Waltz of Four Left Feet

Marilag.
Please Subscribe to read the full chapter

Waltz of Four Left Feet

 

Hindi ko alam kung kelan nagsimula. Basta ang alam ko, hulog na hulog na ako.

 

Hindi na ako maka-ahon.

 

"Bakit kasi ayaw mo lapitan?!" pabulong na sigaw ni Ningning sa akin.

 

Nandito kami ngayon sa canteen dahil lunch time na. Kanina ko pa siya tinititigan mula sa kabilang table.

 

Ang ganda niya talaga. Hay.

 

Busy siya makipag kwentuhan at tawanan kasama ang mga kaibigan niya. Hindi ko maiwasan ang mapatingin sa direksyon niya at tumitig.

 

Ang mga mata niyang nawawala tuwing tumatawa siya.

 

Ang pagningning ng kanyang mga mata habang nagke-kwento siya.

 

Ang mapupula niyang mga labi na kay sarap pagmasdan tuwing ngumingiti siya.

 

"Nahihiya nga kasi ako," sagot ko habang iniiwas ang tingin sa table nila.

 

Pinagpatuloy ko ang pagkain.

 

"Bakit ka naman mahihiya? Si Karina lang naman yan," pagkumbinsi niya pa.

 

"'Yun na nga Ning eh, si Karina yun. Si Karina."

 

"Oo 'te, si Karina na tatlong taon mo nang sinusulyapan mula sa malayo."

 

"Hindi ko kasi alam ang gagawin 'pag malapit siya. Kuntento na ako sa pagsulyap."

 

"Ang torpe mo talaga," sabi niya at inirapan ako. Natawa na lamang ako dahil totoo naman.

 

Tatlong taon.

 

Ang tagal ko na rin palang may pagtingin sayo, Karina.

 

Ikaw, kelan ka kaya lilingon sa direksyon ko?

 

 

Lumipas ang mga araw. Wala namang bago, hanggang sulyap pa rin ako.

 

Kanina nang mapadaan ako sa gym ay nakita ko yung club nila na nagpa-practice ng routine.

 

Maganda na, talented pa.

 

Hindi na rin ako magtataka kung bakit ako nahulog.

 

"Winter!" rinig kong sigaw ni Ryujin mula sa loob. Oo nga pala, clubmates sila.

 

Pansin ko ang paglingon ng iba sa direksyon ko dahil sa sigaw ni Ryujin. Kabilang na siya. Iniiwas ko na lamang ang tingin sa kanila at itinuon ito kay Ryujin.

 

Huminto ako sa paglalakad at hinintay siyang makalapit sa akin.

 

"Bakit?" tanong ko nang makalapit siya.

 

"May prof ba tayo ngayon?" tanong niya. Kaklase ko kase siya at breaktime nang magsimula ang practice niya.

 

"Free time, kaya nga nakalabas ako eh," biro ko.

 

"Gusto mo bang manuod?" yaya niya.

 

Muli kong nilingon ang loob. Nakita ko siyang abala sa pagkabisado ng mga steps.

 

Ang galing niya sumayaw.

 

"Galing 'no?" bulong ni Ryujin habang nakaakbay sa akin. Nakatuon din ang tingin sa kanya.

 

"Sobra," maiksing sagot ko.

 

Hindi naman lingid sa kaalaman nila ang pagtingin ko kay Karina. Lagi rin kasi nila akong nahuhuli na nakatitig sa kanya tuwing nasa iisang lugar lang kami.

 

Hindi ko kasi maiwasan. Tuwing nandyan siya, otomatikong napapalingon ako kung nasaan siya.

 

Lagi akong nahihila ng presensya niya.

 

"Pasok ka na. Text ko si Ning para may kasama ka," pagtulak niya sa akin sa loob.

 

Naiiling na lamang akong naglakad sa tabi niya habang abala siya sa kanyang phone.

 

Buti naman naisipan niya na yayain si Ningning. Hindi ko kakayanin kung mag-isa lang ako dito.

 

 

"Nililigawan daw ni Jeno si Karina."

 

Rinig ko isang beses habang nasa library ako.

 

Hindi ko naman ugali ang makinig sa pag-uusap ng iba. Sadyang malakas lang ang bulungan nila at tahimik ang library.

 

"Kaya pala nakita ko silang magkasabay kaninang umaga," sagot nung isa.

 

Jeno and Karina?

 

Muli kong binaling ang atensyon sa librong binabasa ko pero hindi ko magawang magfocus dito.

 

Hindi ko na maintindihan ang mga salitang nakasulat dahil iba ang iniisip ko.

 

Tsaka lamang ako nakabalik sa reyalidad nng makarinig ako ng boses.

 

"Pwedeng maki-upo? Dito na lang kasi yung bakante."

 

Nilingon ko ang pinanggalingan nun doon ko siya nakita. She's standing right in front of me.

 

Hindi ko na naman napigilan ang mapatitig.

 

Sa tatlong taong pagsulyap ko sa kanya, ito na ata ang pinakamalapit na nasilayan ko siya.

 

Hindi ko naman kasi inaasahan na darating ang panahon na lamesa na lamang ang magiging pagitan naming dalawa.

 

May mas igaganda ka pa pala, Karina.

 

"Miss?" pagkuha niya sa atensyon ko nang matagalan ako sa pagsagot.

 

Tinanguan ko na lamang siya at agad na yumuko dahil sa hiya.

 

Ano ba 'yan, Winter! Para kang ewan!

 

Natatameme kasi ako tuwing malapit siya.

 

Kaya nga sapat na sa akin ang pagsulyap mula sa malayo dahil nagiging aligaga ako kapag alam kong malapit siya sa akin.

 

"Kaibigan ka ni Ryujin, 'di ba?" tanong niya makalipas ang ilang minuto.

 

Inangat ko ang tingin sa kanya. Hindi makapagsalita kaya inangat ko ang aking mga kilay.

 

"You're Winter, right? Yung friend ni Ryujin?" tanong niya ulit.

 

Gusto kong sumagot pero naputol ata ang aking mga dila dahil hindi ko magawang magsalita.

 

<
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wnterific
Hello, it's been a while! Na-bz c bading sa skewl kaya ngayon lang ulit nakapag lapag. I missed you, guys!

Message me on cc if your have questions or cure use kayo sa latest entry :P

https://curiouscat.live/jeongzlvr

Comments

You must be logged in to comment
erzcaps27
#1
Chapter 13: Beke nemen po. Part 2 hehehe
Mys_na_kita #2
Chapter 13: Bakit feeling ko based on true events 'tong Aphrodite, kung hindi edi feelingera ako! Sana umamin :>
osumnevercease
#3
❤️
Sakunako08 #4
Chapter 13: Part 2 po sanaaa
Kishamae
#5
Chapter 12: sana may part 2
Neverbealover2
#6
Chapter 12: Author part 2 pls 😭😭😭
CincoYoo
#7
Chapter 11: tibay ahh, 2 years yung space hahaha
CincoYoo
#8
Chapter 12: luh! bat wala🥹
TakuyaKen
#9
Chapter 11: ay hahahaha bawi agad nmn pala😅
TakuyaKen
#10
Chapter 4: You can never get both a sucess in career and lovelife nmn