- 9 -

Bahaghari (editing)
Please Subscribe to read the full chapter

Monday na naman. Buti nalang at malapit na magdecember dahil gusto ko na talagang magbakasyon. Wala kaming ginagawa ngayon dahil busy magmeeting ang mga teachers para sa mga activities and syempre christmas party.
 

“Yie. Minjeong, nakipagdate ka pala nung sabado ah.” Panggugulo sa ‘kin ni Heejin. Paano naman kaya nito nalaman?

“Hindi date ‘yon. Sakto lang na nagkita kami ni Ate Karina. Tapos inaya na niya akong magtimezone.” 

“Pinagsasabi mo? Date niyo ni Jaemin kasi tinutukoy ko e. Kasama niyo si Pres?”

Ah… yung kasama si Jaemin. Tsk. Nawala sa isip ko. “Ah, oo. Magkasama kasi kami ni Jaemin tas nakasalubong namin si Ate Karina at Kuya Jaehyun.”
 

Narinig ko naman yung paghatak ng mga upuan papalapit sa akin. Dito talaga magaling mga kaibigan ko e. Sa chismis.

“Nagdouble date kayo?”

“Nililigawan na ba siya?”

“O sila na?”

“Kayo na ba ni Jaemin?”

“Sino ba talaga gusto mo?”

“TEKA LANG!” Pagpapatahimik ko sa kanila. Huminga muna ako ng malalim bago ikinuwento lahat ng pangyayari nung Sabado.

“... at sabi naman ni Ate Karina friendly date daw ‘yong kanila.” 
 

Pagtapos ng kwento ko ay natahimik sila. Mukhang mga nag-iisip. Wow. Ang unang bumasag ng katahimikan ay si Ryujin.
 

“Tol, kung ako sa ‘yo kakausapin ko na si Jaemin para hindi na umasa sa ‘yo dahil mukhang iba naman ang gusto mo.”

“Hindi ko gusto si Ate Karina. Hinahangaan ko lang,” mabilis ko ng pagdedepensa.

“Defensive mo naman masyado, mars. Wala namang binanggit na pangalan,” sabi ni Ning.

“Alangan namang si Kuya Jaehyun tinutukoy ni Ryujin?” Pagtataray ko sa kanya.

Natawa naman si Heejin sa sinabi ko. “Oo nga naman, Ning.”

Siniko naman ni Ning si Heejin bago nagsalita ulit. “Mukhang gusto ka rin naman ng gusto mo dahil nilinaw na friendly date lang daw ‘yong kanila ni Kuya Jaehyun.”

“Malay niyo naman ayaw lang ni Ate Karina na ma-issue sila. ‘Wag niyo paasahin si Minjeong,” sabi ni Heejin.

“Anyway! Kausapin mo na ngayon din habang wala naman tayong ginagawa,” utos ni Ryujin sa ‘kin at parang iniitsapwera na ako.

“Oo na nga e. Lalabas na o.”

Tumayo ako agad at pumunta na sa labas ng room. Bago ako pumunta kay Jaemin ay nagCR muna ako. Kailangan ko rin isipin yung mga sasabihin ko.

Pag-upo ko ay biglang nahagip ng mata ko ang nakasulat sa pinto ng cubicle na nakapentel pen pa.
 

P*******a mo Minjeong ng section 1. Ang landi mo.
 

Una sa lahat, bakit naman pati sa pinto ng cubicle magvavandalize siya?

Pangalawa, bakit naiiyak ako?
 

Tumayo ako agad at nagflush bago dali-dadaling bumalik sa room. Pumwesto ako sa likod para hindi ako mapansin ng mga kaibigan ko na busy magkwentuhan sa harap. Yumuko ako agad dahil nararamdaman ko namang patulo na ang luha ko.

“Minjeong?” Tawag sa ‘kin ni Minjoo. Pumasok pala siya, akala ko absent e.

“Bakit?” Sagot ko habang nakayuko pa rin.

“Bakit ka umiiyak?” 

“Hindi ah.”

“Okay, sabi mo e.” Naramdaman ko namang umupo siya sa tabi ko. “Andito lang ako if gusto mo ng kausap.”

“Anong nangyari dyan?”
 

Hindi ko nakita kung anong sinabi ni Minjoo kaya nagulat ako nang inangat ni Ryujin yung ulo ko.

“Sinong nagpaiyak sa ‘yo?”

“Wala.”

“Si Jaemin ba?” Tanong ni Heejin.

“Hindi.”

“Lagot talaga sa ‘kin yung lalakeng ‘yon.” Paalis na sana si Ryujin pero pinigilan ko agad. Napakawarfreak.

“Hindi nga siya. Kulit.”

“Eh, sino mars?” Nag-aalalang tanong ni Ning.

“Tsk. Wala. May nabasa lang ako sa pinto ng cubicle sa CR.” Mabilis namang tumayo si Minjoo at lumabas ng room. Titignan siguro ‘yong nakasulat.
 

Maya-maya ay pumasok na ulit siya sabay kuha ng pang-linis sa likod ng blackboard at umalis na ulit. Mabilis namang sumunod mga kaibigan ko kaya napasunod na rin ako.

Binasa muna nila isa-isa at tsaka nagsimula na silang tulungan si Minjoo tanggalin ‘to. Habang tinitignan ko silang linisin ‘yon, naiyak ulit ako.

“Bakit kaya nila nasabi ‘yon?” 

“Baka isa ‘yon sa mga bruhang patay na patay kay Jaemin,” sabi ni Ning.

“‘Wag mong dibdibin, mga inggit lang ‘yon,” dagdag ni Heejin.

“Oo nga pala. Hindi ko pa siya nakakausap.”

“‘Wag na muna. Kagagaling mo lang sa iyak e,” sabi ni Minjoo.
 

Pagtapos nila ay bumalik na kami sa room. Wala pa rin ung mga teachers dahil nasa meeting pa, ilang oras nalang uwian na rin. Unti-unti namang nagsisialisan ang mga kaibigan ko dahil may kanya-kanyang meetings at practices din sa respective clubs nila at dahil tapos na ‘yong Math week ay walang meeting ngayon ‘yong club namin kaya kami lang ni Minjoo ang naiwan na magkasama ngayon.

“Bakit di ka kasama sa meeting ng SSG?” Tanong ko kay Minjoo.

“Sa matataas na positions lang ‘yon. Representative lang naman ako.” 

“Ah. Hmm… May gusto kang gawin?” Mas mabuti pang libangin nalang namin sarili namin kesa samahan niya akong magmukmok.

Nag-isip muna siya saglit bago nagsalita. “Tara, tambay tayo sa SSG Room.”

“Eh may meeting dun ‘di ba?”

“Wala. Hindi sila dun nagm-meeting, wala kasing aircon kaya sa library sila ngayon.”
 

Lumabas kami ng room at dumiretso muna sa canteen para bumili ng snacks dahil manunuod daw kami ng movie. Ang dami niyang binili at halos mga paborito kong pagkain mga kinuha niya. Sumilip muna siya sa SSG room bago ako pinapasok, hindi gaano kalaki yung room nila pero maraming pwedeng gawin dahil may board games, TV at computer din. Habang namimili si Minjoo ng papanuorin ay inaayos ko na sa lagayan yung mga snacks at inusog yung bean bag na uupuan namin, medyo malaki ito kaya feeling ko naman kasya na kami.


“Minjoo itetext ko nalang si Ryujin na andito tayo para in case hanapin nila ah.”

“Sige lang,” Sabi niya at umupo na sa tabi ko.


Minjeong: d2 kami ni minjoo sa ssg room ah.
Ryujin: oks, pnta kmi jan after nito. Dpa nagstart may inaantay kmi. May surprise aq ;)
Minjeong: sana fries :D
Ryujin: :P 
 

Binulsa ko na yung cellphone dahil nagsisimula na yung movie. Flipped yung title. Umpisa palang nung movie ay napangiti na ako. Iba talaga ang tama ng first love. Tinignan ko naman si Minjoo at mukhang enjoy na enjoy din siya sa pinanunuod namin. Pinagmasdan ko yung mukha niya, napangiti ako dahil naaalala ko nung nagkacrush ako sa kanya no’ng una ko siyang nakita. Gandang-ganda kasi ako sa kanya no’n tapos naging seatmates kami at naging friends kaya nawala na rin ‘yong pagkakaroon ko ng crush sa kanya.

Binalik ko na ang atensyon sa pinanunuod namin. Medyo naiinis na ako kay Bryce dahil ang mean niya kay Juli, pero ewan ang creepy ng tingin kasi niya kay Juli sa point of view niya kaya ‘di ko rin siya masisi. ‘Yong Lolo niya mabait kay Juli ang dami ring words of wisdom pero ‘yong about honesty talaga ‘yong pinakatumatak sa akin. 

“Sometimes a little discomfort in the beginning can save a whole lot of pain down the road.”

Naalala ko naman si Jaemin dahil alam kong kailangan kong sabihin sa kanya ‘yong nararamdaman ko para hindi na masyadong lumalim ang nararamdaman niya. Ayaw ko namang masaktan ko siya dahil hindi ako sure sa nararamdaman ko. Tsaka, masyado pa rin kaming bata siguro para pumasok sa seryosong relasyon.

“So, nagustuhan mo ba yung movie?” Tanong sa akin ni Minjoo habang inaayos na namin yung mga kalat namin.

“Oo, ang cute. Pinapakita nila yung complications ng first love tas sobrang innocent at genuine lang,” Sabi ko habang tinatago ko naman ‘yong mga natirang pagkain namin.

“Gumaan ba pakiramdam mo?”

“Medyo. Thank you ah. The best ka talaga.”

Natawa naman siya. “Ako pa ba.” Bigla naman siyang tumingin sa akin at ngumisi. “So, nagkafirst love ka na ba?”

“Hindi pa. Ewan. Paano ba masasabi kung love na?”

Nagkibit-balikat naman siya at humiga na sa sofa. “Aba, malay ko. Hindi pa rin ako e.”

“Sarap siguro mainlove.” Sabi ko.

“Siguro. Pero syempre minsan masakit din lalo kung one-sided.”


Mukhang lulungkot lang ‘tong topic kaya tinapos ko na agad. “‘Wag na muna natin pag-usapan. Wala pa naman. Usog ka nga.” Umusog naman siya agad at humiga na rin ako sa tabi niya hanggang sa ‘di ko namalayang nakatulog na ako.





“Dinala ko na yung bag nila. Jusko. Nalimutan kong dala natin yung textbooks ngayon.”

“Tas walang ginawa noh. Hahaha.”

“Tawa ka dyan, Ning? ‘Di mo man lang ako tinulungan.”

“Sorry na, beh. Katatapos lang kaya ng practice namin.”

“Ewan sa ‘yo. Saan na si Madam?”

“NagCR lang kasama si Gi.”

“Eh bakit ‘di mo pa ginigising ‘tong dalawa, beh? Lagot kapag nakitang magkayakap yan.”

“Tignan mo kasi yung mata ni Minjeong. Mugtong-mugto. Napagod ata kakaiyak.”

“Kanino naman malalagot, Ning?”

“Kay Ate Karina? Ewan ko.”


Lambot naman nitong yakap ko. Gusto ko pa sana matulog kaso hindi ko na kinaya yung ingay nila at sobrang sakit pa ng ulo at mata ko. Peste talaga, bakit ko ba iniyakan pa ‘yon.

“Aray, Minjeong. ‘Wag mo akong pisatin.” Napadilat agad ako at oo nga pala, katabi ko nga pala si Minjoo. Katabi ko si Minjoo… Shet! Yakap na yakap pa ako!

“Guys?”

Napatingin kaming lahat sa nagsalita at nasa pinto nakatayo habang nakatingin sa ‘min ay si Giselle at Ate Karina. Lumingon naman ako kay Minjoo at hindi pa pala kami naghihiwalay kaya inalis ko agad yung braso kong nakayakap sa kanya. Bumangon na ako agad at inayos ko ung buhok ko at tinanggal ang mga muta ko sa mata.

“Hi, Pres,” pagbasag ni Heejin sa katahimikan.

“Hi, guys.”

“Mainit dito sa loob, labas muna tayo.” Pag-aaya ni Ryujin. Sumunod naman silang lahat at naiwan kami ni Minjoo rito sa loob.

“Sorry kanina.” Sabi ko sa kanya.

“Sus! Yakap lang e,” sabi niya at bigla akong niyakap. “Ayan, quits na tayo.”

Hinampas ko siya bago ako tumayo at kumuha ng suklay dahil malamang buhaghag ‘tong buhok ko. Nag-ayos muna kaming dalawa ng itsura namin bago namin sila pinuntahan sa labas ng room.

“Uy. Inakyat ko yung bag niyong dalawa ah,” Bungad sa ‘min ni Heejin.

“Thanks, Heej!” Sabi ni Minjoo.

“Anong ‘thanks’? May bayad ‘yon.”

“Kwek-kwek lang katapat mo,” sabi ko at mabilis naman silang nagtawanan. Nakita ko naman si Ate Karina na papalapit sa akin.

“Hi, Winter,” sabi niya.

“Hello po. Kasama po kayo sa meeting nila Ryu?” 

“Yes. Para sa future activities.”

Tumango lang ako dahil hindi ko na alam anong sasabihin ko.

“Are you okay?” Nag-aalalang tanong niya.

“Uhm. Opo?”

“Sure? You look like you’ve been crying e.” Hala. Magang-maga ata mata ko.

“Ah… eh…” Sabihin ko ba? Hmm. ‘Wag nalang. “It's nothing.”

“Ay wow, nag-eenglish. Natulog ka lang ah.” Biglang entra naman

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
crossjmj
Just wanna tell you guys na i'm currently working on chapter 7 :D coz i jgh frm work hehe and idk if tulog na kayo so, post ko nalang siguro mga 8am PHT? ((: (if matapos ko) HAHAHAHA vale~!

Comments

You must be logged in to comment
kgsbjh #1
Chapter 14: yung echos ni minjoo mukhang may totoo eh HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
Kklavs #2
Chapter 6: si sis umayos ang typings ng si ate ganda ang kausap
taglamig_lang
#3
Chapter 13: Karina sabi mo mmessage mo?
yujinergetic_ #4
Chapter 12: KARTOP 🔛🔝
taglamig_lang
#5
Chapter 12: ay may assurance, shet go winter e discover mo na ng tudo ang iyong self!! please kartop
cleofierayne #6
Chapter 12: WHAAHAHAHAHA AYAN KAKASELPON MO YAN! Gagi kinorrect ni Kars na friendly date lang yun hahahahaah grabeng amats talaga yan sayo Win. 😭🤣🤣
Psykotato #7
Chapter 11: Owemji kartop nga fkfjdkssjsnsn
Psykotato #8
Chapter 9: Dear mga hatdog,
Please lang wag kayo panira sa love story ng mga baby accla namin
kwinterrr_
#9
❤️
Psykotato #10
Chapter 7: Lola, what if sumunod ka na kay lolo asap