- 10 -

Bahaghari (editing)
Please Subscribe to read the full chapter

TUESDAY
 

Karina’s POV
 

Winter: gud morning, Ate Karina! kumain kna po ba? If ndi pa po, kain kna po ng bfast! don’t skip bad po un!!
 

“There she goes again.” Another text from Winter popped up on my phone, asking if I've eaten yet today. She's always checking in on me, making sure I'm taking care of myself. I know she means well, pero minsan it makes me feel...something. Something I'd rather not think about. Hindi ko alam bakit she cares so much about my well-being. I mean, we're friends, but we don't even go to the same school.

It's sweet of her, pero sometimes I wish she wouldn't be so attentive. It stirs up confusing feelings, kahit I know she's just being a caring friend. She probably acts this way with all her friends. Besides, I'm sure may gusto siyang iba.

And I'm fine with that, really. These new feelings are just confusion on my part. Winter is an amazing friend who I'm lucky to have in my life. I don't need anything more than that. My heart doesn't flutter when she smiles at me, or ache when we say goodbye after hanging out. Nope, definitely not. I'm just imagining things. This is just a normal friendship. No need to make things complicated by catching feelings. Winter is my friend, and realistically, that's all we'll ever be - friends. I just need to ignore these confusing new thoughts and feelings I've been having lately. Mawawala rin siguro ‘to… eventually.

Sabi nga ni Heejin, pag-isipan ko raw nang maigi. So, baka some space would help me get clarity. I think I'll hold off responding to Winter's texts muna, just temporarily.  It's not that I want to cut her out or anything. But a little distance might help.
 

//
 

TUESDAY

Winter’s POV

Winter: Lunchtime! kain kna po! 
 

Habang hinihintay ko si Ate Karina magreply ay tumambay muna ako rito sa stage ng school, iniwan ko lang ‘yong bag ko sa bahay kanina at bumalik dito dahil sabi ko kay Jaemin kailangan namin mag-usap kaya hinihintay ko rin matapos ‘yong groupwork nila bago niya ako pupuntahan dito. Hindi ko rin sinabi sa mga kaibigan ko kaya wala akong kasama ngayon dahil alam ko aantayin pa nila ako para malaman agad ang mangyayari. Ayaw ko naman na mawitness nila if ever maging panget ‘yong resulta ng pag-uusap namin.
 

“Minjeong?” Biglang may tumapik sa ‘kin, si Ate Doyeon.

“Uy, Ate!”

“Long time no see ah?” sabi niya at umupo sa tabi ko.

“Oo nga po e. Mukhang busy po tayo pareho.”

“Hindi na nga rin tayo nagkakatext e!”

“Sorry po.”

“Ano ka ba! Ako rin naman hindi na nakakapagmessage sa ‘yo. Okay lang ‘yon. Kumusta kana?”

“Okay lang naman po, daming projects. Ikaw po? Gagraduate na po kayo next year ah?”

Bumuntong hininga naman siya, “Oo nga e, kaya ‘eto daming ginagawa at kailangan ipasa. Puro exams din sa iba’t-ibang schools.”

“Good luck po! Sana friends pa rin tayo no’n.”

“Oo naman!” Parang bigla naman siyang may naalala. “Ay, nga pala. Kayo ba ni Karina?”

Siguro kung umiinom ako ng tubig ngayon baka nasamid na ako or worse nabuga ko kay Ate Doyeon, kabigla-bigla naman kasi tanong niya. “Ha? Hindi po!!”

“Grabe ka naman makahindi, Minjeong. Parang ayaw na ayaw mo ah?”

“Gusto po– I–I mean h-hindi sa ayaw… i mean ano…” Ramdam na ramdam ko ‘yong init ng tenga at mukha ko at mas lalo pa akong nahiya dahil sa lakas ng tawa ni Ate Doyeon.

“Kalma ka lang!” sabi niya sabay hampas sa ‘kin dahil tawa parin siya nang tawa.

“Hoy, Doyeon! Inaapi mo ba si Minjeong?” Sabi ni Ate Yoojung.

Nagpunas muna siya ng luha bago sumagot. “Hindi! Nagtanong lang ako.”

“Kay Karina ba?” mabilis kong nilingon si Ate Yoojung, pucha. Pinagchichismisan ata ako nitong dalawa ah!

Tumawa na naman si Ate Doyeon, “‘Wag mong banggitin, namumula si Minjeong oh!” pang-aasar niya sa ‘kin.

“Ate Doyeon naman eh!” sabi ko rito sabay takip ng mukha ko. Hiyang-hiya na ako. Ang tagal naman ni Jaemin!

“Hindi na, hindi na, pero…” sabay lapit sa tenga ko para bumulong. “Bagay kayo.”

“Hay nako, Doyeon! Maawa ka sa bata,” saway sa kanya ni Ate Yoojung.

“Okay. Stop na ako.”

“Una na kami, Minjeong! May project pa kaming ipapasa nito,” pagpapaalam ni Ate Yoojung sabay hila kay Ate Doyeon. “Bye, good luck sa inyo!” Hindi na ako nakasalita dahil sa sobrang hiya. 
 

Napaisip naman ako sa sinabi ni Ate Doyeon… Bagay kami? Sus. Parang tanga siguro akong umiiling-iling dito dahil kami? Bagay? Parang hindi naman. 
 

“Minjeong?” napalingon ako sa nagsalita at sa wakas andito na si Jaemin!

“Uy, Jaemin.”

“Ako muna may sasabihin sa ‘yo.” pinagmasdan ko siya, parang kinakabahan naman siya. 

“Okay ka lang?”

“Sorry, Minjeong.” Huh? Bakit siya nagsosorry sa ‘kin?

“Bakit?” takang tanong ko rito.

“May girlfriend na ako.”

“Ah–” Wait. “Ano?!” napasigaw ako sa gulat.

“‘Yong bestfriend ko… I’m sorry, Minjeong. Hindi na kasi tayo nag-uusap. Kaya akala ko wala na tayo.”

Nakatingin lang ako sa kanya na siguro halata niyang gulat pa rin. Hindi naman ako galit.

“I’m sorry talaga.” nakayuko na siya. Hindi naman ako galit, kailangan ko lang iprocess ‘yong sinabi niya.

“Okay lang, Jaemin. M.U. lang din naman tayo e.” tinapik ko ‘yong balikat niya at ngumiti. “‘Wag ka mag-alala. Friends?” inilahad ko ‘yong kamay ko.

Tinanggap niya naman at sinabing. “Friends.”
 

Nagsabay na kami sa pag-uwi at pinakwento ko sa kanya kung paano naging sila. Nalaman ko na same section pala sila at ‘yon nga bestfriends daw. Nagtapat daw sa kanya ‘yung girl at ayon mag-2 weeks na raw sila. Nakakaluwag sa pakiramdam dahil iba talaga ‘yong ineexpect ko sa magiging pag-uusap namin ngayon, akala ko magkakagalit kami o magagalit siya sa ‘kin. Masaya naman ako dahil habang nagkkwento siya ay mukhang masaya naman siya. Parang nabunutan na rin ako ng tinik dahil sa totoo lang ang hirap kaya mag-isip ng sasabihin na hindi makakasakit sa feelings tsaka hindi ko alam kung sasabihin ko ba break na kami eh M.U lang naman kami. Anyway! Sana lang hindi awayin no’ng mga patay na patay sa kanya ‘yung girlfriend niya.
 


 

Winter: Good evening! kain kana po ng dinner wag makalimot! eat well!

Hindi ko na nahintay pa kung magrereply siya o hindi dahil after ko gumawa ng assignments at kumain ay antok na antok na talaga ako kaya hindi ko na rin namalayang nakatulog na ako.
 


 

SATURDAY
 

Kung kailan patapos na akong maghugas ng pinggan tsaka naman tumugtog sa Channel V ‘tong kanta ni Carly Rae Jepsen. Edi sana naenjoy ko ‘yung pag huhugas ng pinggan? Sa lahat ng gawaing bahay ‘yun talaga pinakaayaw ko kaso sabado ngayon ako ang nakatoka para gumawa nito.
 

“I want to smash your fears
And get drunken off your tears
Don't you share your smile with anyone else but me”
 

Feel na feel ko naman ang pagkanta ko habang nagpupunas ng kamay at kumuha pa ako ng sandok para gawing mic.
 

“I wanna touch your heart
I wanna crush it in my hands
Make you plead and cry, as you give up all the lies”
 

“Nak.”

“We're not lovers, but more than friends”

“Nak!”

“Put a flame– Bakit po, Ma?” Nagulat naman ako sa sigaw ni mama kaya sinauli ko na ‘yong sandok at kinuha ang remote para hinaan ‘yong T.V.. Sa kwarto nalang siguro ako magcoconcert mamaya.

“Nagtetext daw sa ‘yo ang ate mo. Hindi ka raw sumasagot.”

“Sira cellphone ko, Ma,” sabi ko at umupo na sa sofa katabi ni Kuya Yugyeom.

“Bakit hindi ka nagsasabi?”

“Weh, bunso? Tingin nga.” Epal talaga si Kuya.

“Joke lang, Ma. Hindi ko lang binubuksan,” sabi ko sabay kuha ko ng cellphone sa coffee table, binuksan ko ‘to para tignan kung nagreply na ba siya, kaso wala… Chineck ko na rin mga texts ni Ate Taeyeon. “Wala rin naman akong kausap. Puro chat na kasi sa facebook.”

“Kailangan mo pa rin ‘yan, katulad ngayon baka importante na pala tinetext ng Ate mo,” sabi ni Mama.

“Wala bang facebook cellphone mo?” Tumingin ako ng masama kay Kuya Yugyeom.

“Sa ‘yo ‘tong cellphone ‘di ba. Pinasa mo lang sa ‘kin.” Sabay pakita ko ng cellphone kong panahon pa ni kopong kopong.

Kinuha ni kuya sa kamay ko at tawang-tawa naman siya, “Hindi ka nga pala nagpabili kay Ate Taeyeon. Pwede na ‘tong pamato e.”

“Nyenye.”

“Lambingin mo Ate mo. Magpapasko naman na e,” sabi ni Mama.

“Tignan ko, Ma.” 
 

Sa totoo lang nahihiya talaga ako magpabili-bili ng gamit kahit si Ate Taeyeon naman minsan ‘yung nagppresenta na bilhan ako ng kung anu-ano. Parang nakakapanghinayang gano'n. Hays. Kaya pinagtitiisan ko talaga ‘tong cellphone ko dahil nagagamit pa naman.
 

Pumunta naman ako sa inbox ng cellphone ko… Umaasa na may text galing sa kanya. Naaalala ko kasi ‘yong huling text ko kay

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
crossjmj
Just wanna tell you guys na i'm currently working on chapter 7 :D coz i jgh frm work hehe and idk if tulog na kayo so, post ko nalang siguro mga 8am PHT? ((: (if matapos ko) HAHAHAHA vale~!

Comments

You must be logged in to comment
kgsbjh #1
Chapter 14: yung echos ni minjoo mukhang may totoo eh HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
Kklavs #2
Chapter 6: si sis umayos ang typings ng si ate ganda ang kausap
taglamig_lang
#3
Chapter 13: Karina sabi mo mmessage mo?
yujinergetic_ #4
Chapter 12: KARTOP 🔛🔝
taglamig_lang
#5
Chapter 12: ay may assurance, shet go winter e discover mo na ng tudo ang iyong self!! please kartop
cleofierayne #6
Chapter 12: WHAAHAHAHAHA AYAN KAKASELPON MO YAN! Gagi kinorrect ni Kars na friendly date lang yun hahahahaah grabeng amats talaga yan sayo Win. 😭🤣🤣
Psykotato #7
Chapter 11: Owemji kartop nga fkfjdkssjsnsn
Psykotato #8
Chapter 9: Dear mga hatdog,
Please lang wag kayo panira sa love story ng mga baby accla namin
kwinterrr_
#9
❤️
Psykotato #10
Chapter 7: Lola, what if sumunod ka na kay lolo asap