03

Igniting a Heartbeat
Please Subscribe to read the full chapter

                                      Igniting a Heartbeat

 

 

 

And I swear the magnolias flashed a smile

And That's when I caught me

Hoping you'd stay a while 

 

  - Every Summertime Niki

----------------------------------------------------------------------------------------------

"Naku, Ma'am. Masyado na pong luma ang unit ng cellphone niyo. Hindi na po to maaayos." 

 

 

 

 

Napabuntong hininga naman ako. This is officially the 10th cellphone repair shop na napuntahan namin inside the mall, and the 10th cellphone repair shop na parehos lang rin naman ang response na ibinigay samin. 

 

 

 

 

Kesyo luma na ang unit ng cellphone ko kaya hindi na maaayos. Kesyo hindi na available ang parts ng unit dahil discontinued na daw ang pag ma-manufacture nito.

 

 

 

 

Edi sana mag-sara nalang sila! 

 

 

 

 

 

De joke lang. 

 

 

 

 

 

Nababatrip lang talaga ako. Kanina pa kasi talaga kami paikot-ikot dito sa mall, looking for some decent cellphone repair shops na binigo naman kami sa mga sagot nila. 

 

 

 

 

 

In short, wala na talagang pag-asa pa na maaayos ang pinakamamahal kong Samsung Galaxy Y. Ang phone na pinag-ipunan ko pa ng buto't pawis ko. Kakaiyak tuloy huhu. 

 

 

 

 

 

Pero, mas sinisisi ko talaga 'yung kakapalan ng mukha ng ex ng weirdong babaeng to sa mga kamalasang nangyayari ngayon sa cellphone ko! 

 

 

 

 

 

And lowkey na highkey si weird girl din. 

 

 

 

 

 

Bakit kasi pumayag-payag pa siyang makipag-date sa eskandalosong kumag na 'yun knowing na ginagawa lang naman pala siyang trophy gf? 

 

 

 

 

 

Pati na rin ang chismosang sarili ko na nakisali pa sa gulo nila. 

 

 

 

 

 

Edi sana wala ako sa ganitong sitwasyon ngayon. Tsk. 

 

 

 

 

 

I ponder in my head kung may budget pa ba akong pwedeng ipambili ng bagong cellphone. Eh kaso, feel ko naubos na ang lahat nang 'yun kakabayad sa utang. Peste talagang utang 'yan. Tsk. Ayoko namang pagbilhin ng bagong cellphone 'tong kasama ko kasi ang usapan lang naman namin ay hanggang repair expenses lang. 

 

 

 

 

Ayoko namang mag mukhang makapal ang mukha no. 

 

 

 

 

"Are there no any other way to fix this problem, Kuya? Wala na po ba talaga?" Tanong ng katabi ko. 

 

 

 

 

Napa-awang naman ang bibig ng lalaking bantay at natulala kaya I cleared my throat at pasimpleng sinamaan siya ng tingin. Nagising naman siya at napatikhim. 

 

 

 

 

 

"W-wala na po talaga."

 

 

 

 

Nanlulumo na talaga ako. 

 

 

 

 

"Ay! Actually meron pa po pala!"

 

 

 

 

Our attention went back to him again. 

 

 

 

 

 

"What is it?" 

 

 

 

 

 

"Ang bumili ng bago!" 

 

 

 

I clenched my jaw sa inis. Natawa naman ang kasama ko kaya dali-dali ko siyang hinila palabas bago pa'ko makapag-commit nang murder. 

 

 

 

 

 

"I admit, ang benta non ah." Natatawa pa rin siya hanggang ngayon. 

 

 

 

 

 

"Tapusin mo na 'yang tawa mo para maka-alis na tayo dito." Pagsusungit ko.

 

 

 

 

 

"Haha eto na nga. Ang sungit mo talaga," She pouted. "pano kung... sabayan mo rin kaya ako tumawa?" Pag-hahabol niya kaya I gave her a glare. 

 

 

 

 

 

How am I gonna laugh kung badtrip na badtrip na'ko? 

 

 

 

 

 

Instead, napabuntong hininga nalang ako. Mabuti pa nga't ikakain ko nalang muna to. Nagugutom na rin kasi ako kakalibot. 

 

 

 

 

 

"Oh tapos kana? Tara na, kumain na nga lang muna tayo." Pag-aaya ko after her laughing fit. 

 

 

 

 

 

"Yes, please. Nagugutom na rin ako kanina pa," She pouted kaya napailing ako. Panay pout amp. Nagmumukha na siyang bibe. I grabbed her hand at hinila na siya palakad. 

 

 

 

 

Mabuti nalang talaga at hindi na sumama samin ang mga entourage niyang bodyguards kanina. Well... except sa dalawa na nagtatago ngayon sa mga sulok ng mall na ito, radius away from us. 

 

 

 

 

Utos din kasi ng babaeng to. Ang weird at awkward daw kasi na may bumubuntot samin na mga naka suit na lalaki at malalaki pa ang katawan, to which I immediately agreed naman para maka-iwas na rin ako sakanila. 

 

 

 

 

Magmula't kasi kanina ay hindi na nila ako tinantanan ng mga mamasamang tingin nila. Tapos hindi ko pa alam kung bakit. Nang tinanong ko naman 'tong weirdong babae na'to, tinawanan lang ako as a response. Edi wow. Ang tino ng sagot. 

 

 

 

 

 

Tsaka, kahit pa na sabihin natin na maangas ako sa kalye namin, hindi ko parin maipagkakaila na hanggang don lang ako. Eh, halos mga patpatin lang naman kasi ang mga nasa street namin kaya ganon ang angas ko dahil kampante ako na mapapatumba ko sila. 

 

 

 

 

 

Eh kaso... itong mga bodyguards ni weird girl ay close to being AOT's titans na sa laki ng katawan! Idagdag mo pa na para bang kakainin ka nila ng buo kagaya nung sa anime, sa sama nang mga tingin nila. 

 

 

 

 

 

Kaya katakot tuloy. 

 

 

 

 

 

"Saan tayo kakain?" She asked after we finally arrived at the food court where all the different food chains are allotted. 

 

 

 

 

 

 

"Don" Turo ko sa Mang-Inasal. Feel ko kasi kumain ng unli rice ngayon. 

 

 

 

 

 

"Uy sakto!" Masigla niyang sabi kaya napatigil naman ako. She also stop at tinignan ako nang nagtataka. 

 

 

 

 

 

"Oh bakit?" 

 

 

 

 

 

"Ah wala. Kumakain ka pala sa mga ganitong fast-food restaurant?" I asked. She giggled. 

 

 

 

 

 

"Oo naman. Ano ba tingin mo sakin?" 

 

 

 

 

 

I shrugged, "Maarte?" I answered in full honestly kaya she looked at me in complete shock pero tumawa din naman siya. 

 

 

 

 

Nagulat talaga ako, okay? 

 

 

 

 

Karamihan kasi sa mga nakikilala ko'ng mayayaman– hence mga blockmates ko sa LSMU– ay takot kumain sa mga ganitong klaseng food chain. Only sa Mcdo lang na madalas pang mapagkamalang streetfoods. 

 

 

 

 

Edi wow. 

 

 

 

 

Kung 'yun ang streetfoods sa kanila, eh ano nalang kaya ang tawag sa mga totoong streetfoods talaga kagaya ng mga kwek-kwek o fishball? Pang poor people food? Ay ewan. 

 

 

 

 

Anyway, back to the topic. Ang sabi nila ay pang cheap daw kumain sa mga ganitong klaseng restaurant. Edi wow ulit sakanila. Hindi ba nila alam na they're missing out big time? Ang sarap-sarap kaya ng manok at pa unli-rice ng Mang Inasal. Samahan mo pa ng sawsawan, chicken oil at pa unli sabaw din. 

 

 

 

 

Talagang solb na solb ka everytime!

 

 

 

 

"Ay grabe ka naman maka-assume sakin haha." She responded, acting like she's hurt about sa sinabi ko kanina, with her hands on her chest but there's also a playful smile dancing on her lips. 

 

 

 

 

"Maganda at y lang ako, pero kayang-kaya kitang talunin sa padamihan nang nakaing kanin." I scoffed. Nakuha pang mag-buhat ng sariling bagko eh no. 

 

 

 

 

 

"Yeah, right." I snarked tsaka pinasadahan ng buong tingin ang katawan niya. 

 

 

 

 

 

I mentally shook my head. 

 

 

 

 

She looks like she's the health conscious type base sa super fit at y niyang katawan kaya hindi ako naniniwala na kaya niya'ng kumain ng napakaraming kanin considering na carbs 'yun. 

 

 

 

 

Then my eyes went back to her face... specificaly on her lips that's now sporting an annoying smirk. 

 

 

 

 

Agad naman akong nag-iwas ng tingin and then I cleared my throat. 

 

 

 

 

 

"I doubt that." I continued once I found my voice back. 

 

 

 

 

 

"Yeah? Then, kung hindi ka naniniwala, edi pustahan." Panghahamon niya kaya tinaasan ko siya ng kilay. 

 

 

 

 

"Di mo sure. Nakaka-anim ako nang hirit parati." 

 

 

 

 

"Anim lang? Ang weak mo naman." She teased back. 

 

 

 

 

"Weh ba? Baka nga magsuka ka na diyan sa pang half-rice pa lang eh." 

 

 

 

 

"Di mo rin sure. Kaya pustahan na tayo to find out." Pinupush niya talaga ang pustahan-pustahan eme na niyan. 

 

 

 

 

"Okay, game. Basta, pag nanalo ako, you'll stop pestering me?" I laid my condition. Ngumiti lang siya at tumango. 

 

 

 

 

"Deal. And if I win, I have 2 conditions that you will do and accept no matter what." I raised my brows again. 

 

 

 

 

"Pag 'yan kalokohan na naman-"

 

 

 

 

"Hoy! I'm not like that ah. Of course, no funny business related." She raised her right hand, promising. 

 

 

 

 

I sighed. Sige na nga. Para matapos na'to. I'll humor her and join her in her own game of defeat. 

 

 

 

 

"Okay, fine." I accepted her challenge as we seal it with a handshake. 

 

 

 

 

After that deal ay pumasok na rin kami agad sa loob ng restau, at ngayon ay nakaupo na kami sa isang table malapit sa bintana habang hinihintay ang order namin. Ang dami ring mga kumakain kaya napaka-busy ng ambiance, tas pabalik-balik din from table to table si Kuya na naglalako ng unli-rice. Kawawa tuloy. 

 

 

 

 

"So anong ipapagawa mo sakin, if ever na manalo ka?" I asked, curiously, dahil push na push talaga siya sa game na'to, "if ever lang naman ha. As if na mananalo ka talaga." I continued. 

 

 

 

 

She chuckled and leaned forward kaya napa atras ako sa upuan ko, "Later nalang pag natalo na kita." inismiran ko siya, scoffing. 

 

 

 

 

"As if naman talaga kaya mo." I mocked again but she just threw me a challenging smirk. 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Makolit
Leafy and Ellyse <3

Comments

You must be logged in to comment
LacusClyne1124
#1
Chapter 15: ❤️
ttblub #2
Chapter 21: Wah! Kabibe at dwadwa twarzan i miss you! Pati na din si bruhilda
iamdevinnn_
#3
rereading! cause i missed baby leafy and ate weird girl 🥺
Jaeeeeee_
261 streak #4
Wow. Special chap pls 🥺
Psykotato #5
Wowowowowow promoted congratssss
ryujinie__
768 streak #6
I MISS YOUUUU
nabs_infp
#7
Chapter 8: 'Yan, tama 'yan. Kiligin ka dapat kay ate weird girl
ROYAL_LOCKSMITH #8
Chapter 7: Pumayag ka na maging street food daddy ni ate rina, ay mali buddy pala. Hahaha.

Or talagang beyond pa yung gusto mo?🤔🤭
ROYAL_LOCKSMITH #9
Chapter 5: Leafy cheering for her ate Rina.🤭
Eli_The_Queen #10
Chapter 29: Still my fave!!🧚🏾‍♀️ thank you for this author🥹