- 8 -

Bahaghari (editing)
Please Subscribe to read the full chapter

Ako yung tipo ng tao na laging nasasabihan ng "Kakacellphone mo yan." ni Mama. Siguro dahil kinalakihan ko na ang text messaging, na lalong nauso sa kasagsagan ng group messages at mas lumala pa noong nauso na ang pagpplug ng phone numbers, kaya mas dumarami ang katextmate ko. But lately parang nag-aalala na mga kaibigan at ang pamilya ko dahil mas napapadalas na ang pagtutok ko sa cellphone ko. 

Nagsimula kasi ito noong…

 

Pres Ganda: Hahahaha.

 

. Anong sasabihin ko rito?

“Diba, bunso?”

‘Wag ko na kayang replyan?

“Bunso?”

Pero mapuputol ung usapan namin.

“Winter!”

“Ay Winter!” Kamuntik ko na mahulog yung cellphone ko nang bigla akong tinawag ni Ate. “Bakit, te?”

“Kanina ka pa kinakausap ng kuya mo. Sino ba yang katext mo?”

“Wala.”

 

Winter: Kumakain na po ako. Eat well po!

Pres Ganda: Thanks, Winter ((: And to answer your question kanina, wala pa naman akong pinagkakabusyhan this November. Y?

“Winter, kaya ka nga may kutsara at tinidor para hindi ka mahirapan sa pagkain.” Sabi sakin ni Mama habang nakatingin sa isa kong kamay na nagtetext sa ilalim ng mesa.

Ngumiti lang ako at syempre gusto kong ipakitang kaya kong kumain gamit isang kamay lang kaso… yung fried chicken biglang lumipad paalis ng plato ko.

“Hehe, sorry po.” Natatawa ako habang kinukuha ko yung manok na napunta sa gitna ng mesa. Pagkakuha ko, nagtype na ako agad ng reply kay Ate Karina.

Winter: Ah hehehe. Ikw lng po kc naka2text q ngaun. Puro chat sa fb na po friends q XD

Narinig kong nagbuntong-hininga si Kuya Yugyeom sa tabi ko, “Alam mo, mas madaling kumain kung ‘di ka nakatutok sa pagtetext dyan.”

“Nagm-multitask ako!” Sabi ko habang nakatutok sa screen ko. Dinamihan ko na yung sinusubo ko para mas mabilis akong matapos. Susubo pa sana ako kaso nagreply na ulit si Ate Karina, hindi ko naitapat sa bibig ko nang maayos yung chicken kaya natapon yung isang piraso sa sahig.

“Akin na tulungan na kita.” Sabi ni Ate Taeyeon at biglang kinuha sa kamay ko yung cellphone ko. “Kumain kana muna dyan o sasabihin ko sa katext mo kung gaano ka kakalat kumain.”

“Akin na yan!” Sabi ko habang puno ang bibig ng fried chicken. Tinignan ko naman yung paligid ko… Medyo makalat nga. Hindi ko na muna titignan si Mama dahil nararamdaman kong nanlilisik na ang tingin niya ngayon palang.

Pres Ganda: Ingat sa pagpasok! Ako rin pabalik ng school for a meeting.

Naglalakad ako ngayon papuntang school habang binabasa ang message ni Ate Karina. Medyo mabilis siya magreply kaya nakaabang ako agad sa text niya.

Winter: Walking distance lang po ba yung school niyo? Hehehe.

Habang nagtatype ako narinig ko si Ning sumigaw, “Minjeong, tabi!”

Pero huli na ang lahat dahil tumama na yung ulo ko sa malaking poste sa harap ko. 

“Ow! !” Napasigaw ako sa sakit at napahawak sa noo ko. POTAAAA MAY BUKOL!

Nagmamadaling lumapit sakin si Ning habang tawa nang tawa. “Gago. Sinabihan kita ah! Text pa sige.”

Saktong pagkasabi no’n ni Ning ay biglang nagvibrate yung phone ko, babasahin ko na sana kaso bigla akong hinampas ni Ning.

“Hindi ka pa nadala?”


Pres Ganda: Cute naman! Gusto mo pala ng minions. Yes, napanood ko na yun. Hehe ((:

Napangiti naman ako. Cute daw…

“Winter, can you please answer the question on the board?”

Winter: Eh yungsahh1jfld

Nagulat nalang ako nang biglang may humablot sa cellphone ko at pagkatingin ko nakita ko yung galit na mukha ni Miss Bada… Patay!

"You can have this back after class. Now pay attention," Sabi niya at naglakad na pabalik sa harap ng klase.

Napabuntong-hininga nalang ako at napahampas ng palad sa noo, huli na nung naalala ko na may bukol nga pala ako.

“Aray…” bulong ko nang tahimik. Nakita ko naman yung mga kaibigan kong tinatawanan ako.

Kapag minamalas ka nga naman…


Sabado ngayon at nandito kami ngayon sa mall ni Jaemin. Kakapasok lang namin sa sinehan at hinanap ko na agad yung upuan namin dahil nagsisimula na yung movie. Sa totoo lang, hindi ko rin alam bakit ako pumayag lumabas kasama siya. Hindi ko pa rin siya nakakausap tungkol sa amin. Kaso ano namang sasabihin ko? Hays. Nilabas ko agad ang phone ko dahil kausap ko pa nga pala si Ate Karina.

*tok* *tok*

Winter: Ah manunuod lang po ng sine X)) ikaw po?

Napalingon naman ako nang may biglang nag-Shhh sa harapan namin. Nahiya ako kaya medyo tinakpan ko yung phone ko dahil rinig na rinig pala yung pagt-type ko. Naramdaman ko namang nagvibrate ito at nagreply na agad si Ate Karina.

Pres Ganda: No idea pa on what to do… What are you gonna watch? Sino kasama mo? ((:

Tumingin muna ako sa paligid kung may nakatingin ba at tsaka nagtype ng reply ko.

*tok* *tok*

Bigla namang may nagsalita sa likod namin, “May nanunuod dito.” 

“Sorry po.” Paumanhin ko. Napansin ko namang tumingin si Jaemin sakin.

“Sino ba katext mo? Importante ba yan?” Pabulong niyang tanong sakin.

*tok* … *tok* …

“Rereplyan ko lang saglit tas manunuod na ako.” Sabi ko habang maingat na nagt-type ng reply para hindi marinig ng mga katabi namin. “Uhm… ano nga ulit ‘tong pinapanuod natin?”

Umiiling-iling si Jaemin bago sumagot sa akin. “Ender's Game.”

Winter: Rmdets hame p ksna haebom

Pres Ganda: Hahaha. I don't understand. Enjoy the movie! :)

Winter: hi! ktatapos lng po! naghahanap nman po kmi ngaun ng kakainan. 

Pres Ganda: I was just about to ask you what you can recommend na restaurant, hehehe. Naghahanap din kami.

Winter: Mcd

“Oof” Kasabay ng pagkabangga ko sa nakasalubong ko ay ang paglipad naman ng cellphone ko paalis ng kamay ko, nakita kong nahulog din yung cellphone nung nabangga ko. Pagkatingin ko ay iphone pala yung cellphone niya at katabi nito ay yung kalas-kalas na samsung phone ko buti nalang pinulot agad ni Jaemin yung mga piraso.

“Hala, Jaemin. Nakita mo ba kung saan napunta yung battery?” Tanong ko sa kasama ko.

“Here you go.” Mabilis naman akong napalingon sa babaeng nagsalita sa likod ko.

“Pres??!” 

“Hi, Winter.”

“Sorry, nahulog yung phone mo!” Inabot ko agad sa kanya yung cellphone niya sabay kuha ko nung battery sa kamay niya at inabot kay Jaemin.. Napansin ko naman yung kasama niyang lalaki. Si Kuya Jaehyun.

“It’s alright. I was busy with my phone din.” Omg… Kumindat ba siya sakin? What?

“Uhm. Sige una na po kami.” Hinila ako ni Jaemin paalis kaso bigla naman akong hinawakan ni Ate Karina sa kabila kong kamay. Ganito pala feeling ng mga bida sa mga palabas. Natawa naman ako. Napatingin sa akin si Ate Karina at ngumiti.

“Why don't we guys eat together?” Sabay na lumingon kay Ate Karina yung dalawang lalake at mabilis na umalma.

“Okay lang po. Wag na. May pupuntahan pa po kami ni Minjeong.”

“We have plans, Karina.”

“Akin po, okay lang.” Okay. Siguro dapat hindi nalang ako nagsalita dahil ramdam kong inis na nakatingin sakin yung dalawa.

“Okay, good. Let's go guys.” Sabay hila sa akin at pinag-angkla ang braso namin.

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
crossjmj
Just wanna tell you guys na i'm currently working on chapter 7 :D coz i jgh frm work hehe and idk if tulog na kayo so, post ko nalang siguro mga 8am PHT? ((: (if matapos ko) HAHAHAHA vale~!

Comments

You must be logged in to comment
kgsbjh #1
Chapter 14: yung echos ni minjoo mukhang may totoo eh HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
Kklavs #2
Chapter 6: si sis umayos ang typings ng si ate ganda ang kausap
taglamig_lang
#3
Chapter 13: Karina sabi mo mmessage mo?
yujinergetic_ #4
Chapter 12: KARTOP 🔛🔝
taglamig_lang
#5
Chapter 12: ay may assurance, shet go winter e discover mo na ng tudo ang iyong self!! please kartop
cleofierayne #6
Chapter 12: WHAAHAHAHAHA AYAN KAKASELPON MO YAN! Gagi kinorrect ni Kars na friendly date lang yun hahahahaah grabeng amats talaga yan sayo Win. 😭🤣🤣
Psykotato #7
Chapter 11: Owemji kartop nga fkfjdkssjsnsn
Psykotato #8
Chapter 9: Dear mga hatdog,
Please lang wag kayo panira sa love story ng mga baby accla namin
kwinterrr_
#9
❤️
Psykotato #10
Chapter 7: Lola, what if sumunod ka na kay lolo asap