- 6 -

Bahaghari (editing)
Please Subscribe to read the full chapter

Nagising ako ng mga 4am dahil hindi talaga ako sanay matulog sa ibang lugar. Natutulog pa lahat ng kasama ko kaya naman naisipan kong mauna na maligo para hindi mahirap mamaya dahil marami kaming mga estudyante ang gagamit ng shower. Kinuha ko yung mga gamit ko sa gilid kaso hindi ko makita kaya binuksan ko nalang yung flashlight, nasaktuhan namang nakatapat yung ilaw sa mukha ng katabi ko. . Gumalaw-galaw siya saglit kaya hindi na muna ako gumalaw para hindi magising. Maya-maya ay natulog naman siya ulit. Kinabahan ako dun ah.

 

Lumabas na ako ng room at pinagsisihan ko naman agad dahil sobrang dilim pa. Tulog pa ata lahat ng tao rito. Napapalayo na ako ng sobra sa room namin kaya medyo natatakot na talaga ako. Bakit ba kapag natatakot ka mas tatakutin ka pa ng utak mo? Naisip ko bigla yung mga aswang na napanuod ko, yung mga zombie, puta pati yung mga mamamatay tao tsaka bampira. Tangina babalik nalang---

 

"AY PUKE MONG NALAGLAG!" Nabitawan ko lahat ng dala kong gamit dahil may biglang humawak sa balikat ko na ikinagulat ko naman.

 

Narinig ko yung mahinang tawa niya bago siya magsalita, "Wag ka mag-alala, nandito pa naman. Hindi nalaglag." Nag-adjust na yung mata ko sa dilim at nakita kong si Minjoo pala.

 

Bahagya ko siyang tinulak dahil tawa parin siya nang tawa. "Leche ka. Halos atakihin ako sa puso."

 

Tinulungan na niya akong pulutin yung mga nahulog ko. Maliligo narin pala siya kaya nagsabay na kaming pumunta sa shower room dito.

 

"Hindi ka rin ba sanay? Kaya nagising ka rin ng maaga?" Tanong ko dito at pumasok na sa isang cubicle.

 

"Nagising mo ako e. Yung flashlight kasi ng phone mo natutok mo sa mukha ko." Narinig ko siyang pumasok sa tabing cubicle kung nasaan ako. 

 

"Hala, ikaw ba yung katabi ko?! Sorry! Akala ko naman natulog ka ulit." 

 

"Sinubukan ko kaso wala na e. Kaya bumangon nalang ako. Gusto ko rin makita sunrise e. Kaya dahil ginising mo ako, sabay nating papanuorin." Excited niyang sabi.

 

After 30 minutes ay natapos din kami. Binalik na namin yung mga gamit namin at dali-daling umakyat sa rooftop.

 

"Wait, Minjeong. Sintas ko lang sapatos ko."

 

Nauna na akong pumasok sa loob at pagkabukas ko ng pinto nakita ko si Ate Karina at Kuya Jaehyun na nag-uusap. Sabay naman silang napatingin sa direksyon ko dahil sa ingay nung pinto. Nahihiya akong ngumiti sakanila at pumunta na sa upuan sa gilid. Napatingin ulit ako sakanila at nakita kong parang papunta sakin si Ate Karina. Bigla namang bumukas yung pinto at napatingin kami kay Minjoo na kakalabas lang dito.

 

"Ang ganda naman dito, Minjeong!" Sabi ni Minjoo at umupo na sa tabi ko. Napansin naman niya na nandito rin sila Ate Karina kaya bumati siya sakanila. "Good morning po!"

 

Nilingon ko sila at nakita ko naman na nakaupo na ulit si Ate Karina sa tabi ni Kuya Jaehyun, ngumiti lang sila samin nung bumati si Minjoo at tinuloy na ulit ang usapan nila. Akala ko pa naman pupuntahan na niya ako, nag-iba lang pala ng pwesto. Ang assuming ko dun.

 

"'Di ba crush mo si Madam president?" Nanlalaking mata kong nilingon si Minjoo.

 

"Laksan mo pa. Jusko ka." Mahina kong sabi sakanya.

 

"HINDI BA CRUSH---" Nilaksan nga ni gago kaya tinakpan ko agad yung bibig niya. Napalingon agad ako kela Ate Karina at nakatingin na nga sila samin. Mukhang nainis ata siya. Pahamak talaga 'tong si Minjoo.

 

Hinampas ko agad si Minjoo pagkaalis ko nung kamay ko sa bibig niya. "Gago ka! Nagalit ata satin!"

 

"Sabi mo laksan ko e. Malay ko bang nagjojoke ka lang."

 

"Gago mo noh? Umagang-umaga."

 

"Gago ka rin. Ginising mo ko e."

 

"Hindi ka makamove-on?"

 

"Hindi." Sabay dila pa nito na parang bata. "Pero ano, crush mo nga?" Pagtatanong niya ulit.

 

Bumuntong hininga muna ako bago sumagot, "Hindi."

 

"Kunwari ka pa. Nung niyakap ka nga niya kilig na kilig ka. Sobrang pula kaya ng mukha mo. Tapos yung ngiti mo kala mo nanalo ka sa lotto. Feeling ko nga mababali leeg mo kakalingon sa upuan nila e."

 

Hinampas-hampas ko siya. Hindi naman kami ganun ka-close pero grabe mang-asar! Pero tama naman mga sinabi niyang nangyari, nakakahiya lang maisip ulit. Hinawakan na niya yung kamay ko para pigilan yung paghahampas ko sakanya. Sakto namang lumiliwanag na at nakikita kong sumisilip na yung araw. Ang ganda dahil yung liwanag ng araw ay nahahalo sa asul ng langit. Sobrang nakakamangha, kanina kasi sobrang dilim pa tapos ngayon parang grabe yung buhay ng paligid. Tumingin ako kay Minjoo para tignan yung reaksyon niya at nakangiti nga siyang pinagmamasdan ang bukang-liwayway. Napansin ko naman sa gilid ni Minjoo na nakatingin sa amin si Ate Karina.

 

"Hoy bakit kayo magkaholding hands?" Mabilis akong napalingon sa nagsalita. Si Ning pala at kasama naman niya si Heejin at Ryujin. Napatingin ako sa kamay namin ni Minjoo kaya kaagad kong binitawan ito. 

 

"Naglalandian ba kayo? Bakit ganun ka makatitig kay Minjoo?" Sabi ni Ryujin

 

"Nanuod pa kayo ng sunrise ah. Romantic naman masyado." Si Heejin naman yung nagsalita.

 

"Si Minjeong ang pinapanuod si Minjoo e." Nag-apir naman si Heejin at Ryujin.

 

"Ang playgirl mo, Minjeong! Akala ko ba si Madam President?" Pagsingit naman ni Ning sa usapan.

 

"Alam niyo kung tumahimik nalang kaya kayo? Baka marinig nila kayo." Sabi ko sakanila. Sabay nguso kung nasaan sila Ate Karina.

 

"Grabe, Minjeong. Talagang pinakita mo pa kay Madam Pres. Tsk tsk." Pailing-iling pa 'tong si Ryujin.

 

"De pero, crush mo rin ba ako, Minjeongie?" Nilapit pa ni Minjoo mukha niya sa mukha ko. Tangina nilang lahat!!! Marahan kong tinulak yung mukha ni Minjoo at narinig kong nagtatawanan na sila. Hindi ko na lang sila kinibo dahil asar talo na talaga ako. Napansin ko namang naglalakad na si Ate Karina papunta sa pinto palabas ng rooftop. Nagtama yung tingin namin at ngingiti na sana ako kaso mabilis niyang iniwas yung mata niya at bumaba na. Nagmamadali na siguro kasi magstart na rin yung program ngayong umaga.

 

---

 

Hindi ko alam kung malas lang ako ngayong araw dahil eto ako ngayon hinihila ni Minjoo papunta sa groupmates namin para sa activities. Katatapos lang namin kumain ng breakfast nung biglang inannounce na yung groupings. Bakit sa lahat naman ng makakagrupo ko, siya pa?

 

Nakita na namin na nakaupo sa ground yung mga makakasama namin. Si Giselle lang ang kilala ko sa mga kagrupo namin at syempre si Minjoo. Nagpakilala kaming tatlo at ganun din naman sila Yeonjun, Olivia, Jeno tsaka Sunghyuk na mga taga iba't-ibang schools. Tumingin ako sa ibang grupo at binilang kung ilan sila, nagtaka ako kasi pito lang kami tapos lahat ay walo naman.

 

"Sino pa yung isa nating ka-group?" Tanong ko kay Giselle.

 

"Si Jimin. Kinuha niya lang yung first clue ng group natin since siya yung leader." 

 

"Sino yun?" Parang familiar yung Jimin. Sino ba yun?

 

Naramdaman kong binatukan nalang ako bigla ni Minjoo, "Si Madam President! Tinanong mo na kay Ryujin yun ah."

 

"Kailangan talaga namamatok? Nalimutan ko kasi! Leche ka talaga."

 

Habang hindi pa nags-start, naggetting to know each other naman kaming magkakagroup. Mas matanda pala yung tatlong lalaki samin, grabe pa naman ako makatawag sa pangalan nila nung una, nakakahiya baka isipin wala akong galang. Tumabi naman sakin bigla si Kuya Sunghyuk at pinagmasdan ako.

 

"Alam mo may kamukha ka! May Ate ka ba?" Pagtatanong nito sakin.

 

Tumango-tango naman ako sakanya. 

 

"Taeyeon ba pangalan?" 

 

Gulat na gulat akong napatingin sakanya, "Hala??? Paano mo po nalaman?"

 

"Sabi na nga ba e! Kaibigan niya kasi si Ate Seohyun! Kadalasan nasa bahay silang magtotropa kaya ayun." 

 

"Ah! Opo, nagpupunta rin po minsan si Ate Seohyun sa bahay. Grabe, small world." 

 

Dahil sa nalaman naming impormasyon sa isa't-isa, nagkwentuhan na kami tungkol sa mga ate namin. Tawang-tawa ako sa mga kwento niya kasi nakikita raw ni Kuya Sunghyuk pag-umiinom sila Ate dun sakanila at sobrang gugulo raw. Minsan daw nakita niya si Ate Taeyeon na gumagapang na sa sahig tapos nakita rin niya si Ate Sooyoung umiiyak sa gilid. Si Ate Yuri naman nag-iinterpretative dance daw sa mga kinakanta sa karaoke.

 

"Sure ka bang tropa nila si Ate Seohyun?" 

 

Natawa siya sa sinabi ko, "Naku! Nagclick silang magtotropa. Hindi ko na rin alam paano. Kulang pa nga sila nun e, pero sobrang gugulo na." 

 

Tuloy lang kami sa pagkukwentuhan at pagtatawanan ni Kuya Sunghyuk, nalaman ko rin na taga JPHS pala siya. Medyo malapit lang sa school namin yun. Natigil kami sa pag-uusap nung biglang umupo sa gitna namin si Ate Karina at inexplain na agad yung gagawin.

 

"Okay, guys. May 12 stations sa paligid natin. 12 groups tayo so iba-iba tayo ng unang station. Sa fourth station unang pupuntahan natin since we're group 4. Next station depends sa hint na makukuha natin after we completed the challenge sa bawat station. In order to win, kailangan mauna nating matapos lahat ng stations. 15 minutes nalang ay mag-start na so, any questions?" 

 

Umiling-iling kami. Nararamdaman ko na yung excitement dahil medyo competitive din talaga ako sa mga ganito. Hindi na kami masyado nagplano since wala naman kaming idea kung anong meron sa mga stations. 

 

Naramdaman kong tinapik ako ni Ate Karina kaya napalingon naman ako sakanya.

 

"Are you nervous?" Tanong niya.

 

"Medyo po at excited. Pero medyo inaantok din po dahil ang aga ko nagising." 

 

"Magigising ka niyan sa activities. Magaling yung naka-assign dun e, as far as I know. Kaya enjoyable talaga."

 

Hindi ko alam bakit tuwing kasama ko na siya, wala na akong masabi. Sa text ang daldal ko pero sa personal, nganga na. Inayos ko nalang yung sintas ng sapatos ko para hindi maging sagabal mamaya.

 

"You should double knot it, Winter." Sabi bigla ni Ate Karina. Ano raw?

 

Mukhang na-realize niya na hindi ko naintindihan kaya pinaharap niya ako sakanya at nakita kong tinali niya pa ulit yung sintas ng sapatos ko. Inayos ko na ulit yung upo ko at sakto naman nagsalita na yung emcee ngayon. Magstart na raw yung activity.

 

"Stick with me, okay?" Sabi sakin ni Ate Karina.

 

"Okay po." Parang sasabak kami sa gyera dahil sobrang seryoso naman kasi niya. Aakbayan na sana niya ako kaso bigla namang umangkla sa braso ko si Minjoo at hinila na ako papunta sa Station 4. Ano bang meron dito sa babaeng 'to at ang hilig manghila? Ngumiti nalang ako kay Ate Karina at nagpahila na kay Minjoo.

 

Dito sa Station 4, binigyan kami ng malaking dyaryo, tape, tsaka straw. Ang goal ay dapat balutin namin yung itlog ng mga gamit na binigay samin at pagkatapos ihuhulog siya nung facilitator and dapat hindi mababasag yung itlog. May tatlong try lang kami para dito. Kapag hindi raw nagawa magdadagdag ng 30 seconds sa final na oras namin. 

 

Nagsimula na kami mag-isip ng plano.

 

Ang una nilang ginawa ay nilagyan ng tape yung itlog tapos binalot ng dyaryo tsaka ng straw at nilagyan ulit ng tape. Limited lang yung supplies kaya hindi kami pwede gumamit ng marami hangga't hindi kami sure sa plano. Tumuntong na sa upuan ung faci at hinulog yung itlog. Nabasag.

 

Natahimik kami saglit hanggang sa nakaisip ako ng idea. Nagpaalam ako para gawin yung idea ko at pumayag naman si Ate Karina.

 

Bale ang ginawa ko ay bumuo ako ng pyramid sa mga straw para nasa gitna yung itlog. Tapos nagkonekta pa ako ng mga straw pa sa gilid nung pyramid para napapalibutan talaga yung itlog. Naisip ko na yung legs nung pyramid yung tatanggap nung impact kapag hinulog at hindi didirekta sa itlog. Habang ginagawa ko yung model narinig ko si Kuya Yeonjun na nagsalita.

 

"Nasasayang yung tape natin sa ginagawa mo e. Mamaya pumalpak pa yan."

 

"We haven't tried it yet. Don't be so negative. It seems that she knows what she's doing naman." Pagdedepensa sakin ni Giselle.

 

Nanginig na ako nung nilalagay yung tape kasi baka pumalpak nga ako. .

 

"Hey, you're doing great. Tulungan na kita." Hinawakan ni Ate Karina yung nanginginig kong kamay at kinuha na sakin yung ginagawa ko. Tumulong na rin yung iba dahil nagets naman na nila yung gusto kong mangyari sa paglalagyan nung itlog.

 

Binigay na namin sa facilitator yung ginawa namin at tumingin sakin ito bigla. "Idea mo 'to diba? Halika. Tumuntong ka rito sa upuan at ikaw maghulog nito." Ngumiti siya sakin at inabot sakin yung modelo.

 

Nagcountdown sila at nung sumakto na sa one ay pumikit ako at hinulog na yung ginawa namin. Napadilat nalang ako nung nagch-cheer na yung mga kagrupo ko. Tinulungan na ako ni Ate Karina bumaba sa upuan at tuwang-tuwa itong nakatingin sakin.

 

"That was amazing! Ang galing mo naman." Sabi niya sa akin.

 

Lumapit naman agad sakin si Minjoo at niyakap ako. Tumalon-talon pa kami para magcelebrate dahil mabilis kaming natapos. Ang saya pala sa feeling nung mga ganito.

 

Si Kuya Sunghyuk naman lumapit din at biglang ginulo buhok ko. "Mana sa Ate, ah?" Natawa lang ako rito.

 

Naramdaman ko naman na bigla akong inakbayan ni Ate Karina. Tumingin ako sakanya pero nakatingin siya sa facilitator na inabot na samin yung hint sa next station. Binasa namin yung nakasulat sa papel. Mukhang alam naman na naming lahat kaya pumunta na kami sa St

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
crossjmj
Just wanna tell you guys na i'm currently working on chapter 7 :D coz i jgh frm work hehe and idk if tulog na kayo so, post ko nalang siguro mga 8am PHT? ((: (if matapos ko) HAHAHAHA vale~!

Comments

You must be logged in to comment
kgsbjh #1
Chapter 14: yung echos ni minjoo mukhang may totoo eh HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
Kklavs #2
Chapter 6: si sis umayos ang typings ng si ate ganda ang kausap
taglamig_lang
#3
Chapter 13: Karina sabi mo mmessage mo?
yujinergetic_ #4
Chapter 12: KARTOP 🔛🔝
taglamig_lang
#5
Chapter 12: ay may assurance, shet go winter e discover mo na ng tudo ang iyong self!! please kartop
cleofierayne #6
Chapter 12: WHAAHAHAHAHA AYAN KAKASELPON MO YAN! Gagi kinorrect ni Kars na friendly date lang yun hahahahaah grabeng amats talaga yan sayo Win. 😭🤣🤣
Psykotato #7
Chapter 11: Owemji kartop nga fkfjdkssjsnsn
Psykotato #8
Chapter 9: Dear mga hatdog,
Please lang wag kayo panira sa love story ng mga baby accla namin
kwinterrr_
#9
❤️
Psykotato #10
Chapter 7: Lola, what if sumunod ka na kay lolo asap