay hahahaha bawi agad nmn pala😅
TakuyaKen
#10
Chapter 4: You can never get both a sucess in career and lovelife nmn