02

Igniting a Heartbeat
Please Subscribe to read the full chapter

                                      Igniting a Heartbeat

 
'Cause that girl took my heart
And I ain't want it back'

  - Eden
----------------------------------------------------------------------------------------------

"So, saan tayo?"

 

 

She asked once we got inside her car. Pina-andar niya na ang makina, opened the car's aircon at nag start nang mag backing paalis ng parking lot. But before we go completely, bumusina muna siya sa mga kaibigan niya na kumaway lang pabalik sakanya. It seems like they have another car to ride into kaya ganon nalang sila ka nonchalant when this weird girl offered to give me a ride home.

 

 

 

"Sa Felipe Street." I answered, quietly. I saw her nod and type in the address on her phone. Waze pa nga. Pero infairness, ang comfy ng car seat niya ha. Tas ang relaxing din ng amoy ng sasakyan. Mukhang ang sarap tuloy matulog.

 

 

 

"Comfy?" I heard her chuckle while navigating on her phone. I cross my arms and leaned my head to the side at pilit na nilalabanan ang antok.

 

 

 

"Yeah," I sighed atsaka tumingin sa labas. "My name's Winter Leafy Reyes nga pala." I uttered. Inilapag ko na din ang buong pangalan ko for fairness sake and to refrain her from getting wary also. Since I'm practically still a stranger to her.

 

 

 

Kinuha ko rin ang school id tsaka yung mga valid ids ko sa wallet at ipinakita sakanya. "Here's my school id and valid ids to let you know that I'm legit."

 

 

 

"It's okay. No worries." She replied, chuckling.

 

 

 

"Okay." Tumango ako at tumingin ulit sa labas.

 

 

 

"So legit nga'ng Leafy pangalan mo. Not just that, even your first name is unique." Namamanghang pahayag niya. I shrugged.

 

 

 

"Yeah, I get that a lot." I replied, nonchalant about it since I often get compliments about my name.

 

 

 

I mean, sino ba naman kasi ang magpapangalan sa anak nila ng after a season at english word ng dahon diba? My parents obviously. Mahilig kasi si mama sa winter season tas si papa naman ay nangongolekta ng mga iba't-ibang uri ng dahon dati– ay ewan ko ba kung anong trip non?

 

 

 

"Listen, uhmm, about earlier," I hummed and turned to her, hinihintay na matapos ang sasabihin niya. Mukhang nahihiya pa. "Sorry you had to witness that and uhh thank you for saving us." I chuckled a little. So marunong din pala mag sorry at thank you ang weirdong babaeng to.

 

 

 

"Pero kung hindi mo siguro naagapan kanina, baka nasuntok nga niya talaga ang napakaganda kong mukha at mababangasan ang beauty ko kung ganon. Not that it would make my prettiness less pero alam mo 'yun? Hindi kana makakakita ng magandang babae ni'yan Leaf, kasi magtatago ako ng mga ilang araw."

 

 

 

My mouth gaped in disbelief. Seriously, ano bang hini-hithit nitong babaeng to? Nalanghap niya ba ang lahat ng usok kanina sa club at naging ganito siya kahangin?

 

 

 

Or were she drop several times as an infant? Kasi ang lakas talaga ng saltik eh! Tama nga ang sinabi ng kaibigan niya kanina. 

 

 

 

"Ewan ko sayo babae!" Natawa lang siya ng malakas sa reaksyon ko.

 

 

 

The car ride was going smoothly than I expected. I thought na mababanas ako sa paguugali niya–well I still am because she loves to constantly throw her flirty but corny lines here and there along with her kahanginan but it's manageable naman. Binabara ko eh.

 

 

 

She also connected her phone to the car's stereo, so we can listen to some music while she's driving. It's currently her playlist we're listening to.

 

 

 

"Really? Ex-B?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Mga ganitong kanta ang parati kong naririnig sa BGC especially sa Benny's.

 

 

 

"What? Their songs are catchy kaya," She shrugged, looking at me at nag bob up and down pa ng ulo. Sabagay. Halatang BGC girl nga siya. An epitome of 'magandang tambay sa BGC' haha. "Pero secret lang natin to ha." She put her index finger in her lip at nag 'shh' pa. I just shook my head.

 

 

 

"Hey there, Baby. Gusto ko lang na malaman mo na you got me crazy~ ako'y baliw na baliw sa'yo." She sang along. Wow. Hindi ko talaga ine-expect to. Ang sophisticated niya kasi talagang tignan. Hindi mahahalatang may halong kajejehan. Hahaha.

 

 

 

Tahimik lang akong nakikinig sa kanya na hanggang ngayon ay sumasabay pa rin sa kanta, habang nakatingin sa labas. Nabibighani sa mga city lights sa bawat kalyeng madadaanan namin. I bet it's even more awesome to look at on top of a hill that overlooks the city.

 

 

 

"Malapit na tayo." She stated while looking at the gps. Mga ilang minuto nalang siguro ay makakarating na kami sa destinasyon.

 

 

 

At yun na nga, hindi kalauna'y narating na rin namin ang Felipe street. It's a squatter's area at maraming tambay ang nasa labas at nag-iinuman ng mga ganitong oras. Hindi naman alintana sakin kasi halos lahat naman sakanila ay tropa ko. Kung mang-gugulo man sila, aba'y sapak ang aabutin nila sakin.

 

 

 

Papaliko na sana siya sa kanto kung saan nakadestino ang apartment building na inuupahan ko, when I stopped her.  Masyado ng masikip para sa sasakyan niya ang daan kung papasok pa siya. Short walking distance na lang naman, kaya okay na.

 

 

 

"Dito nalang ako." I said as I composed myself para bumaba. I took off the seatbelt first at kinuha ang bag ko sa sahig.

 

 

 

"Sure? I can drive us all the way to your apartment." She asked as she unlocked the door.

 

 

 

"Di na. Hindi na kakasya sasakyan mo sa daan." I replied, ready to leave. "Thank you nga pala." Pahabol kong pasasalamat.

 

 

 

"Uhmm, wait." She held me by the the arm. "Pwede ba muna maki-inom ng tubig sainyo? Tas makiki-ihi narin ako hehe. Kanina ko pa kasi pinipigilan." Nahihiyang tanong niya. I raised my brows. Haynako talagang babaeng to.

 

 

 

Nag-aalangan pa'kong tumingin sa labas kasi kagaya nga nang in-expect ko, ang dami na nga'ng mga tambay sa gilid ng daan. Then I look back again to her and heave a sighed.

 

 

 

Kaya, without much of a thought, I took off my flannel at ibinigay ito sakanya.

 

 

 

"Suotin mo muna 'yan." She raised her brows in confusion. 

 

 

 

"Bakit? It's okay, I'm not cold."

 

 

 

"Suotin mo na dali. Madami na kasing tambay sa labas at ayoko'ng makipag-away sa pangalawang beses, okay? Sira na 'yung phone ko remember? Wala na akong maihagis if ever." She shot me a smirk kaya inirapan ko siya. 

 

 

 

"Pero pwede ring huwag ka nalang maki-inom at maki-ihi sa unit." I acted like as if lalabas na talaga ako when she stopped me. 

 

 

 

"Eto na nga. Yiee, Ikaw ha. Ang sweet." I rolled my eyes again. Ang daming satsat. 

 

 

 

She giggled at sinuot na ang flannel, complying to my request. Tas ang gaga inamoy-amoy pa pagkatapos niya suotin. 

 

 

 

Honestly, hindi ba siya nahihiya sa pinang-gagagawa niya? Kasi ako nalang ang mahihiya para sakanya. 

 

 

 

"Hmm. Smells like you. Ang Bango. Amoy Johnson's baby powder. Wow."

 

 

 

Baliw amp. Hindi ko nalang siya pinansin at nag ready nang lumabas.

 

 

 

"Diyan ka lang muna. Ako na mag-oopen ng car door mo." Her cheeks flushed at my statement. I mentally chuckled. Okay mukha siyang cute don.

 

 

 

"Bakit? May kamay naman ako ah." Nagtataka niyang tanong, face still flushed in red.

 

 

 

"So they'll know that they need to back off." Siga kong sabi. Narinig ko siyang tumawa.

 

 

 

"Ay may pag-angkinan na palang nagaganap. Kilig ako." I pursed my lips.

 

 

 

"Shut up. It's for your safety."

 

 

 

"Bakit? Siga ka ba dito?" Natatawa niyang tanong. Amuse na amuse talaga to sakin no?

 

 

 

"Oo bakit? Gusto mo suntukan?" Paghahamon ko.

 

 

 

"Using our lips? Bet." Ang lukaret nag lip bite't wink pa. Kabanas. Lagyan ko ng kimpit bibig mo diyan eh. Tsk. 

 

 

 

"Ewan ko sayo. Tara na nga."

 

 

 

"Haha. Okay, sure." She replied at lumabas na'ko.

 

 

 

Pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ng sasakyan, nafi-feel ko na agad na pinagtitinginan na ako ng mga tao. Okay, Marites mode:on na sila. 

 

 

 

I just shook my head then proceed to the driver's side para mapagbuksan na ng pinto si weird girl. Then I held my hand out for her to hold on to, which she didn't hesistate to take nang nakangiti at nag simula na kaming maglakad.

 

 

 

Saktong may nakita pa'kong mga binatilyo na tumatambay pa sa labas. Tinawag ko sila.

 

 

 

"Dong! Pakibantayan ang sasakyan na naka-park dun sa may dulo ng kanto. Pag nagasgasan lang ng konti o di kaya nanakawan ng gulong 'yun, lagot talaga kayo sakin." Pagbabanta ko sabay suhol sakanila ng dalawang daan. Natuwa naman ang mga ito at patakbong tumungo sa sasakyan. Good.

 

 

 

"Hoy, Dahon! Ginabi tayo ngayon ah! Tagay ka muna oh." Eto na nga bang sinasabi ko. 

 

 

 

Ningitaan ko lang ang nag-abot sakin ng basong may laman ng alak at tinggangihan.

 

 

 

"Next time nalang manong Kanor. Mag gagabi na rin at pagod na'ko." Pagtatanggi ko at nagpatuloy lang sa paglalakad habang hawak-hawak si weird girl palapit sakin.

 

 

 

Nagtuloy-tuloy ang pag-aaya sakin ng mga tambay na tumagay o di kaya maki-sing-along pero tinanggihan ko lahat.

 

 

 

"Wow! Dahon! Sino 'yang chix na kasama mo? Ang ganda tol!" Ang gago sumipol pa. I felt the hold on my hand got tighter. 

 

 

 

"Kaibigan ko, Rudy. Tsaka huwag ka nga'ng sumipol ng pang-manyak diyan kung ayaw mong bangasan kita." Seryosong pangbabanta ko. Mukhang natakot naman siya kaya umalis din agad bigla.

 

 

 

"Ang astig mo kanina." Namamanghang sabi niya. "But, is this your normal here?" She asked habang papasok na kami ng building.

 

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Makolit
Leafy and Ellyse <3

Comments

You must be logged in to comment
LacusClyne1124
#1
Chapter 15: ❤️
ttblub #2
Chapter 21: Wah! Kabibe at dwadwa twarzan i miss you! Pati na din si bruhilda
iamdevinnn_
#3
rereading! cause i missed baby leafy and ate weird girl 🥺
Jaeeeeee_
260 streak #4
Wow. Special chap pls 🥺
Psykotato #5
Wowowowowow promoted congratssss
ryujinie__
766 streak #6
I MISS YOUUUU
nabs_infp
#7
Chapter 8: 'Yan, tama 'yan. Kiligin ka dapat kay ate weird girl
ROYAL_LOCKSMITH #8
Chapter 7: Pumayag ka na maging street food daddy ni ate rina, ay mali buddy pala. Hahaha.

Or talagang beyond pa yung gusto mo?🤔🤭
ROYAL_LOCKSMITH #9
Chapter 5: Leafy cheering for her ate Rina.🤭
Eli_The_Queen #10
Chapter 29: Still my fave!!🧚🏾‍♀️ thank you for this author🥹