20
Igniting a HeartbeatIgniting a Heartbeat
I finally found you, my missing puzzle piece
I'm complete
Teenage Dream Katy Perry
-----------------------------------------------------------------------------------------------
"Welcome to Isla Del Montezor!"
We all smiled excitedly as soon as the locals welcomed us with their heartwarming greetings as each of them gave us this cute little flower necklaces that we humbly wore and accepted with a bright smile on our faces.
And yes, we have finally arrived here on the island at papalabas na kami ngayon sa airport and isa lang ang tanging masasabi ko so far, at 'yun ay ang sobrang ganda na ng experience namin.
Nagpa-private plane din kasi ang LSMU solely for us– taray nga eh– tas round trip pa with full-expenses paid din. Idagdag mo pa na isa sa pinakasikat na Airlines pa sa Pinas ang sinakyan namin, ang Arezmendes Airlines– which was known for its luxurious traveling style. Kaya A+ na agad sa travelling experience pa lang diba.
"Baby, smile! Gosh, you look so adorable in your cute little flower necklace." I can't help but to chuckle at my girlfriend. Actually, kanina pa 'yan ganyan. Simula nung umalis kami hanggang papunta dito ay walang katapusang compliments na ang nakukuha ko mula sakanya.
And honestly, it's not good for my head. Kasi feeling ko mas lalo na itong lumalaki. Charot! Pero ayun nga. My girlfriend gushes over small trivial things about me and I can't help but to be flattered every single time.
"Baby haha." Hinawakan ko na siya sa bewang para matigil niya na ang kaka-picture sa'kin. Then, I kissed her on the cheeks to compensate. "Maya na 'yan, Mahal ko. I promise, you'll have plenty of time to take some pictures of me later."
"Basta kita 'yung abs ha?" Natigilan ako as my mouth parted but then I quickly let out a small laugh, amused.
"Oo, with abs." Natatawa kong sabat sakanya and I saw how her eyes twinkled at that kaya I decided to . "Love mo talaga abs ko no?" I continued, giving her a playful look.
In return, she also gave me her infamous playful smirk. "I also love you being and being on top of me pero your abs will do muna." I gasped as I felt my face burned bright red. Damn, Karina Ellyse Riego. Wala talagang pinipiling lugar 'yang kapilyahan mo, noh?
Me likey hihi.
"Diba may susundo sa'tin, Love?" Narinig kong tanong ni Ate Giselle kay Ningning. Kagaya ko, nakapatong na din ang braso ng kaibigan ko sa bewang ng kasintahan niya. Andito na din pala kami sa labas ng airport, naghihintay na ng sundo namin daw.
"Yes, love. Pa-service daw ng hotel pero hindi ko alam kung anong hotel though." Sagot ng kaibigan ko habang nagchi-check sa phone niya.
And right as if on cue, may isang puting Van na huminto sa harapan namin and our eyes almost popped out when we saw the logo on the Van.
Casa Verania.
The famous five star hotel-resort of the island. Marami namang nakatayo na hotels dito at lahat sila may mga sariling star din pero ito talaga ang pinaka-engrande sa lahat. Kaya siguro that concludes na everything on this island screams money, luxury, beauty and perfection.
And that also includes that LSMU really did outdid themselves at mapapa-wonder ka nalang talaga kung saan ba nila nakuha ang pera pang-gastos dito.
Pero meh, hayaan niyo na. Hindi naman siguro nila kami babawian sa tuition no?
The van's door finally opened at iniluwa dito ang isang lalaki mula sa passenger seat. Bumukas din ang sa driver's seat pero hindi pa namin makita-kita kung sin.o ang nakasakay dito.
But what happens afterwards just shook the hell out of us, especially me.
"What–" My jaw dropped and my eyes almost popped out in disbelief and amazement because wow, may kamukha ako?
Totoo pala ang multiverse? Lol.
"Wow! Hala ba't magkamukha kayo, Leafy? Kambal mo?" Agad ko namang binatukan si Ryujin.
Ang sobrang layo na maging kakambal ko ito dahil unang-una palang, this one looks like she's straight out of a manga character with her short and messy bright blonde hair na may bangs atsaka mukhang natural din and damn, her eyes though! Mas blue pa 'to sa tubig na nakita namin kanina habang nasa himpapawid pa lang kami ng isla.
Second, ang puti-puti din niya which was so ironic considering na nasa isang isla kami. And finally, she seems like a cheery person too with that jolly smile sporting on her lips and those cheerful sparks in her eyes.
Malayong-malayo talaga sa'kin.
Pero in conclusion, mas mukha talaga siyang may lahing dayuhan to be honest.
"Uh, hi! Ako nga pala si River at eto naman si Marky." Masiglang pagpapakila niya. "We will be at your service for the the day."
"Sino mga magulang mo?" Walang hiyang tanong ni Yuna kaya siya naman ang binatukan ko.
"Huh? Bakit?" Nagtatakang tanong nito. Her eyes were also expressive though.
"Kamukha mo kasi ang kasama namin dito oh, si Leafy." Turo nila sakin kaya napataas ang kilay ko as I awkwardly waved my hand.
With her brows knitted, she looked at me and I got easily fascinated kasi ang ganda-ganda talaga ng mga mata niya. Para kang malulunod dito. Kung kamukha ko nga ito, then ito na siguro ang pinaka-astig na bersyon ko.
Nagulat kami ng biglang tumawa ang kasama niya as she looked at him in the deadpanned manner ever, looking like she's obviously done with it all.
"HAHAHAHA! Ang benta talaga ng pagmumukha mo, Tarzan! Noong nakaraan, napagkamalan ka ding isang sikat na engineer dahil kamukha mo din daw ito. Ngayon naman, may kamukha ka nanaman ulit na turista! Hahaha!" Asar sa kanya ng lalaki.
My blonde, blue eyed kalook-alike only sighed as she clicked her tongue concietedly. "Ganyan talaga basta mga magagandang-pogi, Marky. Madami ding bersyon ang kapogian." Pagmamayabang nito sa kasama and we all laughed at that. "Diba?" She looked at me while wiggling her brows playfully.
"Tama." I agreed, laughing, as I held my hand out. "Winter Leafy Reyes nga'pala, pre. Pero Leafy nalang. Nice to meet you."
Tinanggap naman niya ito habang nakangiti. "Haha. Masyado mahaba ang pangalan ko kaya River Xantander nalang pre. Pero River nalang. Nice to meet you din."
River Xantander.
Wow. Mas pogi pa pangalan nito sa'kin ah. And it's not even her full name yet?
"Ah nga'pala, si Karina, girlfriend ko." Nakangiting pagpapakilala ko kay Karina sakanya. Masiglang nakipagkamayan naman silang dalawa.
Then, bumaling naman ako sa mga kaibigan namin. "At eto naman ang mga kaibigan namin, River." Turo ko sakanila. "Kayo nalang mag-introduce ng mga sarili niyo isa-isa, guys haha." They all rolled their eyes at me and did what I told them to do.
"Haha, nice to meet you all!" Masiglang bati niya pagkatapos makipag-introduce sa isa't-isa. Nagnining-ning pa ang mga asul na mata nito.
"Gago. River, pre. Crush na yata kita." Yuna uttered kaya sinampal naman siya kaagad ni Ate Irene.
"Aray naman, Babe!" Sigaw nito habang sapo-sapo ang pisnge.
"Hindi ako nagpakalbo ng isang araw at nagbayad ng isang milyon kay Karina para lamang magka-crush ka sa iba, Yuna!" Tumawa kami. 'Yan kasi.
"Grabe? Idol lang naman. And as if namang talo kami no? Hindi ko naman siya type eh. Napogian lang talaga ako sa pangalan niya. Mas pogi pa kasi kay Leafy." Natatarantang paliwanag nito habang pilit na niyayakap si Ate Irene na nagpapabebe pa.
But my brows raised at her last sentence. Aba ha.
"Medyo na-offend ako sa 'hindi mo ako type ha'. Pero ayos lang naman haha. A breath of fresh air ika nga." She laughed, winking, atsaka tumingin na kay Marky. "Hoy Mark, kunin mo na nga ang mga luggage nila at para maka-alis na tayo dito dali."
"Ay sorry!" Paumanhin ng kasama niya atsaka dali-daling kinuha ang mga dala namin at pinaglalagay sa likod ng van.
"Sorry for the delay nga pala guys ha. Sakay na po kayo." She brightly opened the door for us.
"Wait. May isa pa sana kaming tanong sayo. Kung okay lang?" She stopped and looked at us, anticipating our question.
"Oks lang mga erp. Go!" We slightly chuckled. Ang energetic niya. Malayong-malayo talaga sa'kin haha.
"Natural ka ba?" Gago? Agad naming binatukan si Chaeryoung. Ano ba 'yan! Hanggang dito ba naman mga bonak pa din ang mga kaibigan ko?
"Haha, ano?" Natawa siya ng mahina sa tanong ni Chaeryoung as she she leaned her body to the side of the van's sliding door, crossed her legs and arms while she gave us an amused look with that super fascinating blue eyes of hers.
Ang igop naman! Now, approved na approved na talaga ako na maging kamukha siya.
"What we meant is kung natural ba ang buhok mo, kutis mo, atsaka 'yung mga mata mo pre. Ang illegal kasi na sobrang napakaganda ng pagkaka-blue nito eh."
Natawa muna siya bago sumagot. "Expected. Palagi din kasi 'yang itinatanong sakin." She pouted. "Pero oo, natural lahat ito." She spread her arms to the side at pabirong umikot. "Pinanganak na talaga akong ganito kaganda at kapogi."
Wow. Ang hambog. Pero deserve din naman niya haha. Magkamukha kami eh. Kung poging-maganda siya, edi poging-maganda din ako. At kailangan ipagmayabang 'yun.
"Tara na nga guys." Natatawang pag-aaya ko sakanila pagkatapos ay tumingin na sa Mahal ko. "Let's go na, Baby?" I asked and she nodded, smiling brightly.
Inalalayan ko muna siyang makapasok bago ako sumunod. The rest of my friends also did the same to their girls.
Pagka-upo na pagka-upo ko palang sa tabi ng girlfriend ko, she immediately grabbed my hand and intertwined it with hers pagkatapos ay ipinatong ang ulo sa balikat ko kaya napangiti naman ako habang kinikilig.
At dahil nga kinikilig ako ng malala, sinuklian ko din siya ng isang matamis na halik sa ulo niya, causing her to smile widely.
"Ba't hindi ka pala masyadong na-impressed kanina?" Mahinang tanong ko, pertaining to my look-alike.. Tumatakbo na ang kotse kaya we busy ourselves sa bawat magagandang tanawin na madadaanan namin. Grabe, ang ganda talaga dito.
"Hmm, actually, sanay na ako makakita ng magkaka-mukha since I got a few look-alikes of my own." My brows raised in so much interest and wonder. "Kaya it's not a surprise for me na."
"Talaga? Totoo?" Hindi makapaniwalang sagot ko.
"Yes, Baby. As a matter of fact, I already met two of my kalook-alikes na nga eh. The first one is 'nung nasa Hollywood ako. Tas 'yung isa naman ay 'noong pumunta kami nila Mama sa bansang Montalli for a short business trip."
My brows raised. Ay wow? Ba't ang-gagara ng mga kalook-alikes niya? Nasa ibang bansa pa talaga ha.
"Hindi ba tayo na-doctor strange? Baka hindi lang na'tin alam, naka-open na pala ng portal si America Chavez dito tas unknowingly, nakapasok tayo omg."
My girlfriend laughed as she brushed her hands on my jaw and I automatically shivered. "I'm surprised na alam mo pa 'yung plot considering na noong nanood tayo kahapon, iba ang pinagka-abalahan mo."
I blushed.
"Multitasking kasi 'yun, Babe! Haha." Humagikhik kaming dalawa. Oh the things that we do whenever we're alone together.
"Mga ma'am! Andito na po tayo!" Isang malakas na boses ang nakapagpa-gising samin mula sa isang malalim na tulog.
Medyo maypagka-malayo rin pala ang hotel kaya hindi na namin namalayan na nakatulog na pala kaming lahat sa byahe– well except sa driver naming kalook-alike ko at sa kasama niyang si Marky.
"Ang sarap-sarap po ng tulog niyo! Ang kyu-kyut! Pero baba na po kayo para makapag-pahinga na kayo ng maayos sa mga hotel rooms niyo." Napatawa naman ako ng mahina. River(italic). What a cheerful girl talaga. Kaya bagay na bagay lang sakanya ang personality niya sa pisikal na anyo nito, bright.
Pumasok na kaming lahat sa loob ng hotel and once again, we were bombarded with so much extravagance and amazement. Ang expensive naman dito! Talagang mahihiya ka nalang na itapak ang marurumi mong mga paa sa white marbled floor pati na din sa gold accent wall ng paligid– na alam kong totoo sa the way ng pagkintab nito.
Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig nito habang sinisigaw-sigawan ng hampas-lupa into 100 different languages.
Iginayak na kami ni River sa reception para kuhanin na ang mga susi ng rooms namin. Hindi katulad sa inaasahan ng grupo na magsasama-sama kami sa iisang kwarto, instead, five separate rooms were given to us. Para daw may privacy ang bawat mag-partners.
At ito pa ang pinakamalupit. Dahil puros mga luxury suites ang ipina-reserve para samin and take note, okupado din namin ang buong floor para hindi rin daw kami maistorbo. Edi sana all nalang talaga!
Pero given the current situation right now, it will truly make you second-guess if it's really our school, LSMU who provided all of this. Kasi ang imposible na eh. Ang mahal-mahal kaya ng per night ng luxury suite ng Casa Verania tas buong linggo pa kaming magsta-stay dito? Tas full-expenses paid pa?
Kung hindi pa sila maba-bankrupt pagkatapos nito, then that shows na sobrang yaman talaga ng school namin or... maybe, meron talagang nag-provide ng sponsor para sa trip na'to.
Someone na makapangyarihan. Someone na kayang bilhin ang buong katauhan mo. And someone na sa sobrang yaman, mapapaluhod ka nalang sakanila.
Someone like my girlfriend perhaps? O di kaya sila Tita and Titalola since notorious rin 'yung dalawang 'yun pagdating sa pagbibigay ng luho.
Tinignan ko naman ang girlfriend ko who looks so gorgeous and innocent in her yellow flowy summer dress na hanggang sa mid–thigh niya lang ang haba tas ang brown wavy hair niyang bagay na bagay talaga sakanyang mukha. Tangina ang ganda talaga– pero hindi muna 'yan ang punto!
I mean, hindi naman ako galit. Sadyang curious lang. Pero what if kung rigged lang pala ang pagkakapanalo namin, no? Wew, overthink malala yarn? Hindi naman siguro ganon ang nangyari so I quickly shook the thought away.
Napansin naman agad ng mahal ko na kanina pa ako nag-iisip ng malalim kaya she gently carressed her hands on my cheeks at automatikong na-relax naman ako ng dahil don.
"You okay?" Tanong niya, concern was written in her dark, playful eyes. I smiled softly at kinuha ang kamay niya sa mukha ko as I gave it my usual kiss.
"Oo naman." Mahinang sagot ko. "Pero may tanong lang ako." I continued and she hummed in return, waiting for me to ask her the question.
I playfully squinted my eyes at her and she softly snickered. "Aminin mo na, may kinalaman ka sa lahat ng ito no?" I softly accused her and she raised her brows fully knowing what I actually meant.
Tumawa siya ng mahina before answering my question with a sincere look of apology on her face. Sabi na eh. "Sorry, Mahal ko. Actually, lahat kami ng kaibigan ko– pati na din sila Mom and Mommylola have a say in all of this. And it was also supposed to be a secret din dapat but you just have to so sharp and smart about it." Puri nito sakin as she pinched my cheeks.
"But... rest assured na hanggang prize award lang talaga kami. 'Yung pagkaka-panalo niyo, it was your own effort and perseverance talaga kaya tayo nandito ngayon. We only just want what's the best for our girls– hence this much deserved award." I pursed my lips. Okay, that somehow took the worry out in me. Sabi ko nga, hindi naman ako galit.
"Are you mad, Mahal?" Parang batang nag-pout at puppy eyes naman ito sa'kin. How adorable! I bit my lips.
Hayna'ko. Ang rupok-rupok ko talaga pagdating sakanya pero I think tama lang. Atsaka, hindi ko naman kayang magalit sa mahal ko who did nothing wrong but to always give me the best of what she could offer.
Needless to say, wala na akong ibang maihihiling pa dahil Karina Ellyse Riego was already giving her all to me.
"Hindi naman ako galit, Mahal. Pero... paparusahan pa rin kita mamaya for keeping it a secret from me." She gulped and I smirked. Then, I lightly gave her hand a light gentle squeeze, smiling. "Tara na?"
I noticed my friends were already ahead of us kaya nag-start na din kaming lumakad. Our luggages were already placed on the trolley cart and was being pushed by the bell-boy.
While we were on our way towards the elevator, may isang napakagandang bata ang sumalubong kay River at may kasa-kasama din itong dalawang babae.
"Twarsan!" Napangiti kami sa mala-cute na boses nito. Pe
Comments