16
Igniting a HeartbeatIgniting a Heartbeat
Hold my breath as you're moving in,
Taste your lips and feel your skin.
When the time comes, baby don't run, just kiss me slowly.
Kiss me slowly Parachute
----------------------------------------------------------------------------------------------
"Uhm, what do you want to talk about?"
Timid at puno ng kaba kong tanong sakanya. I then looked at her, searching for any signs of playfulness on her expression but I found none of it. Which means na seryoso talaga siya sa sinabi niya.
Her brows furrowed for a few seconds before staring back at me with her lips slowly forming into a tiny smile.
"Wait, baby? Are you nervous?" Tanong nito sakin and I raised my brows.
Damn, Karina Ellyse Riego, hindi pa ba ako halata?
Even so, I still nodded and gulped.
Her expression suddenly went soft. She then ran a hand on my hair and gently squeeze my thighs.
"Baby, there's nothing to be nervous about. I promise, I'll be gentle–" Okay, nawala na bigla 'yung kaba ko. I crinkled my nose at lumayo ng kaunti sakanya, all while giving her a malicious look.
"Sinasabi ko na nga ba! Scam ka!" I pointed my index finger at her. "Basta talaga pag Riego ang mga apliyedo eh, expected nang mga scammer ang mga 'yan," Himutok ko.
Her brows shot upwards as she shoot me an amused and entertained look.
Grr, gustong-gusto niya talaga na inaasar ako palagi, noh?
She giggled. "I'm just joking, Baby Leafy ko." Panlalambing niya sa'kin as she wrapped her arms around my waist and nuzzled her nose on my neck.
Tinaasan ko lang siya ng kilay. Nako, Karina Ellyse Riego. Kung sa tingin mo madadala mo'ko diyan sa mga paganyan-ganyan mo na 'yan? Aba'y tamang-tama ka nga!
Pota, ang landi-landi at ang rupok-rupok mo naman, Winter Leafy Reyes!
I released a contented sigh as I put an arm on top of her shoulders. Then, I bit my lip to stop myself from grinning wide habang pinipigilan din ang impit ng kilig na nagbabadyang lumabas.
Punyeta. 'Yung kalamnan ko, beh. Parang mangingisay na ata sa kilig.
"But I'm really serious about the talk later, baby ko." I nodded. I guess we really can't help it. Kung ano man ang pag-uusapan namin mamaya, I hope at the end of it, may label na kami. Chour!
"Okay. Pero promise me, gentle lang ha." This time, pagsasakay ko na sakanya kaya napatawa siya at hinampas ako ng mahina sa braso.
"Hello po, sorry po sa abala ha. Nakakahiya naman sainyo, pero tayo na po ang next na magpe-perform. Yes po? Opo." I rolled my eyes. Tsk, istorbo ka, Ryujin. De joke lang.
Labag man sa loob ko na kumalas sa yakapan namin ni Karina, I did what I have to do. Chour! Akala mo naman talaga eh no.
Pero that doesn't mean na hindi ako magdadabog. Hmmp.
I clicked my tongue as I readied myself to stand up. But before I could even do so, my girl stopped me for a second. Nagtataka ko naman siyang tinignan– to which she only responded with a soft giggle.
"Wait lang. May ibibigay lang ako sayo." I nodded, smiling.
She then proceeded on fixing my collar for the last time habang ako naman ay tinignan lang siya ng mabuti, basking my eyes with her pretty features.
Ang ganda talaga. Promise, ipagmamayayabang ko tagala 'to nang todo-todo, everyday and everynight, kapag sinagot na'ko nito all because she deserves it.
I mentally snickered at the thought.
Naghintay lang ako ng kung anumang ibibigay niya sakin when in an instant, I felt her soft plump lips against my cheeks. Nanlaki naman agad ang mga mata ko and my breath hitched.
"There, a goodluck kiss." She muttered afterwards while I stood there frozen. "Dance well haha."
Jusmiyo marimar naman. Sa simpleng paghalik palang sa pisnge ko ay para na'kong mamatay sa bilis nang pagtibok ng puso ko, paano pa kaya kapag...
I mentally groaned, dramatically. I guess, ito na ata ang tamang panahon para mag-invest na'ko ng kabaong sa St. Peter, noh?
"Hoy, Leafy!" Nakabalik lang ako sa ulirat nang tawagin ulit ako ni Ryujin. I stole a one last glance towards Karina at ang gaga, kinindatan lang ako while blowing me a kiss at the same time.
I clenched my jaw at dali-dali nang bumaba. I can't stay here long enough at baka sa St. Peter na talaga ako pupulitin– with my groupmates as the culprit this time.
Habang pababa, I placed a hand on the area where she kissed me earlier at automatikong namula.
But, it felt warm though.
And I'm comvinced that I want more. Not just on the cheeks this time.
As I thought about it, I finally arrived into a conclusion na mamaya, itutuloy ko na talaga ang inudlot niya kagabi– the almost kiss.
I mentally smirked.
Looks like ako pa yata 'yung magiging scammer sa'ming dalawa ah.
"I saw that." Panunukso sakin ni Minju the moment I got down. I just gave her a soft chuckle as we position ourselves to dance.
The music started and we moved our bodies to the rhythm. Hindi naman mahirap ang steps, hindi din madami pero, almost half of it ay kailangang umikot-ikot kaya nakakahilo tuloy.
It also doesn't help na uulit-ulitin pa namin ang steps sa loob ng tatlong minuto– as this was our given minimum time required.
Kaya siguro ambilis magoyo ng mga sinaunang lalaki sa mga babaeng nililigawan nila ay dahil literal na pinapa-ikot sila ng mga ito.
Okay, corny!
Finally, matapos ng tatlong minutong pagsasayaw ay natapos na din kami. We were the third out of six groups sa sequence ng performance kaya kaunting hintay pa at dismissal na din.
Dali-dali akong umakyat pabalik sa pwesto namin, at agad naman akong sinalubong ni Karina ng isang napakalaking ngiti. And let me tell you this, her smile, oh her lovely smile, were very contagious kaya I can't help but to return it to her with an even more amount of intensity.
"You did great, Baby," Puri nito sakin nang makalapit na'ko sakanya and if it's possible, my smile became even more wider.
Bahala na kung mapunit man ang bibig ko kakangiti ng malaki haha.
Pero eto ah, realtalk. Oo, sa iba oa o di kaya cringed man pakinggan para sakanila 'to, but, to be praised for even doing the simplest thing like that by the person you love, can legit make you feel like you did the most grandest action of all time.
I don't know how to explain it properly pero 'yung para bang she saw through my efforts and all and acknowledged them. Yes, 'yung parang ganon.
Oh, and did I also mentioned that it would make your heart go into series of frenzy? Because it surely does with mine almost everytime.
She handed me a bottle of water at tinanggap ko naman ito. I then thanked her by giving her a kiss on the cheeks, making her flustered. Normal na ata sa'ming dalawa ang mamula tuwing may gagawin kaming something sweet para sa isa't-isa haha.
While I was drinking, kumuha din siya ng handkerchief mula sa bulsa niya at pinunasan ang namuong pawis mula sa noo't leeg ko.
Isa pa 'to. My heart swelled with so much delight from being babied and taken care of. And sa totoo lang, I really love and treasure every second of it.
"Salamat sa papuri, retsam." Biro ko pagkatapos kong uminom ng tubig to cover up my overjoyed feelings.
She laughed. "Pustahan, nahilo ka noh? Naka-ilang ikot din kasi kayo sa loob ng three minutes eh haha."
I quickly nodded atsaka ngumuso. "Oo, nahilo talaga ako, sobra." I replied. But then, I immediately thought of something as I straighten my body, preparing na mapahiya. "Actually, palagi naman ata." Kumunot ang noo niya.
"Huh?"
"I mean, palagi naman kasing umi-ikot ang mundo ko para sayo. So, sinong hindi mahihilo don?" Simpleng banat ko as I quickly looked away while having a lopsided grin sporting my lips. Oh, screw the embarrassment pala. Dahil potek, pati sarili ko ay kinilig din don ah.
Well, baka Winter Leafy Reyes 'yan.
Tumingin ulit ako sa gawi niya and laughed when I saw how red her face was. Hmm, matukso nga haha.
"Yiee, kinilig ka no?" Pang-aasar ko habang sinundot-sundot ang tagiliran niya. Napabalikwas naman siya at natatawang hinuli ang daliri ko.
"Leafy," Tawag niya sakin and I hummed, waiting for her to continue. "Babe, kelan ka pa naging corny?" I immediately frowned while she continued to cackle.
"Awts. Corny pala ako ah." I sulked. Pero joke lang, syempre.
Napansin naman niya ang ekspresyon ko kaya mas lalo pa siyang natawa.
"Ang very matampuhin at pikunin naman ng baby Leafy ko na 'yan." Panunukso niya habang pilit na inaabot ang pisnge ko para kurutin, and after a few seconds of struggling on evading her, I finally let her pinched my cheeks while chuckling in the process.
"Yaw ko na. Corny pala ako ah." I pouted in between her hands, rolling my eyes.
She giggled. "And it's one of the many reasons why I'm so head over heels over you, Baby." She honestly stated kaya ako naman ngayon ang namula. Grabe lang talaga magpakilig 'tong babaeng to!
"P-Pano muna 'yung head over heels?" My poor attempt of coming back at her. She laughed.
"Like I could kiss you right here, right now just because you're being so adorable kind of head over heels." Putangina naman Karina Ellyse Riego! Promise, tutuparin natin 'yan mamaya! Period, no erase!
I cleared my throat. "Patay na patay ka talaga sakin no?"
She raised her brows and then scoffed playfully.
"Baby, pag patay na, hindi na tumitibok ang puso. So, paano ako magiging patay na patay sayo, kung tibok nang tibok itong puso ko para sayo?"
, she won! I'm raising my white flag! I'm admitting my defeat!
Karina Ellyse Riego is just an undefeatable foe when it comes to flirting!
"Ewan ko sayo." Nanggi-gigil kong saad to cover up my own giddiness. She only snickered and bumped her shoulders with mine.
Napunta ang atensyon naming lahat sa baba when our P.E teacher, Miss Leizel, clapped her hands loudly to gather our attention. It seems like tapos na din ang ibang groups. Hindi kasi ako nakapanood ng maayos kanina dahil alam niyo na, naka-focus lang ako sa nililigawan ko.
Sorry not sorry.
"Wow naman," She opened. "First of all, I would like to thanked each and everyone of you for the wonderful performance. Halatang pinaghandaan niyo talaga, tas ang gaganda din ng mga costumes niyo."
"Sus, maliit na bagay Miss Li!" Pagmamayabang ni Ryujin that made us all laugh. Kahit kailan talaga, itong babaeng 'to, napakakulit.
"Haha, that's the spirit, Ryujin." She jokingky acknowledged atsaka tumingin samin. "Well, I don't want to make you guys wait dahil alam ko namang uwing-uwi na din kayo kasi honestly speaking– same." We laughed. Vibes na vibes talaga 'tong si Miss eh, pwera nalang sa mga P.E activities niya.
"Kaya okay, class dismissed." Napahiyaw kami sa tuwa. The best talaga. "I will just send your scores later sa mga leaders niyo. Have a nice day, everybody!" Paghahabol niya before we completely disperse into thin air– around school.
"Saan tayo kakain?" 'Yan agad ang bungad na tanong ni Yuna after we all went out sa gym. I looked at my wristwatch at saktong 11am na din pala. Usually, lunch time na namin 'to.
"Gusto ko sa Jollibee!" Parang batang sagot ni Ryujin. Then, tumingin siya sa'min especially at Ate Yeji who only stared at her with a delighted smile. "Guys, Jollibee tayo, please." She pleaded with her hands clasped together.
"Gusto mo lang bumili ng Jollibots eh." Asar ko. Well, loweky ako din naman kasi ang cute talaga.
"You also want one, no?" Karina whispered, teasing me. Nahihiyang tumango ako kaya napatawa siya ng mahina.
Ipinatong niya ang kanyang kamay sa balikat ko atsaka bumaling sa mga kaibigan namin. "Jollibee kami ng baby ko, kayo?"
"Landi!" Umismid muna silang lahat bago sumagot. "Jollibee din."
"Yey! Let's go na?" Aya ni Ryujin na alis na alis na talaga.
"Hephep! Magpalit muna kayo bago tayo umalis." Parang nanay na pigil ni ate Irene. "Yuna, did you bring an ex
Comments