- 7 -

Bahaghari (editing)
Please Subscribe to read the full chapter

“Guys we need to wake her up.”

“Gusto mo ikaw yumugyog, Giselle?”

“Gagi wag! Alam niyo namang napuyat yan e, baka kay Giselle mainis. Try niyo ulit.”

“Why did she stay up late?”

“Because she thinks of…”

“Sige Heejin ipilit mo! Wag mo na po isipin, Pres. Minsan po ganito lang talaga si Minjeong.”

“Kaya nga po sinasabi ni Tita pwede siyang kasama sa lamay e.”

 

Tangina ang ingay. Nagtalukbong ako ng kumot kaso biglang may nagtanggal ulit at nilayo sakin yung kumot.

 

“Akin na.” Mariin kong sabi habang nakapikit dahil baka mahirapan na akong makabalik sa pagtulog.

“Huy, ayoko na. Nagalit. Sabi sainyo hayaan nalang nating si Sir Danny manggising e.”

“Ning, parang timang. Baka pagalitan pa yan.”

“Ayaw mo ngang itry gisingin e. Ikaw dito.”

“Let me try.”

 

Naramdaman ko namang biglang may humahaplos na sa buhok ko. Mas inantok ako.

 

“Winter? Hey, you need to wake up.”

“Hmm?”

“Breakfast na.”

“Mhm. Kayo na lang kumain.”

“Bawal magskip ‘di ba? Bad ‘yon.”

 

Huh? Dahan-dahan akong dumilat at tama nga ako. Si Ate Karina itong gumigising sakin. Naalarma naman ako at tinakpan agad ang bibig ko.

 

“Gising na po ako. Wag kana po masyado lumapit.” Sabi ko habang nakataas yung isa kong kamay para may distansya saming dalawa. Nakakahiya. Baka maamoy niya yung morning breath ko.

“Hulog ka ng langit, Pres!” Biglang sabi ni Ryujin.

“You guys can go eat your breakfast na, ako na muna sasama kay Winter.” Sabi niya sabay tingin kay Giselle. “Assist mo nalang sila para alam nila Manang na na-late lang sila.”

“Okay, i’ll get you guys your food na rin.” Sabi ni Giselle bago umalis na kasama sila Ryujin.

 

Kinuha ko na agad yung toiletries ko at naglalakad na kami papunta sa shower room.

 

“Napuyat ka raw?” Tanong sakin ni Ate Karina.

“Ah, opo. Katext ko po si Jaemin.” 

 

Actually, hindi naman kami matagal nagkatext ni Jaemin. Sinabi ko lang yung ginawa rito sa training at sinabi ko rin na kailangan namin mag-usap pagkauwi. Ang talagang dahilan ng pagkapuyat ko ay siya… at ang sagot niya kay Kuya Jaehyun. Nacurious lang ako… Pero syempre hindi ko naman sasabihin ‘yon sa kanya.

 

“Oh, I see. Sige na magshower kana, I’ll wait for you sa labas.” Umalis na siya agad kaya pumasok na ako sa isang cubicle.

 

 

“Here you go.” Inabot niya sakin yung breakfast ko at pumunta na kami sa malapit na bench.

“You can take your time. Hindi pa dumarating yung medals and trophies for the awarding kaya may free time tayo.”

“Asan po sila Ning?”

“Gi is touring them around the school.” 

 

Tumango-tango ako at nagsimula na kaming kumain. Hindi ako mapakali dahil walang umiimik samin kaya rinig na rinig ko yung lakas ng tibok ng puso ko. Nahihiya ako kahit hindi naman niya naririnig. Natapos na kaming kumain at bigla namang sumulpot si Kuya Jaehyun sa tabi ni Ate Karina.

 

“Kanina pa kita hinahanap. Pinapatawag tayong officers.” Sabi nito.

Lumingon sakin si Ate Karina at nagtanong, “Will you be okay here?” 

“Opo. Una na po kayo.” Tiningnan ko si Ate Karina nang mabilis at inayos ang lamesa upang hindi mahalata na ayaw kong tignan silang magkasama ni Kuya Jaehyun. Ayaw kong isipin ulit kung ano man ang nangyari sa usapan nila kagabi.

Napatingin naman siya kay Kuya Jaehyun bago tumingin ulit sakin. "I'll find you after the meeting ha? Enjoy your time muna." Sabi niya bago umalis kasama si Kuya Jaehyun.

 

Sakto namang lumapit si Minjoo. "Napag-usapan niyo ba yung nangyari kagabi?" tanong niya.

Umiling-iling ako. “Hindi ko na rin tinanong. Tungkol sakanila naman yun e, ayaw ko manghimasok.”


 

 

Alas-kwatro na natapos ang awarding kaya ngayong ay puro photo ops nalang ang ginagawa ng ibang mga students habang nag-aantay ng kanya-kanyang service. Nakatayo lang ako sa gilid ng stage habang nakatingin sa mga grupong nagpipicture sa stage. Nakita ko rin na ang daming nakapila kay Ate Karina para magpapicture, gusto ko rin sana kaso baka mapagod na siya sa sobrang dami. 

 

Napansin ko naman na pinipicturer-an ni Sir Danny si Ningning dahil nanalo ito sa singing contest, tuwang-tuwa si Sir dahil ngayon lang nag-uwi yung school namin ng unang papremyo sa contests ng leadership training. Grabe kung iisipin, ilang years na pala kaming bokya? Group pala nila Ryujin ang nagchampion dun sa Stations chuchu kahapon, pangalawa naman yung group namin nila Ate Karina. Okay lang naman, ang mahalaga nag-enjoy lahat.

 

"Kanina ka pa nakasimangot. Wag kana malungkot 2nd place naman kayo e." Sabi ni Heejin sa tabi ko.

Oo na, inaamin ko. Hindi talaga okay sakin. 10 seconds lang lamang ng grupo nila Ryujin. 10 SECONDS!! Hay. Nadidismaya na naman ako ngayong iniisip ko ulit. Epal si Heejin pinaalala pa.

"Gago wag mo na i-bully, paiyak na oh." Pang-aasar naman ni Ningning. Hindi lang nila alam, maiiyak talaga ako.

Naramdaman ko naman na may biglang umakbay sa akin, nilingon ko at nakita kong nakangiti sa akin si Minjoo, "Masaya naman tayo habang ginagawa yung activities diba?" tanong niya sakin.

"Oo naman. Nanghihinayang lang talaga ako." Sabi ko at sinandal ang ulo sa balikat niya. 

 

Kaninang awarding ko pa nilalaban itong antok ko. Buti nalang pauwi na kasi hindi ko na talaga kaya. Pumikit na muna ako para makaidlip sana kaso biglang umingay kaya napadilat ako at saktong nagkatamaan kami ng tingin ni Ate Karina kaso biglang may lalaking humarang at napansin kong inaabutan na siya ng flowers. Si Kuya Jaehyun pala.

Jusko dinaig pa nila Kathniel sa dami ng kumukuha ng litrato nila.

 

“Hala. May pa-flowers, pumayag siguro si Ate Karina noh?” Sabi ni Heejin sabay tingin sa amin.

"Huy, Minjeong. Ayusin mo nga tingin mo. Para kang papatay dyan." Biglang saway sakin ni Ning. Hindi ko naman namalayan na masama na pala tingin ko.

"Ang ingay kasi. Tutulog dapat ako." Angal ko naman. Hindi ko alam kung ayun ba dahilan ko o... Hays, ewan ko. Bakit ba ako nagkakaganito? Ano naman kung nililigawan na niya si Ate Karina?

"Ah, talaga ba?" Nakangising sabat ni Ryujin. 

"Bakit nandito ka? Saan si Ate Yeji?" 

"Umalis na yung school nila e."

"Hala, gago? Transformers yung school nila?" Tanong ko.

"Alam mo? Sana maging si Kuya Jaehyun at Ate Karina." 

"Edi happy for them. Stay strong sa kanila. Pakyu ka." 

"Oh awat na. Nag-text na si Sir. Baba na raw tayo, dumating na ung bus natin." Pag-aawat ni Minjoo samin.

"Minjoo tabi tayo ah."

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
crossjmj
Just wanna tell you guys na i'm currently working on chapter 7 :D coz i jgh frm work hehe and idk if tulog na kayo so, post ko nalang siguro mga 8am PHT? ((: (if matapos ko) HAHAHAHA vale~!

Comments

You must be logged in to comment
kgsbjh #1
Chapter 14: yung echos ni minjoo mukhang may totoo eh HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
Kklavs #2
Chapter 6: si sis umayos ang typings ng si ate ganda ang kausap
taglamig_lang
#3
Chapter 13: Karina sabi mo mmessage mo?
yujinergetic_ #4
Chapter 12: KARTOP 🔛🔝
taglamig_lang
#5
Chapter 12: ay may assurance, shet go winter e discover mo na ng tudo ang iyong self!! please kartop
cleofierayne #6
Chapter 12: WHAAHAHAHAHA AYAN KAKASELPON MO YAN! Gagi kinorrect ni Kars na friendly date lang yun hahahahaah grabeng amats talaga yan sayo Win. 😭🤣🤣
Psykotato #7
Chapter 11: Owemji kartop nga fkfjdkssjsnsn
Psykotato #8
Chapter 9: Dear mga hatdog,
Please lang wag kayo panira sa love story ng mga baby accla namin
kwinterrr_
#9
❤️
Psykotato #10
Chapter 7: Lola, what if sumunod ka na kay lolo asap