- 3 -

Bahaghari (editing)
Please Subscribe to read the full chapter

May nararamdaman akong yumuyugyog sa katawan ko. Sino ba 'yon? Natutulog yung tao e. Patuloy parin siya sa pagyugyog sa katawan ko pakiramdam ko makakalas na yung buto ko. Hinablot ko yung kumot at tinalukbong sa sarili ko. Napakaistorbo kasi.

"Hoy, Win! Ano?? Wala kang balak pumasok?" Si Kuya Yugyeom pala 'tong istorbo.

"Anong oras na ba?"

"Alas-singko na!" Sabay yugyog ulit sakin.

Napabalikwas ako agad sa kama. Tangina, eto na nga ba ang kinatatakutan ko. Nakailang warning pa naman sakin yung guard kasi nakailang pagmamakaawa na ako na wag muna ako sarahan ng gate. Baka hindi na gumana yung pagkacute ko nito.

Mabilis naman akong natapos maligo at magbihis. Tumatakbo na ako papuntang school, tinignan ko relo ko  5:25 am palang may 5 minutes pa ako. Kaya ko 'to! Nakaabot na ako sa gate at tinignan ko yung oras 5:29am.

"Kuya! Papasukin niyo ako!" Kinalampog ko yung gate.

Tinignan ako ng masama ni Kuya Bert. "Minjeong, late kana naman 5:30 na."

"Kuya 5:29 palang sakin!!"

"Ang sinusunod ko rito ay itong orasan sa paaralan."

"Please, kuya! 5:29 naman sakin e! Advanced yung sainyo!"

"Ay, Minjeong huwag kang makulit. Nakatingin dito si Principal Boa."

Naiiyak na ako, tinignan ko kung may estudyante ba akong kasunod kaso wala. Kapag may late kasi, magflag ceremony kayong lahat. Kaso ngayon, mukhang mag-isa akong kakanta ng Lupang Hinirang, city hymn at region hymn. Magrerecite din ako ng panatang makabayan at panunumpa sa watawat. Mag-eexercise din ako mag-isa. Bibigyan din kami ng slip na ipapapirma sa guidance. Eh mga kaclose ni Ate mga teachers dito kaya malamang macocompare na naman ako kapag nakita ako. Kesyo ganito, ganyan. Gusto kong sumigaw! Nakakahiya 'to sobra. Etong si Kuyang Guard kasi 5:29 pa nga lang sakin. Nakakainis talaga. Umupo nalang ako sa nakaparadang tricycle dito habang inaantay ko matapos yung flag ceremony.

"Minjeong, pasok ka na raw sabi ni Principal." Narinig kong sabi ni Kuya Bert.

"Hindi naman kasi ako late." Bulong ko sa sarili ko.

"Papirmahan mo nalang daw itong slip sa guidance." Iniabot niya sakin yung maliit na papel. Lumakad na ako papunta sa pila ng mga kaklase ko na paakyat na sa room. Naiinis parin ako kay Kuyang Guard.


---
Break na namin ngayon, nagpabili nalang ako sa canteen ng pagkain ko. Hinahanap ko ngayon yung slip na binigay sakin para ipapirma ko na sa Guidance.

"Minjeong, bakit ka nakabusangot dyan?" Tanong sakin ni Hyunjin.

Napabuntong-hininga ako, kasi naalala ko na naman yung sa gate. "Kasi si Kuyang Guard, dumating ako sa gate 5:29 tapos ayaw ako papasukin kanina. Inisip ko na yung mga gagawin ko nun pero buti nakita ako ni Principal Boa. Pinapasok din ako agad."

Nakita ko na yung slip na nakaipit sa notebook ko kaya nagpaalam na ako kay Hyunjin. Pumunta na ako ng Guidance. Pagkarating ko sa tapat, nakita ko naman ang daming estudyante dun na parang may sinisilip. Narinig ko rin mga sinasabi nila.

"Gago. Ang pogi naman nun."

"Taga saan daw ba ulit yun?"

"Sana lumipat siya dito. Sawa na ako sa mukha ng mga tao rito e."

Nag-excuse naman ako sa mga 'to. Baka hindi ako makakain ngayong break kung antayin kong umalis sila dito. Kumatok na ako sa pinto at pumasok na rin. Nakita ko yung dalawang bisita na nakatalikod kinakausap si Principal Boa. Dumiretso naman ako sa Guidance Counselor namin para magpapirma ng late slip. Sa totoo lang di naman na kailangan kasi hindi ako late sa first class pero nirerecord din kasi nila yung mga laging late sa flag ceremony, ayoko naman ding magsinungaling at pihado sinumbong narin ako ni Kuya Bert. Nagthank you na ako kay Ma'am Wendy at aalis na sana kaso bigla akong tinawag ni Principal Boa.

"Ms. Kim, please assist our visitors. Samahan mo lang sila sa SSG room then you can go back to your class."

Hindi pa ako kumakain! Bakit ba ang malas ng araw na 'to? Inis akong humarap sa mga bisita. Nawala yung inis ko bigla nung nakita kong si Ate Karina pala yung bisita niya at kung sino man 'tong kasama niya. Ngumiti ako kay Ateng Maganda. Kaso hindi na siguro niya ako naaalala sa nangyaring program kahapon kaya mabilis na ako umiwas ng tingin.

Biglang nagsalita si Ma'am Wendy. "Ako nalang pala sasama sakanila. Break time kasi ng mga estudyante ngayon mukhang hindi pa kumakain si Ms. Kim." Masyadong siyang mabait pero okay lang naman kasi sakin kaya mabilis akong umalma.

"Ay, okay lang po sakin. Mabilis lang naman po yun." Pero sa totoo lang sa 4th floor pa yung room ng SSG at gutom na ako. Sana kayanin ko.

"Tara na po?" Pag-aaya ko sa dalawa.

Sumunod naman agad sila sakin. Saktong paglabas namin nakita ko si Ningning na dala yung pagkain ko. Kinuha ko agad sakanya yung zesto, burger at piattos.

"Saan ka punta?" Tanong niya.

"Ah. Ihahatid ko sila sa SSG room."

"Uy!! 'Di ba siya yung kasama mo--" Tinakpan ko agad yung bibig niya at tumingin kela Ate Karina. Nakita kong natatawa siya samin kasi hindi ko parin tinatanggal yung kamay ko sa bibig ni Ning.

"Umalis ka na nga. Baka ma-late ka kay Ma'am Eugene. Sabihin mo inutusan ako saglit ni Principal Boa." Tinulak ko na ito bago may masabi pang iba.


Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Naririnig kong nag-uusap sa likod sila Ate Karina kaya hindi nalang ako nakinig. Baka maisipan pang chismosa ako.

 

"Minjeong, anong floor yung pupuntahan natin? Jaehyun needs to use the restroom kasi. Sunod nalang daw siya."

 

Putangina kilala niya ako. Jusko. Paano niya ako nakilala? Hala, nakita niya ba fb ko? Shet. Nakalimutan ko atang magbura ng old pictures ko. Ay teka, tinatanong pala kung anong floor.

 

"Ah, sa 4th floor po." 

 

"Thank you. Abangan mo nalang ako Jimin para di ako maligaw." Sabi nung Jaehyun at umalis na.

 

Gago. Wait. Kaming dalawa lang dito. Tangina. Kalma, self. Nag-inhale exhale ako at tumalikod na at nagpatuloy na sa pag-akyat sa hagdan. Nilagay ko yung malamig na Zest-o sa mukha ko kasi ang init ng pakiramdam ko. Nakakapagod naman kasi tong inaakyat namin. Naramdaman kong nasa tabi ko na siya at biglang lumingon sakin.

 

"Hello." Sabi niya habang nakangiti.

 

Nilingon ko siya at ngumiti rin. "Uhm... H-hi?"

 

"Ang tahimik mo naman."

 

"Ah. Eh. H-hindi ko po alam sasabihin." Kailangan utal lagi, Minjeong? Hays. Tapos naalala kong kilala niya ako kaya tinanong ko nalang, "Paano mo po ako nakilala?"

 

"You tagged me on facebook, diba? Nagulat nga ako profile picture mo tayo." Natatawang sabi niya. Shet... Nakita na pala niya. Mamayang uwian ko pa kasi sana bubuksan facebook ko.

 

Naramdaman kong umiinit lalo mukha ko. Bwisit na Zest-o 'to. Hindi naman nakakatulong. Help.

 

"Ah... Ang ga

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
crossjmj
Just wanna tell you guys na i'm currently working on chapter 7 :D coz i jgh frm work hehe and idk if tulog na kayo so, post ko nalang siguro mga 8am PHT? ((: (if matapos ko) HAHAHAHA vale~!

Comments

You must be logged in to comment
kgsbjh #1
Chapter 14: yung echos ni minjoo mukhang may totoo eh HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
Kklavs #2
Chapter 6: si sis umayos ang typings ng si ate ganda ang kausap
taglamig_lang
#3
Chapter 13: Karina sabi mo mmessage mo?
yujinergetic_ #4
Chapter 12: KARTOP 🔛🔝
taglamig_lang
#5
Chapter 12: ay may assurance, shet go winter e discover mo na ng tudo ang iyong self!! please kartop
cleofierayne #6
Chapter 12: WHAAHAHAHAHA AYAN KAKASELPON MO YAN! Gagi kinorrect ni Kars na friendly date lang yun hahahahaah grabeng amats talaga yan sayo Win. 😭🤣🤣
Psykotato #7
Chapter 11: Owemji kartop nga fkfjdkssjsnsn
Psykotato #8
Chapter 9: Dear mga hatdog,
Please lang wag kayo panira sa love story ng mga baby accla namin
kwinterrr_
#9
❤️
Psykotato #10
Chapter 7: Lola, what if sumunod ka na kay lolo asap